Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Pasay at Paranaque
Alamat NG Pasay at Paranaque
Sa isang dampa sa dako pa roon, dukhang pamilya rin ang nagdiriwang ng isang
pagtatapos. Subalit wala silang handaan, ni panauhin na babati kay Jose, ang bagong
“manggagamot”.
Ano mang gawin ni Paz ay hindi niya natutuhang mahalin ang lanyang talisuyo.
Ito ay sapagkat lihim siyang umiibig kay Jose. Walang kayamanang maipagmalaki si
Jose sualit hindi mahalaga sa kanya ang kayamanan, kundi si Jose na umiibig din sa
knya ng tapat.
Isang gabi ang mga magulang ni Jose ay namanhikan sa mga magulang ni Paz.
Sabi ng ama ng dalaga, “magkaiba tayo ng uri!”.
Napakatinding dagok iyon para kay Jose, subalit higit para kay Paz. Hindi
nakayanan ng dalaga ang labis na pagkabigla at pagkabigo. Nahulog ang kanyang
pangangtawan hanggang siya’y namatay. Sa kanyang libing naroron ang mamamayan
at mga kaibigan. Gayundin ang kaawa-awa at nanghihinagis na si Jose na nakatayo sa
di kalayuan.Nakayan niyang masdan ang paglilibing ngunit nang makaalis na ang lahat
aya parang napako siya sa kanyang kinatyuan-hindi siya makaalis sa nitso ni Paz
nakyupyup siya at siya’y nanangis, “Paz-ay”.
Malinis at marangal ang kanyang pag-ibig. Bilang ganti ng mga magulang ni Paz
sa pagpapahalaga ni Jose sa kaniyang pag-ibig, tinawag nila ang kanilang asyenda
nang Pasay. Pagkatapos ang ilang taon ang buong nayon ay nabansagan na ng Pasay.
Ang mga taga gawing silangan naman ay may mga bukirin na siyang
pinagkukunan ng masaganang ani npara sa knilang sarili at para sa mga
nangangailangan. Ang mga mangingisda ay madals nakikipagp[alitan ng bigas sa mga
taga silangang magbubukid na kilala sa tawag na “Taga-Palayan”. Isang araw ay
nagkasundo silang magdaos ng isang salu-salo. Galak na galak sila sa pagkabuysog at
pagkalsing sa napakaraming tubing kanilang nainom. May nagmungkahi upang maging
tanda ng kanilang pagkakaisa at tawagin na lamang palayan ang buong bayan. Ang
ilang mangingisda ay tumutol at ipinakausap na tawagin na lamang
palalayag.Pagkatapos ng pag-iisp nagkasundo silang ipagsanib ang pala sa huling
pantig ng Playan at Paglalayag, samakatuwid ay Palayagyag.