Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panuto: A. Magtala ng kahalagahan at katangian ng wika.

Itala sa kanang
bahagi ng diagram ang kahalagahan ng wika at sa kaliwang bahagi naman ay
katangian ng wika. (5 puntos bawat isa)

KAHALAGAHAN NG WIKA

KATANGIAN NG WIKA - nagagamit upang maipahiwatig ang


saloobin, opinyon, kaisipan at hinaing
1. May Sistematik na Balangkas
2. Binibigkas na Tunog - nagsisilbing instrumentong
3. Pinipili at Isinasaayos pangkomunikasyon
4.
5.
Arbitrari
Kapantay ng Kultura
- nagbubuklod sa isang bansa o lugar WIKA
6. Patuloy na Ginagamit - isa sa pagkakakilanlan ng bansa
7. Daynamiko o Nagbabago
- sumasalamin o nagbibigay kulay sa
kultura, sining, panitikan at kasaysayan

B. Ilahad ang iyong pananaw tungkol sa estado ng wikang Filipino bilang wika
pang akademiko. (5 puntos)

Sa aking pananaw, ang kalagayan ng Wikang Filipino sa akademikong


sangay ay tumaas at bumaba at patuloy na humaharap sa mga pagsubok. Isa
siguro sa pinaka-kontrobersyal na hinarap ng ating wika sa kasalukuyang
panahon ay ang panukalang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kurikulum
ng kolehiyo. Ito ay nagpapakita lamang na marami pa din ang hindi nakakakita
ng lubos na kahalagahan ng ating wika, hindi lamang sa mga mamamayan ng
bansa kundi na rin sa ating kultura at sining. Isa pa sa aking napapansin batay
sa ilang taon ko ng karanasan sa paaralan bilang mag-aaral ay ang patuloy na
paglaganap ng negatibong kaisipan o “stigma” sa paggamit ng Wikang Filipino.
Kahit na patuloy na ginagamit ang Wikang Filipino hindi lamang bilang opisyal na
wika ng bansa kundi pati din bilang wikang panturo ay tila ba napakababa pa din
ng tingin ng ibang mga Pilipino dito at iniisip pa din nila na mas nakakahigit ang
paggamit ng Wikang Ingles. May mga tao at mag-aaral pa ding ibinabatay sa
paggamit ng Wikang Ingles ang kaalaman at katalinuhan ng kapwa na hindi tama
at hindi nararapat sapagkat ang Wikang Ingles at Wikang Fipino ay pantay
lamang, at kailanman ay walang wika ang mas hihigit sa isa pa.

Ngunit sa kabilang dako naman ay mayroon din naming magandang


progreso sa Wikang Filipino sa larangan ng akademiko at isa na rito ang
pagpapatupad ng gobyerno sa paggamit ng “Mother Tongue” sa pagtuturo sa
unang mga taon ng edukasyon ng isang bata. Ito ay magsusulong sa mga
kabataang mahalin, hindi lamang ang sariling dayalekto, ngunit pati na din ang
Wikang Filipino. Nariyan din ang ibang mga iba’t-ibang aktibidad at programa
pang edukasyon na patuloy na bumubuhay sa Wikang Filipino. Isa din sa mga
tagumpay ng Wikang Filipino sa akademiko ay ang patuloy na pagtuturo nito sa
kolehiyo at patuloy na paglaban ng mga mag-aaral, guro at iba pa upang
mapanatili ang Wikang Filipino sa kurikulum.

Malayo-layo pa nga ang tatahakin ng ating bansa sa pag-iingat at patuloy


na pagpapalaganap sa Wikang Filipino hindi lamang sa larangan ng akademiko
ngunit pati na din sa lahat ng aspeto. Ngunit hanggat may mga taong patuloy na
ipaglalaban ang ating wika ay patuloy ding uunlad ito at magtatagumpay sa kahit
na ano pa mang pagsubok ang dumating lalo na sa makabagong panahon.

You might also like