Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

Ang sanaysay ang pinakagamitin sa halos

lahat ng larangan ng mga mamamayan-pampulitika,


panlipunan, pang-edukasyon, atb.

Ang sanaysay ang laging ginagamit sa


pagsagot sa isang bahagi ng pagsusulit, sa
pagsulat ng liham, pag-uulat at pananaliksik, sa
paglalahad ng mga kautusan, palibot-liham at
alintuintunin.
ANG KAHULUGAN
NG SANAYSAY
 Sa disyunaryo
-isang komposisyong pampanitikan sa
isang natatanging paksa na higit na maikli at
pormal kaysa alinmang akda.
 Michael de Montaigne
-lumikha ng sanaysay
-pagtatangka o pagsubok sa bagong
larangan ng panitikan ang mga kaisipan ay
maaaring makipagtalastasan sa kanino mang
mga kaibigan o kakilala.
-Kung ang liriko ay para sa panulaan, ang
prosa ay para sa sanaysay.
Michael de Montaigne

February 28, 1933-


September 15, !592
( age 59)
 Alejandro G. Abadilla
-kilalang makata at mananaysay
-ang sanaysay at kuha sa kahulugan
ng pasasalaysay na isang sanay o
nakasulat na karanasan ng isang sanay
sa pagsasalaysay.
- idinugtong pa niya na walang iniwan
sa tulang liriko sa larangan ng
panunugma o pagtula at madalas ay
sentido komon at nasa awtor.
Alejandro G. Abadilla

March 10, 1906 –


August 26, 1969
(age 63)
 Genoveva E. Matute
-premyadong manunulat at mananaysay
-Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay
pagtataya sa isang pakasa sa paraang tuluyan at sa
malayang paraang maglalantad ng kaisipan, kuru-
kuro, palgay at ng kasiyahan ng sumusulat, upang
umaliw, magbibigay kaalaman o magturo.
-idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa na
sa mga anyong higot na nagpapaisip, nagpapalawak
ay nagpapalalim sa pang-unawa, bumubuo at
nagpapatibay sa ispa’t damdaminng-bayan.
Genoveva E. Matute

January 3,1915 –
March 21,2009
( age 94)
ANG PINAGMULAN
NG SANAYSAY
 1580
-nagsimula ang tinatawag na sanaysay
dahil sa katipunan ng mga palagay at
damdamin ni Michael de Montaigne isang
Pranses na pinamagatang Essais.
-sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay
nila na ang Essais ay kinapapalooban ng
mga pagtatangka, mga pagsubok at mga
pagsisikap ng mga may-akada.
 1597
-nagsimulang magsulat ng mga
sanaysay si Francisco Bacon na
naglalaman ng mga saloobin at
kaisipang punung-puno ng buhay. Ito
ang dahilan upang kilalanin siya bilang
“ Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa
Inlges “.
 1700
-kakaunti lamang ang mga naisulat na
sanaysay. Ngunit maraming naghangad na
sundan ang mga yapak ni Bacon. Isa na
rito sina:
Sir Thomas Izaak Walton – sumulat ng
aklat na pinamagatang The Compleat
Angler. Naging paksa niya ang tungkol sa
pamimingwit at pakikipagkaibigan.
Sir Thomas Browne- ang paksa niya ay
tungkol sa mga katutubong kaugalian. Ito’y
masusi niyang inilarawan sa Religio Medici
at Urn Burial.
John Dryden- ang kanyang mga
opinyon tungkol sa panitikan at sining ay
kinalugdang basahin ng mga nag
papahalaga sa dalawang disiplinang
nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay
na sanaysay ni Dryden ang An Essay of
Dramatics Poesy.
 1800
-sumigla ang sa pagsulat ng
sanaysay sina Richard Steele, Joseph
Addison, Samuel Johnson, Oliver Smith
atb.
 1900
- patuloy na namulaklak ang
paglaganap ng sanaysay.
-bukod sa panitikan at sining naging
malaganap ang paksang panlipunan at
panrelihiyon.
-nanaluktok sa panahong ito ang
pangalang John Ruskin, Thomas Henry,
Huxley, Matthew Arnold atb.
 Sa Pransya
- hindi masyadong lumaganap ang sanaysay sa
Pransya ang sinilangang bansa ni Montaigne.
Binigyang lang ito ng pansin noong ika-17 dantaon
ang tinuturing na Gintong Panahon ng Panitikang
Pranses.
-ang mga sanaysay na isnilat ni Francois de
Rochefoulldcauld tungkol sa mga sawikain ay
mananaysay na Pranses. Isa sa
naimpluwensyahan ay si Voltaire.
-noong ika-19 dantaon sumikat ang mga
pangalang Sainte Beauve, Jules Lemaitre,
Ferdinand Brunetiere at Anatole France.
 Sa Estados Unidos
-napatunayan ang mga sanaysay ni
Washington Irving sa Sketch Book na nailathala
noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na
naisulat ng mga mananaysay na Ingles.
Nagkakaiba lamang sa istilo sapagkat higit na
matimpi ang idtilo ni Irving.
-nakilala rin ang mga sanaysay nina Ralph
Waldo Emerson, John Burroughs, atb. At sino
ang hindi nakakikilala kay Edgar Allan Poe na
hindi lamang mahusay sa makata’t manunulat
kundi isa ring institusyon sa larangan ng
pagsulat ng sanaysay.
-kinilala ring mahusay na manunulat
sa panahong ito sina Oliver Wendell
Holmes at James Russell.
-lumaganap din sa panahong ito ang
dalawang magasing naglathatla ng mga
sanaysay ng ilang piling manunulat, ang
The Atlantic Monthly at ang Harper’s
Magazine.
 Sa Pilipinas
- ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog
bilang sangay ng panitika ay nagsimula sa mga
isinulat nina Jose Rizal sa kanyang The
Indolence of the Filipino People at The
Philipines.
- ang A Century Hence ni Marcelo H. del
Pilar ang naging patnugot at tagapaglathala ng
La Solidaridad at itinuturing na nanguna sa
pangkat ng mga mapaghimagsik na
mananaysay kabilang sina Graciano Lopez
jaena, Jose Burgos, at Apolinario Mabini.
-Sa mga Pilipinong mananaysay na
sumulat ng sa Ingles ay nakilala sa
tulong ng The College Folio at Literary
Apprentice ng Unibersidad ng Pilipinas.
Kilalang mahhusay na mananaysay sa
panahong ito sina I. V. Mallari, Francisco
B. Icasiano, Salvador P. Lopez, atb.
-Mga sanaysay sa Tagalog ay
pinamulaklak nina PasculaPoblete, Lope
k. Santos, Julian Cruz Balmaceda, Inigo
Ed. Regalado, atb. Ang lumaganap sa
panahong iyon ang magasing Liwayway
na naglalthala ng maikling kwento at
sanaysay.
-bago makidigma ang mga sanaysay
ay nina Pedro S. Dandan, Pablo
Bautista ang kinagiwan ng mga tao.
- noong 1945 hanggang 1950
nanaluktok sina Teodoro A.
Agoncillo,Liayway Arceo, Brigdo C.
Batungbakal, Genoveva Edroza, Alfredo
Enriquiz, Pablo Glorioso, Epifanio
Matute, Clodualdo del Mundo, Macario
Pineda, Alejandro G. Abadilla, Narciso
G. Reyes at Vito C. Santos.
Marami ding mga katipunan ng
sanaysay ang nailimbag kabilang na
dito ang Mga Piling Sanaysay ni
Alejandro G. Abadilla,Sanaysay ni
Gemiliano Pineda, Buhat sa Aming
Sulok ni Paraluman Aspillera at Ako’y
isang Tinig ni Genoveva Edroza.
Sa mga aklat na pampaaralan
mayroon na ring mangilan-ngilan na
nalathala na sa sanaysay tulad ng
Diwang Ginto, Diwang Kayumanggi at
Panitikan Para sa Mataas na Paaralan
Sa mga magasin na nalathala ay ang
Panitikan ni Alejandro G. Abadilla at Free
Press na naglalaman ng mga sanaysay
ang ni B.S. Medina Jr. sa pitak na
pinamagatang “ Lubos na Sumasainyo”
Si Direktor Ponciano ng Surian ng
Wikang Pambansa ay may aklat na
naipalimbag, ang Bato sa Katedral na
katipunan ng kanyang ilang piling
sanaysay na nag karamihan sa paksa ay
tumatalakay sa mga araling pangwika.
Naging masigla ang mga manunulat
nang masama sa taunang patimpalak ng
Carlos Memorial Awards For Literature ang
pagsulat ng ng sanaysay. Ang ilan sa mga
sanaysay na nagwagi ay yaong nahihingil
sa panunuring pampanitikan ng iba’t-ibang
sangay ng panitikan. Kinilalang mahuhusay
na mananaysay ng “Palanca” sina Pedro
L. Ricarte, Virgilio Almario, Ruel Aguila,
Rosario Torres, atb.

You might also like