Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang mga sibilisasyon, lalo na ng mga sinaunang kabihasnan, ay maaaring

matawag bilang isang sibilisasyon kung mayroon ang isang grupo ng mga tao
o ang isang lipunan ng mga sumusunod na katangian:
1.    Nagkakaroon ng urbanisasyon;
2.    Pagkakaroon ng panlipunang stratipikasyon;
3.    Pagkakaroon ng sariling paraan ng pagsusulat; at,
4.    Pagkakaroon ng kakayanang magpunyagi at kontrolin ang mga bagay na
umiiral sa paligid niya.
Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.[1] Naiisip
nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at
mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lámang ng isang tribo. Lampas
dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining,
arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan maipagtanggol
ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang
kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan
sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o
kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa
malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno, espesyalisasyon sa
hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao.

You might also like