Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Quarter 2 – Week 3:
Ang Rehistro at Iba’t Ibang
Barayti ng Wika
I. Panimula:

Ang Register at Iba’t Ibang Barayti ng Wika

Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng


mgasalitang sabiglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang
pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na
maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang
pinaggamitan nito. Ito ay tinatawag naregister ng wika.

Mga Halimbawa ng Register:


• Mga salitang jejemon
• Mga salitang binabaliktad
• Mga salitang ginagamit sa teks
• Mga salitang ginagamit ng mga iba’t ibang propesyon gaya ng mga
doktor

Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi
maipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito.
May mga akronim tayo tulad ng CA na ang Kahulugan sa medisina ay cancer,
calcium sa nutrisyon, Communication Arts sa Komunikasyon at Civil
Aeronautics sa kursong Aeronotics , Chartered Accountant, Chief Account sa
Accounting , Chronological Age, Coast Artillery at Consular Agent.
Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangangahulugang pag-atras o
pagsuko sa larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko(science), pagtigil
o pagpigil sa bagay na gustong sabihin o gawin (komunikasyon).
Ano ang gamit ng wika sa iba’t ibang larangan?
Halimbawa:

Salita Larangan Kahulugan


Komposisyon ( Musika Piyesa o awit
composition) Lengguwahe Sulatin
Agham Pinagsama-samang
elemento
Isyu (issue) Politika Usaping pampolotika/
panlipunan
Pamamahayag Bilang ng labas ng
pahayagan
General Military Mataas na ranggo
Lengguwahe Pangkalahatan
Race Sociology Lahi, angkan, lipi
Lengguwahe Pangkalahatan
Agham Pinagsama-samang
elemento

1
Stress Psychology Tensiyon
Lengguwahe Diin, tuldik
Strike Sports Nasapol, termino sa
bowling
Paggawa Welga
Lengguwahe Hambalusin, hampasin
State Politika Bansa, estado
Komunikasyon Sabihin, ipahayag
Psychology Kalagayanm kondisyon
Operasyon Medisina Pagtistis
Paggawa Pagpapalakad ng
makina/ opisina
Military Pagsasagawa ng isang
plano
Hardware Teknolohiya Kagamitang
pangkompyuter sa loob
ng CPU
Kalakalan Tindahan ng mga gamit
para sa pagpapatayo ng
bahay
Authority Literature Dalubhasa dahil sa
sariling likha
Military Taong may katungkulan
Psychology Tao o pangkat na may
karapatan o
kapangyarihan

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda:


• Natutukoy ang iba’t ibang register barayti ng wika na ginagamit sa iba’t
ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media,
Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
terminong ginamit sa mga larangang ito. ( F11WG – IIc – 87 )
• Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika
sa kulturang Pilipino. ( F11PU – IIc – 87)

III. Pamamaraan:
Ang pagkakaroon ng register at iba’t ibang barayti ng wika ay dulot ng
pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang pangkat ng mga tao sa loob ng iba’t ibang
phenomenon. Dahil sa ugnayang ito, nalilinang ang wikang may pagkakaiba sa
orihinal o istandard na pinagmulan nito. Kaya sa araling ito susubukin ang
iyong kakayahan at kaalaman.
GAWAIN 1:

2
Panuto: Basahin ang web blogni Cris Israel Lumansang na pinamagatang
WHAT IF CONYO LAHAT THE PEOPLE HERE IN PINAS. Sagutin ang mga
tanong pagkatapos.
WHAT IF CONYO LAHAT NG TAO HERE IN ‘PINAS
Magnanakaw: Holdap! Make bigay all your thingies! Don’t make galaw or I will
make tusok you!
Pulis: Make suko na, we made you napaliligiran!
Impeachment trial: You are so asar!I’m galit na to you!
Raliyista: Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy, join the rally!
Newscaster: Oh my gosh, I have hot balita to everyone!
Pasahero 1: Sir! Payment
Pasahero 2: Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!
Customer: Pa-buy ng water, yung naka shachet! (ice tubig)
Karpintero: Can I hammer na the pokpok?
Pari: You’re so bad, see ka ni God.
Magtataho: Taho! Make bili na while it’s init pa, I’ll make it with extra sago!
Bibili ng taho: Is it sarap? Pwede pa-have?
-Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.55 -

Narito ang ilang tanong na ibinatay sa iyong binasang web blog. Gawin ang
isinasaad sa bawat bilang sa iyong hiwalay na sagutang papel o notbuk.

1. Ano kaya ang mangyayari kung sa ganitong paraan magsasalita ang lahat
ng mga Pilipino? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________
2. Kung makasanayan mo ang ganitong paraan ng pagsasalita ay maaaring
madala mo na rin ito hanggang sa iyong pagtanda at maging sa iyong
paghahanapbuhay. Paano kaya kungnewscaster ka na ng isang
respetadong news and public affairs program sa telebisyon subalit ganito
ka magsalita: “Oh my gosh, I have hot balita to everyone!” Ano ang magiging
posibleng epekto nito sa ating pakikipagtalastasan sa ating kapwa?
______________________________________________________________
3. Batay sa isinagot mo sa bilang 2, Paano mo maisusulong ang maayos at
malinaw na pakikipag-usap sa iyong kapwa?
______________________________________________________________

3
GAWAIN 2:

https://prezi.com/uzv33_hfdzt7/rehistro-ng-wika/
DIMENSYON HALIMBAWA SALITA KAHULUGAN
NG REGISTER

KOMPOSISYON
FIELD MUSIKA KOMPOSISYON PIYESA/AWIT
MODE PASALITA
TENOR MANG-AAWIT
Sa tulong ng grapikong presentasyon sa itaas, magbigay ng sariling paliwanag
base sa konseptong naiintindihan. Isulat ang iyong sagotsa hiwalay na sagutang
papel o notbuk.

1. Sa ano-anong pagkakataon sa buhay mo maaaring makatulong ang mga


kaalaman ukol sa mga barayti ng wika? Magtala ng limang paraan.

4
2. Gumawa ng poster-islogan, batay mga tanong na ito: Paano mo
mailalarawan/mapahahalagahan ang iyong unang wikang naiintindihan?
Paano naiiba ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita
rin ng wikang ginagamit mo?

RUBRIC SA GINAWANG ISLOGAN/POSTER


MGA KRAYTERYA Sarili Guro
4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na nagpamalas ng Naging malikhain sa Hindi gaanong naging Walang ipinamalas na
pagkamalikhain sa paghahanda. malikhain sa pagkamalikhain sa
paghahanda. paghahanda. paghahanda.
Pamamahala ng Oras Ginamit ang sapat na oras Ginamit ang oras na Naisumite dahil Hindi handa at hindi tapos.
sa paggawa ng sariling itinakda sa paggawa at binantayan ng guro
disenyo sa gawain. naibigay sa tamang
oras.
Presentasyon Lubhang naging malinaw ang Naging malinaw ang Hindi gaanong malinaw Hindi naging malinaw ang
pagbigkas at paghahatid ng pagbigkas at ang pagbigkas at pagbigkas/paghahatid ng
mensahe. paghahatid ng paghahatid ng mensahe.
mensahe. mensahe.
Organisasyon Buo ang kaisipan konsistent, May kaishan at may Konsistent, may Hindi ganap ang
kumpleto ang detalye at sapat na detalye at kaisahan, kulang sa pagkakabuo, kulang ang
napalinaw. malinaw na intension. detalye at hindi detalye at di-malinaw ang
gaanong malinaw ang intensyon
intension
Kaangkupan sa Paksa Angkop na angkop ang mga Angkop ang mga salita Hindi gaanong angkop Hindi angkop ang mga salita
salita (islogan) at larawan o islogan sa larawan ng ang mga salita at at larawan sa paksa.
sa paksa. paksa. larawan sa paksa
Kabuuang Puntos
Level ng Pagsasagawa (Performance)

GAWAIN 3:
Panuto: Batay sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan, tukuyin
kung sa anong barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o
sitwasyon. Isulat ang titik ng inyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay _______


a) pinipili b) isinasaayos
c) dinamiko d) kagila-gilalas
2. Kung ang _______ ang nagiging dahilan upang mapagbuklod-buklod ang mga
tao, masasabi nating lingguwistikong komunidad ang kanilang
kinabibilangan.
a) komunikasyon b) wika
c) kilos d)kultura
3. _______ naman ang tawag sa barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang
pangkat o uring panlipunan.
a) Dayalek b) Sosyolek
c) Rehistro d) Idyolek
4.Alin sa mga ito ay ang depenisyon ng TENOR?
a) Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita
o pasulat
b) Nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng
komunikasyon
c) Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok
d) Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano at kanino ginagamit

5
5.Alin sa mga salita ang depinisyon ng FIELD DIMENSYON sa Register ng Wika?
a) Layunin b) Komunikasyon
c) Paksa d) wala sa nabanggit
6. Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang
ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
a) Dayalek b) Sosyolek
c) Rehistro d) Idyolek
7.Ang sumusunod ay kabilang sa mga depenisyon ng 3 Dimensyon ng Register
ng Wika maliban sa ____________.
a)Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita
o pasulat
b)Ito ay kadalansang ginagamit sa bahay at kadalasan na galing sa mga
bata at matanda
c)Para kanino ginagamit ang salitang ito?
d)Ginagamit ang style sa pagtukoy sa rehistro
8.Saan kabilang ang Register ng Wika?
a)Dayalek b)Barayti ng Wika
c)Komunikasyon d)Soysolek
9.Alin sa sumusunod ang depenisyon ng MODE?
a)Ito ay ang paraan kung paano isinasagawa ang komunikasyon, pasalita
o pasulat
b) Ito ay paraan kung papaano isinasagawa ang komunikasyon, pasalitao
pasulat.
c)Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok
d)Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano at kanino ginagamit ang salitang
ito?
10.Ang salitang "TERM" ay nangangahulugan ng ____________.
a)Pahayag
b)Gaano kahaba ang termino o serbsiyo ng isang tao (ex. termino ng isang
Vice President)
c) lingguwistika
d)Dalubhasa

IV. Paglalahat:
“Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa gumagamit”
(Halliday, McIntosh at Stevens, 1994)

V. Susi sa Pawawasto:
Nasa guro ang pagpapasya

6
VI. Sanggunian:
Mga Aklat
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927
Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal
Group, Inc. 2016
Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. 927 Quezon Ave.., Quezon City: SIBS Publishing
House, INC. 2016
Quexbook Hub ( PERCDC Learnhub) Komunikasyon at Pananaliksik

Websites

https://www.scribd.com/doc/130276115/Ang-Rehistro-ng-Wika-pptx
https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-
komunikasyon
https://www.google.com/search?q=rehistro+ng+wika+clip+art&tbm=isch
&ved=2ahUKEwjM1d2IjeXpAhXjIaYKHfBaBK4Q2-
cCegQIABAA&oq=rehistro+ng+wika+cli
https://prezi.com/uzv33_hfdzt7/rehistro-ng-wika/
http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/10/rubric-sa-ginawang-
isloganposter.html
https://www.coursehero.com/file/p2k51ahp/Ito-ay-barayti-ng-wika-na-
nagmula-sa-etnolongwistikongn-grupo-Taglay-nito-ang/
https://quizizz.com/admin/quiz/5dcbea1288a941001df07439/register-
ng-wika

Petalver, Piolen C. et. al., ADM DepEd Misamis Oriental

Inihanda ni:

CHARM VIDAEMIE U. ABELLANA

You might also like