Professional Documents
Culture Documents
G9-EsP9-Q1-MODULE-2.1-WEEK3-Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkakaisa - v4 Final
G9-EsP9-Q1-MODULE-2.1-WEEK3-Lipunang-Politikal-Prinsipyo-ng-Subsidiarity-at-Prinsipyo-ng-Pagkakaisa - v4 Final
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2.1 (Week 3)
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo
ng Pagkakaisa.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2.1
(Week 3)
ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
iv
Alamin
Ang modyul na ito ay ginagawa upang magbigay kaalaman sa iyo tungkol sa
lipunang ginagalawan mo. Magbibigay ito sa iyo ng mas malalim na kaalaman tungkol
sa lipunan, saan ito nagmula at ang mga bagay na nakapaligid nito. Malalaman mo
dito na ang lipunan ay may sistema na sinusunod, ang politikal na aspekto nito, ang
prinsipyo ng subsidiarity at ang prinsipyo ng pagkakaisa. Sino sino ang mga
nagpapatakbo ng lipunan? Ano ang magagawa ng pamahalaan sa lipunan? Ano kaya
ang aking maiaambag upang mapaunlad ang lipunan? Ikaw ba ay isang tao na
nanonood lang sa mga pangyayari sa paligid o ikaw ba ay nakikibahagi sa
pagpapatakbo ng lipunan para sa kabutihang panlahat? Lahat ng katanungang ito ay
masasagot mo sa modyul na ito.
Sa modyul na ito inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kompetensi:
2.1 Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may Lipunang Politikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
2.2 Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, barangay,
pamayanan, o lipunan/ bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa
2.3 Napatutunayan na:
a. may mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang
indibidwal at makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong
pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural,
at pangkapayapaan
b. kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang
pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa
mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi
ng pamayanan
c. kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na
mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat
ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pag-unlad
ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).
2.4 Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at
Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan
(barangay), at lipunan/bansa.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan at
maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga:
1
naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa kung bakit may lipunang
politikal at ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa
nakapagtataya o nakapaghuhusga ang mag-aaral kung ang Prinsipyo
ng Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya,
paaralan, baranggay/pamayanan, at lipunan/bansa gamit ang case
study.
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa isang malinis na papel.
2
Lipunang Politikal, Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng
Modyul
Pagkakaisa
2 2.1 Naipapaliwanag ang:
* Dahilan kung bakit may lipunang Politikal
* Prinsipyo ng Subsidiarity
* Prinsipyo ng Pagkakaisa (EsP9PLIc-2.1)
Sa modyul na ito tatalakayin naman natin ang Lipunang Politikal, at ang mga
prinsipyo na kaloob nito.
3
Balikan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa isang malinis na papel.
4
Panuto: Balikan mo ang alam mo tungkol sa lipunang politikal. Mag-isip ng mga
salitang maiuugnay mo dito. Isulat ang mga sagot sa mga bilohaba. Gawin ito sa isang
malinis na papel. Sundin ang pormat sa ibaba.
Lipunang
Politikal
5
Tuklasin
Panuto: Isulat sa isang malinis na papel ang iyong mga pagninilay. Sagutin ang mga
sumusunod.
6
Suriin
Prinsipyo ng Subsidiarity
Ang prinsipyo ng subsidiarity ay isang panlipunang turo ng Simbahang Katoliko
(Catholic Social Teaching) kung saan kailangang hindi panghimasukan ng
pamahalaan kung paano mapaunlad ang buhay ng mga mamamayan, dahil kung
7
gagawin ito ng pamahalaan, pinipigilan niya ang mga tao na yayabong at mapaunlad
ang kanilang mga sarili ayon sa kanilang sariling lakas at talino. Bagkus, ang
pamahalaan ay susuporta lamang sa mga kinakailangan ng mga tao at tutulong sa
pagpapaunlad ng kanilang mga adhikain para sa kabutihang panlahat, na hindi
pakialaman ang kanilang mga ginagawa. Ang pamahalaan ay magbibigay ayuda o
suporta sa mga mamamayan , na hindi niya pakialaman ang kanilang magagawa na
makapagpaunlad sa kanila.
Bawat tao sa lipunan ay merong magagawa at maiaambag sa kaniyang lipunan. Ayon
sa PCP II “Walang mahirap na walang maiambag at walang mayaman na walang
kinakailangan.” Lahat ay merong magagawa para sa lipunan. Lahat ng tao ay dapat
mayroong boses at partisipasyon para sa kabutihang panlahat.
Ang diwa ng Subsidiarity ay Partisipasyon o Pakikilahok. Kung saan ang bawat
mamamayan ay mayroong maiambag para sa kultural, ekonomikal, politikal, at
panlipunang buhay. Ang pakikilahok sa mga gawaing ito ay isang obligasyon na
kailangang maisabuhay ng lahat ng may responsibilidad at pananaw para sa
kabutihang panlahat. Ikaw ano ang maiaambag mo sa lipunan?
Prinsipyo ng Pagkakaisa
Ang isang lipunan ay magiging maunlad lamang kung ang bawat tao sa
pamahalaan at mamamayan ay magkakaisa sa iisang adhikain. Ano ang adhikain ng
lipunan? Ito ay ang Kabutihang Panlahat (Common Good). Paano ba natin makakamit
ang kabutihang panlahat kung kanya-kanya tayong kumilos sa ibat-ibang direksyon?
Ang isang bangka na ang mga taong nakasakay nito ay nagsasagwan sa ibat-ibang
direksyon, paano ito maglalayag? Katulad rin nito ang lipunan kung ibat-ibang
direksyon tayo patungo , kung parati tayong nagtatalo, kung walang pagkakaisa, hindi
tayo uunlad, hindi natin makakamit ang kabutihang panlahat.
Ang prinsipyo ng pagkakaisa ay mayroong kaugnayan sa prinsipyo ng
subsidiarity, kung saan ang bawat tao ay mayroong maitutulong sa lipunan. Lahat tayo
ay dapat magtulong-tulong sa ating buhay kultural, ekonomikal, politikal at sa
panlipunang buhay. Lahat tayo ay dapat magkaisa sa pamamagitan ng pag-ambag sa
kung ano ang magagawa niya para sa kabutihang panlahat. Ikaw, ano ang
maitutulong mo upang makamit ang kabutihang panlahat?
8
Pagyamanin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang mga kasagutan sa
isang malinis na papel.
9
Isaisip
Panuto: Punan ang mga kulang na salita sa patlang. Isulat ang iyong mga sagot sa
isang malinis na papel.
10
Isagawa
Panuto: Isulat ang mga naitulong ng pamahalaan sa mga mamamayan at ang mga
naitulong ng mamamayan sa pamahalaan. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Gawing gabay ang pormat sa ibaba.
11
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang mga titik ng tamang
sagot sa isang malinis na papel.
1. Paano natin binigyan ng kapangyarihan ang mga namumuno sa atin upang tayo ay
kanilang pamunuan?
a. Subsidiarity b. Pagkakaisa c. Paghalal d. Pagdarasal
2. Ang tao ay merong likas na katangian sa pagpreserba sa sarili o tinatawag na
_______________.
a. Pagkamakasarili c. Pagkamasunurin sa batas
b. Self Preservation d. Pagkamadasalin
3. Paano natin makakamit ang kabutihang panlahat sa ating lipunan?
a. sa pamamagitan ng kompetisyon c. sa pagkilos-protesta
b. sa pakikiisa sa mga gawaing panlipunan d. sa pag-aaway
4. Ano ang Teorya na nagsasabing likas na makasarili ang tao kaya’t gumagawa sila
ng kasunduan kung saan inilagay nila ang kanilang mga sarili sa isang namamahala?
a. Panlipunang Kasunduan c. Tiwala
b. Pagkakaisa d. Rousseau
5. Ito ay ang lipunan na pinamunuan ng isang sistema, organisasyon, kaayusan at
pamamahala.
a. Pagkakaisa b. Sistema c. Lipunang Politikal d. Samahan
6. Anong Prinsipyo ang nagsasabi na kailangang hindi panghimasukan ng
pamahalaan kung paano mapaunlad ang buhay ng mga mamamayan, dahil kung
gagawin ito ng pamahalaan, pinipigilan niya ang mga tao na yayabong at mapaunlad
ang kanilang mga sarili. Bagkus, ang pamahalaan ay susuporta lamang sa mga
kinakailangan nila?
a. Pagkakaisa b. Tiwala c. Subsidiarity d. Lipunan
7. Ang prinsipyo ng pagkakaisa ay mayroong kaugnayan sa prinsipyo ng _________
?
a.Subsidiarity b. Tiwala c. Pagkakaisa d. Civitas
8. Sino ang tunay na boss ng lipunan?
a.Pangulo b. Mamamayan c. Mga mambabatas d. a at b
9. Anong prinsipyo ang nagsabi na lahat tayo ay magtulong-tulong sa ating
panlipunang buhay. Lahat tayo ay magkaisa sa pamamagitan ng pag-ambag sa kung
ano ang magagawa niya para sa kabutihang panlahat?
a.Pagkakaisa c. Panlipunang kasunduan
b. Civitas d. Subsidiarity
10. Ano ang diwa ng Subsidiarity?
a.Partisipasyon o Pakikilahok c. Pagkakaisa
b.Pakikibahagi d. Social Contract Theory
12
Karagdagang Gawain
Panuto: Kung aanyayahan ka ng Pangulo ng bansa upang maging
tagapagsalita sa isang citizens’ summit, ano ang mahahalagang bagay ang
ibabahagi mo sa kanila upang higit na mapabuti ng pamahalaan at ng mga
tanggapan nito ang pagseserbisyo sa mga mamamayan. Isulat ito sa isang
malinis na papel. Gawing gabay ang pormat sa ibaba.
13
14
Tayahin
1. C
2. B
3. B
4. A
5. C
6. C
7. A
8. D
9. A
10. A
Isaisip Balikan Subukin
1. Teorya ng 1. A 1. B
Panlipunang 2. C 2. D
kasunduan 3. D 3. B
2. Makasarili 4. A
3. Polis at Politikos 5. A
4. Self Preservation
5. Pakikilahok
6. Namamahala at
mamamayan
7. Lipunang Politikal
8. Subsidiarity
9. Prinsipyo ng
Subsidiarity
10. kinakailangan
Susi sa Pagwawasto
Mga Tala para sa Guro
Personal na suriin ang sagot ng mag-aaral. Maaaring
magkakaiba ang sagot ng mga estudyante sa mga gawain.
15
Sanggunian
Christine Carmele, Ramos R. Introduction to the Philosophy of the Human Person.
Rex Publishing Company, 2016.
16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
17