Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Posisyong Papel ng Paaralan ng St.

Joseph
Academy Of Sariaya, Quezon
Hinggil sa Pagpapatupad
Muli ng Death Penalty

BIGYANG HALAGA ANG BUHAY NG TAO: HINDI SOLUSYON ANG


PAGPATAY UPANG MATIGIL ANG KRIMEN SA ATING BANSA SAPAGKAT ANG
PAGPATAY MISMO AY ISA RING KRIMEN

Posisyong Papel na nauukol sa House Bill 4727

Isa sa mga palatuntunin ni Pangulong Duterte ang pagbabalik ng death penalty bilang
parusa. Ito ay ipapataw sa mga taong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot o drugs.Ito ang
unang panukalang batas na inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. May katulad ring
panukala sa Senado.Pumasá sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso
ang House Bill 4727 na nagbabalik sa parusang kamatayan para sa mga taong sangkot sa mga
krimeng may kaugnayan sa bawal na gamot. Subalit sa oras na maisabatas ito, maaari itong
amyendahan upang maisama ang mga krimeng gaya ng sadyang pagpatay o murder,
panggagahasa, pandarambong o plunder, at pagtataksil sa bayan o treason.

Sa mga nagdaang taon, labis na naapektuhan ang mga Filipino ng programang ito.Isang
malupit na karanasan ito para sa naiwang pamilya ng mga naparusahan ng ganitong sintensya.
Maging sa mga inosente man o totoong nakagawa ng pagkakamali ang katotohanang nawalan ng
kapamilya ay isang masakit na pangyayari. Isang mahalagang isyu ito na dapat pagtuonan ng
pansin, lalo at higit ng mga mamamayang Filipino. Sapagkat, higit na makaaapekto ito sa ating
mga buhay sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.

Ayon sa balita ng Pilipino Star Ngayon, maraming mga Pilipino ang sang-ayon sa muling
pagpapatupad ng death penalty. Sa mga kadahilanang marami na ang nagiging krimen sa ating
bansa dulot ng droga. Nilalayon nilang ang death penalty ang magiging solusyon sa ganitong
problema. Ayon naman kay Senador Manny Pacquaio, kaya nilang ipasa sa Senado ang nasabing
programa. Siya ay sang-ayon dito sapagkat naniniwala siyang ito ang magiging paraan upang
matigil na ang mga karumal-dumal na krimen na nagaganap sa ating bansa.

Ayon pa kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang muling pagpapatupad ng parusang


kamatayan ay hindi pananakot sa mga krimenal kundi pamabayad sa kanilang kasalanan. Sa
kabila ng mga taong hindi sumasang-ayon nangingibabaw pa rin sa iba ang pagpapatupad dito.
Sa duma-daming mga kriminal, rapist, drug , traffickers , mga magnanakaw , mga teroristang
walang takot na pumapatay at gumagawa ng lagim , kidnappers, at carjackers , at ang riding in-
tandern kung saan walang awang pumapatay; Sa kasamaang palad ang kadalasang sangkot dito
ay mga pulis. Isinulong ni Sen. Sotto ang pagbabalik ng Death Penalty, ayon sa kanya palubha
ng palubha ang mga krimen sa bansa kaya nararapat lamang na ito’y ibalik ang bitay.

Ang isang pagkakamali ay nararapat na itama sa tulong ng parusa, ngunit paano maiitama
ang mali kung ang solusyon ay isa ring pagkakamali. Ang pagkuha ng buhay ng tao ay isang
maling gawi, kahit pa may dahilan ay hindi pa rin ito magiging tama. Napakaraming maaaring
maging parusa upang mapagbago ang isang nagkasala at hindi pagpatay ang isa doon. Sa mga
nagsasabing mababawasan ang krimen kung sakaling maipatupad ito, doon sila nagkakamali.
Tayong lahat ay ginawa ng Diyos na natatangi at naiiba sa lahat kung kaya mayroon din tayong
iba't ibang pag-iisip. Kung sa isip ng mga opisyales na nagpatupad nito ay mababawasan ang
mga krimen sapagkat takot sila sa parusa, muli doon sila nagkakamali. Hindi nila hawak ang
pag-iisip ng lahat, na kaya nilang kontrolin ang galaw ng bawat isa, malaki ang posibilidad na
hindi naman talaga nasusunod ang ganitong patakaran.

Ayon sa mga pagsasaliksik, simula noong 1990 hanggang ngayon, ang mga estado ng US
na may death penalty ay palaging may mas mataas na antas ng krimen kaysa sa mga estadong
hindi nagpapatupad ng death penalty. Sa katunayan nga, ang Estados Unidos na mayroong Death
Penalty Law sa ilan nilang estado ay may mas mataas na antas ng krimen kaysa sa Britanya at
Australya na walang ganitong parusa. Hindi mo rin naman masasabi na mas maraming tao ang
lumalabag sa batas sa mga estado ng Estados Unidos na walang death penalty kaya mataas ang
antas ng krimen ng kanilang bansa.

Sa kabila ng mga pagsang-ayon ng ilang mamamayang Pilipino, marami rin naman ang
mga sumasalungat. Isa sa mga kadahilanan nila ay mayroon pa namang ibang maaaring parusang
ipataw na makakapagpatigil din ng mga krimen, katulad ng pagkakakulong.Ayon sa isang survey
na isinagawa ng Social Weather Stations(SWS), sinabi ng mga respondent na mas mainam pa rin
ang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong bilang pinakamabigat na parusa sa
gagawa ng mga malalaking krimen.Samantala, may mga opisyal ng gobyerno rin na hindi sang-
ayon dito, tulad ni Chito Gascon pinuno ng CHR, sapagkat ang paniniwala niya kung ipapatupad
ang parusang kamatayan ay wala na silang pangalawang pagkakataon upang magsimula ulit.
Tutol din ang simbahang Katoliko sa katwirang hindi nito mapipigil ang paglaganap ng krimen.

Una sa lahat, hindi natin masasabi na mapapababa nito ang krimen sa ating bansa
sapagkat wala pang pananaliksik ang nagsabi nito. Walang kasiguruhan na nasusunod ng mga
mamamayan ang mga patakaran kung kaya mababa ang posibilidad na makatulong ito sa
mabuting pagbabago ng ating bansa.
Ipinakikita ng datos mula sa Philippine Statistical Authority (PSA) na malaki ang ibinaba
ng crime rate bago pa ibinalik ang parusang kamatayan noong 1993. Nanatiling mababa ang
crime rate sa mga taong may parusang kamatayan ngunit bumagal ang pagbaba nito.

Ikalawa, kung muli itong ipapatupad ng gobyerno kahit pa gagawin nila ito bilang parusa
ay parang wala na rin silang pinag-iba sa mga mapapatawan nito. Sapagkat sa katotohanang ang
paraang ito ay mali at labag sa utos ng Diyos. Ayon sa ikaanim na utos ng ating Diyos: You shall
not kill. Ang bawat isa sa atin ay walang karapatang pumatay ng kapwa natin, kahit pa may
kapangyarihan o katungkulan ka.
Heto ang sabi ni Jesus, heto yung tamang interpretation ng sixth commandment, “Narinig ninyo
na sinabi noong una sa ating mga ninuno, ‘Huwag kayong papatay, dahil ang sinumang pumatay
ay parurusahan.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang may galit sa kanyang kapatid ay parurusahan
din. At ang humamak sa kanyang kapatid at magsabi sa kanya, ‘Wala kang silbi!’ ay dadalhin sa
mataas na hukuman. At ang sinumang magsabi ng ‘Ulol ka!’ sa kanyang kapatid ay mapupunta
sa apoy ng impyerno” (Mat. 5:21-22 ASD). “Everyone who hates his brother is a murderer” (1
John 3:15).

Pinakahuli sa mga ganitong programa, dehado ang mahihirap. Dulot ng kakulangan ng


pera at kakapusan, karamihan sa nasasangkot sa mga ganitong krimen ay ang mga mahihirap.
Subalit karamihan din sa kanila ay walang kakayanan na ipaglaban ang sarili kahit na sila ay
inosente o nasangkot lamang sa gulo.

Lumabas sa survey na isinagawa ng Free Legal Assistance Group (FLAG) noong 2004 na
ang mga bilanggong nasa death row ay karaniwang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, may
trabahong mababa ang antas ng kasanayan o hindi sapat ang kita, at mula sa mahirap na pamilya.
Ayon sa balita sa Pilipino Star Ngayon, kung ang kasong may kinalaman lang sa illegal drugs
ang maaaring mapatawan ng parusang kamatayan ay masasabing dehado na naman ang mga
mahihirap na mamamayan.Sa ganitong pagkakataon kasi ay malamang na mahirap lang na
akusado ang mapatawan ng death penalty dahil hindi ito makakakuha mg serbisyo ng mga
magagaling o tinatawag na de-kampanilyang abogado upang maipagtanggol sa
korte.Samantalang ang mga bigtime na drug lord ay maaring makagawa ng paraan na huwag
nang umabot sa korte ang kaso at kung malitis man ay maaaring makalaban ng patas sa korte
dahil may magagaling na abogado.

Sa Pilipinas, napakarami ng mga Kristiyano kung saan may sinusunod na utos ng Diyos.
Ang buhay ay napakahalaga sa bawat isa sa atin kung kaya napakahirap tanggapin kung may
mawawala na isa sa ating kapamilya. Ang buhay natin ay hiram lamang sa Kanya. Walang
karapatan ang sinumang tao na kumuha ng buhay ng kapwa tao. Diyos na ang bahalang
magparusa sa mga nagkakasala.

Kaugnay ng lahat ng mga nabanggit, nararapat kamang na hindi na muli ipatupad pa ang
death penalty. Una, sapagkat mayroon pa namang maaaring maging ibang kaparusahan.
Pangalawa, maraming magiging biktika lalo at higit ang mga mahihirap. Pangatlo, mababa ang
posibilidad na magtagumapay din ang programang ito sa pagpapababa ng krimen sa ating bansa.
Panghuli, hindi masosolusyunan ng panibagong pagkakamali ang ang mga pagkakamali ng
nakararami. Paano na lamang kung sa mga may posisyon ngayon mangyari ang ganitong
sitwasyon, maaaring ayaw din naman nilang mangayri ito sa kanila at lalo na sa kanilang
pamilya. Kaya sa mga taong nagsusulong ng ganitong patakaran, ilagay muna sana nila ang sarili
nila sa ganoong sitwasyon upang maisip nila na hindi biro ang kakaharapin ng makakaranas nito.
Nawa ay palagi nating lahat pakatandaan ang kasabihang " Do unto others as you would have
them do unto you".

You might also like