Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG PAGTATALAGA NG SASAKYAN

Pastor:
- Mula sa Panginoong Diyos ang lahat ng bagay.
- Siya ang may likha ng lahat ng nilalang, langit, lupa, hayop, maging
tao ay gawa ng Kanyang sariling kamay. Maging ang ating mga
ari-arian ay mula sa Kanyang matalinong patnubay. Kung kaya’t
maliban na ang Diyos ang mag-ingat ng ating kabuhayan at buhay,
tayong tao ay walang kabuluhan.

- Ayon sa Deuteronomy 28:2-3, “Mapapasainyo ang lahat ng mga


pagpapalang ito kung susundin ninyo ang Diyos ninyong si
Yahweh. Pagpapalain Niya kayo sa inyong mga bayan at sa inyong
mga bukid.”

Sumunod ang may-ari:


- “Parito Ka, Panginoong Hesus, at maging Pangulo Ka namin, at
Iyong ingatan ang sasakyang ito para sa Iyong kaluwalhatian.

Pastor:
- Narito tayo sa harap ng Diyos kung kaya’t tayo ay pinagpala Niya
at pinagkalooban ng lahat ng ating pangangailangan tulad ng
sasakyang ito. Nawa’y Siya lagi ang pumatnubay at mag-ingat
saan man ito pumaroon at naroroon.

May-ari:
- Pinasasalamatan naming ang Diyos dahil sa sasakyang ito. Aming
ipinapangako na ang sasakyang ito ay aming iingatan at gagamitin
hindi lamang upang sumagana ang aming buhay kundi lalo na sa
Kanyang kaluwalhatian. Aming itinatalaga ito sa araw ng
Panginoon at kung kinakailangan ay gagamitin ito sa Kanyang
Pangalan. Aming ipinapangako at ipinakikiusap sa sinumang
gagamit nito na ingatan sa pagtakbo upang huwag magkasakit ng
sinuman at makapinsala ng kalusugan.
Pastor:
- Ipatong ng sambahayan o may-ari ang kanilang kamay sa sasakyan
na nakayuko ang ulo.
- Kanino ninyo itinatalaga ang sasakyang ito?

May-ari: Aming itinatalaga ang sasakyang ito sa Panginoong Hesus.

Panalangin ng Pagtatalaga (ipapanalangin ng Pastor)

You might also like