Professional Documents
Culture Documents
ARALIN I Elec 3-2-19-21 PDF
ARALIN I Elec 3-2-19-21 PDF
Panitikan
* Isang mabisang ekspreyon ng isang lipunan.
* Isa ito sa mga pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon
na bumubuo ng bawat lipuna
Apperception Theory- ang mga ideyang lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisp ay
hindi galing sa pandama o pakiramdam kundi mula sa pagmumuni-muni o paglilimi
ng isang tao sa kanyang isipan.
Dalawang antas ng “Apperception Theory”:
1. Percept- ipinapakita ang mga huwaran na nasa anyo ng akdang pasulat.
2. Concept-pinagyayaman ang kahulugan at ang nilalaman ng wikang ginagamit.
KATUTURAN NG PANITIKAN:
*Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster-ang panitkan ay ang
kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa iasng tanging wika
ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t-ibang
paksa; o anumang bungang-isip na naisatitik.
*Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura-ito ay ang
pagpapahayag ng mga damdamin tungkol sa ibat’t ibang bagay sa daigdig, sa
pamumuhay,sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang
Limikha.
*Ayon naman kina Paz Nicasio at Federico Sebastian- ang panitikan ay kabuuan ng
mga karansan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin,kaisipan at
pangnarap ng isang lahi na ipinahahyag sa mga piling salita; sa isang maganda at
makasining na paraan, nakasulat man o hindi.
Mga layunin sa Pag-aaral ng Panitikan 1. Maipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t
ianbang uri ng panitikan mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila
gangggang sa kasalukuyan. 2. Mapalalim ang pangunawa tungkol sa mga paraan ng
pagbibigay-buhay sa mga saloobin, pagnanasa at paniniwalng Pilipino sa
pamamagitan ng panitikan bilang produkto ng lipunan at kasaysayan 3.
Makakatulong sa paglikha ng kritikal ng mga latunin ng panitikan-maging salamin
ng buhay, simasangayon o bumalikwas sa namamayaning kalagayan. 4. Makabuo
ng kamalayan na tumitingin sa panitikan bilang mayamang bukal ng mga saloobin
at paniniwala tungkol sa makatuwirang ugnayan ng tao sa sarili, tao sa kapwa, tao
sa kanyang pamayanan at tao sa kanyang lumikha.
Layuning pinalabas at dapat ipatupad ng Commission on Higher Educatio (CHED)
sa pag-aaral ng Panitikan:
1. Mabuksan ang mata ng mga mag-aaral sa kayamanan ng ating panitikan.
2. Makilala ang iba’t ibang anyong pampanitikan
3. Makasu;at ng isang term paper(na hindi kukulangin sa 10 pahina) na sumusuri sa
sinulat ng isang manunulat na ipinanganak sa kani-kanilang pinagmilan na rehiyon
o kaya naman kung saan matatagpuan ang kolehiyo o pamantasang pinapasukan.
Mga Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan
* Ang mga nailagay na sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Hall of
Fame.
* Ang mga nanalo na ng Ramon Magsaysay Award sa larangan ng panitikan.
* Ang mga babaeng manunulat na nasa mga antolohiya.
Dalawang Anyo ng Akdang Pampanitikan:
1. Patula- masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng
mga taludtod na maaring may sukat at tugma.
Tatlong Kayarian ng Tula
1. Ang pinagkaugalian na may sukat at tugma
2. Ang blangko berso may sukat ngunit walang tugma
3. Malayang taludturan na walang sukat at tugma
Apat na uri ng Tula
a. Liriko o tula ng damdamin-ngasasaad ng marubrob na karansan , guni-guni o
damdamin ng may akda. Karaniwan sa uri nito ang
oda- isang tulang liriko na nagpaparangal o pumupuri sa isang dakilang gawain ng
isang tao, dalit-tulang pagpaparangal sa Maykapal,
soneto- isang tulang na may pamalagiang kaanyuan, bunubuo ng labing apat na
taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay,
elehiya-nagpaparangal sa alaala ng namatay,
awit -ito ay tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin kaugalian, karanasan,
pananampalataya at iba pa
b. Pasalaysay- mga tulang may kwento at mga tauhang gumagalaw. Karaniwang
pinapaksa rito ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma tula ng;
epiko-ito ay inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na
ikinapapalooban ng mga paniniwaal, kaugalian, huwaran, at sukatan sa buhay na
hindi kapani-paniwala sapagkat may kababalaghan,
awit-ito ay may sukat na 12 pantig sa isang taludtod,
Korido- ay may 8 na pantig sa bawat taludtod.
c. Tulang padulaan- mga dulang nasusulat nang patula tulad ng
senakulo-dulang nagsasalaysay ng buhay ng buahy at kamatayan n gating mahal na
Poong hesukristo at masasabing parang pasyon na itinatanghal sa entablado,
tibag- ay ang pagsasadula ng krus sa pinagpakuan kay Kristo nina Reyna Elena at
Prinsipe Constantino
sarsuela-isang komedya o melodramang,ay kasamang awit at tugtog, may tatlong
yugto at nahihinggil sa mga damdamin ng tao pag-ibig, kapootan, paghihiganti,
kasakiman, kalupitan o hinggil sa mga suliraning panlipunan o pampanitikan.
d. Tulang Patnigan-Tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng
karagatan-iang larong may paligsahan sa tula batay sa alamat tungkol sa singsing ng
iasng salagang nahulog sa gitna ng dagat at sinuman ang biantang makkuha ng
singsing ay pakakasalan ng dalagang may-ari nito.,
duplo-paligsahan sa pagtula sa pamamgitan ng pagbibigay ng pagmamatuwid
tungkol sa isang paksa,
balagtasan-isang uri ng tulang patnigan na isinasagawa sa pamamagitan ng talinong
dalawang mambabalagtas ukol sa isang paksa na lalong kilala sa tawag na
pagtatalong patula.