Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CEBU

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)


Araling Panlipunan 6

Name: _______________________________________ Date: ________


School: ____________________________ Grade and Section: __Six- __________
Quarter: Second Week: One

MELC : Nasusuri ang Uri ng Pamahalaan at Patakarang Ipinatupad sa Panahon ng


mga Amerikano.

Mga Layunin:
a. Nasusuri ang konsepto ng patakarang pasipikasyon at kooptasyon batay sa uri ng
pamahalaan at patakarang ipinatutupad sa panahon ng mga Amerikano;
b.Nakasusulat ng maikling talata tungkol sa mga naiambag ng mga Amerikano sa uri
ng pamahalaan na ginagamit natin ngayon; at
c. Nakapagbibigay ng reaksiyon sa pagpapahalaga ng pagmamahal sa sariling
bayan sa pamamagitan ng pagsuri ng isang larawan at pagpapahiwatig ng
nararamdaman sa nasuring larawan.

Mga Sanggunian:
a) https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/q2-lesson-16-
kilusang-propaganda-noong-panahon-ng-mga-amerikano
b) https://prezi.com/p/cdxm_jx7dvgf/mga-patakarang-pang-
pasipikasyong-ipinatupad-ng-amerika-at-hapon-sa-pilipinas/
c) https://prezi.com/hptcby6gwb_q/mga-patakarang-pasipikasyong-
ipinatupad-ng-amerika-at-hapon/
A. Babasahin
ANG PAMAHALAANG KOLONYAL NG MGA AMERIKANO

Dahil nasa ilalim ng pamahalaan Amerikano ang Pilipinas noon, lahat ng


galaw o kilos ng mga rebolusyonaryong Pilipno ay mahigpit na binabantayan at para
lubos na mapairal sa bansa ang mga plano ng Amerika, ipinatupad ng pangulong
William Mckinley ang Batas Militar sa bansa noong Agosto 14, 1898 sa
pamamagitan ni Heneral Wesley Meritt bilang unang gobernador military. Si Merritt
ay binigyan ng kapangyarihang tagapagbatas, tagapagpaganap at tagahukom.

Noong Enero 20, 1899, lumikha si Pangulong McKinley ng isang komisyon


na pinamumunuan ni Dr. Jacob Gould Schurman na pangulo ng pamantasang
Cornell at kasama niya ang amga matataas na militaring opisyal sa bansa na sina
Admiral George Dewey at Heneral Elwell Otis para siyasatin o alamin ang kondisyon
ng Pilipinas at magbigay ng mga rekomendasyon. Sa ulat ng Komisyong Schurman,
binigyan nila ng pasin ang hangarin ng mga Pilipino na magkaroon ng lubos na
kalayaan ngunit ayon sa kanila, ang bansa ay hindi lubos handa sa pagsasarili kaya
iniekomenda nila sa pangulong William McKinely ang agarang pagtatag ng mga
sumusunod:

1. Pagtatag ng isang Pamahalaang Sibilyan


2. Pagtatag ng isang lehislaturang bicameral
3. Pagsasarili ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang local
4. Pagkakaroon ng isang pampublikong sisitema sa edukasyon
Noong Marso 16,1900, nabuo ang ikalawang komisyon sa bansa na tinawag
na Komisyong Taft dahil sa ito ay pinamunuan ni William Howard Taft. Si Taft na
hinirang bilang unsang Henral Sibil noong Hulyo 4, 1901 sa bansa. Bagama’t
ipinahiwatig ni Taft na hangarin niyang ihanda ang mga Pilipino sa pangangasiwa
sa pamahalaang demokrasya, maraming Pilipino ang hindi naniwala sa kanya at
nagpatuloy sa pakikipaglaban. Siya ay may kapangyarihang pang-lehislatura at
limitadong pang ehekutibo. Ang tagubilin ni Mckinley sa komisyong ito ay narito:

1. Pagkatatag ng Kataas-taasang hukuman o Korte Suprema at pagkaroon ng


isang sistemang panghukuman.
2. Pagkatatag ng Serbisyo Sibil o Civil Service
3. Pagpapatupad ng Koda Pang Municipal o Municipal Code
4. Pagkatatag ng Pmabansang Konstabularya ng mga Pulis o Philippine
Constabulary na siyang mangangasiwa sa katahimikan ng lipunan.
Dalawang Uri ng Pamahalaan ng mga Amerikano

Pamahalaang Militar
Noong Agosto 14, 1898, nagsimula ang pamahalaang militar na itinatag ng
mga Amerikano. Ang mga namuno ay tinawag na military governor. Ang unang
nanungkulan ay si Heneral Wesley Merritt na puno ng sandatahang lakas ng
Estados Unidos sa Pilipinas. Ang sumunod ay si Heneral Elwell Otis na
nanungkulan mula 1898 hanggang 1900 at ang pinakahuli ay si Heneral Arthur
MacArthur mula 1900 hanggang 1901.

Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaang militar ay ang tiyakin ang


pagtanggap ng mga mamamayang Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano.
Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng katahimikan at kaayusan
sa buong bansa.

Pamahalaang Sibil
Ang unang hinirang na Gobernador-Sibil ng Pilipinas ay si William H. Taft.
Hinirang siya noong ika-4 ng Hulyo, 1901. Bagama’t ipinahiwatig ni Taft na hangarin
niyang ihanda ang mga Pilipino sa pangangasiwa sa pamahalaang demokrasya,
maraming Pilipino ang hindi naniwala sa kanya at nagpatuloy sa pakikipaglaban.
Ipinatupad ni Gobernador Taft ang ilang batas para maipasantabi ang kamalayang
makabansa tulad ng mga sumusunod:
1. Batas sa Sedisyon
2. Batas sa Panunulisan
3. Reconcentration Act / Batas ng Sona
4. Batas ng Bandila
5. Panukalang Batas Blg. 48

Mga Patakarang Kooptasyon at Patakarang Pasipikasyon

Nadatnan ng mga Amerikano ang mga Pilipino na nagtataglay ng matinding


diwa ng nasyonalismo. Isang malaking hamon ito na igiit ang kanilang
kapangyarihan sa mamamayang uhaw sa tunay na diwa ng kalayaan.

Iginiit ng Amerika na ang pamumuno nila sa Piipinas ay paraaan lamang


upang ihanda ang mga Pilipino sa kanilang pagsasarili pagdating ng tamang
panahon. Ito ang paniniwala nila na makapagpapahupa sa pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa ganap na Kalayaan. May mga magiliw na tumanggap sa kaisipang
ito ngunit marami ang hindi naniwala at nagpatuloy sa kanilang layunin para sa
pagsasarili.
Nagpatuloy ang iba’t ibang kampyana ng mga Amerikano sa Pilipinas na
nagbabadyang supilin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.

Nagresulta ito sa paghihigpit at pagpapahirap sa mga Pilipino kahit may


kautusan ang pangulo ng Amerika na si William Mckinley tungkol sa paggawad ng
mga karapatang pantao sa mga Pilipino. Upang mapigilan ang paglaganap ng mga
pagkilos ng mga Pilipino laban sa kaapangyarihan ng mga Amerikano, naglunsad
ang mga Amerikano ng iba’t ibang patakaran at programa.

Sa pagsuko ng mga Pilipinong lider, marami pa ring mga Pilipino ang hindi
kumilala sa Estados Unidos bilang bagong pamumunuan ng bansa. Patuloy ang
mga Pilipino sa pakikipaglaban na nagbigay-daan sa patakarang panunupil ng
Estdaos Unidos.

Patakarang Panunupil (Pasipikasyon)

Ang patakarang panunupil ay isang patakaran na may layuning supilin ang


damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino na patuloy na nakipaglalaban para sa
ganap na kalayaan na bansa. Ipinatupad ni Gobernador Taft ang ilang batas para
maipasantabi ang kamalayang makabansa tulad ng mga sumusunod:
❑ Sedition Act ng 1901

Ito ay batas na nagbabawal sa mga Pilipino na magsalita o lumaban,


magsulong ng rebelyon, o humiwalay sa Estados Unidos. Pagkakakulong o
kamatayan ang parusa kapag lumabag ang mga Pilipino sa batas na ito. Ang mga
biktima ng batas na ito ay sina:
1.Aurelio Tolentino- May akda ng dulang- Kahapon, Ngayon at Bukas”
2.Juan Abad- Mat akda ng dulang “Tanikalang Ginto”
3.Juan Matapang Cruz – May ada ng dulang “Hindi Aco Patay”
4.Martin Ocampo at Teodoro M. kalaw- May- ari at editor ng pahayagang El
Renacimiento na kinasuhan libelo at pinagmulta ng 60 000.00 ni Dean dahil
sa paglathala ng umano pakikibaka sa katiwalian ng pamahalaang
Amerikano
❑ Brigandage Act ng 1902(Nobyembre 12, 1902)
Ito ay batas na nagbabawal sa pakikipagsabwatan at pagsali sa mga samahan
ng mga makabayang Pilipino. Bandolero o tulisan ang tawag sa mga Pilipinong ito.
Pagkakakulong o kamatayan ang parusa kapag lumabag ang mga Pilipino sa batas
na ito. Sa batas na ito nahuli ang dating miyembro ng Katipunan at ang nagtatag ng
Katalugan na si Macario Sakay na matapos ikininulong ay binitay.
❑ Flag Law ng 1907
Ito ay batas na nagbabawal sa pagwawagayway ng bandila ng Pilipinas.
Ipinagbabawal din ang pagwawagayway ng anumang bandila na sumasagisag sa
kalayaan at rebolusyon. Kabilang dito ang sagisag ng Katipunan ng 1896.
❑ Recontration Act ng 1903(Hunyo 1, 1903)
Isinagawa ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga tao sa isang
lalawigan o lugar. Ang mga residente ay pinaaalis o pinagbabawalang pumasok sa
mga lugar na sinusuyod ng mga Amerikano. Ang mga gobernador ng lalawigan ay
may karapatang sonahin ang mga bayan na may mga taong pinaghihinalaang
gagawa ng hindi mabuti. Sila ay puwersahang tinitipon sa isang lugar na kontrolado
ng mga militar upang masubaybayan ang anumang gawaing mapanghimagsik.
Hindi sila nakakalabas at nakakatanggap ng bisita.
❑ Panukalang Batas Blg. 48
Pinagamit ang mga lokal na diyalekto sa mababang paaralan upang hadlangan
ang pagkakaroon ng isang pambansang wika na mag-uugnay sa mga Pilipino.

PAGBABAWAL SA MGA MAKABAYANG ORGANISASYON

➢ Ang mga Pilipinong hindi tumanggap sa awtonomiyang inalok ng Amerika ay


bumuo rin ng mga partido sa pagnanais nilang isulong ang platapormang
makamit ang ganap na kalayaan sa mga Amerikano sa paraang mapayapa.

➢ Sa pamumuno ni Pascual Poblete, naitatag ang partido Nacionalista noong


1901 noong 1902 ay nabuo ang Partido Democrata sa pamumuno ni Leon
Ma. Guerero at Jose Maria de la Vina.

Patakarang Pilipinisasyon (Kooptasyon)

Ang patakarang Pilipinisasyon ay ipinatupad para sa mga Pilipinong


pumayag na manumpa ng katapatan sa mga Amerikano. Karamihan sa mga
Pilipinong nanumpa ay mga ilustrado. Ito ay ang dahan-dahang pagpapalit ng
mga Pilipino sa mga Amerikanong nasa pamahalaan

B. Pagsasanay
Pagsasanay 1
Panuto: Gawin mo ang tsart. Ihanay sa tamang patakaran ng mga
Amerikano ang nasa loob ng kahon.

Sedition Act Flag Law ng Recontration Act Brigandage Act


(1901) 1907 1903 1902
Pagbabawal sa anomang
simbolong nag-uugnay sa Bawal ang mga partidong
katipunan makakalayaan at makabayan

Mga tulisan at magnanakaw Sapilitang paglilipat mula pook-


ang mga lumaban sa mga rural patungo sa mga
Amerikano recontruction villages
Pagbabawal sa pamamahayag
Tinawag na landrones at pirata
na mapanira sa mga
ang mga gerilya
Amerikano
Pagdakip sa mga manunulat Paghinto sa paggamit watawat at
na bumabatikos sa mga banner na mga simbolo ng
Amerikano kalayaan
Ang mahuhuling wala sa lugar Bawal ang samahang nagsusulong ng
na binabantayan ay mga kasarinlan kahit sa paraang
tulisan at kalaban mapayapa

Pagsasanay 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot
sa isang buong papel.
1. Ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaang military?
2. Bakit naglunsad ang mga Amerikano ng iba’t ibang patakaran at programa?
3. Ano-ano ang dalawang patakarang inilunsad ng mga Amerikano? Ibigay ang
mga layunin ng bawat isa.
4. Sa Recontraction Act ng 1903, paano sinusubaybayan ang ang mga taong
gumawa ng anumang gawaing paghihigmasik?
5. Ibigay ang ilang batas na ipinatupad ni Gobernador Taft para maipasantabi ang
kamalayang makabansa?

C. Tayahin/ Paglalapat
Panuto: Gumawa ng isang maikling talata tungkol sa naiambag ng mga
Amerikano sa Pamahalaan ng Pilpinas noon at ngayon?
Ano ang naiambag ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas? Sa iyong
paIagay, sang-ayon ka ba sa uri ng pamahalaang inilunsad ng mga Amerikano
noon? Ipaliwanag. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

Prepared by : JESSICA C, MAQUILAN

Content Editor : MARIEBER T. PULVERA

Language Editor : SALATHIEL M. VILLAMOR

Tagasuri : MIRAFLOR P. PRESILLAS


SUSI SA PAGWAWASTO
PAGSASANAY 1
Sedition Act (1901) Flag Law ng Recontration Act Brigandage Act
1907 1903 1902
Pagbabawal sa Paghinto sa Sapilitang paglilipat Pagbabawal sa
pamamahayag na paggamit mula pook-rural anomang simbolong
mapanira sa mga watawat at patungo sa mga nag-uugnay sa
Amerikano banner na mga recontruction katipunan
simbolo ng villages
kalayaan

Mga tulisan at Ang mahuhuling Bawal ang mga


magnanakaw ang wala sa lugar na partidong
mga lumaban sa binabantayan ay makakalayaan at
mga Amerikano mga tulisan at makabayan
kalaban

Tinawag na Bawal ang


landrones at pirata samahang
ang mga gerilya nagsusulong ng
kasarinlan kahit sa
paraang mapayapa

Pagbabawal sa
pamamahayag na
mapanira sa mga
Amerikano

You might also like