Professional Documents
Culture Documents
G9-EsP9-Q1-MODULE-1.1-WEEK1-Layunin-ng-Lipunan-Kabutihang-Panlahat-v4 Final
G9-EsP9-Q1-MODULE-1.1-WEEK1-Layunin-ng-Lipunan-Kabutihang-Panlahat-v4 Final
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1.1 (Week 1)
Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1.1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:
ii
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
iv
Alamin
1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa EsP Notebook/Portfolio.
a. kasaganahang pangkabuhayan
b. kabutihang panlahat
c. pangkalinangang pag-unlad
d. lakas ng kapangyarihan
2
4. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal.
Ang pangungusap ay:
a. Kapayapaan
b. Katiwasayan
c. Paggalang sa indibidwal na tao
d. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
3
Modyul
Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
1
1.1 Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang
panlahat (EsP9PL-Ia-1.1)
Balikan
Pagtapat-tapatin. Alin sa mga sumusunod na pagpapahalaga sa hanay A ang
tinutukoy ng mga kahulugan sa hanay B. Titik lamang ng wastong sagot ang isusulat.
Hanay A Hanay B
1. Pakikibagay a. Isinasaalang-alang ang magiging
2. Paggalang damdamin ng kanyang kapwa
3. Pagmamalasakit b. Handang tumulong sa panahon ng
4. Pakikiramay kagipitan
5. Pakikiisa c. Tumutulong sa ikapagkakamit ng
layunin ng pangkat ng kinabibilangan
d. Pinag-aaralan kung paano magiging
4
Tuklasin
Sitwasyon 1
Matalinong bata si Joana. Sa tulong at
paggabay ng kanyang magulang ay natuto siyang
bumasa at sumulat. Subalit dumating ang panahon
na ang mga aklat at ang itinuturo ng kanyang ina ay
hindi na sapat sa kanyang mabilis na pagkatuto.
Dahil dito, ipinasya ng kanyang ina na ipasok na
siya sa paaralan
Sa ibinigay na pagsusulit, natuklasang mentally
gifted ang bata.
Inerekomenda na ipasok siya sa isang
SPED school upang matugunan ang kanyang
pangangailangang intelektwal, emosyonal at
sosyal.
May mga samahang pribado tulad ng Ayala
Foundation na tumutulong sa mga batang tulad ni
Joana. Isa sa inisyatibo ng samahang ito ang
CENTEX o Center for Excellence sa mga piling
paaralang pampubliko sa lunsod ng Maynila. Sagot
nila lahat ang gastos mula sa uniporme, aklat at iba
pang gamit sa paaralan ng mga mahihirap ngunit
matatalinong bata.
5
Sitwasyon 2
Nasalanta ng matinding bagyo ang
Pilipinas noong Nobyembre 2013 sa
nagdaang Bagyong Yolanda ngunit higit na
pinsala ang dulot nito sa Leyte ng dahil sa
Storm Surge na kumitil ng humigit sampung
libong tao. Maraming imprastraktura ang
nasira at maraming pamilya ang nawalan ng
tirahan.
Agad rumisponde ang maraming non-
government organizations upang tumulong.
Kabilang na ang Philippine Red Cross, ABS-
CBN Foundation, GMA Kapuso Foundation,
Aboitiz Group, SM Group at marami pang mga
kompanya at kahit na ordinaryong
mamamayan ang nagbigay ng donasyon.
Sitwasyon 3
Sa isang malayong probinsya ay may isang
maliit na barangay na lagi na lamang namumrublema sa
taas na presyo ng mga pataba (fertilizer) at iba pang
gamit pangsakahan. Walang mangyari sa kanilang
kinikita tuwing anihan dahil sa mataas na puhunan.
Sa tulong ng isang kababayan na nakapagtapos
ng pag-aaral sa isang mahusay na pamantasan sa
Maynila, itinuro sa kanila ang prinsipyo ng kooperatiba.
Napagpasyahan ng pangkat na subukan ang ideyang
ito upang malutas ang kanilang suliranin.
Buhat ng itatag ang kooperatiba ay naibsan ang
kanilang suliranin. Nadagdagan ang kanilang kita at
unti-unti silang nakalasap ng kaginhawahan.
6
Sagutin Mo
1. Sa tatlong sitwasyong iyong binasa, ano ang mahalagang salik na
nakatulong sa paglutas ng suliranin?
2. Sa palagay mo, malulutas ba ang mga sitwasyong ito kung nag-iisa lamang
at walang kapwa-taong tutugon sa kanya/kanila? Patunayan.
3. Paano ipinakita ang kahalagahan ng lipunan sa mga sitwasyon inilahad?
Suriin
7
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
8
Pagyamanin
Paggawa ng Recipe Para sa Matiwasay na Lipunan
Pamamaraan:
Halimbawa:
1. Ilagay ang hinati-hating katarungan sa isang malaking
lalagyan at haluan ito ng 3 mangkok na paggalang.
2. Matapos itong mapagsama ay budburan ito ng bukas
na komunikasyon.
9
Isaisip
Ano ang Iyong Natutuhan?
Nabuong konsepto:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
10
Isagawa
11
Tayahin
Sagutan nang buong katapatan ang mga pahayag sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek (✓) sa angkop na kolum. Isulat ang sagot sa EsP
Notebook/Portfolio.
Tama Mali
12
Karagdagang Gawain
Pamilya
Paaralan
Simbahan
Pamahalaan
Negosyo
13
Susi sa Pagwawasto
/ 10
/ 9
/ 8
/ 7
/ 6
/ 5
/ 4
/ 3
/ 2 C 6.
C 5. B 5.
/ 1 B 4. B 4.
E 3. A 3.
Mali Tama A 2. A 2.
D 1. B 1.
14
Sanggunian
Department of Education Curriculum and Instruction Strand. K to 12 Most Essential Learning
Competencies with Corresponding Codes. p. 110 K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf.
Corporations pledge support for Yolanda victims, ABS-CBN News, November 11, 2013
https://news.abs-cbn.com/business/11/11/13/corporations-pledge-support-yolanda-victims
GMA Kapuso Foundation organizes relief drives for victims of Yolanda, GMA News Online, November
14, 2013, https://www.gmanetwork.com/news/cbb/content/335430/gma-kapuso-foundation-organizes-
relief-drives-for-victims-of-yolanda/story/
Leony S. Aguilar, Ph D., “Kabutihang Panlahat, Layunin ng Lipunan”, Pressreader, August 08, 2017,
https://www.pressreader.com/philippines/panay-news/20170808/281943132974607
Super Typhoon Yolanda, from Wikipedia the free encyclopedia, retrieved November 2013, last update
December 5, 2019 https://tl.wikipedia.org/wiki/Super_Bagyong_Yolanda
15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: