Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGPAPALIWANAG SA BAWAT SAKNONG

            Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus ay naghahalintulad sa kanya sa
isang punong kahoy. Ang unang saknong ay naglalarawan sa may akda na nag-iisip. “Kung
tatanawin mo sa malayong pook”. Ito’y nangangahulugang ang may akda ay nagsimulang nagguni-
guni. Sa kanyang guni-guni ay inilalarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba sa Panginoong
Diyos.
            Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya ang posibling mangyayari kung nasa lamay na
siya. Sa una at ikalawang taludtud, ay nangangahulugan na naririnig sa kanyang lamayan ang mga
musikang tinutugtug din sa simbahan. Samantalang, sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay naglalarawan
sa kanyang lamay na ang mga kandila ay inihalintulad sa mga tanod na nag-aabang sa kanyang
lamay.
            Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang luha. “Sa aking paanan ay may
isang batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyang paanan, malamang nalulungkot sa
kanyang pagkamatay kaya doon ay may patuloy na umiiyak at umaagos ang luha, at sabi pa na
hanggang maghapon at magdamag na walang tigil sa pag-iyak, ang kahulugan. Sa ikatlo at ikaapat
na taludtud ay inilalarawan ng may akda ang kanyang kabaong na inihahalintulad sa sanga. Sa
kanyang kabaong ay may nakasabit na pangalan ng kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya.
            Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na ang pag-iyak ng mga nagmamahal sa kanya
ay totoo. Nalaman niya na may tunay o totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Kaya
nang nalaman niya ito, ay naging masaya siya at tanggap na niya.
            Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na ang kampana ng simbaha ay tumunog bago
ialis ang kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit na syang ihatid sa kanyang huling hantungan. At
ang mga taong nagmamahal sa kanya ay isa-isang naghahagis ng bulaklak sa kanyang kabaong. At
may tao pa rin na patuloy na umiiyak at humagulgol sa paanan ng kanyang kabaong.

            Ibig sabihin sa ikaanim na saknong yaong naihatid na siya sa kanyang huling hantungan at
nang matabunan ng lupa ay nawala lahat ang kanyang kaligayahan, nararamdaman ang kalungkutan
at nag-iisa sa dilim. Sa puntod na yaon ay wala nang nagbabantay sa kanya.
            Sa ikapitong saknong, ay naalimpungatan na siya sa kanyang pagguni-guni nang napagtanto
niya na ang kanyang mga guni-guni ay hindi nakakatuwa.

            Sa huling saknong naman, ay nagmuni-muni siya sa panahon ng kanyang kabataan,


inaasahan niya at kanyang inilaan na ang kanyang mga gawa ay maging inspirasyon sa kapwa.

III.             TUNGKOL SA AKDA

Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang


buhay at naisin, ito‟y paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay
ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang pagkawala at
tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at
napamahal din sa kaniyang mga nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy, na
kung saan ang Punong-kahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang daloy
ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa matayog bilang isang tao. Ngunit
katulad ng punong kahoy dumarating ang unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kaniyang sanga,
na ang tao sa kabila ng kaniyang katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot ang pagtanda
sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago ang kapaligiran, hanggang maramdaman ng tao ang
kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at pagkawala ng liwanag sa kaniyang buhay. At sa huli ng
tula ay inihahabilin niya na ang kaniyang buhay sa kamay ng kaniyang Manlilikha. 

You might also like