Filipino 4 Approved

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

4

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Panagano ng Pandiwa
Pawatas at Pautos

Pangalan: ____________________________________________________________________
Aralin

Panagano ng Paniwa (Pawatas at Pautos)


1
Pangkalahatang Ideya
Ang modyul na ito ay mahalaga upang mahubog ang kaalaman mo sa pandiwa. Natatalakay dito na ang
pandiwa ay may dalawang panagano – ang pawatas at pautos.

Layunin
Pagkatapos ng modyul na ito, kaya kong:
1. gumamit ng pandiwang pawatas at pautos sa isang pangungusap.

Panimulang Pagtataya
Panuto: Kumpletuhin ang isinasaad sa kahon. Masdan ang halimbawa para sa gagawin.

Pawatas o Aspekto
Salitang-ugat Panlapi
Pautos Ginawa Ginagawa Gagawin

halimbawa: iwas
um umiwas umiwas umiiwas iiwas

1. sulat an

2. sukli mag

3. punta um

4. tawag nag

5. sakit um

Aralin
Ang panagano ay ang pagpapabagu-bago ng anyo ng pandiwa ayon sa pagkagamit. Makikita natin ang
dalawang halimbawa ng panagano sa sumusunod;

1. Ang Pawatas – Ito ay payak o may basal na anyo at dinaragdagan ng panlapi.


Ito ay walang panahunan kung kaya ay hindi nagbabago.

Tingnan mo.

Madalas magtungo sila sa parke.

Magandang maglaro si Jason.

Masarap maglaba sa batis.

Ang magtungo at maglaro ay mula sa salitang-ugat na tungo at laro. Ang mga ito ay nilagyan ng
unlapi na mag at ang naging bunga ay ang pandiwang pawatas.

2. Ang Pautos – Ang pandiwang ito ay tulad ng anyo ng pawatas. Ang mga salita nito ay nag-uutos o kaya
ay nakikiusap.
Tingnan mo ang kaibahan ng pawatas sa pautos.
Pawatas Pautos
Madalas magtungo sila sa parke. Magtungo tayo sa silid aklatan.
Magandang maglaro si Jason. Maglaro kayong lahat sa labas.
Masarap maglaba sa batis. Maglaba ka ng iyong damit sa batis.

Ebalwasyon
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na pandiwang pawatas sa pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
1. magtapon - Dapat ay magtapon tayo sa tamang basurahan.

2. magpahina - _____________________________________

3. magdasal - ____________________________________

4. nagluto - _____________________________________

5. bunuksan - _____________________________________

Aralin

Pang-abay
2
Pangkalahatang Ideya
Ang modyul na ito ay dinisenyo para mabigyan kayo ng mas malawak na pang-unawa tungkol sa pang-
abay.

Layunin
Pagkatapos ng modyul na ito, kaya kong:
1.gamitin nang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos

Panimulang Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang ang sagot para mabuo ang pangungusap. Hanapin sa
puzzle ang mga sagot at bilugan ang mga ito.

D I S Y E M B R E L

K A M I H S I L A I

A T K S O T N I Y N

L I A A I H U K O G

U N N I N Y O A P G

N R Y P E B R E R O

E S A B N N L M A Y

S K M W E Y O A K O
N A O I R O S E I M

D W N N O L A M N K

1. Ang Pasko ay ipinagdiriwang sa buwan ng _______________.


2. Ang Buwan ng mga Puso ay ipinagdiriwang sa buwan ng ___.
3. Maraming tao ang nagsisimba tuwing ___________________.
4. Sa buwan ng ___________ ipinagdiriwang ang Bagong Taon.
5. Ang unang araw ng pagpasok sa paaralan ay araw ng _____.
Aralin

Ang pang-abay ay salitang naglalarawan sa pang-uri o kapwa pang-uri. May tatlong uri ang pang-abay:
1. Pang-abay na Panlunan-Ito ay sumasagot sa tanong na saan naganap, nagaganap, magaganap ang
pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Si Susan ay nagbabasa sa silid-aklatan.
b. Nakatira sa bukid ang mababangis na hayop.
2. Pang-abay na pamanahon- ito ay sumasagot satanong na kailan naganap, nagaganap o magaganap
ang pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Naghuhulog siya ng pera buwan-buwan.
b. Si Kuya ay darating sa Lunes.
3. Pang-abay na pamaraan-ito ay sumasagot sa tanong na paano naganap, nagaganap o magaganap
ang pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Matiyaga niyang binabasa ang kanyang aklat.
b. Mabilis na tumakbo ang bata.
4. Pang-abay na pamanahon- ito ay sumasagot satanong na kailan naganap, nagaganap o magaganap
ang pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
c. Naghuhulog siya ng pera buwan-buwan.
d. Si Kuya ay darating sa Lunes.

Ebalwasyon
Panuto: Bilugan ang pang-abay sa pangungusap. Isulat sa patlang kung ito ay pamaraan, pamanahon
o panlunan.
________1. Si Aling Betty ay nagluto ng masarap na almusal kanina.
________2. Mabilis kinain ng daga ang maliit na keso na kanyang nakita.
________3. Umiinom ako ng gatas araw-araw.
________4. Bukas kami mag-usap ng matalik kong kaibigan.
________5. Pupunta kami ni tatay sa palaisdaan.

Magaling! Ikaw ay handang-handa na para sa susunod na Modyul!

You might also like