Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

6

Module 22

Filipino
Pag-unawa sa Pangunahing Diwa

45
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
Sa Mag-aaral

Kumusta? Maayos ba ang iyong pakiramdam? Ngayon, ibang


paksa na naman ang iyong pag-aaralan. Ito ay ang pag-uunawa sa
pangunahing diwa ng paksang nabasa. Kaya mo ito, kaya simulan
mo na.

Mga Dapat Matutuhan

Hindi ba’t ang bawat talata ay binubuo ng ilang pangungusap


ukol sa isang paksa?
Hindi ba’t ang bawat pangungusap na ito ay nakadaragdag ng
datos o impormasyon ukol sa paksa na tinutukoy sa buong talata?
Ang lahat ng pangungusap na ito, na bumubuo sa talata ay
sama-samang nagbibigay-liwanag sa iisang paksang tinatalakay sa
talata. Ang kabuuang diwang ito ay tinatawag na pangunahing diwa.

Subukin Natin

Tingnan natin kung mabibigyan mo ng angkop na pamagat


ang talatang mababasa mo at maibibigay mo ang pangunahing diwa
nito.

____________________________

Ang ulan ay biyaya ng kalikasan. Ito ang nagdidilig sa mga


halaman at nagbibigay-inumin sa tao. Ito rin ang humuhugas sa
dumi ng hangin at lupa. Pagkatapos ng ulan, napapansin mo ba
ang malinis na kapaligiran?

Pangunahing Diwa:
______________________________________________

Batayan: Filipino sa Makabagong Panahon 4, pg. 270

46
Pag-aralan Natin

Pag-aralan natin ang pangunahing diwa sa sumusunod na


talata. Alamin din natin ang mga kaisipang walang kabuluhan o
paningit lamang sa talata at saka isa-isahin natin ang mga
pantulong na kaisipan na sumusuporta sa pangunahing diwa.

Ang ngiti ay nakapagpapaligaya. Nagkakaroon ka ng


kapayapaan sa iyong puso. Nakapagpapanatili ito ng iyong
kalusugan. Nakakapagpangiti ito ng isang pusong sugatan.
Napaglalapit ang mga tao at nagkakaroon ng mabuting
pakikipag-ugnayan. Ang ngumingiti at ngingitian ay
parehong nakararanas ng kaligayahan.
Batayan: Filipino sa Makabagong Panahon 4, pg. 270

Anu-ano ang iyong mga napansin sa talata? Hindi ba’t may


pangungusap na nakalimbag nang pahilis?

Ang ngiti ay nakapagpapaligaya.

Iyan ang pangunahing diwa. Bakit? Sapagkat, lahat ng mga


sumusunod na pangungusap, maliban sa isa ay sama-samang
nagbibigay-liwanag sa paksang tinatalakay na dito makikita

Ang pangungusap na may guhit pabilog ay ang kaisipang


walang kabuluhan o matatawag na paningit sa talata. Maaari itong
kunin sa talata o kaya’y baguhin ito upang magkaroon ng ugnayan
sa pangunahing diwa.

Halimbawa: Nagkakaroon ka ng kapayapaan ng iyong puso.


Ito ay walang tuwirang kaugnayan sa paksa.

47
Gawin mo itong: Nagbibigay ito ng kapayapaan sa puso
ninuman. Nagkakaroon na ito ng ugnayan sa paksang pinag-
uusapan dahil sa salitang “ito” na tumutukoy mismo sa paksang
ngiti.

Ang lahat na pangungusap na may salungguhit ay mga


pantulong na kaisipan dahil lahat sila ay sumusuporta sa
pangunahing diwa. Bawat pangungusap na ito ay magkaugnay sa
isa’t isa.

Gawin Natin

Basahin nang maayos ang sumusunod na mga talata. Ikahon


ang mga pangunahing diwa, bilugan ang kaisipang walang
kabuluhan, salungguhitan ang mga pantulong na kaisipan at saka
bigyan ng pamagat.

_____________________________

Mahal na mahal tayo ng ating mga magulang.


Nagsasakripisyo sila upang tayo’y makapagtapos ng pag-aaral.
Wala silang hinihiling na kapalit sa kanilang pagsasakripisyo.
Dapat lang na bigyan natin ang ating mga magulang ng
pagpapahalaga. Ipagwawalang bahala ba natin ang mga
kabutihang ginawa nila sa atin? Igalang natin sila. Sumunod
kaagad sa kanilang pinag-uutos. Maglingkod tayo sa kanila
hanggang sa kanilang pagtanda. Magbigay tayo ng karangalan
sa paggawa nang mabuti sa loob at labas ng bahay.
Batayan: Filipino sa Makabagong Panahon 4, pg. 270

48
Mga Dagdag na Gawain

Basahin ang talata at buuin ang sumusunod na concept web


ayon sa datos na nakasaad sa talata.

Ang mga Pilipino ay may kanais-nais na kaugalian.


Mahusay makisama ang mga Pilipino. Nagsasakripisyo sila para
sa ikabubuti ng iba. Hindi sila palaasa sa iba. Nakikiisa sila sa
ipagtatagumpay ng plano o proyekto ng pamilya o pangkat.
Batayan: Filipino sa Makabagong Panahon 4, pg. 270

Tandaan Natin

Huwag kalilimutan na ang bawat talata ay binubuo ng ilang


pangungusap ukol sa isang paksa at ang lahat ng pangungusap
na ito na bumubuo sa talata ay sama-samang nagbibigay-liwanag
sa iisang paksang tinatalakay sa talata. Ang kabuuang diwang ito
ay tinatawag na pangunahing diwa.

49
Sariling Pagsusulit

Basahin nang maayos ang sumusunod na mga talata. Ikahon


ang mga pangunahing diwa, bilugan ang kaisipang walang
kabuluhan, salungguhitan ang mga pantulong na kaisipan at saka
bigyan ng pamagat.

_______________________

Ang paaralan ay pangalawa kong tahanan. Napapaunlad


nito ang aking karunungan at kakayahan. Dito ko nararanasan
ang pakikipagkapwa-tao. Natututuhan ko rin dito ang pagiging
makabayan at maka-Diyos. Masaya ang magbasa, sumulat at
umawit.
Batayan: Filipino sa Makabagong Panahon 4, pg. 270

Mga Batayan:

 Tingnan sa “Gabay sa Pagwawasto” ang tamang sagot at


iwasto ang sariling pagsusulit.
 Kung ang iyong iskor ay apat o lima, ( 4 -5) maaaring
tumuloy na sa susunod na leksyon.
 Kapag ang iyong iskor ay tatlo ( 3 ) gawin ang susunod na
gawain.
 Kapag ang iyong iskor ay bumaba sa tatlo ( 2,1 o kaya ay 0)
balikan uli ang buong modyul. Sikaping mapaghusayan ang
pagbasa at pag-unawa sa iyong binasa, at sagutin nang
may pag-iingat ang bawat tanong.

50
Pagyamanin Natin

Basahing mabuti ang sumusunod na talata. Alamin ang bawat


pangunahing diwa at isulat sa patlang saka bigyan ng akmang
pamagat.

______________________________

Buhay na buhay pa sa isipan niya ang kasawiang naranasan sa


nakaraang taon. Naging sampal sa kanyang mukha ang mga
panlalait ng kanyang nga kamag-aral dahil hindi niya nagawang
manguna sa klase na siyang inaasahan ng lahat. Tandang-tanda pa
niya ang pagbaha ng kanyang luha sa inabot niyang galit ng
kanyang mga magulang. Halos ikamamatay ni Ella ang
pinakamalaking dagok sa kanyang buhay.
Subalit, hindi naging hadlang ang kasawian upang
magpunyagi. Ngayong nasa sekondariya na siya, panay ang
kanyang panalo sa mga patimpalak sa paaralan. Nanguna na rin
siya sa kanyang klase. Higit sa lahat matibay na ang kanyang loob
at mithiing magtagumpay sa buhay.

Pangunahing Diwa 1:
______________________________________________

_____________________________________________

Pangunahing Diwa 2:
______________________________________________

______________________________________________

51
Gabay sa Pagwawasto

Subukin Natin

Pamagat: Biyaya ng Kalikasan (Maaaring iba rin ang iyong pamagat kagaya ng “Ulan” o
kaya’y “Biyaya ng Ulan”)

Pangunahing Diwa: Ang ulan ay biyaya ng kalikasan.

Gawin Natin

Pagmamahal ng Magulang

Mahal na mahal tayo ng ating mga magulang. Nagsasakripisyo sila upang tayo’y
makapagtapos ng pag-aaral. Wala silang hinihiling na kapalit sa kanilang pagsasakripisyo.
Dapat lang na bigyan natin ang ating mga magulang ng pagpapahalaga.
Ipagwawalang bahala ba natin ang mga kabutihang ginawa nila sa atin? Igalang natin sila.
Sumunod kaagad sa kanilang pinag-uutos. Maglingkod tayo sa kanila hanggang sa kanilang
pagtanda. Magbigay tayo ng karangalan sa paggawa nang mabuti sa loob at labas ng bahay.

Mga Dagdag na Gawain


Mahusay makisama
ang mga Pilipino
Ang mga Pilipino ay
may kanais-nais na
kaugalian. Nagsasakripisyo sila
para sa ikabubuti ng
iba.

Nakikiisa sila sa Hindi sila palaasa sa


ikatatagumpay ng plano iba.
ng pamilya o pangkat.

52
Sariling Pagsusulit

Maaring iba ang pamagat kagaya ng “Paaralan”

Pangalawang Tahanan

Ang paaralan ay pangalawa kong tahanan. Napapaunlad nito ang aking


karunungan at kakayahan. Dito ko nararanasan ang pakikipagkapwa-tao. Natututuhan
ko rin dito ang pagiging makabayan at maka-Diyos. Masaya ng magbasa, sumulat at
umawit.

Pagyamanin Natin:

Pamagat: “Paglaban sa Kasawian” (Maaari ring iba ang iyong pamagat kagaya ng
“Tagumpay Dulot ng Kasawian”

Pangunahing Diwa 1: Halos ikamatay ni Ella ang pinakamalaking dagok sa kanyang


buhay.

Pangunahing Diwa 2: Hindi naging hadlang ang kasawian upang magpunyagi.

53

You might also like