Teksto para Sa Exam Panukala at Katitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pamagat: Panukalang Proyekto sa Pagkakaroon ng Maayos na Silid-Aklatan

Nagpadala o Proponent: Aimee Ann Arroyo


Badyet o Pondong Kinakailangan: 15,000.00
Pagpapahayag ng Suliranin o Rasyunal: Ang kahalagahan ng proyektong ito ay
makapagbigay ng pakinabang sa pagkakaroon ng maayos at organisadong silid- aklatan sa
Cacti Succulenta NHS

Deskripsiyon ng Proyekto: Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit tatlong linggo upang
maisakatuparan ang nais matamong pagbabago sa silid-aklatan.

Layunin ng Proyekto: Nilalayon ng proyektong ito na magkakaroon ng kredibilidad para sa


gagawing pananaliksik ng mga mag-aaral sa tulong ng pagkakaroon ng mataas na antas ng
sanggunian na hindi kakailanganin pang pumunta sa mga Computer Shop.

Kasangkot sa Proyekto: Mag-aaral, Guro, Magulang at Punungguro ng paaralan

Kapakinabangang Dulot: Ang mga mag aaral ng Cacti Succulenta NHS ang makikinabang
sa proyektong ito upang mapadali ang paghahanap ng mga mag-aaral mula sa ikapitong
baitang hanggang ikalabing dalawang baitang ng sagot sa kanilang gagawing proyekto o
takdang aralin.

Katitikan ng Pulong

Piliin ang simpleng mga pananalita ang mga kahulugan nito.

1. Tumahimik na tayo at magsimula na ang ating pulong.


Magsisimula na ang pulong.
2. Mayroon ba tayong kurom?
Nakabuo ba tayo ng kailangang bilang ng miyembrong dadalopara matuloy ang
pulong?
3. Iminumungkahi ko na…..
Ang aking rekomendasyon ay….
4. Pinapangalawahan ko ang mungkahi.
Sinusuportahan ko ang mungkahi.
5. May pag-uusapan ba tungkol sa bagay na iyan?
May gusto pa bang talakayin tungkol sa isyu o paksa?
6. Magbobotohan na tayo.
Hihilingin ko sa inyo na pagbotohan natin ang tungkol sa isyu, paksa o panukala na
tinatalakay
7. Pinagtibay ang mungkahi.
Ang panukala o mungkahi ay pinagtibay na
8. Maaari bang itala ‘yan sa ating rekord?
Kung maaari sanang itala ng ating Kalihim ang mga nasabi na o Natalakay at nang
ito’y masama sa ating katitikan na pulong.

You might also like