Filipino 10 Las QTR 2 Week 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

10

FILIPINO

PAKSA: Tula: Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan


KOMPETENSI:
1. Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula. (F10PN-Ilc-d-70)
2. Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula
(F10PT-Ilc-d-70)
MGA LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng linggo, kayo ay inaasahang makamit ang sumusunod na layunin:
Kaalaman  Nasusuri ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa
tula;
Kasanayan  napaipaliwanag ang damdaming nakapaloob sa talata ng tula; at
Pandamdamin  nailalarawan ang kahalagahan ng tula sa pangkasalukuyang pandemya

Ikaapat na Linggo –
Pebrero 8-12, 2021

REY S. VISTAL
Pinagkunan/
I. Nilalaman
Sanggunian
Alam mo bang…
https://drive.go
Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay ogle.com/drive
nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, /folders/1Pfkg9
at paghahanap ng magkakatugmang mga salita upang maipadama ang isang ldixw0EEC2Jp
damdamin o kaisipang nais ipahayag ng isang manunulat. Bagama’t sa 2FVAqYEYRQ
kasalukuyan ay unti-unti nang nawawala ang sukat at tugma ng isang tula, lalo’t GcZrR
ang makabagong manunulat ay naniniwala sa kaisipang malayang taludturan.

Sa isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan:


yaong sa manunulat, sa guro at mag-aaral, bagama’t ang pinakadiwa nito ay
iisa lamang. Marami nang katuturang nabuo ang tula:

Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, ‘’Ang tula ay isang kaisipang


naglalarawan ng kagandahan, kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang
maangkin ang karapatang matawag na tula.’’

Ayon kay Inigo Ed Regalado, ‘’Ang tula ay kagandahan,diwa, katas,


larawan, at kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.’’

Ayon naman sa katuturan ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay,


‘’ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit,
paglililok, at pagtatanghal. Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak
kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man ang mga
iyon.’’

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell na


napili niya, ay nagsasabing, ang tula ay kamalayang napapasigasig (heightened
consciousness)

Humanap ka ng iyong kasama sa mga oras na ito. Maaaring ang iyong ina, ama, kapatid, lolo o
lola o sinumang kamag-anak na naririyan malapit sa iyong kinaroroonan. Sila ay puwede mong
makasama sa pagbabasa ng mga pangyayari sa bawat taludtod habang ang imahinasyon ay
ginagamit sa ating naririnig/nababasa.
Handa ka na ba? Kung handa ka na ay iyon nang simulan ang pagbabasa.
Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan
Ni Nathaniel Hawthorne

Iniwan ko’ng aba’t hamak na tahanan


Malayo sa bukid ni Ama’t naglakbay,
Payapa kong katre’y wala nang halina,
Hudyat ng digmaan ang aking ligaya.

Tungo sa larangan ako’y nagsumagsag


Ang natatanaw ko’y imortal na sinag,
Puntod ng bayani na masisikatan,
Bunying alaala ng mga pumanaw.

Sa mithii’y kita’ng malayong bituin


Dulot na liwanag di-maabot mandin;
At turo ang landas tungo sa buntunan
Ng naghihingalo’t ng mga namatay.
Nagpilit din ako at paa’y nanabik
Lagim na dagundong ng Digma’y sumaltik
Sa gasong tnga ko, luntiang damuhan.

Pumula sa dugo ng kalabang puksa,


Naglambong sa usok, Bangis ay umamba;
Narating ko’ng rurok na mithiin; hayun,
Kinasabikan ko’ng tanging bahay, doon-

Buhay sa maghapo’y lumilipad lamang


Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan
Huli na, batid kong rurok ng Tagumpay,
Hindi magdudulot ng masayang araw.
---Malayang salin ni Rogelio G. Mangahas

II. Mga Gawain


Gawain 1: Kaalaman
Para sa bilang 1-2, tukuyin ang kahulugan ng sumusunod na mga pahayag na makikita sa
nabasang tula sa itaas.

1. “Payapa kong katre’y


wala nang halina”
Sagot: ________________________________
2. “Pumula sa dugo ng
kalabang puksa”
Sagot: ________________________________

Gawain 2: Kasanayan- Pag-unawa sa Binasa


Para sa bilang 3-4, Tukuyin at ipaliwanag ang damdaming nakapaloob sa talata sa ibaba.
Isulat sa patlang ang sagot.

Buhay sa maghapo’y lumilipad lamang


Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan
Huli na, batid kong rurok ng Tagumpay,
Hindi magdudulot ng masayang araw.

DAMDAMIN: ___________________________
PALIWANAG: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3: Nalaman Ko!


Panuto: Para sa bilang 5, kumpletohin ang pangungusap. Maglahad ng 3 o higit pang kaisipan
na nagpapakita ng kahalagahan ng tula sa pangkasalukuyang pandemya na kinakaharap ng
lipunan ngayon.

Naunawaan ko na ang dula ay nakakapagdulot ng kahalagahan sa lipunan lalo na sa


pandemya ngayon dahil ____________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
III. Performance Task
Batid kong malalim na ang kaalaman mo sa mitolohiya at sa paghahambing. Sa pagkakataong
ito’y paiigtingin pa natin ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng karagdagang gawain.

Panuto: Sa isang A4 bondpaper, sumulat ng isang tula tungkol sa iyong pamilya. Gawin ito na mayroong
apat na saknong at mayroong sukat at tugma.

RUBRIC SA PAGGAWA NG TULA

PUNTOS PAMANTAYAN
5 Mabisang naipapahayag ang mensahe ng tula,
may sukat at tugma.
4 Hindi gaanong naipahayag ang mensahe ng tula,
may sukat subalit walang tugma.
3 Hindi naipahayag ang mensahe ng tula, walang
sukat at tugma.

IV. Post-Test
Panuto: Pillin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong tayutay ang ginamit sa taludtod na “Na tulad sa inang tunay na


nagpala”?.
a. pagtutulad b. pagwawangis c. pagtawa d. pagmamalabis
2. Ano ang mensahe na ipinababatid ng tula?
a. pagmamahal sa bayan c. pagmamahal sa wika
b. pagmamahal sa kapwa d. pagmamahal sa kapaligiran
3. Ano ang kahulugan ng rurok na mithiin sa taludtod na “Narating ko’ng rurok na
mithiin”?
a. pagiging mataas na pinuno
b. pagkamit ng isang pangarap
c.pagkamit ng ginto at kayamanan
d. pagkamit ng kapangyarihan
4. Ano ang kahulugan ng sa pakpak ng tuwa sa taludtod na “Sa pakpak ng tuwa
niyong kabataan”?
a. mga ibong alaga ng isang bata
b. mga bagay na nagdudulot ng saya sa kabataan
c. kaligayang dulot ng pag-aaral
d. kaligayahang dulot ng kapangyarihan
5. Ano ang kahulugan ng malayong bituin sa taludtod na “Sa mithii’y kita’ ng
malayong bituin”?
a. isang tala sa kalawakan
b. isang kayamanan
c. matinding kapangyarihan
d. isang matayog na pangarap
SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1
Ang sagot ay nakadepende sa opinyon ng mag-aaral.
GAWAIN 2
Ang sagot ay nakadepende sa opinyon ng mag-aaral.
GAWAIN 3
Ang sagot ay nakadepende sa opinyon ng mag-aaral.

“Ang taong mapagtanong, daig ang marunong”

Inihanda ni: Nasuri ni:

REY S. VISTAL CHERRYL A. ADANTE


Guro Master Titser

You might also like