KONTEKSTWALISADO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

ARALIN 1

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS


MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

Mga Taga-ulat:

Ezekiel Aguilar

Ervin Lester Alcantara

Catherine Almadin

Christine Joyce Amper

Sally Rose Nonchang Apita

Catherine Arriola

1
Sulyap sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa

 Ayon kina Dayag at Del Rosario (2016)


 Noong 1934 mainit na paksang tinalakay sa Kumbensyong Konstitusyonal ang pagpili ng
Wiksng Pambansa.
 Ayon sa grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas na sinusugan naman ni Manuel Luiz Quezon
 Saligang Batas 1935 Artikulo XIV Seksyon 3;
“Ang Kongreso ay gagawa hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi
itinakda ng batas,ag wikang Ingles at Kastils ang siyang mananatiling opisyal na
wika.”
 Nobyembre 13,1936 pinagtibay ng pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg
184;
“Isang batas na Nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa at Nagtatakda ng mga
Kapangyarihan at Tungkulin nito.”
 Disyembre 30, 1937 pagproklama ni Pangulong Manuel Luiz Quezon na ang wikang
Tagalog ang batayan ng wikang pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap
Blg.134
 Hulyo 4, 1946 Batas Komonwelt Blg.570 pagiging isa sa mga wikang opisyl ng wikang
pambansa.
 Agosto 13, 1959 pinalitan ang tawag sa wikang pmbansa mula sa Tagalog naging
Pilipino Kautusang Pangkagawaran Blg.7, Jose E. Romero.
 Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 3, blg.2.
“Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na
magpapaunlad at pormal na mapagtibay sa isang panlahat na wikang pambansang
kikilalaning Filipino.”
 Saligang Batas 1987 Artikulo XIV,Seksyon 6
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at
sa iba pang mga wika.”

2
Ang Wikang Pambansa at Edukasyon

 Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935;


“……hangga’t hindi ipinagtitibay ng batas, Ingles at Kastila ang magpapatuloy
bilang mga wikang opisyal.”
 Wikang Opisyal
 Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig
sabihin, ito ang wikang gagamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa
anyong pasulat.

Mga Batayan sa Pagtuturo ng Wikang Pambansa

 BE CIRCULAR No. 71 s.1939


 Jorge Bocobo ipinagutos niya na gamitin ang mga katutubong diyalekto bilang
mga pantulong na wikang panturo sa primary.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263
 Abril 1, 1940 nilagdaan ni Pangulong Quezon ang pagtuturo ng wikang
pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa.
 Nag-atas ng paglilimbag ng Tagalog-English Vocabularyat isang gramatika na
pinamagatang “Ang Balarila ng Wikang Pambansa.”
 Kautusang Pangkagawaran Blg.50 s 1975
 Simula sa taong panuruan 1979-1980,isinama sa kurikulum ang lahat ng mga
istitusyong tersiyarya ang 6 na yunit ng Pilipino.
 Kautusang Pangkagawaran Blg.52 s 1987
 Ang Filipino at Ingles ay gagamiting mga midyum.
 CHED MEMORANDUM ORDER (CMO) No.59 s. 1996
 63 na Genereal Education Curriculum (GEC) tig-9 ang Filipino at Ingles.
 CMO No.04 s.1997
 Sa 9 na yunit ng Filipino kukunin sa programang Humanities Social Science at
Communication (HUSOCOM) at 6 naman sa di-HUSOCOM.

3
 Kautusang Pangkagawaran Blg.60 S.2006
 Ang Filipino at Ingles ang mananatiling mga wika sa pagtuturo at mga local na
wika ay gagamiting pangtulong.
 Kautusang Pangkagawaran Blg.74 s.2009
 Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education

 CMO No. 20 s.2013


 Dahil sa pagbabago ng sistema ng edukasyon bumaba sa 36 ang GEC at inalis
ang Filipino bilang asignatura. Ang GEC ay maariing ituro sa wikan Ingles o
Filipino.
 CMO No.57 s.2017

Ang Pagtataguyod sa Wikang Filipino sa Kasalukuyan

 CMO 20 s.2013
 Sapagkat pinapatay ng CMO 20, s.2013 ang wika at asignaturang Filipino,
maraming mga organisasyon, mga institusyon o samahan at maging kagawaran
ng pamahalaan ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa nasabing kautusan.
 Artikulo XIV Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987
 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at
sa iba pang mga wika”.
 ito ang naging saligan ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang
Filipino.
 Tanggol Wika o Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
 ay isang organisasyon na nabuo noong 2014 na binubuo ng mga dalubhasa sa
wika, dalubguro,manunulat at mga mag-aaral Filipino ang pambansang wika at
iba pang asignatura mahalaga sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino batay sa
implementasyon ng CMO 20.

4
ARALIN 2

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA


KOMUNIKASYON

Mga Taga-ulat:

Aylar, Haidee

Beñeras, Jhasper

Bigornia, Xela Mae

Cardosa, Ronie Jr.

Cordova, Jem Ruth

5
Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon

Maituturing na komplikadong gawain ang pagpili ng angkop na babasahin. Sa mga


seminar-workshop ukol sa pagbasa, karaniwan na ang pagpapalitan ng kuro tungkol sa mga
gamit na kraytirya sa pagpili ng artikulo. Ilan sa mga kraytirya ay makikita sa kanilang talaan at
ito’y isang magandang palatandaan para sa mga magandang pagbuo ng pananaliksik (Adriano, et
al., 2008).

Sapagkat ang pagbuo ng pananaliksik o anumang impormasyon na nais ipahayag o


ibahagi sa iba ay nangangailangan ng patotoo, nararapat lamang na wasto at balido ang mga
datos na kakailanganin. Mahalaga sa mga gawaing nabanggit ang paghahanap ng tamang batis
(sources) ng impormasyon. Ang pananaliksik, ay tapat at totoo na mga impormasyong sinusugan
o pinagtitibay na mga kaisipan/ impormasyong hinango/ hinahango sa bibliograpiya.

Ang Bibliograpiya ay isang listahan ng mga ginamit na sanggunian sa pagsasaliksik. Ito


ay inihahanay ayon sa kronolohial na pagkakasunod-sunod batay sa paelyido ng awtor (Abueg,
et al., 2012).

Ilan sa mga halimbawa ng maaaring batis ay mga aklat, cassette tape, pahayagan,
dokumento ng pamahalaan, artikulo, internet entry, at pananaliksik.

Bukod sa mga mananggit, mainam din na paghanguan ng impormasyon ang mga papel na
binasa o nilimbag sa mga kilalang lathalain o journal ng mga unibersidad.

Ang University of the Philippines (U.P.) Diliman Journals Online ay libreng online
service na naglalaman ng journal sa U.P. Diliman. Kabilang na rito ang Daluyan at Lagda.

Ang Daluyan: Journal ng Wikang Filipino ay isang refereed journal na naglalathala ng


dalawang beses kada taon. Ito ay monolingguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag-
aaral at pananaliksik tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso
sa iba’t ibang disiplina gamit ang wikang Filipino.

Ang Lagda: Journal ng U.P. Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinasay


isang refereed journal na naglalathala ng dalawang beses kada taon ng DFPP, Kolehiyo ng Arte
at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay monolingguwal sa Filipino; maaaring maglathala

6
sa rehiyonal na wika sa Pilipinas ngunit may lakip na salin sa pambansang wika. May layunin
itong paunlarin ang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa wika, panitikan, malikhaing pagsulat, at
kulturang Pilipino, at pagyamanain ang diskurso sa iba’t ibang disiplina gamit ang wikang
Filipino at ibang wika sa Pilipinas.

Sa Ateneo, mayroon ding isang journal sa Filipino na tinatawag na Katipunan: Journal ng mga
Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at Kulturang Pilipino. Ang Katipunan ay
nagpapakilala sa intelektuwalisasyon ng Filipino, hindi lamang bilang wika, bagkus isang
disiplina. Tunguhin ng journal na ito ang magkaroon ng kritikal at analitikal na pagsusuri sa
wika, panitikan at mga aralin sa Pilipinas kabilang ang ilang disiplina.

Ang Daloy ay isang journal na pangwika at pampanitikan ng Departmento ng mga Wika


ng Pilipinas sa Pamantasang De La Salle na taunang nililimbag.

Ang Hasaan ay isang interdisiplinaryong refereed journal sa Filipino ng Unibersidad ng


Santo Tomas na taunang nililimbag.

Ang Layag ay opisyal na journal ng Departmento ng Sikolohiya ng Pamantasan ng De


La Salle. Matutunghayan sa journal na ito ang mga artikulong nakasulat sa mga wikang Filipino
at Ingles bilang pagtataguyod sa patakarang bilingguwal sa paggamit ng wika.

Ang Malay, ay isang refereed journal na maulti-disiplinaryo sa Filipino, nililimbag


dalawang beses sa loob ng isang taon sa ilalim ng pamamahala ng Kolehiyo ng Malayang Sining,
para sa Pamantasang De La Salle. Bilang journal na multi-disiplinaryo, nagtatampok ang Malay
ng mga papel, riserts, at artikulong naglalahad ng mga kaisipan at kaalaman mula sa iba’t ibang
disiplina.

Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon

Mahabang panahon ang iginugugol sa pananaliksik. Sa paghahanap ng impormasyon sa


mga paksang napili, tinitiyak ito kung nakasasapat ba sa pangangailangan ng hinahanap sa pag-
aaral. Gayunduin, ang pagtatala at organisasyon ng mga nabasang impormasyon sa pananaliksik.

7
Ayon kina Abesamis, et al., (2201), mahalaga ang pagtatala at pag-oorganisa ng mga
nakalap na datos sapagkat kung hindi, tiyak ang pagbalik-balik sa aklatan para lamang tiyakin
kung tama ang pagkakasipi.

Ilan sa mga mabisang tip a pagtatala ng impormasyon ay ang mga sumusunod:

1. Isulat ang lahat ng impormasyong iyong kinakailangan at sipiin ang mga ito sa oras na
makita agad. Huwag maging ugali ang kapag nakakita ng isang impormasyon ay
lalagpasan ito at sasabihin sa sariling “babalikan na lamang.”
2. Sumulat nang maayos upang mabasa.
3. Magdaglat kung kinakailangan upang makatipid sa oras ngunit tiyaking mauunawaan ang
mga ito sa muling pagbasa.
4. Tiyaking buo ang mga impormasyon upang hindi magkaproblema sa pagsulat ng mga
talababa at bibliyograpiya.
5. Gawing eksakto ang mga impormasyon upang madaling makakuha ng mga sipi o lagom
na magagamit sa konklusyon.
6. Sinupin ang iyong mga impormasyon. Magpokus lamang sa mga pagunahing ideya sa
halip na mga walang kabuluhang detalye.
7. Organisahin ang mga tala upang hindi malayo sa balangkas.

Ayon naman kina Cancino, et al. (2012), may ilang pamantayan sa paghahanap ng mga datos
na kailangan sa pananaliksik.

1. Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.


2. Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.
3. Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makakatugon sa paksang pag-
aaralan.

8
ARALIN 3

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA


KOMUNIKASYON

Mga Taga-ulat:

Ebrada, Arjay

Flores, Jenelyn

Gabotero, Stephanie

Gonida, Cristina

Gonzales, Trixian

9
Pagbubuod at pag uugnay-ugnay ng mga impormasyon.

Sa pagbuo ng pananaliksik, isang mahalagang katangian ng mananaliksik ang kritikal na pag


iisip. Magagamit ito para mapag ugnay ugnay ang mga datos na nakalap at gayundin ay
makapagsuri ng mga kinalabasan ng pananaliksik. Interpretasyon ang tawag sa resulta o
kinalabasan ng malinaw ng kahulugan ng pananaliksik.

Lagom. Ang lagom ay pagsasama-sama ng mga pangunahin at mahahalagang natuklasan sa


pag-aaral. Dapat na maging maingat sa bahaging ito. Kabilang sa mga nararapat isama sa lagom
ay ang mga sumusunod:

 Mga payak na pagpapahayag sa layunin ng pag- aaral


 Mga kalahok o respondente
 Panahon ng pag-aaral
 Paraan ng pananaliksik
 Instrumento
 Disenyong ginamit

Sintesis. Ito ay nagsasaad ng pagkakatulad at pagkakapareho ng kasalukuyang pag-aaral sa mga


nauna na. Binabanggit din dito ang pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral sa mga inilahad na
kaugnay na pag-aaral (Marquez Jr. 2016).

Abstrak. Dito makikita ang distribusyon ng mga impormasyon o datos ayon sa lawak o saklaw
ng pananaliksik. Naglalaman ito ng mahahalagang puntos o highlight ng isinagawang pag-aaral.
Kadalasan, ito ay binubuo ng isang talata (Cabaysa, et at.., 2009). Ito rin ang buod ng
isinagawang pag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pagaaral na alamin ang kahandaan sa pamamagitan ng pananaliksik, upang


mabigyang solusyon ang mga suliraning maaring maidulot. Pamamaraan ng Pananaliksik

10
Deskriptibong pamamaraan ang ginagamit ng pagaaral na naglalarawan sa kahandaan. Ang pag
alam sa suliranin upang makuhaan ng datos ang mga respondente sa gagawing pananaliksik.
Gumagamit ng talatanungan at gabay na tanong ang mananaliksik sa pagkuha ng mga datos.

Natuklasan

ang bahahing ito ay naglalaman ng buod ng mga nakuhang mahalagang datos mula sa pag-aaral
o pagsasaliksik.

Konklusyon

Ito ay ang hinuha at husga o desisyon matapos mag dahilan .Makikita rin dito ang sumaryo ng
mga argumento , pag aaral , artikulo o teksto.

11
ARALIN 4

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

Mga Taga-ulat:

Javier, Jeremy

Lapitan, Edylaine

Laxamana, Marlon

Mendador, Jonabelle

Ordillo, Michaela Madailene

12
Komunikasyong Pilipino at Sitwasyong Pangwika

Napakahalagang pag-aralan ang paggamit ng wika na


siyang susi sa epektibong pakikipagkomunikasyon o
paghahatid ng mensahe patungo sa sa kaniyang kapwa.
Ayon kay Mangahis (2011) “upang makapagpahayag
nang epektibo gamit ang wikang Filipino,
kinakailangang pag-aralan at matutunan ng mag-aaral
ang kulturang Filipino.

Ano nga ba ang kultura?

Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga


katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at
mga batas. Sa kultura nakikilala ang isang bansa at
ang kanyang mga mamamayan. Ang kultura ay
mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa
dahil dito naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa. Ang ating mabubuting gawi,
kaugalian at kinamihasang Pilipino ay nailalarawan ng ating mga kaalamang-bayan gaya ng mga
alamat, kwentong-bayan, pabula at epiko. Kahit na ang mga ito ay makaluma, maari itong
pagbatayan ng mga kabutihang asal na dapat ipamana sa mga sumsunod na henerasyon. Kung
kaya’t nararapat nating pananatilihing buhay ang ating mga kultura sapagkat dito nasasalig ang
ating pagkakakinlanlan, kaisahan, kamalayan at kinabukasan.

Ano ang komunikasyon?

Ayon kay Merriam-Webster, ang salitang


komunikasyon ay hango sa salitang latin na
“communicare” na nangangahulugang
“magbahagi o magbigay”. Ang komunikasyon ay
pagpapalitan ng ideya opinion, paghahatid at

13
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng telepono, telegram, kompyuter, radio, telebisyon at
iba pa.

Bukod sa etimolohikal na kahulugan ng komunikasyon, sa libro na “Komunikasyon sa


Akademikong Filipino” ni Aguilar (2014), maraming eksperto ang may iba pang kahulugan nito:

“Ito ay pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng pagkakaunawaan.”-Dale (1969)

Masasabing ang komunikasyon ay naghahatid ng


pagkakaunawaan sa maraming aspeto ito ang
nagbibigay daan upang ang bawat isa ay maipahatid
ang kanilang damdamin o mensahe sa abot ng kanilang
kaisipan at sa paraang maiintindihan ng kanilang
kapwa. Hindi magiging epektibo ang
pakikipagugnayan o pakikipagkomunikasyon kung
walang pagkakaunawaan ang bawat partido kayat
dapat na isa alang alang ang estado ng pagkakaunwaan upang maging mabisa ang
pakikipagkomunikasyon.

“Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali, o damdamin at kasanayan… sa paggamit


ng simbolo”- Berelson (1964)

Transmisyon ng ,mga ideya, pag-uugali, o damdamin mula sa isang tao o pangkat ng mga tao
patungo sa kaniyang kapwa…karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng mga simbolo.-
Theodorson (1969)

Maaaring tingnan bilang isang tanel o isang tubo ang


komunikasyon kung saan may dalawang dulo, ang isa
ay para sa naghahatid ng mensahe o nagpapahayag ng
saloobin o damdamin at ang kabilang dulo naman ay
para sa nakikinig at imuunawa ng bawat salita o
mensahe na kaniyang nasasagap o naririnig. Maari
ring magkaroon ng komunikasyon gamit lamang ang
mga simbolo tulad nalang ng mga karaniwang

14
nakikita natin sa daan mga simbolo na nagbibigay babala, nagbibigay ng imporamasyon,
nagpapalala, at iba pa. kaya kahit ang pipi o bingi ay mamaring makipagkomunikasyon kahit na
hindi sila makapagsalita o makarinig sa pamamagitan lamang ng mga senyales o simbolo na
kung saan nakapagbibigay ng kahulugan sa mga bagay bagay.

Mga halimbawa ng simbolo:

Lalaki Pabilog Riles Bawal mannigarilyo

Ang Sitwasyong Pangwika

Sapagkat patuloy na umuunlad at nagbabago ang mundo, nagbabago rin ang paggamit ng
wika sa iba't ibang sitwasyon. Sa komunikasyon, maraming pamamaraan upang ibahagi ang
kaalaman, ideya, damdamin at iba pa gamit ang wika.

Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng wika sa kasalukuyang panahon. Kasama rito ay ang


mga sumusunod:

1. Gamit ng wika sa pang madaliang komunikasyon.

2. Gamit ng wika sa internet at social media

3. Kultural na pagkakaiba ng pelikula at dula

4. Register at barayti ng wika sa iba't-ibang sitwasyon

5. Kalagayang pang-wika sa kulturang pilipino

15
6. Register at barayti ng wika sa iba't-ibang larangan.

7. Ang social media at pagsusuri at pag sulat ng mga teksto

Sitwasong Pangwika sa Telebisyon

1. Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa


dami ng mga mamamayang naabot nito.

2. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang
malalayong pulo at ibang bansa.

3. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga


lokal na channel.

4.Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay


mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public affairs,
reality show at iba pang programang pantelebisyon.

5.Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling
programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan
kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng
wikang Filipino.

16
Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet

Ingles ang nangungunang wika na ginagamit sa social media at internet. Sa kasalukuyan,


halos lahat ng tao sa mundo ay gumagamit ng social media o nakaa-access sa internet. Isa ang
social media sa pinakaepisyenteng paraan sa pagpapadala ng mensahe sa mga malalayong lugar
at mahal sa buhay. Kabilang sa mga popular na “social media account” na ginagamit ay
“Facebook”, “Twitter” at “Instagram” na halos kayang ipadala o magpost ng larawan,
dokumento, video at mga impormasyon.

Karaniwang nagaganap ang code switching bilang lengguwahe sa social media. Ang
“code switching” ay paggamit ng magkaibang wika sa loob ng isang pahayag. Madalas
nagaganap ito sa salitang pagpapahayag (Carpio at Castillo, et al., 2012).

Sa internet, bagama’t marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o


kaalamang nasusulat sa Filipino o Tagalog, nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika
nito. Ang pangunahing website at sa iba pang impomasyong mababasa, maririnig at mapapanood
sa internet ay nananatiling Ingles (Dayag at Del Rosario, 2016).

Sitwasyong Pangwika sa Text

Ang text message ay pagpapadala ng mensahe o Short Messaging System(SMS) gamit ang
mobile/cellular phones na madalas gamitin sa pakikipagtalastasan sa kasalukuyan. Dahil ang
teknolohiya ay patuloy na nagbabago at bahagi ito ng kultura, malaki ang impluwensya nito sa
wika partikular sa paraan ng pagsusulat ng tao.

Isa ang Pilipinas sa mga bansa na nangunguna sa paggamit ng cellphone o pagpapadala ng


mensahe kaya kapansin pansin din ang dami ng tao na naiimpluwensyahan ng wika sa text kapag
sila ay nakikipagpalitan ng mensahe.

Dahil ang gamit ng teknolohiya ay upang mapadali ang gawain ng tao, ang pagpapaikli ng
salita ay isang paraan para makatipid ng oras at dami ng tina type na letra na limitado lamang sa
text. Ibig sabihin, mina maximize ng tao ang gamit ng teknolohiya na makikita sa paraan ng

17
kanilang pagsusulat. Ito ang wika ng text. Ito ang Filipino ng text messaging. Halimbawa na
lamang ang "K" mula sa pinaikling "okay" o kaya naman ay "nand2" o "d2" sa halip na nandito o
dito.

Isa itong patunay sa katangian ng wika na patuloy na nagbabago o dinamiko. At dahil


papalawak ang tingin sa wika at hindi pakitid, lumalabas na malikhain ang tao sa paggamit ng
wika bagamat taliwas ito sa istraktura ng pagsulat sa wikang Filipino.

Maraming paraan o midyum ng komunikasyon ang maaaring gamitin upang ipadala ang
mensahe. Ayon kay Labrador(2018). Naging malaking ambag sa kulturang Filipino ang pag
usbong at pag unlad ng mass media. Gamit ang wika, pinapadali nito ang paghahatid ng berbal
na mensahe sa pamamagitan nito. Lalo lang pinabilis ang pagpaparating ng mensahe sa pag
usbong ng mass media sa pagpapalagnap ng impormasyon sa pamamagitan ng makabagong
teknolohiya. Sa kasalukuyan, sa araw-araw na pakikisalamuha ng tao, siya ay pinaliligiran na ng
mass media. Dinaranas nya ito sa pakikinig ng radyo, panonood ng telebisyon, pagiging aktibo
sa internet at marami pang iba. Ginagamit din nya ito sa pamamagitan ng ibat ibang midyum
tulad ng cellphone, mga social networking sites at iba pang uri ng mga elektronikong kagamitan.
Naging malaking bahagi na ito sa pang araw-araw na gawain na siya namang humuhulma sa
kabuuang transaksyon nya sa lipunan.

Kategorya ng Komunikasyon

Intrapersonal na Komunikasyon

Sa ganitong uri ng komunikasyon, nagaganap ito sa sarili o pansarili lamang. Kabilang


dito ang personal na pagmumuni-muni, pagsasaulo ng mga ideya, pag-aanalisa o kaya naman ay
pagsusulat para sa sarili lamang. Hindi kinakailangan na maging berbal ang intrapersonal na
komunikasyon. Dito, nagkakaroon ng komunikasyon o interaksyon sa sarili, maaaring sa
pamamagitan ng isip, puso o damdamin.

Interpersonal na komunikasyon

18
Sa kabilang banda, ang interpersonal na komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng higit
sa isa na maaaring kinasasangkutan ng nagsasalita at nakikinig o nagbabasa at nagsusulat.
Kabilang sa anyong interpersonal na komunikasyon ay dayadikong komunikasyon, pangkatang
komunikasyon at pampublikong komunikasyon.

A. Dayadikong komunikasyon- ito ay nagaganap sa pamamagitan ng dalawang tao lamang.

Hal. Pakikipagchat (hindi group chat), pakikipagusap sa telepono, counselling

B. Pangkatang komunikasyon- ito ay binubuo ng higit sa dalawang tao na sangkot sa


komunikasyon. Maaaring magkasindami ang bilang ng nakikinig at nagsasalita.

Hal. Pagpupulong, inuman, kumperensya

C. Pampublikong komunikasyon- sa komunikasyong ito, mas marami ang nakikinig at


kadalasang kakaunti o iisa lamang ang nagsasalita.

Hal. Misa, pagtuturo, talumpati gaya ng SONA

Komunikasyong Pang Madla o Mass Communication

Sa ikatlong katergoryang ito ng komunikasyon, ginagamit ang midya bilang instrumento ng


mismong komunikasyon. Kabilang sa mga midyang ginagamit sa ganitong uri ay radyo,
telebisyon, dyaryo, pahayagan o social media.

19
ARALIN 5

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

Mga Taga-ulat:

Ortiz, Mariz

Ramos, Eden Marie

Trias, Angela

Tiolo, Michelle Anne

Villasenor, Jovelyn

20
Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Ang komunikasyon ay ang pagpapadala at pagtanggap ng mensahe na maaaring berbal o


di-berbal. (Bernales, et al., 2002) Ito ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng
impormasyon sa mabisang paraan. Ito ay binubuo ng dalawang panig: nagsasalita at nakikinig.

Dahil sa komunikasyon nagkakaintindhan at nagkakaunawaan ang bawat isa dahil dto


nagkakaroon ng pagunlad sa mundo. Ito ay araw araw nating naisasagawa pasulat man o
pasalita. Minsan nama'y may mga kilos na nagbibigay ng kahulugan na maaraing iba-iba ang
interpretasyonsa bagay na iyon.

Talakayin naman natin ngayon ang isa sa mga napapanahong usaping tinatawag na
meme. Ayon kay Dawkings ang meme ay hango sa salitang mimeme o mimicry. Ito ay
nagpapakahulugan sa pagsalin, pagkopya, o imitasyon ng kultura. Dagdag pa niya kaya nitong
maimpluwenstahan ang kanyang nasa kapaligiran at lumago. Sa pagaaral naman ni Ponayo et al
(2018), ang meme ay nagkaroon ng impluwensiya sa mga magaaral. Ito ay maaring ikonsidera
bilang paraan nila sa pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa online world. Dahil ang memes
ay tinuturing na lingua franca ng mga internet user, na naging daan upang magkaunawaan ang
bawait isa sa online world.

Bukod sa meme, ang mga Pilipino ay likas na mahilig makipagugnayan sa iba't ibang uri
ng pakikipag-usap.

TSISMIS

Ang gossip o tsismis ay halo sa salitang ingles na “god-ssibs”, ito ay tumutukoy sa mga
ninong o ninang na pinaguusapan ang mga nangyari sa mga kahit anong okasyon ng kamag-
anak.

Ang terminong ito ay nagkaron ng panibagong kahulugan, at tinawag na idle chat o


pagkukwento dahil walang magawa na karaniwang ay sa mga kababaihan na nagpapahayag ng
hindi naman dapat ikalat.

21
Bagamat ang tsismis sa panahon ngayon ay isang negatibong uri ng pakikipagusap
ngunit isa pa rin itong uri ng komunikasyon na kung saan ay may maganda at positibo ring
naidudulot ngunit kadalasan ay nakasisira ito ng buhay.

Komunikasyong di-berbal at umpukan

UMPUKAN

Sa katunayan, ang umpukan ay isang gawain na nakabubuo ng maliit na grupo.

Ayon sq pinoydictionary.com,ang umpukan ay maliit na grupo ng tao.

Sa komunikasyon, ang umpukan ay nakagawiang paraan ng pakikipagkuwentuhan na


binubuo ng maliit na pangkat. Maaaring ang salitang umpukan ay kasingkahulugan ng
pakikipagkwentuhan.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

Sa pangkalahatan may dalawang uri ang komunikasyon. Ang berbal na komunikasyon at


di-berbal na komunikasyon.

1.Komunikasyong berbal-Ito ay uri ng komunikasyon na ginagamit ang wika. Maaring nasa


anyong pasalita o pasulat.

2 Komunikasyong di-berbal-Ito ay komunikasyong hindi gumagamit ng wika. Kabilang sa


komunikasyong ito ang kilos, amoy, kulay at iba pa na nagbibigay ng kahulugan.

a. Chronemics - ito ay paggamit ng oras bilang mensahe o komunikasyon.Halimbaw, ang


pagdalo sa unang araw ng klase nang maaga ay nagbibigay kahulugan ng mas importanteng
pagkikita.

b. Proxemics - ito ay paggamit ng distansya o espasyo sa sarili sa ibang tao. Ayon sa aklat na
wika at pagkakaibang kultural kaugnay ng distansyang pisikal at pag-aayos ng pisikal na seting

22
ng mga bagay-bagay. Sa britanya, halimbawa, bibihirq ang pisikal na kintak sa pagitan ng mga
tao.

c. Kinesics - ito ay tinatawag ding body language. Ito ay komunikasyong gumagamit ng katawan
bilang mensahe. Ilang halimbawa ng kinesivs ay kumpas ng ating kamay, ang paghawak sa ating
tiyan ay maaaring nangangahulugang tayo ay nagugutom o masakit ang tiyan.

d. Haptics - ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch kapag nagpapahatid ng mensahe.


Halimbawa, iba ang kahulugan ng mga salitang hawak, haplos, pisi, hablot, himas at pindot.
Bawat isa ay may angking kahulugan na hindi gumagamit ng salita o berbal.

e. Iconics - ito ay paggamit ng simbolo bilang mensahe sa pagpapahayag ng komunikasyon. ng


pakikipagkwentuhan. Halimbawa mga simbolong ginagamit sa gamot upang tukuyin kung lason
o hindi at mga simbolo ginagamit sa pinto ng palikuran sa pagtukoy ng kasarian.

f. Colorics- ito ay komunikasyon ginagawa ng kulay sa pamamahayag ng mensahe. Sa iba may


politikal na kahulugan ang kulay na sumisimbolo sa kanilang partido. Iba rin ang kahulugan ng
kulay na makikita sa kalsada na nagbibigay ng gabay sa mga motorista, at sa puting bandilang
iniwawagayway na nangangahulugang pagsuko at kahit sa itim ng damit.

g. Paralanguage- ito ay komunikasyon bantay sa paraan ng pagbigkas ng pahayag. May


pagkakataon sumasangayon tayo sa ating kausap pero pagtanggi ang tono ng pagkakasagot.
Kabilang dito ang bilis, tono o intonasyon ng boses at diin ng pagbigkas ng pahayag.

h. Oculesics- tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa pagpapahayag ng mensahe. May kahulugan


ang panliliit ng mata,paglalaki at kahit pagkindat. Napapakita din ito kung ang tao'y galit
sa isang tao o hindi sa gamit mata.

i. Olfactorics- komunikasyon na gumagamit ng pang-amoy sa pagpaparating ng mensahe.

j. Pictics- ito ay expresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe sa mukha makikita kung ang
tao ay malungkot, masaya, galit, nangangamba, natatakot, at iba pang uri ng damdamin. Dahil sa
expresyon ng mukha ay nagpapahayag ito kung ano ang nararamadaman ng isang tao dito natin
malalaman kung masaya o may problema ang isang tao.

23
k. Vocalics- paggamit ng tunog sa pagpapahayag ng mensahe. Hindi sakop sa komunikasyong
ito ang mga tunog ng pasalita halimbawa ay pag-ehem o kaya ay pag tsk- tsk.

Mga Ekspresyong Lokal

Ang ekspresyong lokal ay nakagawiang pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa na likas


lamang sa isang partikula na lugar. Gaya ng wikang pasalita na bagama't pareho sa baybay ay
nag-iiba-iba rin ito ng kahulugan batay sa kultural na konteksto nito.

Ayon kina Garcia, et al. (2012)

Mga uri ng di berbal na komunikasyon bilang ekspresyong lokal

- wikang pasenyas

- wikang paaksyon

- wikang ginagamitan ng bagay

Mga gawing pangkomonikasyon sa pananaliksik o pangangalap ng datos

- pakikipagkuwentuhan

- pagtatanong-tanong

- pagbabahay-bahay

- pulong bayan

Sapagkat ang henerasyon sa kasalukuyan ay pinalilibutan ng teknolohiya, halos lahat ng


tao ay nagmamay-ari ng iba't ibang social media account. Hindu kataka-taka na ang ekspresyong
ginagamit sa pagsasalita ay nagmumula sa social media.

24
Noong 2016, may inilabas ang rappler.com na mga salita at pahayag na popular sa social
media at nadagdagan pa. Ito ay mga ekspresyong karaniwang ginagamit sa social media. Ilan
dito ay:

1. Lodi, petmalu, werpa, orbs - mula sa mga salitang pinagbabali-baligtad, nabuo ang mga salita
LODI mula IDOL, PETMALU para sa MALUPI(E)T, WERPA para sa PAWER at ORBS para
sa BRO

2. Paqod c acoe

3. Kyah Pembarya

4. Qiqil, qaqo

25
ARALIN 6

MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL

Mga Taga-ulat:

Ezekiel Aguilar

Ervin Lester Alcantara

Catherine Almadin

Christine Joyce Amper

Sally Rose Nonchang Apita

Catherine Arriola

26
Ano ang Korapsyon?

Ito ay pagmamalabis, pagkapahamak, katiwalian. Maaring kapag sinuri sa konotasyong


pangkahulugan ng bawat indibidwal ang salitang korapsyon local at nasyonal man ay kakikitaan
ng negatibong pananaw. May mg vested interes kung bakit ganito ang katawagan sa kalakaran sa
korapsyon, ag mga kulay at imahen nito sa mga tarpaulin na nagpapahayag ng aspektong
pamublikong antas ng korapsyon,na ang publisidad para sa publikong serbiyo ay indikasyon rin
ng mas nakatagong korapsyog pampubliko. Malawakan ang korapsyon sa bansa. Hindi na ito
maitatatwa Ayon sa Ibon Media 2008

Sa dalas ng korapsyon sa bansa, naka buo na nang sariling “lingo” o salitaan ang mga Pilipino
upang tukuyin ang mga tiwaling transakyon

 Areglo- Pag sasaayos ng isang sitwasyon sa paraang mas madali ngunit hindi
katanggap tanggap.
 Ayos – Katulad diin ng areglo.
 Backer- Maimpluwensyang tao na makasisiguro sa isang ninanais na resulta kapalit ang
particular na presyo.
 Barya-barya- Maliit na paglalagay
 Kumisyon- Kabayaran sa transakyong illegal
 Padulas- Perang pambayad upang mas bumilis ang transaksyon.
 Tongpat o Patong- Halagang idinagdag sa tunay na halaga ng isang produkto o serbisyo na
magsisilbing kabayaran sa pagsasagawa ng transaksyon.

Mga halimbawa ng Korapsyon:

 Coco Levy Fund - scam nakinasasangkutan ni Ferdinand Marcos at iba pa.

 Fertilizer Fund Scam - scam naki nasasangkutan ni Gloria Macapagal Arroyo at iba pa.

27
 2011 Eskandaling Korupsyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas – eskandaling
kinasasangkutan ng mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

 NBN-ZTE Scandal – eskandaling kinasasangkutan ni dating pangulong Gloria Macapagal


Arroyo at asawa nitong si Mikee Arroyo.

 Pork Barrel Scam – eskandalong kinasasangkutan ng ilang mga senador at kinatawan ng


Pilipinas. Ito ay nilantad ng whistle blower na si Benhur Luy noong Hulyo 2013. Ito ay
tinatawag sa media na "ina ng lahat ng mga scam".

Pag-unawa sa Korapsyon

Pamilyar tayong lahat sa korapsyon. Kabi-kabila ang paglalantad sa diyaryo at telebisyon


ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno na bagama’t hindi kataasan ang suweldo ay nagagawang
makapagtayo ng malaking bahay, makabili ng mga mamahaling sasakyan at nakapagpanatili ng
malaking deposito sa mga lihim na bank account.

Ang ilang mga gawi,halimbawa ,pagpapameryenda sa mga tauhan sa isang opisina ng


gobyerno na nag poproseso sa renewal ng iyong permit, pagpapadal ng regalo sa purchasing
officer ng isang kumpanya kung saan nakikipag bid ka upang maging suplayer , pagbibigay ng
tip sa opisyal ng customs.

Porma ng Korapsyon

 Panunuhol -ang pagbibigay benepisyo upang maimpluwensyahan ang kilos o desisyon ng


isang tao. Ang benepisyo ay hindi kinakaipangang pera. Maari itong maging espesyal na
pabor, regalo, pang aaliw, pagbibigay trabaho, pautang o iba pang maibibigay upang
maka pag udyok. Maari din itong maging pampadulas, o maliit na halagang hinihingi ng

28
mga opisyal ng pamahalaan upang mapabilis ang pagbibigay serbisyo na karapatan mo na
mangtamasin.

 Pangingikil- Paggamit ng pananakot, paninira, o iba pang pagbabanta upang mapwersang


makipagtulungan ang isang tao. Maaring gumamitang isang public prosecutor ng
pagbabanta ng criminal na prosecution bilang batayan ng pangingikil. Sangkot din ditto
halimbawa ang mga bumberong tumatangging patayin ang apoy sa isang gusali hangga't
walang kabayaran.

 Kickbacks- iligal naka bayaran sa isang taong may awtoridad na magpasya o mang-
impluwensyasa mapipiling bigyan ng isang kontrata o transaksyon. Karaniwang
pinapatungan ang presyo ng kontrata o transaksyon upang magsilbing kickback sa mga
taong naka pagbigay ng espesyal na pabor sa isang particular na indibidwal o kumpanya.

 State Capture- Isang sitwasyon na magbabayad ang makapangyarihang indibidwal o


grupo sa mga opisyal ng pamahalaan upang maipasa ang mga batas o regulasyon na
makapag bibigay ng hindi patas na kalamangan sa na sabing indibidwal o grupo.

Korapsyon Pribado sa Pribado

Maaaring mangyari ang korapsyon kahit sa pagitan ng dalawang nagmumula sa


pribadong sektor. Nangyayari ang korapsyong pribado sa pribado sa pag ginagamit ng isang
opisyal o empleyado ng kompanya ang kanyang kapangyarihan upang impluwensyahan ang
pagganap sa isang tungkulin sa kompanya at ginagamit ang kapangyarihang iyon upang
makakuha ng personal na kapakinabangan na may masamang epekto sa kompanya.

29
 Mga halimbawa ng korapsyong pribado sa pribado.

 Purchasing at Procurement – regaling pera o pang-aaliw na ibinibigay ng sales


representative sa purchasing manager ng isang kompanya upang makakuha ng produkto o
serbisyo.

 Pautang o iba pang serbisyong pinansyal - kabayaran ng isang kompanya sa bank


manager o loan officer upang makuha ang approval sa pautang.

 Pag-eempleyo at pagbibigay ng promosyon – regaling ibinibigay sa personal director ng


kompanya upang masiguro ang pagka-empleyo o promosyon ng nagbibigay nito.

 Audits – kabayarang ibinibigay sa mga auditor ng isang accounting firm ng kompanyang


ino-audit upang hindi na nila mapansin ang ilang iregularidad.

 Publisidad at Promosyon - kabayaran ng isang kompanya sa isang mamamahayag upang


pumanig ang mga ito sa kompanya at upang hindi ilabas ang mga negatibong isyu laban
sa kompanya.

Mga sanhi ng Korapsyon

Ayon kay Robert Kiltgaard, kilalang eksperto sa anti korapsyon mayroong pormula kung
paano nagaganap ang korapyon.

C=M+D-A C ay Corruption, M ay Monopolyo, D ay Discretion at A ay Accountability.

30
 Hindi malinaw, kuplikado at madalas na nagbabagong batas at regulasyon.
 Kawalan ng transparency at accountability.
 Kawalan ng Kumpetisyon.
 Mababang pasahod sa pampublikong sector.
 Kulang pabago-bago at hindi patas na pagpapatupad ng batas at regulasyon.

31
ARALIN 7

MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

(UNANG BAHAGI)

Mga Taga-ulat:

Aylar, Haidee

Beñeras, Jhasper

Bigornia, Xela Mae

Cardosa, Ronie Jr.

Cordova, Jem Ruth

32
Forum at Simposyum

Forum

Ang Forum ay isang masusing pag-uusap tungkol sa isang paksa na humihingi ng


opinyon sa miyembro o kasapi ng kapulungan. Ang ganitong pag-uusap ay naglilinaw sa paksa,
sa suliranin o sa iba pang bagay na inilatag ng kapulungan o tagapagsalita sa mga kasap o
tagapakinig. Ang gorum ay talakayan ng grupo tungkol sa isang paksa. Madalas itong nahahawig
sa debate sapagkat ang paksang tinatalakay ay maaaring pagtalunan.

Simposyum

Ang Symposium o Simposyum ay pangkatang talakayan tungkol sa isang tiyak at


napapanahong isyu. Kadalasan, pormal ang anyo nito lalo na sa paaralan o unibersidad.

Sa simposyum, maraming inaasahang tagapagsalita ang magbabahagi ng mga


impormasyon tungkol sa isang paksa o napapanahong usapin sa mga inimbitahang tagapakinig o
kalahok. Ito rin ay tinatawag na kumprensiya.

Paano Nakikilahok sa Forum?

1. Maghanda para sa talakayan.


2. Magbigay ng opinyon sa paraang may pagsasaalang-alang.
3. Magkaroon ng positibong kontribusyon.
4. Maging magalang
5. Magbigay ng mahalaga at sapat na impormasyon.
6. Magtala.

Bilang Lider ng Forum, Ano Ang Kailangang Gawin?

1. Maghandang mabuti.
2. Ihanda ang pasilidad.
3. Dumating ng maaga.

33
4. Kailangang maistablis ang isang atmosperang “business-like”.
5. Gabayan ang diskusyon.
6. Hikayatin ang partisipasyon ng mga dumalo.
7. Kailangang nakapokus sa agenda o usapin.
8. Kailangang matutong magbigay ng konklusyon.
9. Batiin ang mga nagsipagdalo.
10. Humingi ng paumanhin sa mga bagay o insidenteng hindi inaasahan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Simposyum

1. Paghahanda sa Bulwagan
2. Pagpapaalam sa Madla ng mga Detalye ng Simposyum
3. Pagbuo ng Programa para sa Simposyum
4. Pakikipag-usap sa Caterer
5. Kagamitan

34
ARALIN 8
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

(IKALAWANG BAHAGI)

Mga Taga-ulat:

Ebrada, Arjay

Flores, Jenelyn

Gabotero, Stephanie

Gonida, Cristina

Gonzales, Trixian

35
Panayam o interbyu

Ito ay mabilisang pagkuha ng impormasyon sa taong kausap sa pamamagitan ng pagtatanong-


tanong. Layunin nito ang makakuha ng makabuluhang impormasyon sa kinakapanayam.
Nangangahulugan na ang pakikipanayam ay instrumento sa mabisang pangangalap ng datos higit
sa lahat , sa pananaliksik

Uri ng Panayam (Batay sa Anyo)

1. Pormal. Ang pinaka layunin ng tagapanayam ay makakalap ng impormasyon mula sa


kakapanayamin para sa paksang sasaliksikin. Kalimitang kinakapanayam ang mga
propesyonal, nagkamit ng karangalan, lider ng grupo at mga taong may kaukulang
karanasan sa napiling disiplina.
2. Di-Pormal. Ang tagapanayam lamang ang may tanging may alam sa layuning makakuha
ng impormasyon para sa paksang sasaliksik. Ang tagapanayam at kinakapanayam ay tila
nagkukwentuhan o nagtatalakayan.

Uri ng Panayam (Batay sa Layunin)

1. Interbyu na Nagbibigay Impormasyon (Informative Interview). Ito ay pagkuha ng


datos mula sa isang taong may kinalaman sa mga pangyayari.

2. Opinyon (Opinion Interview). Ito ay pagkuha ng komentaryo mula sa sikat o kilalang


awtoridad.

3. Lathalain (Feature Interview). Pakikinayam sa isang bantog na tao o sa isang taong may
makulay na buhay uoang makakuha ng kaalaman mula sa kanyang karanasan.

4. Pangkat (Group Interview). Pakikinayam ng mga reporter sa kilalang personalidad ng


bansa tulad ng pangulo at mga senador at iba pang mga politiko.

36
Paghahanda para sa panayam

1. Pumili ng kakapanayamin.
2. Makipagsundo sa oras.
3. Pag- isipang mabuti ang mga katanungan na naaayon sa paksa. Itala ito ayon sa
pagkakasunod-sunod.
4. Ihanda ang kagamitan tulad ng panulat, papel, tape, recorder, camera, at video.
5. Ihanda ang kasuotan na bagay sa sitwasyon.

Pagpili ng Kakapanayamin

1. Malawak ang kaalaman at karanasan sa paksa.


2. Mapagkakatiwalaan.
3. May oras para makipagpanayam.

Mga dapat gawin sa mismong panayam

1. Dumating ng maaga sa lugar ng pagdarausan


2. Maging magalang at sensitibo sa kinakapanayam
3. Gawing kasiya siya at kapana-panabik ang usapan
4. Wag magpaligoy ligoy sa mga katanangun. Maging direkta sa gustong malaman
5. Ipakita ang kawilihan sa pakikinig. Wag makipagsabayan magsalita sa kinapapanayaman.
6. Itula ang usapan. Mas mabuti na rin ay i-video ang interbyu.
7. Magpasalamat sa kinapanayam.

Mga dapat gawin pagkatapos ng panayam

1. Kung naka-record o video, i-transcribe o itala ang mga ideya na napag-usapan.


2. Ipaliwanag at suriin ang naging resulta.
3. Bigyan ng kopya ng output ang kinapanayam.

37
ARALIN 9

MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

(IKATLONG BAHAGI)

Mga Taga-ulat:

Javier, Jeremy

Lapitan, Edylaine

Laxamana, Marlon

Mendador, Jonabelle

Ordillo, Michaela Madailene

38
Ang pulong o miting at isang pagtitipon na
may layuning makapagpahayag ng isang anunsyo,
panukala o mga gawain. Maaari ring nagsasagawa ng
pagpupulong kapag gustong hingin ang payo ng
nakararami para sa isang desisyon. Sa isang pulong o
miting, kinakailangang organisado ito upang mahatid
nang wasto ang mga nais ipahayag ng tagapagsalita
at makamit ang layunin.

Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa.


Mayroong apat na elemento na dapat isaalang-alang sa isang organisadong pulong (Anso, 2011).

1. PAGPAPLANO (PLANNING)

A. Mga tanong na dapat masagot kapag


nagpaplano ng isang pulong:
 Ano ba ang dapat makuha o maabot ng
grupo pagkatapos ng pulong?
 Ano ang magiging epekto sa grupo
kapag hindi nagpulong?

Kaalaman!!!

Kung kinakailangang magpulong, linawin ang layunin ng pulong: ito ba ay


pagbibigay lamang ng impormasyon? May mga kailangan bang pagpasyahan?
Mahalaga ba ito upang malinaw kung sino ang dapat na anyayahan sa pulong.

B. Magkaroon ng malinaw na layunin kung


bakit dapat may pagpupulong:
 Magplano para sa organisasyon.
 Pagbibigay impormasyon (may mga
dapat ipaalam sa kasapi).
 Konsultasyon (may dapat isangguni na
hindi kayang sagutin ng ilang miyembro lamang).

39
 Paglutas ng problelma (may suliranin na dapat magkaisa ang lahat).
 Pagtatasa (evaluation, sa mga nakaraang gawain o proyekto).

2. PAGHAHANDA (ARRANGING)

Sa imbitasyon (liham, text o berbal), kailangang sabihan ang mga taong dapat dumalo sa
pulong; kabilang ang petsa at oras, lugar ng pulong, at agenda o mga bagay na pag-
uusapan na tatalakayin. Ang paghahanda ay nakadepende rin sa mga partikular na
tungkulin ng mga tao sa pulong.

 Chairman/President (Presiding Officer) - kailangang alam niya ang agenda, kung


paano patatakbuhin ang pulong, at alam kung paano hahawakan ang mga
mahihirap at kontrobersiyal na mga isyu.

 Secretary (Kalihim) - kailangan niyang ihanda ang katitikan ng pulong (minutes


of the meeting) o talaan noong nakaraang pulong at iba pang mga ulat at kasulatan
ng organisasyon.

 Mga kasapi sa pulong (Miyembro) - kailangang pag-aralan nila ang agenda o mga
bagay na pag-uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok.

A. Sa imbitasyon, dapat ipaalam at isulat ang mga pag-uusapan/tatalakayin (Agenda of


the meeting)

1. Pagbubukas ng pulong (petsa, araw, oras at lugar ng pagpupulong)

2. Pagbasa at pagsang-ayon aa katitikan ng nakaraang pulong

3. Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman sa nakaraang pulong

4. Pinakamahalagang pag-uusapan

5. Ibang paksa

6. Pagtatapos ng pulong

B. Mga dapat ihanda sa pulong

40
1. Ihanda ang lugar (mesa, upuan, pagkain kung kinakailangan, palikuran, kaligtasan
o security at iba pa)

2. Ang mga gagamitin (pisara o blackboard, chalk o pentel pen at iba pa)

3. Pag-aralan ang mga paksa na tatalakayin, kung kinakailangan. Magtalaga ng


taong mas higit na nakakaalam sa usapin.

3. PAGPOPROSESO (PROCESSING)

Ang pulong ay dapat mayroong mga panuntunan/patakaran o “standard operating


procedures” kung paano ito patatakbuhin. Kabilang ditto ang ilang mahahalagang
patuntunan/patakaran (rules) at ang tungkol sa mga dumalo at pagsasagawa ng desisyon.

a. Quorum – ito ang bilang ng mga kasapi na kasama sa pulong na dapat dumalo
para maging opisyal ang pulong.dapat ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga
inaasahang dumalo upang magkaroon ng Quorum batay sa parliamentary Rule.
b. Consensus – isang proseso ng pagdedesisyon na kinukuha ang nagkakaisang
desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong.
c. Simpleng mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon na kinakailangan ang 50%
+ 1 (simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa
isang opisyal na pulong.
d. 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kinakailangan ang 2/3 o 66%
ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na
pulong.

Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras. Sikapin ding matapos ito sa
itinakdang oras. Alalahanin ang ibang kasapi ay may iba pang mga nakatakdang gagawin.

4. PAGTATALA (RECORDING)

Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong (minutes of the meeting). Ito ay
mahalaga dahil ito ang opisyal na tala ng mga desisyon at paksang pinag usapan o
tinalakay sa pulong. Maari itong balikan ng organisyon kung may kinakailangang linawin

41
sa mga nakaraang pag-uusap. Dapat hindi lamang ang kalihim ang magtatala, ang mga
kasapi dapat ay nagtatala rin nang hindi nila makalimutan ang pinag-usapan.

MGA DAPAT IWASAN SA PULONG

1. Malabong layunin sa pulong. Nararapat na malinaw ang layunin ng pulong. Ang pulong na
may malabong layunin ay nakakawalang gana sa mga kasapi.

2. Bara-bara na pulong. Walang sistema ang pulong. Kung ang lahat ay nais magsalita nang
sabay sabay, magiging magulo ang pulong. Palaging isaalang alang ang "house rules."

3. Pagtalakay sa napakaraming bagay. Hindi na nagiging epektibo ang pulong kung


maraming agenda o pinaguusapan dahil pagod na ang isip ng mga kasapi. Maging tiyak sa
paksa at huwag sabay sabayin.

4. Pag-atake sa indibidwal. May mga kasapi sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa


pagkatao ng indibidwal. Nagiging personal ang talakayan at dahil dito, nagkakasamaan ng
loob ang mga tao sa pulong.

5. Pag iwas sa problema. Posible sa isang pulong na hindi ilabas ng kasapi ang mga problema
sa organisasyon. Sa halip, ang mga binabanggit nila ay mga walang kwenta o kabuluhang
bagay at hindi napaguusapan ang mga tunay na problema.

6. Kawalan ng tiwala sa isa't isa. Walang patutunguhan ang isang samahan na walang tiwala
at hindi bukas sa isa't isa.

7. Masamang kapaligiran ng pulong. Masyadong maingay o magulo ang lugar na


pinagpupulungan na maaaring maging dahilan upang hindi magkarinigan ang mga
nagpupulong. Kung minsan naman ay masyadong mainit sa lugar, o maraming balakid tulad
ng pagkakalayo layo ng mga kasapi. Nararapat na ang pinuno ay naririnig at naiintindihan ng
lahat.

8. Hindi tamang oras ng pagpupulong. Ang pulong ay hindi dapat maganap sa alanganing
oras katulad ng sobrang umaga, madaling araw o sobrang gabi.

42
ARALIN 10

MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON


(IKAAPAT NA BAHAGI)

Mga Taga-ulat:

Ortiz, Mariz

Ramos, Eden Marie

Trias, Angela

Tiolo, Michelle Anne

Villasenor, Jovelyn

43
Pasalitang Pag-uulat

Pagpapahayag ng isang paksa sa harap ng maraming tao o panauhin ang pasalitang pag-
uulat. May mga ilang pagkakataon na nagsasagawa tayo ng ulat sa harap ng klase kapag naiatas
sa atin ang isang paksa. Bukod sa klase, may ilan din na nagbibigay tayo ng pasalitang pag-uulat
sa ginagawang proyekto o maging sa librong nabasa natin. Kaya naman, napakahalaga sa pag-
uulat ang kakayahan sa mabisang pagsasalita.

Ayon kina Garcia et al. (2012),may mga salik sa mabisang pagsasalita. Ang mga ito ay
pagsasalitang nakapagpapasang-ayon, nakapagpapakilos tungo sa isang layunin o mithin, at/o
nakapagpapabago ng isipan. Binibigyang-pansin dito ang kasalukuyan o napapanahong
kalagayan ng paksang pag-uusapan, pananaw ng nagsasalita at intensiyon ng nakikinig.

Gabay sa Pasalitang Pag-uulat

1.Paggamit ng simple ngunit naayong mga salita

Nauukol iyo sa paggamit ng mga salitang madaling maunawaan ng mga tagapakinig.


Hindi kailangang gumamit ng mga malalalim o mahirap unawaing mga salita upang masabing
matalino ang nagsasalita. Kadalasan, ang paggamit ng mga simpleng salita ay higit na nakapag-
iiwan ng kahulugan sa mga tagapakinig sapagkat higit itong nagiging makabuluhan dahil sa
kasimplehan. Tandaan lamang na sa pagpili ng gagamiting salita, dapat bigyang-pansin ang
paksa, okasyon at layunin.

2.Pagkontrol sa emosyon

Sa pagtalakay ng anumang paksa, kailangang bigyang-pansin ang sariling emosyon at ng


iyong tagapakinig. Tandaan na maaring mula sa iba't-ibang lahi, relihiyon, o pangkat panlipunan
ang iyong mga tagapakinig. Maaari ring magtaglay sila ng iba't-ibang pilosopiya, persepsiyon, o
tradisyon ukol sa iyong paksa. Ang pagkontrol sa iyong emosyon ay maaaring maging daan sa
ganap na pakikipag-unawaan sa iyong tagapakinig. Maaari ring makaiwas sa pagsisisi o
pagkapahiya.

44
3. Pagiging epektibong tagapakinig

Ang pagsasalita ay kasinghalaga ng pakikinig. Upang maibigay sa tagapakinig ang


kailangan nilang kaalaman, nararapat na makinig sa kanila. Tandaang higit na maibibigay ang
kailangang impormasyon kung epektibong nakikinig.

4. Pagtiyak sa pang-unawa ng tagapakinig

Kailangang matiyak ng tagapagsalita na nauunawaan ng kaniyang mga tagapakinig ang


talakay niya. Ito ay magagawa niya kung laging kukunin ang atensiyon at interes ng kaniyang
tagapakinig; o kaya'y magpatawa upang maging magaan ang ginagawang pakikinig at higit na
tumuon ang kabuluhan sa pinakikinggan.

Mahalaga sa isang pasalitang pag-uulat ay may maayos na pagpaplano, masanay sa


pagsasalita at maihayag nang wasto ang mga impormasyon tungkol sa mahalagang paksa na
tatalakayin.

Hakbang sa Pasalitang Pag-uulat

1.Pagpaplano

 Tiyaking ang paksa na iuulat ay tiyak limitado at hindi malawak.

 Maghanda sa mga posibleng tanong tungkol sa paksa

 Batay sa mga naihandang mga posibleng tanong, isulat ang mga sagot sa pamamagitan ng
pagsasaliksik.

 Magiging gabay ito upang mas makita ang kahalagahan at sakop ng paksang iuulat.

 Gumawa ng balangkas (outline) ng iyong ulat.

2. Pagsasanay ng Presentasyon

 Gamit ang inihandang balangkas (outline) muling balikan ang paksa at mga detalye ng
iuulat.
 Tiyaking wasto ang mga nakalagay na detalye sa paksang iuulat.
 Tiyaking wasto ang gramatika

45
 Bumuo ng kagamitang biswal sa pag-uulat gaya ng powerpoint presentation. Tiyaking
makikita o mababasa ito ng mga tao kahit nasa likod na bahagi ng lugar ng pagdadausan
ng ulat.

3. Pagpapahayag ng Ulat

 Huwag basahin ang ginawang balangkas o mga tala.

 Sundin ang gabay sa mabisang pagsasalita

 Panatilihin ang ugnayan sa iyo ng tagapakinig.

 Maghanda sa mga posibleng katanungan ng mga tagapakinig.

46
ARALIN 11

MGA TIYAK NA SITWAYONG PANGWIKA

(IKALIMANG BAHAGI)

Group Discussion

Ang Group Discussion ay talakayan na binubuo ng limang kasapi o miyembro. Ito ay


gawaing kooperasyon na nangngahulugang tulong-tulong sa pagbuo ng mga ideya. Ang layunin
ng group discussion ay makapagbahagi ng impormasyon, ideya at opinyon upang malutas ang
isang suliranin.

Ayon sa aklat ni Castro-de Leon (2004), may limang balangkas ang Group Discussion
upang maging organisado.

1. Alamin ang suliranin

2. Suriin ang suliranin upang matukoy ang dahilan at epekto nito

3. Makapagmungkahi ng pansamantalang solusyon

4. Itala ang solusyon

5. Pumili ng pinakamainam na solusyon sa suliranin

May mga Group Discussion na ang layunin lamang ay makahanap ng impormasyon sa


isinasagawang pag-aaral.

Ang mga gawing komunikasyon ay isang epektibong pamamaraan sa isang


kuwalitatibong pananaliksik. Ito ay ang paghahanap ng mga impormasyon sa pamamagitang ng
pakikipag usap sa mga kalahok o responde ng pag-aaral. Ilang pamamaraan ng pangangalap sa
mga datos o impormasyon ay mga nagbanggit sa unang pagtatalakay, gaya ng pagtatanong,
panayamtalakayan at ang pakikipagkuwentuhan. Isa ang Focus Group Discussion o (FGD) sa
pamamaraan sa pangangalap ng impormasyon na nauuri sa pakikipagkuwentuhan.

Ang Focus Group Discussion o (FGD) ay pamamaraan sa pananaliksik. Ginagamit, ito


upang makuha ang opinyon, ideya at mga karanasan ng mga kalahok sa isang talakayan.
Kadalasang binubuo ng 6 hanggang 15 kalahok ang talakayan. Ang paksa ng talakayan ay

47
nakatutok sa mga tanong na nais sagutin ng mga mananaliksik sa kanyang pag-aaral. ( Alcantara-
Malabuyoc, et al, 2013)

Ayon pa sa libro nila Alcantara-Malabuyoc, et al(2013) may mga dapat tandaan sa


pagsasagawa ng FGD.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng FGD

1. Balikan ang mga tanong na dapat sagutin sa pagaaral.

2. Itala ng mga tanong na itatanong sa FGD. Kailangang hindi ito nasasagot ng simpleng "Oo" o
"hindi".

3. Iplano kung kinakailangan ang maliit na grupo (6 na kalahok), katamtamang dami ng grupo
(7-10), o malaking grupo (11-15) ang iimbitahin para sa FGD.

4. Gumawa ng pamantayan sa pagpili ng mga kalahok. Kailangang alam nila ang paksang
tatalakayin mo at may pare-papreho ang kanilang interes o background tungkol sa paksa.

5. Gumamit ng cassette recorder o camcorder uoang mairekord ang talakayan.

6. Makagawa ng mga malikhain at makapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at


analisis na akma sa iba't ibang kontesto.

7. Makagawa nang makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba't


ibang konteksto.

8. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba't


ibang antas at larangan.

9. Makapagbalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba't ibang porma ng midya.

10. Makapag-ambag sa pagtaguyod ng wikang filipino bilang daluyan nang makabuluhan at


mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang pilipino,bilang lunsaran sa mas
mabisang pakikipagugnayan sa mga mamamayan ng ibang bansa

Radyo

48
Ang radyo ay pinagmumulan o pinagkukunan ng mga balita, impormasyon, aliw, payo at
serbisyong publiko ng mga tao. Mas mabilis din ang dating ng balita at pagbabalita kumpara sa
telebisyon dahil madaling maipadala ang impormasyon at madali ring makakonekta sa himpilan
ng radyo. (Morales-Nuncio at Nuncio, 2016)

Maraming pakinabang ang radyo. Sinasabing ang mga programa sa radyo ay ang may
pinakamalawak at may pinakamaraming naaabot na mamamayan sapagkat pinakamura itong
kasangkapan at abot ng masa. Kabilang sa mga programang naihahatid sa radyo; ang
pagpaparinig ng musika, pagpapakilala ng isang produkto, paghahatid balita, nagpapatid ng
talakayan o pulso ng bayan, at nagbibigay opinyon tungkol sa isang paksa.

Ang telebisyon ay midyum o kagamitam na nagpapalabas ng mga programa. Naging


bahagi ito ng pang araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Telebisyon

Ang pagdami ng palabas na telebisyon partikular ang mga teleserye o telenobela o


pantanghaling programa o noontime show tulad ng eat bulaga at it's Showtime na
sinusubaybayan ng milyon-milyong manonood ang isa sa malaking dahilan kung bakit ang halos
lahat ng mga mamamayan ng bansa ay nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.
Malakas ang impluwensya ng mga programang ito na gumagamit ng wikang Filipino sa mga
manonood. Hindi kasi uso ang mag-subtitle o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal.
Ang madalas na eksposyur sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit 99% ng mga
mamamayan sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat
sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa katagalugan. Sa
mga probinsya, kung saan rehiyonal na wika ang karaniwang gamit ay ramdam ang malakas na
impluwensya ng wikang ginagamit sa telebisyon. Makikita sa mga paskil o babalang nasa paligid
ng mga ito ang paggamit ng wikang Filipino tulad ng (Bawal Pumarada Rito) o (Bawal
Magtapon ng Basura Rito). Kapag nagtanong ka ng direksyon sa wikang Filipino ay sasagutin ka
rin sa wikang ito. Patunay ang mga itona habang dumarami ang manonood ng telebisyon ay
lalong lumalakas ang hatak ng midyum na ginagamit dito sa mga mamamayang Pilipino saan
mang dako ng bansa at maging ang mundo (Dayag at del Rosario, 2016).

Kabilang sa mga programa sa telebisyon ay:

49
1. Balita sa iba't-ibang panig ng mundo gaya ng tungkol sa politika, o lipunan, edukasyon,
relihiyon, isports, at ekonomiya.

2. Dokumentaryo

3. Serbisyo-publiko

4. Teleserye, telenobela, pelikula sa telebisyon at komediserye.

5. Variety Show

6. Reality Show o game show

50

You might also like