Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BISITA ni SITA

Maraming natutuwa kay Sita sapagkat isa siyang mabilog at bibong bata.
Mahilig siyang kumain ng matatamis at mamantikang pagkain tulad ng
donut, softdrinks, frenchfries, footlong at pizza.

Kadalasan habang nakikipaglaro sa kanyang mga kaibigan, siya ay laging


nahuhuli, hingal na hingal at madalas na nadadapa.

Napaisip tuloy si Sita kung bakit paulit-ulit na ganoon ang nangyayari sa


kabila na maganda naman ang kaniyang pangangatawan.

Hanggang isang gabi, habang siya ay kumakain ng mga paboritong pagkain


may mga di-inaasahang bisita ang dumating .

Siya ay nagulat at bumagsak sa kinauupuan. Mga basket ng pagkain, prutas


at gulay na naglalakad at nagsasalita ang nasaksihan.

Huwag kang matakot Sita!, kami ay mga kaibigan. Narito kami upang ikaw
ay turuan upang iyong katawan matamo ang tunay kalusugan.

Kami nga pala si Go, Grow at Glow. Kami ay mga pangkat ng pagkain na
nararapat mong kainin sa halip iyang mga basura sa iyong hapag nakahain.

Ako nga pala si Go may taglay na Carbohydrates na nagbibigay ng lakas at


init sa katawan kasunod ang langis at taba tulad ng kanin at tinapay.

At ako naman si Grow na may taglay ng bitamina A, Calcium at Iron na may


taglay na sustansyang mahahalaga upang magkaroon ka ng malinaw na mata,
makinis na balat at matibay na buto at ngipin.

At ako si Glow, may taglay na pananggalang sa sakit at impeksyon tulad ng


mga gulay at prutas. Kaya kami ang iyong kainin, huwag iyang mga basura sa
bitamina at sustansya ikaw ay iaalanganin.

Mula noon sinimulan na niyang kumain ng mga masusustansyang pagkain.


Kitang- kita ang resulta nito sa kanyang katawan dahil siya ay nakasasabay
na sa mga kalaro at di na muling nadapa pa.

You might also like