GRADE & SEC: _________________________ DATE: ____________ “Lahat ng libro na iyong mababasa, ay libro ng iyong pag-asa”. -Pandayan bookshop PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang. _____1. Anong uri ng teksto ang tumutukoy sa mga babasahing di-piksyon at naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa iba’t-ibang paksa tulad ng sa hayop, isports, agham, at iba pa? a. Tekstong Naratibo b. Tekstong Prosidyural c. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Argumentatibo _____2. Anong teksto ang naglalarawan ng mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao. Ideya, paniniwala at iba pa? a. Tekstong Naratibo b. Tekstong Deskriptibo c. Tekstong Impormatibo d. Tekstong Argumentatibo _____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga mapaghahanguan ng tekstong impormatibo? a. Encyclopedia b. Pahayagan c. Textbook d. wattpad _____4. Isa sa mga libangan ni Lina ay ang pagbabasa ng iba’t ibang uri ng sulatin. Ginagawa niya ito upang makangalap ng mga esensyal na impormasyon at para mas maintindihan ang kanilang aralin. Sa iyong palagay, anong uri ng pagbasa ang ginagawa ni Lina. a. Ekstensibo b. Intensibo c. Primarya d. Sintopikal _____5. Anong teksto ang may layuning lumikha ng isang malinaw at pangunahing impresyon sa mga mambabasa? a. Deskriptibo b. Impormatibo c. Naratibo d. Persweysib _____6. Sa anong uri ng babasahin matatagpuan ng mga estudyante ang iba’t-ibang elemento at ang mga sangkap na bumubuo sa mga kemikal.? a. Arkeolohiya b. Biyoholiya c. Kimika d. Pisika _____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring maging uri ng tesktong impormatibo? a. Pag-uulat b. Paglalarawan c. Pagpapaliwanag d. Paglalahad ng totoong pangyayari _____8. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng pinakamalapit na pagpapakahulugan sa tekstong deskriptibo? a. Nagbabahagi ng kaalaman b. Nagbibigay ng mga impormasyon c. Nagbibigay ng pangangatwirang hahantong sa isang lohikal na konklusyon d. Maaring obhetibo o subhetibo at maari ring gamitan ng iba’t-ibang tono o paraan. _____9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa proseso ng pagbasa ayon kina Wixson et al.? a. Pagsuri ng panandang diskurso b. Interaksyon ng imbak na kahulugang konteksto ng kalagayan sa pagbabasa c. Impormasyong ibinigay ng tekstong binasa d. Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda. ____10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng analitikal na antas ng pagbasa? a. Alalmin ang argumento ng may-akda. b. Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto. c. Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may-akda. d. Tukuyin ang pinagmulan na tinatangkang bigyang-linaw ng may akda.
PAGBASA, PRE-TEST, Q1;SALVADOR, L. 1
____11. Si Noel ay inatasan ng kanilang guro na sumulat ng isang teksto patungkol sa kasalukuyang pangyayari sa ating gobyerno. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ng pagsulat ng teksto ang dapat na isaalang-alang ni Noel? a. Argumentatibo b. Deskriptibo c. Naratibo d. Persweysib ____12. Alin sa mga sumusunod na katangian ng tekstong Persweysib ang nagsasaad ng katotohanan? a. Ito ay isang uri ng piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isyu. b. Naglalahad ng iba’t ibang impormasyon o katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat. c. Sa pagsulat ng tekstong ito, maaring magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang manunulat. d. Gumagamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga pag-aaral at pagsusuri ng opinyon lamang. ____13. Inatasan ni Ginoong Ramos ang kanyang mga mag-aaral na basahin at intindihing mabuti ang teksto patungkol sa ekonomiya at matapos ay sagutan ang mga katanungan kaakibat nito. Ano sa iyong palagay ang pinakamabisang antas pagkatapos magbasa ang dapat na isakatuparaan ng kanyang mga mag-aaral? a. Pagbuo ng sintesis b. Pagbuo ng ebalwasyon c. Pagbubuod ng mga detalye d. Pagtatasa ng komprehensiyon ____14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian at nilalaman ng mahusay na tekstong Argumentatibo? a. Matibay na ebidensya para sa argumento. b. Malinaw at ilohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto. c. Maiklli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto. d.Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng argumentatibo. _____15. Ikaw ay inatasan ng iyong guro na sumulat ng tekstong argumentatibo. Ano sa iyong palagay ang pinakamainam na ipaksa para sa iyong sulatin ukol sa pagtaas ng pamasahe ng LlRT at MRT? a. “Makatutulong ang pagtaas ng pamasahe sa mga pasahero”. b. “Ang pagtaas ng pamasahe ay makatarungan at katanggap-tanggap”. c. “Sinunod ng Kalihim ng DOTC, LlRT Board, at MRT 3 office ang tamang proseso at awtorisado silang magtaas ng pamasahe. d. “Sa pamamagitan ng pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT, malilipat ang pondo ng gobyerno para sa subsidyo papunta sa edukasyon, kalusugan, at mga proyektong pang-kaunlaran sa Visayas ata Mindanao.
Inihanda ni:
BB. LORIE-LYN G. SALVADOR
Guro sa Pagbasa
Please write the Honor Code Pledge Here:
(On my honor I pledge that I completed this task without giving or receiving any unauthorized assistance.) ________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ ____________________________________________________
___________________ ___________________ Signature of Student Signature of Parents