Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

4

Learning Activity Sheet sa Filipino


Kuwarter 3 – MELC
6
Naisasalaysay ang Mahahalagang
Detalye sa Napakinggang Editoryal

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


Filipino 4
Learning Activity Sheet (LAS) 6
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag


upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6. - Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng LAS na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 4

Manunulat: April C. Calizo


Editor : Maria Concepcion S. Mande
Tagasuri : Marivic Bajoyo
Tagaguhit : Rocky L. Inawasan
Tagalapat : Jinealyn I. Tropa

Division of Aklan Management Team:


Miguel Mac D. Aposin, Ed.D., CESO V
Jose Niro R. Nillasca
Dr. Dobie P. Parohinog
Mahnnie Q. Tolentino
Marth S. Tropa

Regional Management Team:


Dr. Ramir B. Uytico
Dr. Pedro T. Escobarte
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
MABUHAY!

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Aklan at
Kagawaran ng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-
ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division (CLMD).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang
ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na
inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain
ayon sa kani- kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding
makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang
na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at

sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang


matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larangan ng
edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-
kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang
komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang


mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy
nating masubaybayan ang pag- unlad ng mga mag-aaral (learner’s

progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 4 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon
sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan


at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kuwarter 3, Linggo
Learning Activity Sheets (LAS) Blg. 6 2.c

Pangalan ng Mag-aaral: Grado at Seksiyon:

Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 4


Naisasalaysay ang mahahalagang detalye sa napakinggang
editoryal

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Naisasalaysay ang mahahalagang detalye sa napakinggang editoryal


(F4PN-IIId-18)

II. Panimula

Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha


ng impormasyon. Naiintindihan din natin ang ating kapwa kung sila ay
ating pinakikinggan kung ano ang kanilang idea o impormasyon na
gustong ipahiwatig o sabihin.

Ngunit sa pakikinig, kinakailangan ang ibayong konsentrasyon


sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig upang maisalaysay
natin ito nang wasto at tama.

Ang pagsasalaysay naman ay isang uri ng layuning ikuwento


ang mga pangyayari na maaaring pasalita o pasulat. Layunin ng
mabisang pagsasalaysay ang pagbibigay-diin sa mahahalagang
pangyayari at detalye sa nakinggan kagaya ng tauhan, tagpuan,suliranin
at solusyon.

III. Mga Sanggunian


 Yaman ng Lahi KM pp. 163-164

IV. Mga Gawain

Gawain 1

Panuto: Ipabasa nang malakas sa iyong magulang/tagapag-alaga,


nakakatandang kapatid o kamag-anak sa bahay at pakinggan nang
mabuti ang editoryal na may pamagat na “Handa nga ba sa
Kalamidad?” sa iyong batayang aklat na Yaman ng Lahi sa pahina 163-
164. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
Batayang Tanong
1. Ano ang pamagat ng editoyal?
2. Anong pahayagan ang naglathala nito?
3. Kailan ito inilathala?
4. Kailan inaasahang papasok ang low pressure area sa Pilipinas?
5. Ano ang magiging pangalan ng LPA sakaling pumasok na ito sa
bansa?
6. Ilang porsiyento ang nakuha ng Pilipinas sa average indicator ayon sa
ulat ng World Bank (WB) sa mga bansang pinakahanda sa natural
disasters?
7. Bakit sinasabing hindi preparado ang Pilipinas sa mga kalamidad?

Gawain 2
Panuto: Punan ang tsart ng mahahalagang datos na hinihingi ayon sa
iniulat sa editoryal.

Mga Bansang Pinakahanda sa Natural Disasters


(ayon sa ulat ng World Bank (WB)
Bansa Bahagdan ng Average Indicator
1. Pilipinas
2. Thailand
3. Indonesia
4. Japan
5. Malaysia

Gawain 3
Panuto: Punan ng hinihinging impormasyon ang dayagram.

Ano-ano ang idinulot


ng pananalasa ng
bagyo ayon sa
narinig na editoryal?
Tandaan

Sa pagsasalaysay muli ng mahahalagang detalye sa


napakinggang editoryal, mahalaga ang ibayong konsentrasyon sa pag-
unawa, pagtanda o paggunita sa narinig upang maisalaysay ito nang
wasto at tama.

V. Repleksiyon

Ano ang mabuting naidudulot ng pakikinig?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1. Handa nga ba sa Kalamidad


2. Pilipino Star Ngayon
3. Hunyo 7, 2013
4. Sabado o Linggo
5. “Dante”
6. 3.25%
7. Dahil may mga pagkakataong mali ang forecast ng PAGASA.

Gawain 2

Mga Bansang Pinakahanda sa Natural Disasters


(ayon sa ulat ng World Bank (WB)
Bansa Bahagdan ng Average
Indicator
1. Pilipinas M 3.25%
2. Thailand 3 3.5%
3. Indonesia 3 3.75%
4. Japan 4%
5. Malaysia 4.25%

Gawain 3

1. Pagkawasak ng mga bahay


2. Pagkasira ng mga pananim
3. Marami ang mga namatay
4. Pagbaha

You might also like