Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

ARALING PANLIPUNAN 7
GAWAIN BLG. 6
Paksa: Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kompetensi: * Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya
* Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng ang digmaang pandaidig sa kasaysayan ng mga
bansang Asyano
Layunin: Natutukoy ang kahalagahan ng nasyonalismo sa pag-unlad ng Timog at Kanlurang Asya.
Konsepto:
NASYONALISMO SA ASYA
Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa
mga bansang Asyano, ang nagbigay- daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya.
PAG-USBONG NG NASYONALISMO SA TIMOG ASYA
India
 Ang pananakop ng mga Ingles sa India, ang nagbigay-daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo
dito. May ibat – iba mang wika at relihiyon ang mga Indian ay kumilos at nagkaisa upang umunlad at
makabuo ng isang malayang bansa.
 Tulad na lamang ng pagpapatigil ng mga Ingles sa Suttee o sati. Ipinatigil din ng mga Ingles ang female
infanticide. Naging dahilan din ng paglaban ng mga Indian sa mga Ingles ang di – pantay na pagtingin sa
kanilang lahi. Mas tumindi pa ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian nang maganap ang
Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919.
 FEMALE INFANTICIDE pagpatay sa mga batang babae upang hindi maging suliranin at pabigat sa mga
magulang pagdating ng panahon.
 REBELYONG SEPOY ito ang pag-aalsa ng mga Sepoy o sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol
sa pagtatangi ng lahi o racial.
 SUTTEE – ang pagpapatiwakal ngmga byudang babae at pagsama sa libing ng namatay na asawa.
 AMRITSAR MASSACRE maraming mamamayang Indian ang namatay sa isang
selebrasyon dahil sa pamamaril ng mga sundalong Ingles. Sa kaganapang ito ay namatay ang may 400
katao at mayroong 1200 na mga nasugatan.
NASYONALISMO SA KANLURANG ASYA
 Ang nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay hindi katulad ng nasyonalismong naipakita ng mga bansa sa
Timog Asya. Hindi agad naipakita ng mga bansa sa Kanlurang Asya ang nasyonalismo dahil karamihan
sa mga bansa dito ay hawak ng dating malakas at matatag na imperyong Ottoman, bago pa man masakop
ng mga Kanluraning bansa noong 1918.
 HOLUCAOUST – ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga Nazi German sa mga Jew o
Israelite. Mateo et al. Asya Pag-usbong ng kabihasnan.
 ZIONISM – Ang pag-uwi sa lupain ng Palestine ng mga Jew mula sa ibat ibang panig ng daigdig. Mateo
et al. Asya, Pag-usbong ng Kabihasnan.
 SISTEMANG MANDATO – nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda upang maging
isang malaya at nagsasariling bansa ay ipapasailalim muna sa patnubay ng isang bansang Europeo, ayon
kay Mateo et al. Asya, Pag-usbong ng Kabihasnan.
MGA NASYONALISTA SA TIMOG AT TIMOG KANLURANG ASYA
Sa pagpapakita ng nasyonalismo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya, nakilala ang mga lider
nasyonalista na nagsilbing inspirasyon ng mga Asyano sa kanilang pamumuhay. Kilalanin natin ang mga
nasabing lider nasyonalista.
MOHAMED ALI JINNAH
 Si Mohamed Ali Jinnah ang namuno sa Muslim League noong 1905.Layunin ng samahan ang magkaroon
ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.
MUSTAFA KEMAL ATATURK
 Si Mustafa Kemal ang nagbigay- daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa kabila na ito ay binalak
paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Britain, Greece at Armenia
AYATOLLAH ROUHOLLAH MOUSARI KHOMEINI
 Noong 1962 nagsimula si Ayatollah na maging aktibo sa larangan ng politika. Kasama siya sa mga
pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang Shah sa mga mamamayan at ang
tahasang pagpanig at pangangalaga nito sa interes ng mga dayuhan tulad ng Estados Unidos.
IBN SAUD
 Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Isinilang noong Nobyembre 24,1880 sa Riyadh,
anak ni Abdul Rahman Bin Faisal. Ang kaniyang pamilya ay kabilang sa mga pinunong tradisyunal ng
kilusang wahhabi ng Islam.
ANG ASYA AT ANG DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
upang matamo ng mga Asyano ang kanilang kalayaan sa kamay ng mga imperyalisyalistang bansa ay mas
nasubok ng maganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1914-1918)
 Noong Agosto 1914 nang sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa pag-aalyansa ng mga
bansang Europeo at ang pag-uunahan sa teritoryo upang maisakatuparan ang kani-kanilang interes.
ANG ASYA AT ANG DALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
 Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya
upang matamo ng mga Asyano ang kanilang kalayaan sa kamay ng mga imperyalisyalistang bansa ay mas
nasubok ng maganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG (1914-1918)
Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang higit na nag-udyok sa mga Asyano na
magkaroon ng mgapagbabago at higit na magpunyagi sa pangunguna ng mga lider Asyano nito na matamo ang
minimithing kalayaan para sa mga bansa lalo na si Timog at Kanlurang Asya.
Nakasentro man sa Europa ang digmaan, nakaapekto rin ito sa Asya. Tulad sa India na ang nasyonalismo at
pangkalayaang kilusan ay nagkaisa at tumulong sa panig ng mga Allies.
Sa pamamagitan ng bansang Iran, ang Rusya at Britanya ay nagsagawa ng pag- atake sa Ottoman Empire na kung
saan ay nakipag-alyado sa Germany.
Ipinalabas ang Balfour Declaration noong 1917 ng mga Ingles na kung saan nakasaad dito na ang Palestina ay
bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging kanilang tahanan (homeland).
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay lumakas sa bansang India ang kilusang Nasyonalismo na naging
daan upang magkaisa ang pangkat ng Hindu at Muslim.
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Nagsimula sa Europa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre1939. Taong 1942 ,isang
kasunduan ang pinangunahan ng Estados Unidos ang Tehran Conference na nagsasaad na kapwa lilisanin ng
Rusya at Britanya ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya.
ARALING PANLIPUNAN 7
GAWAIN BLG. 6

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________
Guro: Bb. Anabel A. Bahinting, LPT

PAGSASANAY
A. Panuto: Pumili ng isang simbolo ng salitang “nasyonalismo” at iguhit ito. Maging malikhain sa pagguhit ng
napiling simbolo at ipaliwanag kung bakit mo ito napili, (30 pts)

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (10 pts)


1. Nakabuti ba o hindi sa pamumuhay ng mga tao at bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang pagpapakita ng
damdaming nasyonalismo? Patunayan.
2. Anong gawain ng isang karaniwang mamamayan na katulad mo sa kasalukuyan, ang maaaring magpamalas
ng pagmamahal sa bansa ? Ipaliwanag ang iyong sagot.

You might also like