Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kailangan Ko, Bagay na Mahalaga
sa Paglaki Ko
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Kailangan Ko ,Bagay na Mahalaga sa Paglaki Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:: Rowena B. Caparas


Editor: Bernadette G. Paraiso, PhD, Gilda S. Panuyas,
Tagasuri: Evelyn D. Gaita, Sheila Corpuz, Amabhelle R. Dela Merced,
Mary Abigail R. Bautista, Mary Grace C. Bernardo,
Ryan C. Pastor, Jonathan Parabata
Tagaguhit: Johna L. Mangalindan, Maria Donna S. Erni
Tagalapat: Dionne L. Ingaran, Ria Angelica J. Aquino
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Angelica M. Burayag, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Merlinda T. Tablan, EdD
Ellen C. Macaraeg, EdD
Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
1

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Kailangan Ko, Bagay na Mahalaga
sa Paglaki Ko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 1 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Kailangan Ko ,Bagay na Mahalaga sa
Paglaki Ko!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang
at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

ii
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa
pansariling pangangailangan ng mga bata.
Mainam na gabayan ang mga mag-aaral sa
pagtalakay ng bawat leksiyon ng aralin gamit
ang modyul na ito.
Maaaring hingin ang tulong ng mga magulang
upang magabayan ang kanilang mga anak sa
paggamit ng modyul na ito.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng


paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 1 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Kailangan Ko, Bagay na Mahalaga sa Paglaki Ko!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

iii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman
mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka
ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong
matulungan kang

iv
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing
para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng
gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na
naglalayong matasa o
masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

v
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay
Gawain
sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga
Pagwawasto
tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat


ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng
modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit


ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.

vi
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa


iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan
kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 1.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin;

Leksiyon 1– Konsepto ng Pangangailangan


Leksiyon 2 - Mga Pansariling Pangangailangan
Leksiyon 3 – Kahalagahan ng Pangangailangan

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang :
1. Nauunawaan ang konsepto ng pangangailangan
2. Natutukoy at nailalarawan ang mga pansariling
pangangailangan;
3. Nauunawan ang kahalagahan ng
pangangailangan

1
Subukin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang tawag sa lugar na iyong tinitirhan?
A. paaralan
B. palengke
C. simbahan
D. tahanan
2. Ano ang iyong ginagamit sa pagkopya ng iyong
aralin sa paaralan?
A. aklat
B. bag
C. lapis
D. pambura
3. Sino sa kanila ang kabilang sa iyong pamilya at
nag-aalaga sa iyo?
A. guro
B. kaibigan
C. kalaro
D. magulang
4. Alin sa sumusunod na pagkain ang masustansiya?
A. soda
B. sopas
C. sitsirya
D. Tsokolate
5. Alin sa sumusunod ang ginagamit mo sa pagpasok
sa paaralan?
A. daster
B. padyama
C. sando
D. uniporme

2
Aralin
Kailangan Ko, Bagay na
2 Mahalaga sa Paglaki Ko

Ako ay batang nabibilang sa isang pamilya. Sa


kasalukuyan ako ay nasa unang Baitang. Bilang bata
mayroon akong pansariling pangangailangan.
Ang mga bagay na ito ay ginagamit ko sa aking
pang-araw-araw na gawain sa buhay. Nagkakaroon
ako ng mga bagay na ito sa tulong ng aking ama, ina,
at mga kapatid.
Masaya ako dahil naibibigay sa akin ang aking
mga pangangailangan. Makatutulong ang mga ito
upang mapabuti ang aking buhay.

3
Balikan

Panuto: Natutuhan mo sa Unang Modyul kung paano


sabihin ang mga mahalagang impormasyon tungkol sa
iyong sarili. Sa tulong ng magulang, sagutin ng pasalita
ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang pangalan mo?
2. Saan ka nakatira?
3. Ilang taon ka na?
4. Saan ka nag-aaral?
5. Kailan ang iyong kaarawan?

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento sa gabay ng magulang


at sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Masaya si Betchay
Unang araw ng klase,
maagang gumising si Betchay.
Naghilamos muna siya bago
dumulog sa mesa. Nakahanda na
ang almusal na iniluto ng kanyang
nanay. Mayroong tinapay, itlog,
gatas, at saging. Masiglang kumain
si Betchay.

4
Pagkatapos, inayos niya ang kanyang isusuot na
uniporme, pumasok siya sa banyo, naligo, at nagsipilyo.
Nagbihis siya at isinuot ang kanyang sapatos. Bitbit ang
kanyang bag na may lamang gamit sa paaralan,
masayang pumasok si Betchay.

1. Sino ang masaya?

2. Ano ang mga almusal na nakahanda sa mesa?

3. Ano ang inayos ni Betchay bago naligo?

4. Ano ang bitbit ni Betchay sa pagpasok sa


paaralan?

5. Sa iyong palagay, saan kaya pupunta si Betchay?


Bakit?

5
Suriin

Pansariling Pangangailangan
Ang pansariling pangangailangan ay mga bagay
na kailangan ng isang tao para sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Tinawag itong pangunahing
pangangailangan dahil mahalaga ang mga ito upang
mapanatiling maayos ang buhay mo.

Mga Pansariling Pangangailangan


Ang mga batang katulad mo ay may pansariling
mga pangangailangan. Ito ay mga bagay na
kailangan mo upang maipagpatuloy mo nang maayos
ang iyong buhay.
1. Ang bawat tao ay may bahay na tirahan,
umulan man o umaraw may masisilungan,
tinatawag itong tahanan. Ito ay isa sa
pinakamahalagang pangangailangan mo.
Marami sa gawaing pampamilya ang nangyayari
dito.

6
2. Ang tao ay kumakain araw-araw. Kailangan
mo ng pagkain para sa almusal, tanghalian, at
hapunan upang ikaw ay maging malakas. Hindi
lang basta pagkain ang kailangan mo.
Masustansiyang pagkain ang dapat ihain sa
hapag-kainan upang maging maayos ang iyong
kalusugan.

3. Kailangan na ang bata ay nag-aaral. May


kailangan kang mga bagay sa iyong pag-aaral,
tulad ng bag, lapis, kwaderno, papel, pambura, at
iba pa. Ang mga ito ay makatutulong upang mas
mapadali ang pag-aaral mo.

7
4. Gumagamit tayo ng kasuotan o damit bilang
proteksiyon sa katawan. May damit na para sa
tag-init, tag-ulan, at taglamig. May damit
pambahay, panlakad, pantulog, at pang-
eskuwelahan. May damit na dapat isuot lamang
sa bahay at mayroon din namang damit sa
pamamasyal. Dapat kang manamit ayon sa
panahon at angkop sa lugar na iyong
pupuntahan. Tandaan mo, malinis na damit ang
dapat mong isuot upang ang pagkakaroon ng
sakit sa balat ay iyong maiwasan.

8
Pagyamanin

A. Piliin ang mga pagkain na kailangan mo upang


ikaw ay maging malakas at malusog. Isulat ang
letra ng sagot sa iyong sagutang papel.

1. _____ 2. _____ 3. _____

4. _____ 5. _____

A. B. C.

D. E. F.

G.

9
B. Piliin ang angkop na mga kasuotan ayon sa
panahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
A – kung pantag-init B – Kung pantaglamig
C – kung pantag-ulan

____ 1. ____ 2. ____ 3.

____ 4. ____ 5.

C. Alin sa mga nasa larawan ang iyong


pangunahing kailangan? Isulat ang tsek (/) o ekis
(X) sa iyong sagutang papel.

____ 1. ____ 2. ____ 3.

____ 4. ____ 5. ____ 6.

10
____ 7. ____ 8 .

____ 9. ____ 10.

D. Anong pangangailangan ang natutugunan ng


mga bagay sa larawan. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

A. kasuotan B. tirahan
C. pagkain D. gamit sa pag-aaral

____ 1. ____ 2. ____ 3.

____ 4. ____ 5.

11
E. Iguhit ang bituin () kung ang nasa larawan ay
iyong pansariling pangangailangan at ekis (X)
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

____ 1. ____ 2. ____ 3.

____ 4. ____ 5.

F. Kilalanin ang mga larawan sa ibaba. Sabihin ang


pangalan ng mga ito. Isulat ang PP kung ang
bagay ay kasama sa iyong mga pansariling
pangangailangan at GL naman kung ang mga
bagay ay gusto mo lang.

____ 1. ____ 2. ___ 3.

____ 4. ____ 5. ____ 6.

12
____ 7. ____ 8. ____ 9.

10.

G. Piliin at isulat ang letra ng bagay na kailangan


mo sa bawat sitwasyon sa sagutang papel.

Ito ay kailangan mo
_______ 1. sa pagsulat ng aralin.
A. bahay B. damit
C. lapis D. sapatos

Ito ay kailangan mo
_______ 2. upang mabusog.
A. aklat B. bola
C. pagkain D. relo

13
Ito ay kailangan mo
sa pagpasok sa
_______ 3. paaralan.
A. bag B. lobo
C. kotse D. telepono

Ito ay kailangan mo
upang
makapagpapahinga kung
_______ 4. galing ka sa paaralan.
A. bahay B. kendi
C. singsing D. kotse

Ito ay kailangan
mo pagkatapos
_______ 5. maligo.
A. alcohol B. damit
C. kuwintas D. maleta)

14
H. Isulat sa iyong sagutang papel kung TAMA o
MALI ang sinasabi sa bawat pangungusap.

1. Ang tao ay may pangunahing


pangangailangan.

2. Ang pagkain ay kailangan ng tao para


mabuhay.

3. Mamahaling damit lamang ang kailangan


nating isuot araw-araw.

4. Kumain ng masustansiyang pagkain upang


lumusog at humaba ang buhay.

5. Ang kubo ay isang uri ng tirahan.

15
Isaisip

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang tanong sa bawat bilang at
isulat sa patlang ng kaparehong bilang ang iyong
sagot upang makumpleto ang talata. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa
sagutang papel.

gamit sa pag-aaral mabuhay


tirahan pagkain kasuotan

1. Ano ang bagay na kailangan mo para hindi ka


magutom?
2. Ano ang isinusuot mong bagay pagkatapos
maligo?
3. Ano ang tawag sa bahay na iyong inuuwian?
4. Ano ang gamit ng aklat, notbuk, lapis at papel?
5. Bakit kailangan mo ng pagkain, kasuotan, at
tirahan?

Ang pangunahing pangangailangan ko bilang


tao ay (1) ,
(2) ,
(3) at (4) .
Kailangan ko ito upang ako ay
(5) .

16
Isagawa

Gawain 2
Panuto: Magpatulong sa magulang upang
masagutan ang gawain sa ibaba.
Paano mo maipakikita ang wastong paraan
ng pangangalaga sa mga bagay na kabilang sa
iyong pansariling pangangailangan?
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

17
Tayahin

Gawain 3
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang
napili mong letra sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang masustansiyang
pagkain?
A. soda C. sitsirya
B. sopas D. tsokolate
2. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit mo sa
pagpasok sa paaralan?
A. daster C. Sando
B. padyama D. Uniporme
3. Sino sa kanila ang kabilang sa iyong pamilya at
nag-aalaga sa iyo?
A. guro C. kalaro
B. kaibigan D. magulang
4. Ano ang tawag sa lugar na iyong tinitirhan?
A. paaralan C. simbahan
B. palengke D. tahanan
5. Ano ang bagay na ginagamit mo sa
pagkopya ng iyong aralin sa paaralan?
A. aklat C. lapis
B. bag D. pambura

18
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng 2 bagay na kasama sa iyong


pansariling pangangailangan. Iguhit ito sa loob ng
kahon.

Rubriks sa Pagguhit sa mga Pansariling Batayang Iskala sa


Pangangailangan Puntos Pagmamarka
Pamantayan

1. Naiguhit at nakulayan ang mga bagay 5 Pinakamahusay


na pansariling pangangailangan

2. Naiguhit ngunit hindi nakulayan ang 4 Mahusay


mga bagay na pansariling
pangangailangan

3. Hindi kumpletong naiguhit at 3 Karaniwan


nakulayan ang mga bagay na
pansariling pangangailangan

4. Halos walang naiguhit na mga bagay 1-2 Pagtatangka


na pansarling pangangailangan

19
20
Subukin Pagyamanin Pagyamanin Pagyamanin
A. B. C.
1. D 1. A 1. /
2. C 2. C 2. X
3. D 3. D 1. C 3. X
4. B 4. F 2. A 4. X
5. D 5. G 3. C 5. /
4. A 6. /
5. B 7. X
8. /
9. /
10. X
Pagyamanin Pagyamanin Pagyamanin
D. E. F.
1. C 1.  1. GL 6. GL
2. D 2. X 2. PP 7. PP
3. C 3.  3. PP 8.PP
4. B 4.  4. GL 9. GL
5. D 5.  5. PP 10. PP
Pagyamanin Pagyamanin Isaisip
G. H. 1. Pagkain
2. Kasuotan
1. C 1. TAMA 3. Tirahan
2. C 2. TAMA 4. Gamit sa pag-
3. A 3. MALI aaral
4. A 4. TAMA 5. mabuhay
5. B 5. TAMA
Isaisip Isagawa Tayahin
1. Pagkain Maaring magkaiba-iba ang 1. B
2. Kasuotan sagot o bagay na iginuhit. 2. D
3. Tirahan 3. D
4. Gamit sa pag- 4. D
aaral 5. C
5. mabuhay
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Miranda, Noel P. et.al., 2017. Araling Panlipunan 1:
Kagamitan ng Mag-aaral at Patnubay ng Guro. Pasig,
Philippines: Kagawaran ng Edukasyon .
2016. Gabay Pangkurikulum. Pasig, Philippines:
Kagawaran ng Edukasyon
2020. Most Essential Learning Competencies.
Pasig, Philippines: Kagawaran ng Edukasyon .

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like