Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Noli Me Tangere

Kabanata 1 – Isang Handaan

Mga Tauhan:
 Kapitan Tiyago
 Tiya Isabel
 Padre Sibyla
 Padre Damaso
 G. Laruja
 Don Tiburcio de Espadaña
 Donya Victorina
 Tinyente Guevarra

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na


higit na popular sa taguring Kapitan Tiyago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang
bahay na nasa daang Anluwage na karating ng Ilog-Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay
gustong dumalo sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting
tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang
iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang
bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae
na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari
Sibyla, ang kura paroko ng Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap
ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong
Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos.
Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa
lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa
monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali.
Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa.
Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga Pilipino
noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba ni Pari
Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso
pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego.
Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng
simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan
ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano
ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na
napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos
nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa.
Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag.
Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang
talayan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-
asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina.

Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra

Mga Tauhan:
 Kapitan Tiyago
 Crisostomo Ibarra
 Padre Damaso
 Tinyente Guevarra
 Kapitan Tinong

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating


lahat ni kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na
siya ay bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si
Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang
kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa
Europa. Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha
mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin
sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay
kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari.
Totoo, siya ang kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.
Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at
napaharap sa tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina
tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng
walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya
sa binata na nasa ito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente
ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi sa
masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang
binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa
Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang
panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang
nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa
pagsusulat.
Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan
Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi
sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw
na naturan.

Kabanata 3 – Ang Hapunan

Mga Tauhan:
 Padre Damaso
 Padre Sibyla
 Crisostomo Ibarra
 Kapitan Tiyago
 Maria Clara
 Doktor Espadana
 Donya Victorina
 Tinyente Guevarra

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng


kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Pari
Sybyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang
lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman
umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri
ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa
tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang
pagkakulot ng kanyang buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan
ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng
Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang
karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang
upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang
dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan
Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang
kapitan sabay sabing “huwag mo akong alalahanin.”
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari
Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang
napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi
alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa
kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon
ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya
nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan
sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na
sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang
paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng
pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-
kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
“Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon”, tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at
marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga
bansang pinupunntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa
wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan
partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa
tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang
nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at
ikapaghihirap nito.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso.
Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang
nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na
bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng
pari.
Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga
sandaling madalas na pumunta sa kanila si Pari Damaso noong maliit pa siya upang
makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal
na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria
Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si
Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na
ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas. Dahil
dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng
pahintulot sa sinumang Indio na makapag-aral sa Espanya.
Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa
isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may
handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio
sa ibang lupain.

Kabanata 4 – Erehe at Pilibustero.

Mga Tauhan:
 Don Rafael Ibarra
 Crisostomo Ibarra
 Tinyente Guevarra
 Padre Damaso
 Ang Artilyero
 Ang grupo ng mga bata
 Kapitan Tiyago

Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa


may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa
ring pagbabago sa kanyang dinatnan.
Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay na
kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya upang
paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya
(Ibarra) sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang
tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya mayisnag taon na ang
nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael(ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung
sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga
gawain.
Ganito ang salaysay ng tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong
lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga
nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng
mga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don
Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari. Ilang buwan pa lamang
nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at Pari Damaso ay nagkasira.
Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway.
Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong
naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba be bi bo
bu na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng artilyero ang mga bata.
Isa ang sinampald na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo
namang nagdaraan si don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong
nagpuyos sa galit at si DonRafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don
Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-
dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang ulo ay
tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa
tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.
Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigatna
parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din siyang
nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo,
nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng
lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito ay
marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abugadong Pilipino na si G.A
at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay
nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay malapit ng
lumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa kanya. Ang sapin-
saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi nakayanan ng kanyang
pisikal na katawan.
Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan,
nalagutan ng hininga si Don Rafael.
Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay Ibarra
at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang
pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay sa kalesa si
Ibarra.

Kabanata 5 – Isang Bituin Sa Gabing Madilim.


Mga Tauhan:
 Crisostomo Ibarra
 Maria Clara
 Kapitan Tyago
 Donya Victorina
 Padre Salvi

Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay isang uri ng panuluyan,
na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa Maynial). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa
kanyang silid at naupo sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito.
Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.
Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog.
Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang
tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-
sino ang naroroon. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na
habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at
dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino,
pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw
silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at
putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap
sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng
dalagang hinahangaan ng lahat.
Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi, madali siyang
naktulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang
batang Pransiskano.

Kabanata 6 – Si Kapitan Tiago

Mga Tauhan:
 Kapitan Tiyago
 Pia Alba
 Padre Damaso
 Don Rafael Ibarra

Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di


kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong
gulang. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga,
maituturing na sya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang
klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bilang asendero, hindi
kataka-taka na parang lobong hinihipan sa pagpintog ng kanyang yaman .
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa
mga taong nasa gobyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing
niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino. Kasundo nya ang Diyos
dahil nagagawa niyang bilhin ang kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at
nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay
nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng
mga santo at santong sinasamba katulad nina Sta.Lucia, San Pascual Bailon, San
Antonio de Padua, San Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto.
Domingo, Hesukristo at ang banal na mag-anak.
Para kay Kapitan Tiyago kahit na ano ang itakda ng mga Kastila, yaon ay karapat-
dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino, sya ay
naglilingkod bilang gobernadorcillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang
sinusunod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na
katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya mayroong handog na regalo.
Si Kapitan Tiyago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa Malabon.
Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral. Naging katulong at tinuruan
sya ng isang paring Dominiko. Nang mamatay ang pari at ama nito, siya’y mag-
isang nangalakal. Nakilala nya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga Sta.
Cruz. Nagtulong sila sa pag hahanap-buhay hangang sa yumaman ng husto at
nakilala sa alta sosyedad.
Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang-
dila roon ang kura na si Padre Damaso. Naging kaibigan din nila ang
pinakamayaman sa buong San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo
Ibarra. Dahil sa anim na taon ng pagsasama sina Tiyago at Pia at hindi nagkaroon
ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina San Pascal
Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra Sra. de Salambaw.
Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay naglihi. Gayunpaman nagiging masakitin si
Pia, nang siya ay magdalangtao. Pagkapanganak niya, siya ay namatay. Si Padre
Damaso ang nag anak sa binyag at ang anak ni Pia ay pinangalanang Maria Clara
bilang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel,
pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang mag-aruga kay Maria. Lumaki sya sa
pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel, kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si Maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng Sta Catalina. Luhaan
syang nagpaalam kay Pari Damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si
Crisostomo Ibarra, pagkapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta
na ng Europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiyago na maski nagkalayo ang
kanilang mga anak. Pagdating ng tamang panahon silang dalawa (Maria at
Crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay
tunay na nag-iibigan.

You might also like