Professional Documents
Culture Documents
EMCOTECH Retorika Learner's Manual
EMCOTECH Retorika Learner's Manual
RETORIKA
Introduksyon 2
Introduksyon para sa Kurso 2
Modyul 1: Prelim 3
Kahulugan ng Retorika 3
Kasaysayan ng Retorika 4
Kahalagahan ng Retorika 6
Kanon o Batas ng Retorika 9
Ang Retorika sa Proseso ng Mabisang Pagpapahayag 10
Kahulugan at Katuturan ng Balarila 13
Relasyon ng Balarila at Retorika 13
Pagpili ng Mabisang Salita sa Pagbuo ng Kahulugang Nilalayon 14
Kaayusan ng mga Salita sa Pangungusap 15
Paggamit ng mga retorika na kagamitan o transisyunal na pagsasalita 21
Idyoma 21
Iba’t ibang uri ng pangungusap 26
Modyul 2: Midterm 27
Kapangyarihan ng Wika 27
Pagtuklas sa kahulugan ng mga salitang tayutay 29
Ang Diskurso 33
Uri ng Diskurso 34
Mga Batayang Kaalaman sa pagsasalin 38
Mga Paraan ng Pagsasalin 39
Yugto ng Pagsasalin 40
Modyul 3: Final 42
Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita 42
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita 44
Ang isang Epektibong Tagapagsalita 45
Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla 46
Masining na Pagbigkas ng Tula 46
Ang Pagtatalo o Debate 48
Rubrics 51
Sanggunian 55
INTRODUKSYON
Ang kursong ito ay nakatuon sa masusing pag-aaral sa masining, mabisa at matatas na paggamit ng wikang
Filipino na pinakainstrumento sa pagpapahayag. Sumasaklaw ito sa maangkop at masining na pagpili ng mga
salitang gagamitin ayon sa dalawang anyo ng pagpapahayag: pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
pangangatwiran. Lilinagin dito ang kakayahan at kahusayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa
pagdidiskursong pasulat man at/o pasalita.
1
INSTRODUKSYON PARA SA KURSO
Ang kursong ito ay umaangkop sa Blended Learning Modality ng bawat mag-aaral ay dapat dumalo sa mga
klase sa online at isusumite ang kanilang awtput at ipakita ang parehong online o sa pamamagitan ng paunang
naitala na paraan. Kung sakaling ang mga pangyayari ay nangangailangan ng mga mag-aaral na dumalo sa isang
pisikal na klase, may iskedyul sila ng grupo na napapailalim sa mga protocol ng kalusugan at seguridad na
ipinatutupad ng paaralan.
Tulad ng Manwal ng Learner na ito ay inihanda upang mapadali ang paghahatid ng kursong ito. Ang mga
sumusunod na simbolo ay gagamitin upang makilala ang mga yugto ng pag-aaral.
SIMBOLO:
Ang lahat ng mga materyales {Mga Aktibidad, Mga Materyal sa Pagbasa at Mga Materyales ng Bidyu} ay
magagamit na sa folder na ibinigay, pati nadin sa link na ibinigay.
Modyul 1: Prelim
1. Kahulugan ng Retorika
2. Kasaysayan ng Retorika
3. Kahalagahan ng Retorika
4. Kanon o Batas ng Retorika
5. Ang Retorika sa Proseso ng Mabisang Pagpapahayag
6. Kahulugan at Katuturan ng Balarila
7. Relasyon ng Balarila at Retorika
8. Pagpili ng Mabisang Salita sa Pagbuo ng Kahulugang Nilalayon
9. Kaayusan ng mga Salita sa Pangungusa
2
10. Paggamit ng mga retorika na kagamitan o transisyunal na pagsasalita
1. Idyoma
11. Iba’t ibang uri ng pangungusap
Bidyu Materyals
Pumunta lamang sa link na ito:
https://tinyurl.com/y2d97hr5
1. KAHULUGAN NG RETORIKA
Ayon sa Wikipedia (2013) sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo sa Syracuse,
isang isla sa Sicily noong ika-limang siglobago dumating si Kristo. Makaraang bumagsak ang kanilang
pamahalaang diktaturyal, ang mga mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang
kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen.
Ang marunong na si Corax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng kanilang argumento.
Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos at sistematikong
pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan sa talumpati na kakikitaan ng limang
mahahalaganag elemento:
ang proem o introdusyon;
3
ang salaysay o pahayag nahistorical;
ang mga pangunahing argumento;
mga karagdagang pahayag (supplemental statements) o kaugnay na argumento(supporting arguments);
at ang konklusyon. Naimbento nila ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang
pagkukulang sa mga konkretong katibayan (concrete evidence).
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di gananong binibigyang diin ang
katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng
matatalinong tao noon), ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng
kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas.
Maaring binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.) sa pagsasabing walang hangad ang
mga sophist maliban sa kabayarang kanilang tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin
sa retorikabilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta
pa niya, ay nagtuturo lamang sa mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.
Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436–338 B.C.).
Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa maindayog at magandang
pagkakatugma ang mga salita sa paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli
ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa kasaysayan at pilosopiya.
Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang sining ng panghihikayat (Art of Persuasion),
binigyan ng parehas na empasis ang katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang
pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig. Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga
kasangkapang panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa maaring maganap
kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa
pamamagitan ng mga panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymemekung saan ang pansamantalang
kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang
halimbawa o analogypara sa pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle, ay hayagan ding nagtagubilin sa
kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati. Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa
mabuting panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang nararapat na maging
mabuting tao ka muna upang maging mabuting mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang
nakabiting pangungusap. Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na nagging batayan sa ngayon
ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan. Sa kaibuturan ng mga
pangyayari, iniwan ni Aristotle ang oratoryong deliberative o pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa
4
hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public
debate). Si Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan ng mga
mabubulaklak at madamdaming mga salita. Karaniwang binibigkas ito sa pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag
natin sa Ingles na declamation.
Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay daan sa mga aktibidades na
ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-argumento at paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa
pakikipag-usap, mahalagang sangkap ang retorika upang maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang mga
damdamin ng nag-uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay tanda ng pagbibigay diin sa mga
puntong nais na ipahayag. Mahalaga rin ito upang magkaroon ng maayos na pagkakaintindihan sa pagitan ng
dalawang panig na hindi magkasundo sa iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang retorika ay mainam na
instrumento sa pagkakalap ng impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang matuto at
malinang ang pag-iisip.
"Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang putahe. Ito'y
nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag ang isang tao ay bumibigkas gamit ang retorika.
Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-iisipan. Napakasarap pakinggan ng mga
salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw din basahin ang isang sanaysay kapag ito'y ginamitan ng
retorika."- (halaw mula sa salaysay ni Shark Shedie)
Edukasyon
Sa pamamagitan ng retorika, ang isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na magbigay ng panuto at paglalapat
nito sa anumang bagay kung saan nananalamin ang mga natatagong kaalaman nito sa isang paksa. Ang retorika ay
nagbibigay rin ng daan upang maayos at mabisang malaman ang mga dapat bagay na dapat matutunan ng isang
mag-aaral at magamit ito sa pang araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mag-aaral. Tulad ng mga bagay
na nabibigyan ng angkop na pangalan at tawag, nalalaman rin sa tulong ng retorikal na pagpapraktis ng
komunikasyon ang saysay at gamit nito ng bawat salitang nakakalap sa anumang sanggunian na ginalugad ng isang
manggagamit nito. Ang retorika rin ang ginagamit na "medium" ng mga guro sa paghahatid ng mga impormasyon at
kaalaman na kinakailangang malaman ng kanilang mga estudyante.
Relihiyon
5
Mahalaga ang retorika sa aspetong panrelihiyon sapagkat ito ay isang salik na makakatulong ng malaki sa
pagpapalawak ng personal man o biblikal na pananaw ng isang indibidwal upang magkaroon ng kaisahan ang mga
magkakasalungat na paniniwala ng bawat mananampalataya na sinala mula sa iba't ibang grupong may kinakatawan
na sariling pananampalataya. Ang retorika ay mabisang paraan sa pagsusuplay ng dahilan at pangangatwiran. Ang
mga alagad ng simbahan tulad ng mga pari ay masasabing mga retor na kinakailangang magtaglay ng malawak na
pag-iisip at mabisang pananalita upang maipahayag ng may paggalang at kabanalan sa mga sumasampalataya ang
bawat sentimiyentong biblikal na umaayon sa winika ng Panginoon na kinikilala nito.
Politika
Ang.. politika ay isang kumplikadong larangan na nananaghoy sa kaibuturan ng isang estado. Kung kaya't sa mga
pampolitika na pagkilos sa kontemporaryong lipunan, nangangailangan ng retorikal na paggamit ng salita. Isang
kongretong aplikasyon ng salaysay na ito ay ang pangangampanya, sa layuning makakalap ng boto sa pagdating ng
halalan. Sa isang kampanya, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang kandidato na nagnanais makakuha ng puwesto
sa gobyerno upang makapagpabatid ng kanyang mga aspirasyon para sa mga mamamayan ng lugar kung saan ito
kumakandidato. Dito nito ipinahahayag ang kanyang mga plataporma na magbibigay ng kaginhawaan sa kanyang
mga konstituente sa oras na maluklok sa puwesto. Sa ganitong sitwasyon, ang isang pampolitika na kandidato ay
kumukuha ng teknikal na kargamento sa tulong ng retorikal na paraan ng pagpapahayag kung saan siya ay mariin na
kumakalap ng mabubulaklak na pananalita upang maakit at maengganyo ang mga botante na suportahan ang
kandidatura nito. Sa ganitong pamamaraan, naipapakita ng isang tao, partikular sa konteksto ng isang kandidadto,
hindi lamang ang kanyang berbal na abilidad kundi maging ang kanyang angking katalinuhan na siyang
magsisilbing benepisyal na asset upang makamit ang kanyang mga adhikain. Ang salitang "mabulaklak", mula sa
paraan ng pagkakagamit nito sa teksto ay nangangahulugan ng paggamit ng mga malalalim ngunit mga salitang
kaakit-akit sa pandinig ng mga tagapakinig.
Legalidad
Likas na ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang pagdinig. Kung kaya't pinagtutuunan sa aspetong
ito ang kahalagahan ng retorika sa mga usaping legal. Sa isang pagdinig, mahihinuha ang tipikal na serye ng
pagpapalitan ng argumento upang magawa ng isang partido o kampo na patunayan ang akusasyon nito sa isang
kampo o kaya naman ay bigyang beripikasyon ang kainosentehan ng isang indibidwal laban sa isang kaso na
nakasampa laban dito. Sa normatibong pananaw, makikita ang dalisay na importansiya ng retorika dahil dito umiiral
ang katayuan ng isang kaso, ang mga retorikal na panambitan ng isang abogado ang siyang kolektibong datos na
ginagamit ng husgado upang ma-determina ang kredibilidad ng isang kampo patungo sa estado kung saan ito ay
maghahayag ng kanyang pasya bilang wakas ng isang legal na proceeding. Kadalasan, batay sa mga obserbasyon,
nangingibabaw sa isang pagdinig ang kampo na nagtataglay ng mas mahusay na abogado, marahil dahil mas
detalyado at komprehensibo ang mga salaysay na naipapaabot nito dulot ng tahasang husay sa pagsasalita.
6
Kultura
Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang ginagamit niya o ugaling gamitin, ay
malapit na malapit. Samakatwid, masusukat ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika.
Gayundin, mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit ito’y batay sa ipinanaday
ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrelihiyon, at
ng mga paniniwala at perwishong pinagkalakhan. Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng
kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika ang ekspresyong
kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo rito para sa labas, ang siyang nagtatakda ng
pagkakaiba at sariling uri nito—ng kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung
magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pang-kultura.
Sosyolohiya
Ang malaking kaugnayan ng wika at sosyolohiya sa isa’t isa ay pinatutunayan ng sosyolinggwistika, isang sangay
ng pag-aaral tungkol sa wika na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y halos kasintanda
na ng panahon. Ito ay buhat sa salitang socius at linggwistika. Ang socius ay salitang Latin na nangangahulugan
ng interaksiyon, pakikisalamuha, pakikibagay at pakikipamuhay ng tao sa kapwa tao. Ito ang bahaging tumutukoy sa
kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng kanyang iniisip at narararamdaman upang malaman ng iba kung
ano ang mga ito. Isang uri ng pagpapahayag na gagamitan ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga salita
—salitang may kaugnay na sariling kahulugan, Kahulugang tinataglay ng salita bunga ng pagkakisa ng mga
kailangang magkaintindihan.
1. IMBENSYON
1. Salitang Latin invenire na ang kahulugan ay to find
2. Nakatuon sa karaniwang kategoryang pag-iisip na naging kumbensyonal na
hanguan ng mga retorikal na materyales
3. Topics of invention o topoi sa Griyego.
4. Halimbawa: Sanhi at epekto, komparison
5. nakatuon sa ano ang sa sabihin ng isang awtor at hindi sa kung paano iyon
sasabihin
2. PAGSASAAYOS
1. nakatuon sa kung paano pagsusunud-sunurin ang isang
pahayag o akda
Pagsasaayos ng isang klasikong oratoryo:
7
a. Introduksyon(exordium)
b. Paglalahadngmgakatotohanan(narratio)
c. Dibisyon( partitio)
d. Patunay(confirmatio)
e. Reputasyon(refutatio)
f. Kongklusyon( peroration
ISTILO/ISTAYL
1. masining na ekspresyon ng mga ideya
2. nauukol sa paano iyon sasabihin
3. paano ipinapaloob sa wika ang mga ideya at kung paano nakukostomays sa
mga kontekstong kumunikatibo
MEMORYA
1. higit pa sa pagmememorya
2. pag-iimbak ng iba pang materyales sa isipan ng mga paksa ng imbensyon
upang magamit sa isang partikular na okasyon
3. pangangailangang-improbisyunal ng isang ispiker
4. kairos o sensistibiti sa konteksto ng isang sitwasyong pangkomunikasyon
DELIBERI
1. kasama ang memori
2. diin sa pagtalakay ng exercitatio (mga practice exercises) at naipapakita sa
deklamasyon ng mga retorikal na edukasyon
Makapangyarihan ang salita, kaya nitong baguhin ang pilosopiya, paniniwala at pananaw ng isang indibidwal.
Ayon kay Aristotle, ang retorika ay ang pakulti ng pagtuklas ng lahat ng abeylabol na paraan ng panghihikayat sa
anumang partikular na kaso.
8
Binigyang depinisyon naman ni CICERO, ito ay pagpapahayag na dinesenyo upang makapanghikayat.
Halimbawa:
Ang mga kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas maging sa iba’t ibang bansa. Masasalamin sa kanilang mga
kasaysayan ang mga pagrerebelde ng taong-bayan sa pamahalaan. Nagkakaroon ng mga pagdiriwang at isang lupon
ng mga tao na tumutuligsa sa uri ng pamamahala ng isang tao. Hinihiling nila na gumising ang diwang makabayan
ng mga tao, partikular sa Pilipinas. Ang ginagawang panghihikayat na sumama sa pagtuligsa ay isang uri ng
retorika, sining na kung saan sat alas ng dila ng mga tagapagsalita ay kaya niyang baguhin ang paniniwala at
pilosopiya ng isang tao.
Bilang pagpapatunay sa ganitong pagpapakahulugan ni Aristotle, maraming mga Pilipino ang naloloko sa
mabulaklak na dila ng mga politico ng bansa. Sa husay ng kanilang pagsasalita ay napapaniwala nila na sila ang
karapatdapat na iluklok sa posisyon na kanilang ninanais.
Masasalamin ang mga halimbawang ito sa tinuran ni FRANCIS BACON, Ang tungkulin ng retorika ay maiaplay
ang katwiran sa imahinasyonpara sa higit na mabuting pagkilos ng disposisyon.
Bilang pagpapalinaw kung ang mga tao ay nahikayat at nabago ang kanilang paniniwala, pilosopiya at pananaw ay
nagkakaroon ng implikasyon ito sa kanilang tatlong aspeto ng kanilang pagkatao. Subalit ang implikasyon na ito ay
nakabatay sa positibo at negatibo sapagkat ang posibilidad na mga mangyayari ay nakaayon pa rin sa kung paano
haharapain at tatanggapin ng mga tao ang pagbabagong naganap pagkatapos mabago ang kanilang ipinaglaban.
Subalit maraming kinakailangan ang isang mahusay na tagapagsalita isa na rito ang kahusayan niya sa pagsasalita
upang paniwalaan siya ng kaniyang tagapakinig. Ayon nga kay QUINTILLIAN, ang retorika ay Sining ng mahusay
na pagsasalita.
9
c. Tindig
d. Kasanayan sa pagsasalita
e. Lugar
f. Papel na ginagampanan
g. Paksang tatalakayin
3. Ayon kina Mangahis (2005), ang katangian ng mahusay na tagapagsalita ay ang sumusunod:
a. Kahandaan
b. Kaalaman sa paksa
c. Kahusayan sa pagsasalita
Pinagtibay ito ni GERARD A. HAUSER na ang layunin ng retorika ay impluwensiyahan ang pagpapasya
ng tao hinggil sa mga ispesipik na bagay na nangangailangan ng agarang atensyon.
Ayon kay Abad (2009), ang retorika ay proseso ng maayos na pagpili ng wasto at malinaw, mabisa at
kaaya-ayang pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunawaan at makalugdan ng
nakikinig o nagbabasa.
Sinabi ni DOUGLAS EHNINGER ang retorika ay isang Disiplinang nakatuon sa pag-aaral ng lahat ng mga
paraang ginagamit ng mga tao upang makaimpluwensiya ng pag-iisip at gawing iba sa pamamagitan
ng istratedyik na paggamit ng mga simbulo.
Bilang pagpapalinaw, ang mga istratehiyang sinasabi ni Ehninger ay kung paano mo bibigyan nang
kahusayan ang mga salitang gagamitin sa pagsasalin ng mga ideya sa mga tagapakini
10
Para sa pasulit pumunta lamang sa link na ito: https://tinyurl.com/y2qmmspj
Ipasa ang inyung pagsusulit sa link na ito: https://forms.gle/DwBeNnwSADib3EVu6
Ang balarila ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod: ng morpolohiya o
pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita (morpolohiya); ng sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita
ay maging makabuluhang mga pangungusap; ng ponolohiya o wastong pagbigkas; ng semantika o kahulugan ng
mga salita at parirala; at ng etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita. Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o
pananalitang inihahambing sa wastong paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita,
parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan, palabigkasan, at
palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na pambalarila, na nagiging batayang
simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman. Tinatawag din itong gramatika o palatuntunan ng isang wika.
Dalawa ang masasabing sangay ng mabisang pag-aaral ng karunungang pangwika: Ang balarila at retorika.
Nagbibigay-linaw, bias at kagandahan sa pagpapahayag ang retorika, samantalang nagdudulot ng
kawastuhan sa pahayag ang balarila. Ang pag-uugnayan ng mga salita sa mga parirala, sugnay at
pangungusap ng pahayag; ang tamang mga panuring, mga pang-ugnay, mga pokus ng pandiwa at iba pa
para sa kaisahan at kakipilan ng mga pangungusap ay naibibigay rin ng balarila.
Nababawasan ang kalinawan at pagiging kaakit-akit ng isang pahayag kung hindi wasto ang tungkulin at
ugnayan ng mga salita. Samakatuwid, ang relasyon ng balarila at retorika ay napakahalaga upang makamit
ang mabisang pagpapahayag.
Sa larangan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita, lubhang mahalaga ang tamang pagpili ng mga salita.
Maaaring maganda ang ibig ipahatid, maaari rin naming may mabuting layon sa pagpapahayag subalit
hindi nagbubunga nang mabuti kung mali ang pagkakapili ng mga salita.
11
Kinakailangang angkopang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag.
May mga pagkakataon na ang salita na tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop
gamitin.
MALING HALIMBAWA
a. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bibigng bulkan.
WASTONG HALIMBAWA:
b. Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bungangang bulkan.
Nang at Ng
Ang wastong paggamit ng ng at nang ay ang isa sa mga hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng marami sa
atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na naiiba ang kahulugan ng pangungusap kung nabaliktad ang ating paggamit
sa ng at nang, kaya mahalagang malaman ang wastong paggamit ng mga ito.
Sa talakayan na ito, ang ituturo ng may-akda ay ang shortcut para malaman kung ano ang dapat gamitin
sa ng o nang sa isang pangungusap. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakataon kung kailan kailangang gamitin
ang nangang sa isang pangungusap:
12
Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
Sumuko nang mahinahon ang mga pugante.
KUNG AT KONG
Kung
Bilang pangatnig na panubali sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
Mayaman na sana si Tiyo Juan kung naging matalino lamang sana siya sa paghawak ng pera.
Kong
Galing sa panghalip na panaong ko at inaangkupan ng ng.
Halimbawa:
Nais kong pasalamatan ang lahat ng dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan.
MAY AT MAYROON
13
Lahat sila ay may regalong matatatanggap.
SUBUKIN
Ang subukinay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisi-yasat sa uri,lakas o kakayahan ng isang tao o
bagay.
Subukinmong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa iyo.
14
Subukinmong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
Susubukinng mga mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod.
SUBUKAN
Ang subukanay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
Subukanmo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
Ani Erap noon, “Wag n'yo akongsubukan!”.
Subukanmo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating sya sa kanyang paroroonan.
PAHIRIN
Angpahirinay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi sa isang bagay,alisin ang bagay.
Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
PAHIRAN
Dalawaang maaaring ibigay na kahulugan ng pahiran.
1. Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay na pinanggagalingan ng bagay na pinahid. Sa ganitong
gamit ang pahiran ay may layon.
2. Nagagamitdin ang pahiransakahulugangpaglalagayngkauntingbagayat karaniwanay
sabahagingkatawan.
Pahiran mo ng vicks ang aking likod.
Pinapahiran ng langis ng dalaga ang kanyang buhok.
Bakit mo pinapahiran ng alkohol ang iyong mga kamay.
OPERAHIN
Tinutukoy ng operahin ang tiyak na bahaging tinitistis.
Ang mga mata ng matanda ay ooperahin bukas.
Kailan nakatakdangoperahin ang iyong bukol sa dibdib?
Ooperahin na ang bukol sa tuhod ni Ernani.
OPERAHAN
15
Tinutukoy nito ang tao at hindi ang bahagi ng katawan.
Ooperahanna ng doktor ang naghihirap na may sakit.
Inoperahanna si Emil kahapon.
Si Vic ay kasalukuyanginooperahansa pagamutan ng St.Luke.
RIN at RAW
Ang mga katagang rinat raw ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa
malapatinig naw at y.
Tayo ay kasamarinsa mga inanyayahan.
Ikawrawang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.
Sasakay rawsiya sa unang bus na daraan.
DIN at DAW
Angdinatdaway ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa wat y.
Takotdinsiyang magsinungaling kagaya mo.
Masakit dawang ulo ni Marlon kaya hindi siya nakapasok sa klase.
Malakas dinang patahian nila katulad ng patahian ninyo.
16
WASTONG PAGGAMIT NG PINTO AT PINTUAN
Ang pinto (door) ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Ginagawa ito upang ilagay sa pintuan.
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok angt lamok.
Ang pintuan (doorway) ay ang kinalalagyan ng pinto. Ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na
ang pinto.
Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya't hindi niya maisara ang pinto.
17
Gaano nga ba kahalaga ang paggamit ng mga matatalinghayag pahayag? Ito ba ay importatante pa sa
kasalukuyan? Ito ba’y makakaapekto sa pakikipagtalastasan ng mga tao sa kanyang kapwa?
Napakahalaga ng pagpapahayag ng ideya gamit ang mga matatalinghagang pahayag o salita sa iyong kapwa.
May napakaraming dahilan: sa pakikipagtalastasan natin sa ating kapwa, ay nagbabahagi tayo ng kaalaman sa mga
bagay-bagay, nahuhbog nito ang intektuwal ng isang tao, at mas mahuhubog ito kung gagamit tayo ng
matatalinghagang salita o pahayag sa ating kapwa upang magamit niya ang kanyang isip. Hindi lamang mahalaga na
maunawaan kundi mas mahalaga na di mo direktang sasabihin ang mga ideya mo sa kaniya.
Sa usaping pampanitikan napakahalaga ang mga pagpapahayag ng ideya sa matalinghagang istilo sapagkat
mas binibigyan nito ng kahusayan ang isang akda kaya’t ito ay masasabing isang sining. Gumagamit ang mga
manunulat ng Idyoma, Tayutay at Alusyon.
Narito ang mga istilo sa matalinghagang pagpapayag upang mabigyan ng mas makulay ang akda pasulat man
ito o pasalita.
IDYOMA
Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag. Ang mga matatalinhagang pahayag ay may
malalim o hindi tiyak na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang
Filipino.
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita,
hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay
kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Bilang karagdagan, Ang Idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi kompusisyonal. Sa ibang salita,
hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.
18
1. Butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.
Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.
Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.
4. Alimuom – mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.
Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?
Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.
Halimbawa:
Napakabukas ang palad mo.
19
Halimbawa:
Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.
Halimbawa:
Bakit siya ay nagbibilang ng poste?
Halimbawa:
Napaka basag ang pula mo .
Halimbawa:
Huwag mo ako ibaon sa hukay.
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
14. Alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay
alilang-kanin lang."
20
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na
lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.
21
6. ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan
7. bukas ang palad - matulungin
8. kapilas ng buhay - asawa
9. nagbibilang ng poste - walang trabaho
10. basag ang pula - luko-luko
11. ibaon sa hukay - kalimutan
12. taingang kawali - nagbibingi-bingihan
13. buwayang lubog - taksil sa kapwa
14. pagpaging alimasag - walang laman
15. tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli
16. pantay na ang mga paa - patay na
17. mapurol ang utak - mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip
18. maitim ang budhi - tuso
19. balat-sibuyas - mabilis masaktan
20. pusong bakal - di marunong magpatawad
21. putok sa buho - ampon
22. may bulsa sa balat - kuripot
23. balat-kalabaw - matigas ang amoy ng paa
24. alog na ang baba - matanda na
25. kusang-palo - sariling sipag
26. usad pagong - mabagal kumilos
27. umuulan lalaki at babae - maraming lalaki at babae
28. nakalutang sa ulap - masaya
29. malaki ang ulo - mayabang
30. itaga sa bato - ilagay sa isip
22
1) Paturol o Pasalaysay – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagsasaad ng isang pahayag. Gumagamit ito
ng bantas na tuldok (.).
Halimbawa:
Paturol o Pasalaysay – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagsasaad ng isang pahayag. Gumagamit ito
ng bantas na tuldok (.).
Halimbawa:
Patunayan ng kasaysayan na ang edukasyon ay nagging mabisang instrumento tungo sa pag-unlad at
pagbabago.
23
Modyul 2: Midterm
1. Kapangyarihan ng Wika
2. Pagtuklas sa kahulugan ng mga Salita
3. Ang Diskurso
4. Uri ng Diskurso
5. Mga Batayang Kaalaman sa pagsasalin
6. Mga Paraan ng Pagsasalin
7. Yugto ng Pagsasalin
Bidyu Materyal
Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/y24etavm
Kapangwikahan: Isang pagsusuri sa paano nga ba masasabing makapangyarihan ang isang wika. Bakit nga ba sikat
ang Ingles? Bakit madaming Pilipino ang pinag-aaralan ang wikang Hangul? bakit di natin kaya lalo na sa mga
kabataan ngayon ang magsalita ng diretsong tagalog? Lahat ng ito ay masasagot sa isang salita; “Kapangyarihan”.
Malaki ang papel ng kapangyarihan ng wika upang mapatatag ang estado nito at mas mapahagalahan ng nakararami.
24
Pero paano ba natin malalaman kung ang isang wika ay makapangyarihan? Bumuo ako ng apat na aspeto na
alinsunod sa apat na letrang bumubuo sa salitang wika. Ito ay aking tinawag na Mga Aspeto ng W-I-K-A. Sa mga
Aspetong W-I-K-A, ito ay nangangahulugan na Wagas, Impluwensya, Kalidad, at Aksyon. Ang walang katapusan
or kawagasan ng isang wika ay mahalaga sa pagtaya ng kapangyarihan nito. Dito nakikita ang kakayahan ng wika na
sumabay sa panahon at kakayahang mapaunlad ang sarili. Sa katagalan ay mabilis itong mapapalaganap sa iba’t-
ibang lugar na magagamit ng iba’t-ibang tao. Dito papasok ang aspetong Impluwensya. Ang katangyagan ng wika
na maikalat ang sarili sa bawat bahagi ng mundo. Sa ikatlong aspeto na Kalidad, dito nakikita ang katatagan at
kagalingan ng wika na ilugar ang sarili at maging importante. Kaakibat ang Impluwensya, ang kalidad ng wika ay
makikita sa dami ng taong gumagamit at kahalagahan nito sa pangkalahatang paglago. Ang huling aspeto, ang
Aksyon. Dito papasok ang responsibilidad ng Tao na siyang tagapangasiwa at unang nangangailangan ng wika. Ang
pagpapayaman at pagpapalalim nito na alinsunod sa pag-unlad na kailangan ng aspetong wagas na siyang mag-
uugnay pa sa ibang aspeto ay napakahalaga.
Sa pagbalangkas sa ibig sabihin ng wika, alamin natin kung ang ating sariling wika, ang wikang Filipino ay
masasabi bang makapangyarihan.
Simulan natin sa unang aspeto. Ang wikang Filipino ay may sapat na panahon at pagbabagong napagdaanan ngunit
hindi ito masasabing makapangyarihan. Bakit? Bilang isang bansa na may dalawang pangunahing lenggwahe, ang
pagsabay ng wikang Filipino sa wikang Ingles ay mabagal dahil sa pangalawang aspeto, kakulangan ng
Impluwensya. Kung ikukumpara, napakaliit lamang ng porsyento ang nagsasalita ng Filipino di tulad ng Ingles na
siyang pangalawang pinakanagagamit na wika sa buong mundo. Dahil dito, bumababa ang kalidad ng wika. Dahil
mas gamit ang wikang Ingles, kakaunti lamang ang nakakakita ng importansya ng wikang tagalog. Nakikita lamang
ng tao na ito ay wikang nag-uugnay sa mga taong nakakaintindi nito subalit pagdating sa pagsasalamuha sa ibang
bansa, lubhang napag-iiwanan at mas ginagamit ang Ingles dahil ayon kay Conrado de Quiros na isang kilalang
manunulat, Ang Ingles ang susi ng Mundo.
Ang problemang dulot ng tatlong aspeto sa wikang tagalog ay nag-uugat sa ikapat na aspeto nito. Ang aksyong
ginagawa ng tao upang mapayaman ito. Para sa atin mga Pilipino, mas nakikita natin ang Ingles na
makapangyarihan dahil nabubuklod nito ang lahat ng tao dahil sa bisa at lakas na dala ng nito. Ang kasamaan ng
wika lalo na ng wikang pinapalakas ay nakakasira ito ng paraan ng pag-iisip ng tao. Sa atin, ang paggamit ng
wikang Ingles ay napapairal natin ang Imperyalismong pag-iisip na siyang nakakasira sa pagpapayaman sa sarili
nating wika.
Madami ng wikang umuusbong at madami na din ang namatay. Wag sana natin hayaan na ganun ang magiging
kahinatnan ng wikang Filipino dahil sa totoo lang, ito ay wikang mas makapangyarihan pa sa kahit ano pa mang
wika.
25
Para sa pasulit pumunta lamang sa link na ito: https://tinyurl.com/y3usp87b
Ipasa ang inyung pagsusulit sa link na ito: https://forms.gle/D4xmRsGeafKVpV1s7
Ito ay paraan sa pagkuha ng kahulugan ng mga salitang hindi pa kilala. Upang madaling
Maintindihan ang binabasa, kailangang maunawaan ang salita. Ito'y di tuwirang pagpapahayag,
kaya sinasabing may patalinghagang kahulugan. Isang paraan din ang pagtuklas ng kahulugan o
kasingkahulugan ng salita gayundin ang kasalungat o kabaligtarang salita.
Ang mga sumusunod ay mga uri, halimbawa ng tayutay at ang kahulugan ng mga ito.\
Simili o Pagtutulad – Ito ay isang tayutay na nagsasangkot ng paghahambing ng isang bagay sa isa pang
bagay na may ibang uri. Ito ay ginagamit upang gawing mas maliwanag o masigla ang paglalarawan.
26
Ang ama ni Pedro ay tunay na haligi ng tahanan.
Si Maria ay isang magandang rosas.
Ang mabait na tulad mo ay hulog ng langit.
Apostrope o Pagtawag - Ito ay isang tayutay na ginagamit sa pakikipag-usap sa mga bagay na maaring
may buhay o wala na parang kaharap niya wala naman talaga ito.
Paghihimig o Onomatopeya – Ito ay kilala sa terminong Onomatopoeia sa Ingles. Ito ay isang tayutay
na kung saan pinapahiwatig ang kahulugan ng isang bagay sa pamamagitan ng tunog nito.
27
Walang bibig ang umasa kay Buenavista.
Isinambulat ang order sa mukha ng karibal.
Aliterasyon – Ito naman ang tayutay na nangangahulugang ang paglitaw ng parehong titik o tunog sa
simula ng katabi ng magkakasunod-sunod na salita.
Denotasyon at Konotasyon
Denotasyon - Kahulugan na makukuha sa mga talatinigan o diksyunaryo.
Konotasyon - Ang kahulugan ay batay sa pagpapahiwatig ng isang salita o parirala.
Bola
denotasyon : laruan na hugis bilog
konotasyon : matamis na dila
Pusang itim
denotasyon : uri ng hayop na nangangalmot, kulay itim at ngumingiyaw
konotasyon : nagbabadya ng kamalasan
Buwaya
denotasyon : Hayop
konotasyon : Pulitiko
Itim
Denotasyon : Kulay
Konotasyon : Kamatayan
28
Posporo
Denotasyon : bagay na panindi
Konotasyon : ilaw
DISKURSO
Kahulugan
Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to and from”
na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon. Interaktibong gawain tungo sa mabisang
paglalahad ng mga impormasyon.
Si Webster (1974) ay may iba’t ibang depinisyon para sa terminong ito. Ayon sa kanya, ang diskurso ay
tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Maaari rin daw itong isang pormal at
sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad halimbawa ng disertasyon.
Samakatwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa.
Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinonimus sa komunikasyon.
Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-kaniyang kalikasan at pangangailangan
(requirements) ang bawat isa. Sa huling bahagi ng aklat na ito ay higit na mapagtutuunan ang mga ito.
Ngunit maging ano man ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant nito ang
komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.
Ayon sa Diksyunaryo Ingles-Filipino (1984), ito ay nangangahulugang magsulat at agsalita nang may
katagalan o kahabaan. Sa Webster’s New World Dictionary (1995), ito ay isangpormal na pagtalakay sa
isang paksa, pasulat man o pasalita. Ito rin ay pakikipagtalastasan, pakikipag-usap o anumang paraan ng
pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.
Mahalaga na:
29
2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon (kilos at salita).
3. Kritikal na pang-unawa sa pag-unawa ng mga mensahe.
4. Isaalang-alang ang apat na dimension 4k (konteksto, kognisyon, kakayahan at komunikasyon)
Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, espasyo at konteksto. Ang mga kontekstong
iyon ay madalas na ituring bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang
sitwasyong pangkomunikasyon. Samakatwid, ang konteksto ng isang diskurso ay maaaring interpersonal,
panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian.
Halimbawa:
Konstekstong Interpersonal – usapan ng magkaibigan
Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmag-aaral
Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng
empleyado
Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga botante
Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEAN
Kontekstong Pangkasarian – usapan ng mag-asawa
Ngunit ang konteksto ng isang diskurso ay higit na mabuting ipalagay bilang isang paraan ng pagpokus sa
isang tiyak na proseso at epektong pangkomunikasyon. Kung tutuusin kasi, ang hangganan ng konteksto ng
isang diskurso ay abstrakto at mahirap uriin. Pansining laging may kontekstong interpersonal kahit sa loob
ng diskursong panggrupo at organisasyunal. Ang diskursong pangkasarian ay lagi ring umiiral sa tuwing
ang mga taong may magkaibang kasarian ay nagtatalastasan sa loob man ng iba pang konteksto. Samantala,
kapag ang isang teksto ay ipinararaan sa mga midyang pangmasa at nakararating sa mga taong may iba-
ibang kultura, nagkakaroon ng diskurso sa kontekstong interkultural.
Upang maging mabisa, ang komunikasyon, kailangan din itong isaayos. Si Dell Hymes ay nagbigay ng
ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon kay Hymes, kailangang isaalang-
alang ang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang
akronim na S.P.E.A.K.I.N.G. na tinalakay sa mga sumusunod na talata.
1. Setting. (saan nag-uusap?) Sa pakikipagkomunikasyon, ang pook o lugar saan naganap ang
usapan ay dapat isaalang-alang. Ang paraan ng pagpapahayag ng mga salitang ginagamit, ang
tono at tunog ng pagsasalita ay nag-iiba ayon sa lokasyon na pinangyarihan ng salitaan. Hindi
maaaring ang pakikipag-usap sa kaibigan sa gitna ng lansangan ay maging katulad ng
30
pakikipag-usap sa kanya sa loob ng simbahan. Ang lugar ay may malaking impluwensya sa
komunikasyon. Kung hindi ito isasaalang-alang, maaari kang mapagkamalang bastos o walang
pinag-aralan. Subukan mong magsisigaw sa loob ng inyong klase. Ano kaya ang kahihinatnan
mo?
2. Participants. (sino ang kausap, nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong
kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging ang estado sa
buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay
nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyang kausap.
3. End. (ano ang layunin ng usapan?) Sa komponent na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning
nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-
uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng
damdamin, pangangarap o paglikha.
31
5. Keys. (pormal ba o impormal ang usapan?) Nakakita ka na ba ng isang taong nakakamiseta at
naka-shorts sa isang debut party? O di kaya'y ng isang taong naka-gown o barong Tagalog
habang naglalaro ng basketball o volleyball? Parang ganito rin ang magiging hitsura mo kung
hindi mo isaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap. Kung
gayon, kung pormal ang isang okasyon, paano ka makikipag-usap sa ibang tao? Anong salita
ang iyong gagamitin? Kung makikipag-usap ka sa iyong pamilyar na kaibigan, gayon di ba ang
paraan ng iyong pagsasalita at ang mga salitang iyong gagamitin?
7. Norms. (ano ang paksa ng usapan?) Mahalagang maisaalang-alang din ng isang tao ang paksa
ng usapan. Halimbawa, maaaring hindi mo na igigiit ang iyong katwiran kung batid mong
limitado lamang ang nalalaman mo sa paksa ng isang pagtatalo. Makakabuti ring itikom na
lamang ang bibig kung sa gitna ng isang talakayan ay wala ka namang nalalaman sa paksang
tinatalakay. May mga paksa ring eksklusibo.
Halimbawa, may mga paksang pambabae, kung paanong may panlalaki rin. Makabubuti,
kung gayon, sa mga lalaki ang umiwas sa mga talakayang may paksang eksklusibo sa
mga babae kung paanong makabubuti sa mga babae ang umiwas sa pakikilahok sa mga
talakayang may paksang eksklusibong panlalaki.
32
magpatunay at pagbulaanan ang opinyon, katwiran at paninindigan ng iba, pangangatwiran ang
paraan ng pagpapahayag.
Kognisyon
Tumutukoy sa wasto at angkop na pang-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap.
Bahagi nito ang oryentasyong kultural ng mga taong nag-uusap.
Kailangan ng mataas na level ng pag-unawa tungo sa higit na karunungan.
Komunikasyon
Tumutukoy ito sa berbal at di-berbal na komunikasyon sa paghihinuha ng mga impormasyon.
Kakayahan
Ang lahat ng tao sa mundo ay may kakayahan sa apat na makrong kasanayan. (Pagsulat, Pagbasa,
pagsasalita, at Pakikinig).
PAGLINANG NG IDEYA
Paksa
Dito nagsisimula ang bawat pakikipagtalastasan ng bawat tao sa lipunan o grupo. Subalit sa pagpili ng
isang paksa dapat ito may saysay. Sa pagpili din ng paksa kinakailangan ding may sapat na kaalaman
upang mabigyang husay ang pagbibigay datos sa bawat detalye ng diskurso.
Layunin
Ito ay isa sa pinakamahalagang sangkap ng pakikipagdiskurso.
Pagsasawika ng Ideya
33
Ito ay isang proseso na kung saan ang ideya o kaisipan ng tao sa isang paksa ay isinasatitik. Ito ang dahilan
kung bakit mahalaga ng linggwistik kompetens dahil dito susukat ang kakayahan ng isang tagapagpahayag
sa kaniyang wika.
Tagatanggap
Malaki ang ginagampanan ng tagatanggap dahil dito lamang malalaman kung epektibo ang paaran ng
diskurso ng tagapaghatid.
Kahulugan
Ang paglilipat ng kahulugan ng pinagmulang wika sa target na wika (Larson,1984 )
Isang proseso ng paglilipat sapinakamalapit na katumbas ng diwa omensaheng nakasaad sa
wikang isasalin (Nidaat Taber, 1969)
English : Father bought Pedro a new car.
Tagalog : Ang tatay ay binili si Pedro ng isangbagong kotse.Komunikatibong Salin
Halimbawa:
34
Kahalagahan ng Pagsasalin
1. Pagpapalaganap ng kaalaman okaisipang nakapaloob sa akda.
2. Pagbibigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibangbansa o panahon.
3. Pagpapakilala sa mgabagong mambabasa ng isang akdang itinuturingna makabuluhan ng isa o ilang tao.
4. Higit nanagkakaunawaan at nagkakadamahan ngkanilang interaksyon
Pamamaraan ng Pagsasalin
Salita-sa-salita - sa pagsasaling ito, ang ayos ngmga salita ay nanatili. Ang mga salita ayisinasalin ayon sa
pinakapalasak na kahulugan.Layunin ng paraang ito na madama angmechanics ng wikang isinasalin
bilangpanimulang hakbang.
Semantik - naiiba ito sa matapat na pagsasalindahil dito binibigyan diin ang estetiko, ng tunogpagiging
natural; ang mga kulturang salita ayhindi gaanong binibigyan diin. Pinahihintulutandito na maipasok ng
nagsasalin ang kanyangsariling pananaw.
Adaptasyon - ito ang pinakamalayang anyo ngpagsasalin. Ito ay pangunahing ginagamit samga dula, awit
at tula. Ang paksa, ang tauhan attagpuan ay kadalasang pinananatili ngunit angkultura ng source langauge
ay isiniasalin satarget language.
Malaya - kadalasan ang saling ito ay malayo nasa orihinal. Ito rin ay kadalasang mas mahabakaysa orihinal
at maaaring sabihing hindi nasalin.
Literal na Pagsasalin
35
Naniniwala si Newmark na ang literal na salinang pangunahing hakbang sa gawaingpagsasaling-wika; ang
semantika atkomunikatibong pagsasalin ay kapwanagsisimula sa paraang ito. Mula sa literal nasalin mahuhugot
natin ang mga kahulugangnakapaloob, nakapagitan o nakakubli sa pagitanng mga salita. Karaniwan na, habang ang
salita ay nagigingteknikal at tiyak, ito ay hindi nagkakaroon ng pagbabago sa nilalaman, kaya ang literal nasalin ang
pinakamainam na gamitin dito.
Pagsasalin ng Tula
Ayon kay Newmark, ang pagsasalin ng tula ayisang larangan kung saan ang diin ay nalalagaysa pagbuo ng isang
bago at malayang tula, ditoang literal na salin ay laging napupulaan. Angtutoo walang masasabing ganap na
pagsasalin. Ayon nga kay Alfonso Santiago (1976):
Ang pagsasaling-wika ay maihahalintulad sapagsasalin ng isang basong tubig sa ibangbaso. Sa pagsasalin ng tubig,
hindi lahatnaisasalin, ang basong pinaggalingan ng tubigay nanatiling basa, isang patunay na hindi lahatng laman ng
baso ay naisalin. Sa pagsasalin ngtubig, ang elemento nito ay maari ringmaapektuhan ng mga sangkap sa hangin.
Yugto ng Pagsasalin
Halimbawa:
Ang salitang diplomatiko ng Francescoup de'etat ay nilapat sa ating wika na
nagingsalitang hiram at dumaan sa naturalisasyonkaya ngayon ay mayroon na tayong
kudeta.
Naturalisasyon - matapos ang transferens ngisang salita, ang salitang nilipat at naging
hiram,ang salitang ito ay dumadaan sa proseso ngnaturalisasyon kung saan ang
salitangnabanggit ay inaangkop sa palabigkasan,palabuuan at ortograpiya ng TL.
Halimbawa:
Radio - Radyo – nagraradyo
coup de'etat - kudeta – nagkudeta
36
ngbulak. Pag narinig ng batang Pilipino angkasimputi ng bulak, ang konsepto ay pareho rinsa
as white as anow sa mga batang Amerikano.
Sansalita-bawat-sansalita
Halimbawa:
Each citizen must aim at personal perfectionand social justice through education.
Adaptasyon
Pinakamalaya sa lahat ng paraan na kung minsan ay malayo na sa orihinal
Halimbawa:
Kundi ang gumawa upang bawat bukas ay maging mayabong Maging mabutaktak at maging mabungang
higit kaysa
37
Para sa Major Eksam sa Midterm, pumunta lamang sa link sa ibaba: https://tinyurl.com/y4nt93qz
Ipasa ang Eksam sa Link na Ito: https://forms.gle/8Hgv44qSjNDpeo1n9
Modyul 3: Final
1. Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita
2. Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
3. Ang isang Epektibong Tagapagsalita
4. Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla
5. Masining na Pagbigkas ng Tula at Talumpati
6. Ang Pagtatalo o Debate
Bidyu Materyals
Pumunta sa link na ito: https://tinyurl.com/y3yvow7e
Mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang tagapagsalita ang mga katangian nito ay nilimita lamang
ayon sa tatlong (3) pinakabatayan ng iba pa.
A. Tiwala sa sarili
Madalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng sapat na kaalaman sa paksang pinag-
uusapan at maging sa malawak na talasalitaan.
Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at eksposyur.
Ngunit para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang mga nararapat na pagkakataon upang
masanay silang magsalita o makipag-usap hindi lamang sa taong kaharap kungdi lalo na sa
madla.
B. Kasanayan
Ang pagsasalitaay isa sa apat na makrong kasanyan. kung kaya kailangang linangin ang mga sumusunod na
kasanayan:
38
2. kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pananalita.
3. kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre.
C. Kaalaman
“you cannot say what you do not know.”
1. Paksa ng usapan.
2. Bokabularyo.
3. Gramatika.
4. Kulturang pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura at kultura ng iyong
kausap.
B. Kumpas
Nakatutulong ito upang maihatid nang maayos ang mensahe. Maaaring gamitin ang buong katawan kung
gumagalaw sa entablado at maaari rin namang bahagi ng katawan lamang.
39
C. Ekspresyon ng Mukha
Ito ang nagsisilbing hudyat sa mga tagapakinig upang malaman ang emosyon ng nagsasalita.
Siguraduhing ang salitang binibigkas ay angkop mga ekspresyon ng mukha.
2. TINIG
Mag karoon ng varayati sa lakas ng boses
Masyadong malakas ay nakakainis
Masyadong mahina ay nakakantok
Ibatay ang lakas ng boses sa damdaming ipapahayag
Magagamit sa pag bibigay ng interes sa tagapakinig.
3. TINDIG
40
Maaring sinyales ng nerbyos o kakulangan ng paghanda
Iwasan sa pamamgitan ng: Pag tayo ng diretso Pagrelaks ng mga balikat Umiwas
yumuko & kumuba.
4. KILOS
Iangkop ang ang ekspresyon ng mukha, huwag mag kamot ng ulo, ayusin ang pwesto ng
kamay
Nag bibigay ng buhay sa mga salita
Nag papakita kung hand o kung hindi handa ang ispiker
Sobra’t kakulangan ay maaaring makasira sa pag sasalita. Ang Kilos ay mahalaga rin sa
pag sasalita dahil hindi sapat ang salita lamang upang mauunawaan ang sinasabi kundi
lalo higit kilos at ekspresyon ng mukha. Kung minsan, kahit wlang binibigkas ay
nakapaghahatid pa rin ito ng mensahe bunga ng kios o galaw ng katawan.
5. KUMPAS
Mayroong 55%-65% ng ating komuniksyon
Nakapagpapadali ng pag-unawa at retensyon ng mensahe
May dalawang uri: Kumpas na kinaugalian Kumpas na mapaglarawan
1. Palad na nakalahad sa harap, bahagyang nakabukas ang dalawang bisig. Nagpapahiwatig ng bukas
ng damdamin.
2. Palad na nakataob at ayos na patulak Nagpapahiwatig ng pagtanggi o di pagsang-ayon.
3. Kumpas na parang may itinuturo - Ginagamit upang tumawag ng pansin.
4. Kumpas na paturo - Panghamak, panlilibak, pagkagalit, panduro, paninisi.
5. Kumpas na pasubaybay - Ginagamit ito kung nais bigyan ng diin ang magakaugnay na diwa.
6. Palad na nakataob, at ayos na padapa - Ginagamit upang pakalmahin ang kalooban ng mga
awdyens.
7. Palad na nakayukom - Nagpapahayag ng isang masidhing damdamin gaya ng galit, lungkot,
panlulumo at pagtitimpi.
Ang takot sa pagsalita sa harap ng madla. Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na
xenophobia o stage fright. Ito ang takot na hindi tanggapin ng madla bunga ng kawalan o kakulangan ng
tiwala sa sarili at di-pagkaalam kung ano ang sasabihin at kung paano iyon sasabihin.
41
Ano nga ba ang TALUMPATI
Ayon sa Wikipedia, ang talumpati ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala
Ang talumpati ayon sa libro ng Gintong Pamana, wika at panitikan, ni Lolita R. Nakpil, ito ay
isang sangay ng panitikang nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa harap ng
mga taong handang magsipakinig. Ang mga tiyak na layunin ng talumpati ay humihikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala.
42
Panuunan ng Paningin. Mailalarawan mob a ang tamang panuunan ng paningin?
Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging mailap ng kanyang mga mata. Dapat itong maiwasan. Nagiging mabisa
ang bumibigkas kung alam niya ang pagtutuunan ng kanyang paningin. Karaniwang ang paningin ay nagsisimula sa
gitna sag awing likuran. Maaari itong igawi sa kanan o kaliwa, ngunit hindi dapat laktawan ang gitna.
43
Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. Sa pakikipagtalong ito, ang bawat kalahok ay
binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patoo gayundin ng
pagpabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na masusunod ng bawat
tagapagsalita ang oras na laan para sa kanila. Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga
upang makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-kanilang mga argumento.
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging mapanghikayat kaya’t
kailangang isaalang-alang ng isang debater.
2. Estilo – Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang gagamitin, at sa
kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap na kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang
linaw at lakas o taginting ng kanyang boses, husay ng tindig, kumpiyansa sa sarili, at iba pa.
3. Estratehiya– Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa mga argumento, at kung paano
niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin makikita kung gaano kahusay ang
pagkakahabi ng mga argumento ng magkakagrupo. Mahalagang mag-usap at magplano nang maigi ang
magkakagrupo upang ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa
mga sasabihin ng iba.
Maraming iba’t ibang uri ng debate subalit ang pinakakaraniwang ginagamit ng mga mag-aaral ay ang mga
debateng may uri o format na Oxford at Cambridge.
Sa debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang sa unang tagapagsalita
ma wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng kanyang
44
pagpapabulaan sa huli. Sa pagtinding ng bawat kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang inilalahad ang
kanyang patotoo at pagpapabulaan.
Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay dalawang beses titindig upang magsalita. Una ay para ipahayag ang
kanyang patotoo at sa ikalawa ay para ilahad ang kanyang pagpapabulaan.
May iba pang uri ng debate, kagaya ng mock trial, impromptu debate, turncoat debate at iba pa.
Ang mock trial ay isang uri ng debate kung saan ang mga kalahok ay nagpapanggap bilang mga manananggol
o mga attorney sa isang paglilitis. Karaniwan din na merong mga boluntaryo na magdudula-dulaan o mag-roleplay.
Ang impromptu debate ay isang uri ng debate masasabing mas impormal kumpara sa ibang klase ng debate.
Binibigyan ang paksa sa mga kalahok 15 minuto bago magsimula ang debate. Pagkatapos, ang kada miyembro ng
dalawang panig ay bibigyan ng limang minuto para magsalita. Pagkatapos magsalita ang isang miyembro ng isang
pangkat, isang miyembro ng ibang pangkat ang magsasalita. Uulitin ang proseso hanggang matapos nang magsalita
ang lahat ng miyembro ng dalawang grupo.
Ang turncoat debate ay kakaiba sa ibang klase ng debate dahil ito ay ginagawa ng isang tao lamang. Ang kalahok
ay magsasalita muna para sa proposisyon ng dalawang minuto, at pagkatapos ay magsasalita para sa oposisyon ng
dalawang minuto
RUBRICS
45
Mga Krayterya 30 20 10
A. Organisasyon Mahusay ang pagkasunod- Maayos ang pagkasunod- May lohikal na organisasyon
sunod ng ideya sa kabuuan ng sunod ng ideya sa talata, ngunit hindi masyadong
talata, mabisa mag panimula at may angkop na simula at mabisa ang panimula at
malakas ang kongklusyon batay kongklusyon. kongklusyon.
sa ebidensya.
B. Lalim ng Napakalalim ang makikita ang Malalim na makikita ang Mababaw at hindi gaanong
Repleksyon pag-uugnay ng dating kaalaman dati at bagong kaalaman. makikita ang pag-uugnayan ng
at karanasan sa bagong dating at bagong kaalaman.
kaalaman.
C. Paggamit ng Wika Napakahusay ang paggamit ng Mahusay dahil kakaunti Maraming mali sa grammar at
wika, walang mali sa grammar, lamang ang mali sa baybay ganundin sa gamit ng
baybay, at gamit ng bantas, may grammar, baybay at gamit bantas.
mayamang bokabularyo. ng bantas.
D. Presentasyon Malinis at maayos ang Malinis ngunit hindi May kahirapang unawain ang
pagkakasulat ng talata. maayos ang pagkakasulat pagkakasulat ng mga
ng talata. pangungusap.
E. Pamamahala ng Ginamit ang sapat na oras Natapos at naisumite sa Natapos at naisumite isang
Oras upang ihanda at tapusin at takdang oras o deadline. lingo pagkatapos ng deadline.
naibigay isang lingo bago ang
deadline.
46
Walang mali sa May mali sa gramatika at Maraming mali sa
gramatika at iba pang iba pang kumbenisyon sa gramatika at iba pang
Gramatika kumbenisyon sa pagsulat kumbenisyon sa
pagsulat pagsulat.
Kabuuan
Pagmamarka:
5 (Napakahusay) 4 (Mahusay)
3 (Katamtaman) 2 ( Di-gaanong mahusay)
1 (Di-lubhang mahusay)
Pamantayan Pokus Pagmamarka
47
Pagkakaganap ng Maayos, makatotohanan, at makatarungang pagbibigay buhay
mga Tauhan sa uri ng personalidad na taglay ng tauhan sa piyesa mula sa
pagsasalita, pagkilos, at ekspresyon ng mukha.
Pagkamalikhain
Pagkumpleto
Sumusunod sa
Direksyon
Repleksyon
Pangkalahatang
Presentasyon
Kabuuan
48
Prepared by Approved by
SANGGUNIAN
49
Nice X. D. (2014, October 13). Mga Patnubay sa Pagbigkas ng Tula at Talumpati.
Retrieve from blogspot.com: http://nicexdfilipino02.blogspot.com/2014/10/mga-patnubay-sa-pagbigkas-
ng-tula-at.html
Padilla, R. M. (2015) RETORIKA: kahulugan at kahalagahan ng retorika.Manila
Paula, J. (Director). (2018). Ang Pagsulat ng Talumpati [Motion Picture].
Tan, P. D. (Director). (2020). Retorika at Balarila. [Motion Picture]
Torres, J. (2019, April 11). Rubric sa Pagsusulat ng Reaksyong Papel. Retrieved from scribd.com:
https://www.scribd.com/document/405859057/Rubric-Sa-Pagsusulat-Ng-Reaksyong-Papel
Virtucio, M. (Director). (2016). Balarila [Motion Picture].
Yare, M. (Director). (2019). Uri ng Pangungusap [Motion Picture].
Yenbehold. (2015, August 14). Wika at Panitikan. Retrieve from:
http://siningngfilipino.blogspot.com/2015/08/ang-retorika.html
50