Esp 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 9
GAWAIN BLG. 5
Paksa: Kasipagan bilang Tulay sa Pag-unlad
Kompetensi: *Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at
pinamamahalaan ang naimpok
*Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan at
may
motibasyon sa paggawa
*Napatutunayan na: a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na
naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa,
lipunan at bansa b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa
pagtupad ng itinakdang mithiin
*Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain nang
may
kasipagan at pagpupunyagi
Layunin: Nahihinuha ang kahalagahan ng kasipagan bilang tulay sa pag-unlad.
Konsepto:
KASIPAGAN, TULAY SA PAG-UNLAD
Isa ang katamaran sa pitong kaSalanang nakamamatay ng kaluluwa. (Seven Deadly Sins). Naaala.ala mo
ba ang iba? Sabi ng mga matatanda, huwag kang kumain KUNG tamad ka. Kung ganito, mamamatay ka nga.
Tama? Paano ka uunlad kung paparisan mo si Juan Tamad. Nang pumatak ang bayabas sa kanyang bunganga ay
bulok na. May kilala ba kayong tamad na umunlad? Maliban na lang kung tumama sa Lotto. Hindi rin, dahil kung
tamad pa rin siya, mauubos ang pera niya sa katagalan. Kaya nga kahit anong bagay at anuman ang larangan,
kailangan natin ang kasipagan. Kung walang sipag, walang matatapos na gawain. Kaakibat ng sipag ay ang tiyaga
na kung wala kapwa ang mga ito, mahirapan tayong makaahon sa buhay na ito.
Kung materyal na bagay ang pag-uusapan, marahil lahat tayo ay naghahanga na magkaroon ng
magandang buhay. Sino kaya ang hindi naghangad nito? At hindi masama na maghangad o mangarap ng
magandang buhay—hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Kung
mas maganda o mas sagana ang buhay, mas higit ang kakayahan natin na tumulong sa mga
nangangailangan. Higit nating mabibigyan ng pagkakataon ang ating mga sarili na magkaloob ng tulong, bilang
palatandaan ng ating pag-ibig sa kapuwa. Hindi lamang ang itinuturo ng Biblia ay ang pagtatanim ng mga
kayamanang panlangit. Itinuturo din ng Biblia kung paano tayo magkakaroon ng maalwang pamumuhay.
Bagaman nakasaad sa Biblia na ang mga kayamanan dito sa lupa ay pansamantala lamang at hindi mananatili.
GANITONG ARAL
Sa larawan, sa tv o pelikula, nakita na marahil ninyo ang Banaue Rice Terraces. Ang hagdan-hagdang palayan sa
kabundukan. Napakaganda nito, Alam ba ninyong bunga ito ng kasipagan ng mga ninuno. Likha ng kamay, tulo
ng pawis, tiyaga at determinasyong matapos. Hindi alintana ang pagod, tagal at mga hirap para lamang ito
maipamana sa kasunod na henerasyon. Ang mga matatandang simbahan, mga pader at tanggulan tulad. ng Fort
Santiago, Fort Pilar sa Zamboanga City ay gawa rin ng
mga ninuno natin, Kapatid ng sipag ang tiyaga. Hindi ito maaaring mahiwalay. Ang bunga nito ay tagumpay.
Tama?
INTEGRASYON
Kagawiran ng Pagsasaka
Ang Pilipinas ay isang bansang ägrikultural. Ang pangunahing pananim ay ang bigas at mais. Karamihan
ding pananim ang mga gulay at prutas. Maraming Pilipino rin ang nag-aalagang mga hayop tulad ng manok,
baboy, baka, pugo, at iba pang mga halaman at hayop na kabilang sa pangunahing ikinabubuhay ng mga Pilipino.
Dahil dito, ang Kagawaran ng Agrikultura ay isa sa pinakamahalagang Kagawaran sa Gabinete ng
Ehekutibo. Pangunahing gawain nito ang pagpapatupad ng responsableng pagpapayabong ng kitang mga
magsasaka. Tungkulin din nitong pataasin ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka. Mga magsasakang ang
puhunan ay SIPAG AT TIYAGA. Sa ilalim ng Kagawaran ay kabilang ang mga
sumusunod:
 Bureau of Animal Industry;
 Bureau of Pest Control ;
 Bureau of Fisheries and Aquatic Resources;
 Bureau of Soil and Water Management;
 Bureau of Agricultural Statistic;
 Agricultural Training Institute;
 Bureau of Agricultural Research; at
iba pang tanggapang may layuning maayos na maipatupad ang mga mahahalag ang Gawain ng Kagawaran.
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 9

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________
Guro: Bb. Anabel A. Bahinting, LPT
Gawain Blg. 5
PAGSASANAY

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (10 pts)


1. Paano nagiging tulay sa pag-unlad ang kasipagan?
2. Bakit hindi dapat iasa sa swerte ang kapalaran mo?

B. Panuto: Gumawa ng isang orihinal na tula patungkol sa KASIPAGAN (3 talata). Isulat ito sa isang
buong bond paper (long). (20 pts)

You might also like