Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

7

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Mga Kaalamang-Bayan

1
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito ay ating tatalakayin ang mga panitikang mula sa Luzon na
makapaglalarawan ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Pag-aaralan mo
ang tulang panudyo, tugmang de-gulong, bugtong at palaisipan. Palalawakin at
pagyayamanin natin ang iyong kaalaman at kakayahan tungkol dito.
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. Maihahambing ang mga katangian ng tula/ awiting panudyo, tugmang de gulong


at palaisipan.
2. Maipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay
sa konteksto ng pangungusap, detonasyon at konotasyon, batay sa
kasingkahulugan at kasalungat nito.

Subukin

Bago ka magtungo sa araling inihanda ko para sa sesyong ito,


halina’t subukin ang iyong kaalaman tungkol sa araling ating tatalakayin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan.


Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ito ay ang mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating


matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus
at tricycle.
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

_____2. Bata batuta! Isang perang muta! Ito’y isang halimbawa ng:
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

_____3. Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan, ngunit


maaari din namang magmula sa seryosong matematikal at
lehistikal na suliranin na sinusubok ang katalinuhan ng
lumulutas nito.
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

______4. Huwag kang mag-dekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto.


Halimbawa ito ng:
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo
2
______5. Isang tugmaang binibigkas nang patula na binubuo ng 5
hanggang 12 pantig. Kadalasang nilalaro sa lamayan noong
araw.
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo
______6. “Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay”. Ito ay
halimbawa ng:
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo
______7. Isang uri ng karunungang-bayan na ang kayarian ay may
sukat at tugma, ang layunin nito ay mambuska o manudyo.
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

______8. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano


nakuha ang bola nang di man lamang nagalaw ang sombrero?
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

Aralin

1 Mga Kaalamang Bayan

Mga Kaalamang-Bayan
Maituturing na pinakamatandang sining ang tula sa kulturang
Pilipino. Tula ang pinagmulan ng iba pang mga sining tulad ng awit,
sayaw, at dula. Batay sa kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may
likas na kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa
pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong paraan kaya
kinakitaan ng sukat at tugma. Katunayan, ang mga salawikain at
kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga Pilipino
noong unang panahon.
Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay
Alejandro Abadilla “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin
at katuturan. Ito ay ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit
nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo,
tugamang de gulong, bugtong at palaisipan at iba pang kaalamang-
bayan.
3
1. Tulang/Awiting Panudyo

Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay


manlibak, manukso o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig
nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong Patula.
Halimbawa: Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.
Pedro Penduko, matakaw sa tuyo.
Si Maria kong Dende
Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi.

2. Tugmang de-Gulong
Ito ay ang mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga
pampublikong mga sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang
naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o
paglalakbay ng mga pasahero. Maaari itong nasa anyong salawikain,
kasabihan o maikling tula. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay
binuo ni Dr. Paquito Badayos.
Narito ang ilan sa mga halimbawa nito:
a. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di
makabababa sa paroroonan.
b. Aanhin pa ang gasoline kung ang jeep ko ay sira na.
c. Ang di magbayad ay walang problema, sa karma pa lang,
bayad ka na.
3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
Binibigkas ito ng patula at kalimitang maiksi lamang. Noon karaniwan
itong nilalaro sa lamay upang magbigay aliw sa mga namatayan ngunit
nang lumaon ay kinagiliwan na ring laruin kapag may handaan o
pistahan.
Ilan sa mga halimbawa ng bugtong ang sumusunod:
a. Gumagapang ang ina,
Umuupo na ang anak. (Sagot: kalabasa)

b. Maliit pa si Totoy,
Marunong nang lumangoy (Sagot: isda)

4
c. Nagtago si Pilo,
Nakalitaw ang ulo. (Sagot: pako)

4. Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at
pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang
lugar. Ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno. Ito ay
nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay
mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo.
Ang ganitong uri ng panitikan ay laganap pa rin hanggang sa
kasalukuyang panahon sapagkat ito’y talagang nakapagpapatalas sa
isipan ng mga mag-aaral. Ito ay hindi na lamang pinag-uusapan at
pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi maging sa usapan sa Internet.

Halimbawa: Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan.


Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang isang
baboy at hindi umalis.)

May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero.


Paano nakuha ang bola nang di man lamang nagalaw
ang sombrero?
(Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.)

MGA PAGSASANAY

Panuto: Suriin ang pangkat ng mga salita sa bawat bilang. Bilugan


ang hindi kabilang sa pangkat at ibigay ang kahulugan nito.

1. konduktor piloto drayber makinista


Kahulugan:
__________________________________________________________________
2. namatanda nanuno nakulam natahimik
Kahulugan:
__________________________________________________________________
3. panunukso paglalaro pang-iinis panunuya
Kahulugan:
__________________________________________________________________

5
4. nagbibiruan nagtutudyuhan nagtatawanan nagtutuksuhan
Kahulugan:
__________________________________________________________________
5. matuwa magpaalala masiyahan magalak
Kahulugan:
________________________________________________________________

B. Panuto: Hanapin sa HANAY B ang mga tinutukoy na kaalamang-


bayan sa HANAY A. Isulat lamang ang titik. Gawin ito sa inyong
sagutang-papel
HANAY A HANAY B
_____1. Dala-dala ko siya, ngunit ako rin
ay dala niya.

_____2. Ano ang nakikita mo sa gitna ng


DAGAT? Dulo ng DAIGDIG,
Unahan ng GLOBO.

_____3. Bumili ako ng alipin,


Mataas pa sa akin.

_____4. Hawakan mo at naririto,


Hanapin mo ay wala ito

_____5. Tinago ko ang puno,


Sa dulo ang pagdurugo.
E

C. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang letra ng


tamang sagot.

1. May mga paalala kang nababasa sa loob ng sasakyan. Ano sa


kasunod na mga tula ang halimbawa nito?
A. Ang di magbayad walang problema,
Sa karma pa lang ay bayad ka na.
B. Kotseng kakalog-kalog
Sindihan ng posporo, itapon sa ilog.
C. Pungpong kasile,
Ipinanganak sa kabibe.
6
2. Alin sa mga kasunod na tula ang halimbawa ng tulang
panunudyo?
A.“Ale, aleng namamangka,Isakay mo yaring bata
Pagdating mo sa Maynila,Ipagpalit ng kutsinta”
B. “Barya lang po sa umaga, Baka po tayo mabunggo”
C. “Pung pong Kasili, ipinanganak sa kabibe,
Anong anak?, “Babae!”

3. Piliin ang nawawalang salita na kailangan upang mabuo ang diwa


ng nasabing tugmang de gulong.
“Sitsit ay sa aso
Katok ay sa pinto
_________ ang para sa tabi tayo’y hihinto.”
A. isenyas C. sambitin
B. isigaw D. sundin

4. Ano ang damdaming, ipinahahayag ng kasunod na saknong?


“Putak, putak
Batang duwag!
Matapang ka’t nasa pugad!
A. nagagalit C. nanunudyo
B. naiinis D. natutuwa

5. Batay sa saknong, ano ang layunin ng sumulat?


“Kotseng kakalog-kalog
Sindihan ng posporo
Itapon sa ilog.”
A. magpaalala C. manlibang
B. magpasaya D. manghikayat

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin kung Bugtong, Tugmang de-Gulong, Tula/Awiting


Panudyo, at Palaisipan ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titk
ng tamang sagot.

7
______1. Ang hindi magbayad mula sa kanyang pinanggalingan
ay di makabababa sa paroroonan.
_____ 2. May dumi sa ulo, Ikakasal sa Linggo.
Inalis, inalis, Ikakasal sa Lunes.
_____3. Anong meron sa aso, na meron din sa pusa,
Na wala sa ibon, ngunit meron sa manok.
Na dalawa sa buwaya at kabayo
Na tatlo sa palaka?
_____4. Nang maglihi’y namatay, Nang manganak ay nabuhay

_____5. Sa pagtaas ng gasolina,


Kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.

_____6. Bata, batuta, Nagsuot sa lungga


Hinabol ng palaka
_____7. Ano ang mas mabigat isang kilong pako o isang kilong bulak?

_____8. Ang anak ay nakaupo na,


Ang ina’y gumagapang pa.
_____9. Napakadumi pero gusto mo ng mas marami.

_____10. Umupo si itim, sinulot ni pula,


Lumabas si puti, bubuga-buga.

SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like