Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MODYUL 3:

ANG WIKA AT ANG KULTURA

ARALIN 1: UGNAYAN NG WIKA AT KULTURA

LAYUNIN:
a. natatalakay ang kahulugan ng wika at kultura
b. nakikilala ang mga sangay na humuhubog sa kultura at sa wika
c. natutukoy ang kahalagahan ng ugnayan ng wika at kultura

TALAKAYAN:
“Ang wika ay kabuhol ng Kultura”
Madali nating makilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang kaniyang ginagamit. Ang
ice ay may limitadong katumbas sa Filipino dahil tropical na bansa ang Pilipinas at ang rice
naman ay may limitadong ring katumbas sa Ingles sapagkat hindi bahagi ng kanilang kultura
ang pagkain ng bigas.

ang WIKA
ito ang daluyan ng nauman uri ng komunikasyong nauukol sa lipunan ng mga tao. Mula sa
patuloy na karanasang panlipunan nalilikha ang wika.
Austerio et al.. 2002

Bakit kailangang aralin ang WIKA?

 Magkakaugnay ang teorya at gamit ng wika, komunikasyon, sining, kultura at lipunan.


 Ang wika ay impukan-kuhanan n kabihasnan
 Ang wika at Tagahubog ng identidad ng lahi at bansa.

ang KULTURA
Isang masalimuot na kabuoang binubuo ng karungungan, mga paniniwala, sining, moral,
mga kaugalian at iba pang kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang isang miyembro
ng lipunan.
Tylor, Edward, 1871

Ang Tungkulin ng Kultura

 Nagbibigay ng karunungan at sukatan ng pagkilos na kailangan para mabuhay at para


makaalma sa mga suliranin ng buhay.
 Nagbibigay ng mga tagubilin.
 Nagbibigay ng mga panukala o hakbang upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan.
 Bilang estratehiya ng pakikibagay.
 Paglinang ng personalidad
 Nagbibigay ng isang lawak ng mga gawain.

Ano ang ugnayan ng WIKA at KULTURA?

 Dumadaloy sa wika ang pag-impok at pagsasalok ng isang kultura


 Ang wika ang ipunan-kuhanan ng isang kultura. -Zeus Salazar

ang WIKA at KULTURA

 Ang wika ang kaluluwa at saligan na bumubuo at humuhubog at nagbibigay ng diwa


sa kultura.
 Samantalang ang kulturang Pilipino ay dapat na taglayin ng isang wikang
nagpapaloob at nagpapahayag dito.

Ugnayan ng
WIKA at KULTURA

Pang-ibabaw Pang-ilalim
 Sayaw  Panitikan
 Sining  Panggagamot
 Laro  Ugat-Salinlahi
 Pagluluto  Pagtala ng Kasaysayan
 Damit  Pagmamapa
 Tradisyon  Wika

 Ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura.


 Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura at sa pamamagitan nito ang
kultura ay maiintindihan at mapahahalagahan maging sa mga taong hindi napaloob
sa tinutukoy na kultura.
 Wika ay nakapaloob at nagsisilbing puso ng kultura.

Batay sa Sapir-Whorf Hypothesis

 Ang wika ay nakaiimpluwensya sa kung paano mag-isip at gumalaw ang isang tao o
grupo ng tao.
 Naiimpluwensiyahan naman ng kulrura an gating wika na siyang nakaaapekto sa kung
paano natin nakikita ang mundo.
 Nagkakaroon ng iba’t ibang pananaw ang nagsasalita ng magkaibang wika.
o Halimbawa: bigas, kanin vs. rice
 Mga oras sa bukirin: madaling-araw, bukang-liwayway, tanghaling-tapat, dapithapon,
takipsilim

Wika Bilang Pahayag-Pahiwatig

 “Paano nauunawaan ng isang indibidwal ang ibang grupong etniko kahit hindi nila
alam ang wika at lalo na ang kultura ng mga ito?”
 Ang wika ang ekspresyon at pagkakakilanlan ng isang kultura, sapagkat ito ang
nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito.
 Ang wika ang nagpapakilala ng identidad sa labas (maging sa loob bilang kamalayan
ng pagka-tayo)
 Ang sinoman ay mananatiling walang muwang sa kulturang hindi niya kinabibilangan
hangga’t hindi niya naangkin ang wikang ito at hindi tinataglay maging nag kasapatan
at kaangkupan ng kaniyang pakikipag-unawaan at pakikiugali sa mga taong lumaki sa
wikanh ito.
 Ang wika ay may katumbas na kilos o galaw ng katawan, asal at damdamin.
 Ang pinakabuod ng damdamin ng bawat isa ay maipapahayag lamang sa wikang
kinagisnan o kaya’y sa wikang humubog sa kaniyang katauhan.

Wika bilang Tagapagpahayag at Tagapagpahiwatig ng Kultura


Kosepto ng Kaluluwa
Ibanag – ikararwa Iloco – karurua
Bicolano – kalag Maranao – arowak
Tausug – nyawa Bagobo – gimokud
Pangasinense – kamarerwa Ifugao – alimaduan / linawa
Tagbanua – kiyaruwa / payu

Wika bilang Impukan-Kuhanan ng Kultura


Ang bawat elemento ng isang kutura ay nailalarawan ng wika
o pag-uugali
o damdamin
o isip
 Sa wika pumapaloob ang pagpapahalaga ng mga Pilipino hindi lamang sa panlabas
kundi higit pa sa kalooban ng ating kapwa.
 Imbakan at kuhanan ng mga konseptong wala sa ibang pagkakultura.
 Imbakan at kuhanan ng damdaming ahirap ihiwalay sa wika.
 Ang wika rin ay imbakan-kuhanan ng nakaraang kaalaman ng isang kultura.

Filipino Ingles

Ate Manugang Sister Daughter


Kuya Hipag Brother Son
Ina Bayaw Mother
Ama Bilas Father
Balae Diko Sister-in-law
Biyenan Anak Brother-in-law

 Wika rin ang impukan-kuhanan ng kasaysayan at karanasan ng kultura


Espanyol – lamesa, kutsura, pisara
Tsino – susi, pancit, bakya, siopao
Hapones – katol

 Sa pamamagitan ng sariling kultura, higit na nakikilala ng isang tao ang sarili at ang
kulturang kinabibilangan niya.
 Hindi lamang salita kundi karanasan, kaalaman at pananaw buhat sa kultura ang dala
ng isang wika

Ang WIKA bilang Daluyan ng Kultura

 Natatanging paraan upang matutuhan ng isang tao ang kulturang kinabibilangan niya
at iyong mga hindi taal sa kinya.
 Ang wika ang pangunahing hakbang upang mapasaKULTURA ang isang indibidwal
bago pa man kailanganing makisalamuha, makiugali at pumaloob sa isang kultura.

 TATLONG IMPLIKASYON ng GAMIT ng WIKA bilang DALUYAN ng PAGSASAKULTURA,


sarili man o hindi:

 Una, ang tao’y maaaring matuto ng maraming wika at maaaring mapasama sa iba’t
ibang kultura.
hal. POLYGLOT

 Pangalawa, problema ng “PARTISIPASYON” subalit ang PAKIKIBAHAGI ay hindi


nangangahulugan ng lubusang PARTISIPASYON.
bakit?
Ang isang tao ay hindi laging makapag-uukol ng buong panahon sa lahat ng kulturang
alam niya.

 Pangatlo, hindi maaangkin ng isang kultura ang isa pang buong kultura liban kung ito
ay PATAY o NILULON na ng NAKALALAKING SIBILISASYON bilang isang sub-kultra
bago lubusang matunaw.

BUKOD SA PANDALUYANG GAMIT ng WIKA

 Hindi dapat itakwil ang sariling wika sa pagpapayaman ng kultura.


 walang makapagpapakilala sa isang kultura kundi ang nilikha nito sa sariling wika.

Ang susunod na Modyul ay sa ika-3 ng Disyembre, 2020 araw ng Miyerkules

You might also like