Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng COVID-19

Ang economic output ng Pilipinas na sinusukat sa pamamagitan ng Gross Domestic Product ay bumaba
ng 0.2% noong unang quarter ng 2020. Ito ang unang pagkakataon mula noong 1998 na bumaba o
nagkaroon ng economic contraction ang bansa.

Simula 1961, tatlong beses pa lang nakaranas ng economic recession ang Pilipinas. Una noong 1984 at
1985 sa dulo ng panahon ng diktador na si Marcos. Pangalawa noong 1991 dahil sa oil and energy crisis
na sinundan pa ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo, at pangatlo noong 1998 Asian financial crisis.

Nakaligtas tayo sa recession noong 2008 global financial crisis pero sumadsad pa rin ang ating
ekonomiya ng mga panahong iyon. Marahil ay dahil na rin sa natuto tayo sa mga nakaraang financial
crisis at mas naging handa para dito.

Ang pagbaba ng GDP natin ngayong unang quarter ng 2020 ay matapos tayong makaranas ng sunod-
sunod na mataas na economic growth na hindi bababa sa 6% sa nakalipas na 8 taon. Noong mga
panahong iyo ay tayo ang is sa mga fastest-growing economy sa buong Asia at mga emerging markets.
Bago pa ang COVID-19, ang Pilipinas ay nabigyan ng investment grade credit rating at tinatayang tayo
sana ay mapapabilang na sa mga upper middle income economy ngayong taon.

Epekto ng COVID-19 lockdown


Community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic ang dahilan ng pagbaba ng ating ekonomiya.
Dumating ang pandemic sa gitna ng paghina ng global economy dahil sa tumataas na trade tension ng
Tsina at Estados Unidos; pagbaba ng manufacturing, investment at trade.
Huwag din nating kalimutang sa unang bahagi ng taon pumtok ang Bulkang Taal at nagkaroon ng sunod-
sunod na lindol sa Mindanao. Dahil sa mga ito, bumagal ang ating ekonomiya across major agricultural,
industry and services sectors.
Napakalaki ng ibinaba ng transport and accommodation dahil bumagsak ito ng 10.7% at 15.3% nitong
first quarter. Sa lahat ng mga sektor, dalawa lamang ang tumaas – ang utilities at social work na tumaas
ng 5.3% at 9.2% respectively.
Bumagal ang consumer spending natin sa -0.2%, pinakamababa mula noong 1986. Ang pagkonsumo ng
alcohol at tabako ang pinakabumulusok sa -16.4% kasama ng mga restaurant at hotels sa -15.4%. Isa
lang ang tumaas sa consumer spending at ito ay ang health na tumaas ng 11.5%.
Dahil sa economic contraction na naganap, ang mga economic managers ng gobyerno sa pamamagitan
ng Development Budget Coordination Committee ay nagsabing maaring -2.0% hanggang -3.4% ang GDP
growth para sa taong 2020. Naglabas din ng dokumento ang Philippine Institute of Development Studies
na nagpapakita ng maaring bumaba ng PhP276B hangang 2.5T ang pagbaba sa sectoral gross value
added ng bansa.
Economic performance ng ibang bansa
Malaki ang pagdausdos ng ekonomiya ng China sa parehong period sa -9.8% GDP growth rate. Di hamak
na mas malubha ito kumpara sa Estados Unidos na bumaba lamang ng -1.2% at Japan sa -0.9%. Estados
Unidos, China at Japan ang tatlong pinakamalalaking ekonmiya sa mundo.
Sa ASEAN, nakaligtas sa negative growth ang Indonesia at Vietnam na lumago ng 3.0% at 3.8%
respectively. Ito ay dahil sa huli nang nagpalaganap ng lockdown ang Indonesia, samantalang ang
Vietnam ay maagang naagapan ang pagkalat ng COVID-19.
Kasama ng Singapore, Malaysia at Thailand, ang tatlong pinakamalalakas na ekonomiya sa ASEAN, ang
Pilipinas na dumanas ng negative GDP growth dahil sa COVID-19.

Lubhang naapektuhan ang buhay ng mga Filipino dahil sa economic disruption dulot ng COVID-19
pandemic. Bilang tugon, isinabatas ang Bayanihan to Heal as One Act o RA 11469 upang mabawasan ang
negatibong epekto ng COVID-19. Nagbigay ng emergency powers sa Presidente at economic stimulus
packages ang gobyerno sa mga naapektuhang sektor.

Malaki ang budget na inilaan sa Bayanihan Act para palaguin ang ekonomiya at panumbalikin ang sigla
nito. Ang mga programang kasama dito ay ang mga sumusunod: Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa,
Philippine Economic Stimulus Act at ang Financial Institutions Strategic Transfer Law.

You might also like