Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Pamanahong Papel sa Filipino 2

ANG PANANALIKSIK NA ITO AY TUNGKOL SA MGA


ESTUDYANTE NA MAHILIG SOCIAL MEDIA: FACEBOOK SA
DEPARTAMENTO NG CAS

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Aming Propesor sa


Departamento ng Filipino 2 sa Departamento ng CAS
Northwestern University

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang


Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

JERWEL GORGONIO
IRISH SOLITANA
JUN VALERIE BOLOGA

Mananaliksik

Petsa;
DECEMBER 5, 2020
RASYONAL

Sa panahon ngayon, hindi na nahuhuli ang mga mag-aaral sa Departamento ng CAS

sa Northwestern University kapag social media na ang pinag-uusapan. Nakikiisa sila sa

pagbabago dala ng teknolohiya ngayon. Halimbawa na ditto ang facebook ito ang

tanging libangan ng mga mag-aaral sa kursong Computer Science sa nasabing

unibersidad. Sa halip, ito ay bahagi na ka ating pang araw-araw na gawain.  Sa aming

pananaliksik, namin naisip naming na hingin ang persepsyon ng mga mag-aaral sa

pamamagitang ng pag message gamit ang messenger, dahil hindi pweding ma

interview ang mga mag-aaral dahil sa pandemya gumawa kami ng paraan para hingan

sila ng sagot sa mga tanong namin sa personal dahil sa kumakalat na sakit at tinatawag

itong COVID_19 kaya gumawa kami ng paraan para mahingan sila ng sagot sa mga

tanong namin. At nasa Una hanggang Ikatlong taon sa mga piling mag-aaral sa

Departamento ng Computer science hinggil sa pagiging hilig sa Facebook kumpara sa

kanilang pag-aaral. Bilang isang paghahanda sa ating mga sarili upang maging isang

matagumpay na guro. Nararapat lamang na igugol natin ang ating oras para sa pag-

aaral. Hindi sana tayo maapektuhan ng masamang epekto sa pag-usbong ng mga

teknolohiya na nagpaikli sa mundo. Samakatuwid, ang kahiligan sa Facebook ay

nagpapaunlad sa pakikipag-kapwa subalit hindi mabuti kung ipag sabay mo ito sa pag-

aaral. Ito ay nangangailangan ng sapat na balance ng oras upang maggawa mo ang

iyong mga gawain sa pag-aaral.


 

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata I, Ang Suliranin at Kaligiran Nito                                                        1  1.

Introduksyon                                                                                                       1-5

 2. Layunin ng Pag-aaral                                                                                        5

3. Kahalagahan ng Pag-aaral                                                                             5-6

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral                                                                    6

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya                                                                     7

Kabanata II, Kontribusyon ng Facebook

sa Mga Mag-aaral ng CAS                                                                              

Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik                                                 10

1.Desinyo ng Pananaliksik                                                                                    10

2.Instrumentong Pananaliksik                                                                 

3. Tritment ng mga Datos                                                                                      10

                                                   
KABANATA I

                          

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang Facebook ay isa sa mga kilalang Social Networking Sites sa kasalukuyang

henerasyon na malawakang ginagamit ng mga tao sa buong mundo. Kahit saan man

tayo pumunta, lahat ng taong nakakasalamuha at nakikilala natin ay may kanya-

kanyang account sa mga Social Networking Sites na ito. Kung kaya’t pati na ang mga

mag-aaral mula sa elementarya, hayskul, at kolehiyo ay naiimpluwensiyang magkaroon

ng sariling account at makibagay sa uso. Ngunit nakaaapekto ba ang mga Social

Networking Sites sa edukasyon o pag-aaral ng mga estudyante? May mga naidudulot

ba itong masasamang epekto sa kanila?

Ang mga Social Networking Sites na ito ay nagiging libangan na ng mga mag-aaral at

minsan ay nagiging parte na ng kanilang pamumuhay. Hindi nila nakakalimutang

buksan ang kanilang account bago pumunta sa paaralan, pagdating sa bahay galing

eskwelahan, habang kumakain, habang nag-aaral, habang gumagawa ng takdang-

aralin, at bago matulog. Paulit-ulit nila itong ginagawa at hindi pa rin sila nagsasawa.

Habang tumatagal, mas madalas na ang pagbukas nila ng kanilang account. Sa


gawaing ito, hindi maiiwasan ang mga epekto ng Social Networking Sites sa kanilang

pag-aaral. Ngunit hindi naman lahat ng mga epekto nito ay masasama. Parehong may

magaganda at masasamang dulot ang mga Social Networking Sites sa pag-aaral ng

mga estudyante. Nagagawa nilang magtanong sa kanilang kaklase tungkol sa mga

takdang-aralin. Maaari silang humingi ng tulong sa isa’t isa sa paggawa ng takdang-

                                                                                                                                         

aralin sa pamamagitan ng tinatawag na “chat”.  Nakakakuha rin sila ng kopya ng mga

lektyur ng kanilang mga kaklase at guro. Nasasabihan din sila ng mga mahahalagang

anunsyo mula sa kanilang guro at kaklase na hindi nasasabi sa loob ng klase. Ito ang

mga mabubuting dulot ng Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga estudyante. Sa

kabila ng mga ito, mayroon ding masasamang epekto ang Social Networking Sites.

Hindi sila makatuon ng mabuti habang sila ay nag-aaral at gumagawa ng takdang-aralin

dahil sa antala na dulot ng Social Networking Sites. Sa halip na gumagawa ng takdang-

aralin at nag-aaral, mas inaatupag nila ang paglalaro sa mga tinatawag na

“applications” at iba't ibang mga laro sa mga Social Networking Sites, pag-chat, at

pagdaan sa tinatawag na mga profile ng kanilang mga kaibigan. Kapag hindi nila

mapigilan ang kanilang sarili sa kakabisita sa mga Social Networking Sites, at

tumatagal na sa harap ng kompyuter, nawawalan na sila ng oras para mag-aral at

gumawa ng takdang-aralin. Bilang epekto nito, sila ay umaakit sa tinatawag na

“cramming” na makakasama para sa kanilang pagganap sa paaralan dahil sa halip na

makinig sa guro, ginagawa nila ang kanilang takdang-aralin sa loob ng klase, at nag-

aaral para sa ibang asignatura. Kung kaya't maaari silang makatanggap ng mga

mababang marka sa mga pagsusulit at gawain sa eskwela.


Mula sa aking mga nabanggit na mabubuting dulot ng tinatawag nating Social

Networking Sites, mabuti naman ito para sa pag-aaral ng mga estudyante ngunit kapag

nasobrahan na ang paglipas nila ng kanilang oras sa mga Social Networking Sites,

pumapasok na ang mga masasamang epekto ng mga ito. Sabi nga nila,

“Take everything moderately.” Sa pamamagitan nito at ng paggamit nga mga Social

Networking Sites sa tamang layunin, paraan, at oras ay maiiwasan ang masasamang

epekto ng mga ito sa pag-aaral ng mga estudyante. Isa sa kinahuhumalingan ng mga

mag-aaral sa kasalukuyan ay ang social networking sites (SNS). Madalas

pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga nito sa kanilang pag-aaral (talaga

nga kaya?); partikular ang karamihan sa mga magulang –sila ay may mga negatibong

persepsyon tungkol sa usaping ito. Mahirap igiit sa mga mag-aaral na wala itong

mabuting idudulot at lalong mahirap makipagtagisan sa kanila hinggil sa masamang

epekto ng social networking sites. Ang pananaliksik na ito ay isang eksploratoryong

pag-aaral sa paggamit ng social networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino.

Pokus ng pag-aaral na ito na matukoy ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso

ng pagkatuto ng mga mag-aaral; gayundin ang pagdalumat sa positibo at negatibong

epekto nito sa larangan ng pagtuturo lalo na sa wikang Filipino at aalamin din kung ang

SNS ay nakakatulong sa pagtuturo ng Filipino. Layunin ng papel na ito na malaman ang

papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral; tukuyin

ang mga positibo at negatibong epekto ng SNS bilang estratehiya sa larangan ng

pagtuturo; at dalumatin kung talagang nakakatulong ba ito sa pagtuturo.

Penomenolohikal na pamaraan ang gagamitin sa pag-aaral; batay ito sa obserbasyon,


eksperimento at karanasan ng mga guro at mag-aaral na gumagamit ng SNS.

Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro na gumagamit ng SNS sa pagtuturo,

gayundin sa mga estudyante.Pinakasikat sa mga SNS at madalas gamitin ng mga mag-

aaral ay ang Facebook. Ang mga takdang-aralin, babasahin at dapat pag-usapan tulad

                                                                                                                                        

ng ilang paglilinaw o katanungan tungkol sa paksang-aralin natalakay at tatalakayin pa

ay nabibigyang-linaw at tugon sa pamamagitan ng facebook dahil dito madalas naka-

OL (on line) ang mga estudyante. Malaking bagay din ito upang maging daan sa

pagpapasa ng mga takdang-aralin ng mga estudyante dahil ito ay paper less at

malaking tulong pa ito upang mabawasan ang global warming. Sa kabilang banda, ang

e-group ay malaking bentahe rin upang doon i-upload ang mga babasahin o iba pang

panawagan o ilang paalala sa mga estudyante halimbawa sa mga takdang araw o

deadline ng pagpapasa ng proyekto, takdang-aralin, at iba pa. Bagamat, maaari rin

namang mag-upload sa facebook. Isinusulong ng papel na ito ang paglalapat ng mga

networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat may kabutihan din itong

maidudulot sa pagkatuto sa halip na palagiang ipagbawal ito sa mga mag-aaral na para

bang isang malaking banta sa kanilang pag-aaral at maging sa kanilang buhay.

Datapwat, nararapat pa ring isaalang-alang ang hangganan o parameter ng mga SNS.

Ang papel na ito ay maihahanay sa isa sa mga kulturang popular na kadalasang

pinagbubuhusan ng pansin ng mga mag-aaral. Ang SNS ay isa sa mga dulog-

teknolohikal na magagamit natin sa pagtuturo. Maaaring magbigay ng oportunidad ito

sa mga guro upang kumonekta sa mga mag-aaral ngunit ang koneksyon ay may
parametro ang uganyang guro-mag-aaral. Ang SNS ay ginaggamit sa pagkakaibigan na

iba naman ang gamit sa larangan ng pagtuturo. Madalas din itong gamitin ng mga mag-

aaral sa pakikipagkaibigan. Kung gayon, kapag ito ba ay ginamit bilang bahagi sa

pagtuturo, mailalalagay din ba ng mga mag-aaral at guro na gumagamit ng SNS ang

hangganan o parametro ng ugnayan nila sa sia’t isa: guro-mag-aaral na ugnayan. May  

                                                                                                                                        

pagkakataon na nagpopost ang mga estudyante ng personal na pananaw o komentaryo

tungkol sa kanilang guro ngunit hindi binabanggit ang pangalan datapwat alam nilang

lahat na kabilang sa grupo kung sino ang pinag-uusapan. Idagdag pa ang usapin ng

cyberbullying. Salamat at nagkaroon na ng bagong batas ngayon na anti-cyber crime

tulad ng cyber bullying. Komprehensibong papel-pananaliksik ang inaasahang

kalalabasan ng pag-aaral na ito.

                                           2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay impormasyon sa lahat na mag-aaral sa

Departamento ng CAS hinggil sa mga estudyante na mahilig mag Facebook at

naglalayong matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

a.    Bakit mahilig mag Facebook ang mga estudyante sa Departamento ng Computer

science sa Northwestern University?

b.     Ano- ano ang epekto ng facebook sa bawat estudyante?

c.    Paano hahatiin ng mga estudyante ang oras ng pag facebook at ang kanilang Pag-

aaral?

                                           
3. Kahalagahan ng Pag-aaral

 Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing tulay ng bawat mag-aaral sa Departamento ng

CAS ng Northwester University upang malaman  ang   kahalagahan tamang paggamit

ng Facebook lalong lalo na sa mga estudyante.

                                                                                                                                         

 Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad ditto dahil napakalaki ng 

maitutulong hindi lamang sa mga mag-aaral sa Departamento ng CAS kundi pati mga

estudyante sa ibang departamento .

 Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maari rin nilang malaman ang tamang pag

balanse ng oras sa paggamit ng umuusbong na social media ang tinatawag na

Facebook na kadalasang nagkaroon ng masamang epekto sa buhay ng mga

estudyante.

                               4. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naka pukos sa kursong edukasyon sapagkat pagsusuri sa

pananaw ng piling mga mag-aaral sa Departamento ng Kriminology na mahilig mag

Facebook. Saklaw nito ang mga estudyante sa Una hanggang ikatlo na taon sa

kasalukuyang semester sa kursong kriminology.

Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa una hanggang sa ikatlong taon saklaw sa kanila ang

pananaliksik na ito. Naniniwala kaming mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon


ay dapat maiparating naming ang tamang disiplina sa paggamit ng Facebook para hindi

maapektuhan ang kanilang pag-aaral. Sa ganitong pag-aaral matutulungan naming ang

bawat estudyante sa kursong Computer Science a mabigyan ng sapat na impormasyon

sapakat ito ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating buhay.

                    

                                                                                                                                          

                                         5. Depinisyon at mga Terminolohiya

Upang mas lalong mapagtibay at maintindihan ang daloy ng pag-aaral na ito ay

bibigyang linaw mula dito ang mga salitang bago pa lamang sa inyong mga pandinig.

Ang mga salitang ito ay binigyang kahulugan upang mas lalo itong maintindihan at

maunawaan.

Social media. Tumutukoy sa Sistema ng pakikipag ugnayan sa mga tao na kung saan

sila ay lumilikha, limilikha at nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga

ideya sa isang virtual na komunidad at mga network.

Facebook. Isa itong teknolohiya na ginagamit upang makipagkilanlan at

makipagkumunikasyon sa ibang tao mula sa iba’t-ibang lugar, ginagamit din ito upang

makapamahagi at makasagap ng ibat-ibang mahahalagang impomasyon.

Computer. Isa itong teknolohiya na naimbento upang tumanggap ng impormasyon at

maglahad ng resulta ayon sa paraan ng pagpoproseso nito.

Chatting. Ginagamit ito ng isa o higit pang-tao upang gawing bahay talakayan, dito

n0agaganap ang palitan ng kaalaman at pagsagap ng impormasyon.


Notifications. Ito ang listahan ng mga taong tumatalakay sa mga impormasyong iyong

ginawa, pinapasok sa dito ang mga reaksyon o komento o anu man ang maging aksyon

ng mga taong gumagamit ng facebook.

Profile. DIto nakalahad ang mga impormasyon tungkol sa iyong sarili, o sa medaling

salita ay ito ang salamin sa iyong katauhan.

Home. Ito ang bahay o lalagyan ng mga impormasyong kinakalap o ginagawa ng mga

gumagamit sa teknolohiyan ito, dito makikita ang lahat ng impormasyon na

ipinamamahagi ng ilang tumatangkilik sa facebook na ito.

                                                                                                                                    
                                                     KABANATA II
KONTRIBUSYON NG FACEBOOK SA MGA MAG-AARAL NG EDUKASYON

            Marami sa atin ang nahuhumaling sa pagiging aktibo sa facebook, ma bata man

o matanda; may asawa o wala. Milyon-milyong ka tao ang mayroong facebook account,

ngunit sa kabilang banda, marami ring mga manggagamit o users ng facebook ang

hindi nakaka alam sa kung ano talaga ang kontribusyon ng facebook sa mga tao lalong

lalo  na sa mga mag-aaral.

            Ayon sa aking na kausap na mga estudyante sa unang antas marami ang na i-

kontribusyon ang facebook sa kanila. Gaya ng KOMUNIKASYON, ito ang dahilan kung

bakit nakikita/nakakausap nila ang kanilang mga mahal sa buhay lalong-lalo na ang

kanilang mga magulang ay naghahanap buhay sa ibang bansa para ma itaguyod sila sa

kanilang pag-aaral at para mabigyan sila ng magandang buhay.


            Ayon naman sa ikalawang antas ang na i-kontribusyon ng facebook sa kanila ay

ang pagbibigay IMPORMASYON. Marami ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa

pang daigdigang balita gaya ng TV PATROL, 24 ORAS, FREEMAN, at iba pa. Malaki

ang naitulong ng mga programang ito sa kanila sapagkat hindi na sila gaanong naka

panood ng mga balita sa telebisyon dahil pagka-galing sa skwela ay tutulongan nila ang

kanilang ina sa mga gawaing bahay. Tuwing sabado at lingo lang sila nakakapanood ng

telebisyon kapag tapos na nila gawin ang kanilang mga takdang-aralin o di kaya’y mga

proyekto.

           

                                                                                                                                   

Sa ikatlong antas naman ang na i-kontribusyon ng facebook sa kanila ay nakakapag

NEGOSYO sila na pwedeng mapag-kikitaan gaya ng mga RTW’s, bags, sapatos, at iba

pa. Sa paraang ito napagtustusan na nila ang kanilang pag-aaral, hindi na sila umaasa

sa kanilang magulang para humingi ng pang tuition fee.

            Sa kabuuan marami talaga ang na i-kontribusyon ng facebook sa mga mag-

aaral mapa negosyo man, pagbibigay ng balita, pakikipag-komunikasyon natin sa ating

mga mahal sa buhay o di kaya’y pakikipag-kapwa/ pakikipag-kaibigan. Dapat natin itong

gamitin sa maayos na paraan, hindi iyong mag fa-facebook lang tayo para may

maipakita sa mga kaibigan kung anong bagong bagay meron ka o mang bu-bully ka sa

iyong mga kaklase.

Kaya pahalagahan natin ang ating facebook account at panatilihiing pribado ito. Bigyan

rin nating halaga ang ating pag-aaral sapagkat ang edukasyon lamang ang tanging

yaman na walang makaka pag-angkin o makakanakaw nito.


      

                                                                      
      

  KABANATA III                                                      
                        

       DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK   

1.    Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib- analitik

na pananaliksik. Tinangkang inilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na 

mga mag-aaral sa Departamento ng CAS tungkol sa mga mahihilig mag Facebook.

2.    Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pag sarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghahanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang kaalaman ng

mga mag-aaral hinggil Sa Mga Estudyante na Mahilig mag Facebook sa Departamento

ng Computer Science..

 Upang lalong madagdagan ang kaalaman ng mga mananaliksik sumangguni kami sa

mga dalubhasa sa Internet tungkol sa paksa ng pamanahong-papel.

 Para sa karag-aaragang kaalaman sa pag-aaral ay kumuha kami ng mga impormasyon

mula sa iba’t ibang reperens.


3.    Tritment ng mga Datos                                                       

 Dahil ang pamanahong –papel ay panimulang pag-aaral lamang at hindi isang

pangangailangan sa pagtamo ng isang digri, ay walang ginawang pagtatangka upang

masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging

pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinakailangang gawin ng mga

mananaliksik.

You might also like