Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang FLIPTOP?

Ang fliptop rap battle leagues o fliptop ay isang paligsahan ng mga rapper o mga taong gumagamit ng
rap sa pagsasalita. Ito ay may dalawang panig, bawat isa ay kailangang mag-rap sa loob ng takdang
minuto. Sari-saring panlalait, pang-aasar at pang-iinsulto ang laman ng rap na binabanggit ng bawat
kalahok. Kailangan din na magkakatunog ang hulihang salita ng mga ito.

Si Alaric Riam Yuson o mas kilala sa tawag na anygman ang sinasabing nagpauso ng fliptop sa ating bansa
noong pebrero, taong dalawang libo’t sampu. Siya ay nakapagtapos sa kursong pilosopiya sa
pamantasang Ateneo de manila. Ayon sa aking pananaliksik, una niya itong napanood sa nasabing bansa
at doon kumuha ng ilang ideya. Sinubukan niya itong gayahin at naghanap ng magagaling na rapper sa
iba’t ibang panig ng Maynila.

Una ay tinuruan niya ang mga ito ng pamantayan at pinapaglaban niya ang dalawang tao sa
pamamagitan ng pang-aasar o panlalait sa isa’t isa gamit ang magkakatunog na salita sa huli ng
binabanggit na pangungusap.

Nang lumaganap na ang fliptop, isa si Anygma sa nagiging hurado nito. Ang kanyang mga pamatayan ay
ang pagbabato ng salita, daloy at pagkakatunog ng hulihang salita.

May dalawang paraan kung papaano magfliptop

1. Written – ito ay pagsulat ng mga linyahan bago sumalang sa fliptop battles o sa madaling salita ito ay
ang paggawa ng iskript

2. Freestyle – ito ay mas mahirap sa written dahil ito ay on the spot na pagbato ng mga linyahan, dito
nalalaman kung gaano ka galing at kabilis mag-isip

Mayroon ding ibat ibang klase ng fliptop battles

Dos por Dos – ito ay kadalasang ginagamit sa atin, ito ay binubuo ng tig dadalawang miyembro sa bawat
koponan.

Five on Five - ito naman ay binubuo ng tig lilimang miyembro sa bawat koponan

Femcee Battle – ito ay laban ng mga babaeng rapper lamang

Intergender Battle - ito ay labanan sa pagitan ng babae at lalaking rapper

Royal Rumble – dito naman ay magkakalaban ang lahat ng mga kalahok

Secret Battle – ito ay katulad din ng ibang fliptop battles ngunit bilang lamang ang nanonood

Won Minutes - ito ang fliptop battles na binubuo lamang ng isang minuto
Para mas lalong maintindihan kung ano ba ang fliptop, halina’t pakinggan ang halimbawa nito.

"Oo nga't mukha akong kabayo na kumakain ng damo at darak...


Masaya na ko rito,
kesa sa mukha mong model ng TOILET DUCK!"

Sa ginawa mong yan akala mo ganap ka ng RAPPER?


I don't think so!
Kasi from head to toe mas mukha kang SNATCHER."

"Sa ganda kong to, itsura mo WALANG SILBI...


Para kang dumi sa tenga kung tawagin ay TUTULI"

"Daldal ka ng daldal yung sinasabi mo,


wala namang kwenta...
Kaya huminto ka na kung ayaw mong
ipabugbog kita sa eskenita!"

"Ang baho ng bunganga mo,


WALA KANG PERSONAL HYGIENE!
kung ikaw lang magiging jowa ko
mamamatay na lang akong VIRGIN."

Ilan lamang ang mga iyan sa halimbawa ng fliptop. Yun lamang po, nawa’y may natutunan kayo sa report
na ito. Maraming Salamat.

You might also like