Ano Nga Ba ang-WPS Office

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ano nga ba ang kurikulum?

-Ang kurikulum ay nagmula sa salitang "curere" na ang ibig sabihi ay "to run; the course of the race". or
a runway on which one runs to reach a goal.

-At ayon kay Ragan at Sheperd, ito ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may
responsibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto. Sa
pamamagitan din ng kurikulum ang mga mag-aaral naisasama sa karanasang pang edukasyon at tunay
na makakatulong sa pag-unlad ng sitwasyon ng lipunan.

-Ang kurikulum ay isang plano ng mga gawaing pampaaralan at kasama rito ang sumusunod:

a. Ang dapat matutunan ng mga mag-aaral.

b. Ang paraan kung paano tayahin ang pagkatuto.

c. Ang katangian ng mga mag-aaral kung paano sila matatanggap sa program.

d. Ang mga kagamitang panturo.


Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-
pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa
mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at
karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang
kultura. 2 Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing
diwa ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may
wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling
ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at
kaugnay ng kanilang kultura. 3 Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi na ng mga mag-
aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinngan at nakapagbibigay ng kaugnay o
katumbas na teksto, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng
mga salita at maayos na nakasulat gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at
maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa
kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura. 4 Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang,
naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang
wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa kulturang
kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan. 5 Pagkatapos ng Ikalimang Baitang,
naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at,
pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahing lokal at
pambansa. 6 Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa
pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang
makaambag sa pag-unlad ng bansa. 

 Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon

• 1. Ang Pagtuturo ng Filipino sa Batayang Edukasyon

• 2. Ang Pagtuturo ng Filipino sa ELEMENTARYA :

• 3. A. Deskripsyon 1. Mga lawak o kasanayan Lumilinang sa kasayang: Pakikinig Pagsasalita Pagbasa
Pagsulat Pag-iisip
• 4. 2. Saklaw sa mga lawak o kasanayan a. Ang mga tiyak na kasanayan ay nililinang sa pamamagitan ng
mga sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO. b. SIBIKA at KULTURA – una
hanggang ikatlong baitang (1) Maaring gamitin ng Filipino ang nilalaman ng SK/HKS. (2) Ang batayang
kasanayan sa pagbasa ay matutunan nang lubusan sa tatlong baitang.

• 5. B. Pagbabago sa Kasanayan o Kompetensi sa Pagkatuto 1. Pagsasaayos, pagbabawas at


pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad. 2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan. 3.
Pagbibigay DIIN SA PAGBABASA at PAKIKIPAGTALASATASAN para sa paguunawa sa mga BATAYANG
KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM.

• 6. C. Mga Inaasahang Bunga MITHIIN: - Mabisang pakikipagtalastasan (Pasalita o pasulat) - Patuloy na
pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

• 7. D. Nakalaan/Nakatakdang Oras sa Pagtuturo ng Filipino PAGBABAGO: BAITANG NESC RBEC


PAGBABAGO I-III 60 80 Dagdag na 20 minuto IV-VI 60 60 Walang dagdag

• 8. E. Mga Dapat Isinasaalang-alang sa Pagtuturo ng Filipino 1. Pamaraang Pagsasanib (Integrative


Method) Integrasyon o Pagsasanib ng mga Kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills-Based Integration)
HULWARAN 1 - Maaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa Isang aralin, kung saan
samasama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.

• 9. Ang paglinang ng gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa


PAKIKINIG,PAGSASALITA, PAGSUSULAT o PAG-IISIP. Isaalang-alang sa paglinang ng mga kasanayan ang
ANTAS ng MASTERI o LUBUSANG PAGKATUTO. HULWARAN 2 Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak,
hindi dapat malinang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.

• 10. 2. Pagsasanib ng tiyak na kasanayan sa Filipino sa Nilalaman o Konsepto ng Ibang Asignatura


(Content-Based Integration) TANDAAN: a. Sa Baitang I-III Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng FILIPINO
Palinang sa kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pokus.

• 11. b. TEKSTO/BABSAHIN/PAKSANG-ARALIN ng SK at PAGPAPAHALAGA/EKAWP ginagamit na mga


KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO, ALAMAT at iba pa.) Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING
BOARD sa paglinang ng mga Kanayan sa Filipino HALIMBAWA: Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay
isang kwento.

• 12. Ang PAKSA o nilalaman ng kwento ay nauukol sa SK at EKAWP, sa ganitong sitwasyon nalilinang


hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO. c. BIGYANG-DIIN ang
ganitong PAGSASANIB sa oras ng TALAKAYAN sa nilalaman ng mga TEKSTO o KAGAMITANG
PANLITERATURA na ginagamit na LUNSARAN sa paglinang ng kasanayan.

• 13. 3. Interaktibong Pagdulog (Interactive Approach) a) Mahalaga para sa isang makabuluhan o


makahulugang interaksyon (meaningful interaction) b) Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)
c) Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan (1) pagpapahayag ng sariling ideya (2) pag-
unawa sa ideya ng iba

• 14. (3) nakikinig sa iba (4) bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto

You might also like