Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

URI NG PANG ABAY

Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng
dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
at hanggang. Halimbawa n*g pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong
pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong
mga salitang katulad ng kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.
Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang "Manonood
kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na pamanahon na
nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at
iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa
aming pook ng santakrusan

Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap
ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos
sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan
ng kilos sa pandiwa. Halimbawa nito ang "Nagpunta sa lalawigan ang mag-anak upang dalawin ang
kanilang mga kamag-anak."Karaniwan ding ginagamit sa pangungusap na mayroong pang-abay na
panlunan ang mga pariralang sa, kina o kay. Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay
isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Samantala, ginagamit naman
ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao. Halimbawa
nito Halimbawa na ang mga pangungusap na "Maraming masasarap na ulam ang
itinitinda sa kantina." at ang "Nagpaluto ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa
kaarawan.

Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap,
o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang
mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait,
atbp. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang mahigpit", "Mahusay
bumigkas ng tula ang batang si Boy".

Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan
sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga
pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa. Halimbawa ng paggamit nito ang
pangungusap na "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."

Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga
salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pang halimbawa. Halimbawa ay "Talagang
mabilis ang pag-unlad ng bayan."
Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan
ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di at ayaw. Halimbawang pangungusap para rito ang
"Hindi pa lubusang nagamot ang kanser.". "Hindi ako papayag sa iyong desisyon".

Panggaano o pampanukat
Ang pang-abay na panggaano o pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat,
o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga.
Halimbawang pangungusap para rito ang "Tumaba ako nang limang libra."

Pamitagan
Ang pang-abay na pamitagan ay ang pang-abay na nagsasaad ng paggalang. Halimbawang
pangungusap para sa pang-abay na ito ang "Kailan po ba kayo uuwi sa lalawigan ninyo?"

Panulad
Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay. Halimbawa ng
paggamit nito ang pangungusap na "Higit na magaling sumayaw si Armando kaysa kay Cristito."
Ang pang-abay o adberbyo ay mga salitang naglalarawan sa:

1. pandiwa
2. pang-uri
3. Kapwa pang-abay

You might also like