Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST 1

GRADE V – ESP
GURO AKO CHANNEL

I. Sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag.

1. Bumuo ng isang grupo upang makalikom ng pondo para sa nasunugan.


2. Nanguna sa paghanap ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo.
3. Tumulong sa paghatid ng mga donasyon sa mga biktima ng kalamidad.
4. Pabayaang magutom ang mga biktima ng sakuna.
5. Balewalain ang mga hinaing at panawagan ng mga biktima ng lindol.
6. Pangunahan ang pagtitipon ng mga patapong bagay na maari pang ipagbili upang makakalap ng pondo na
gagamiting pambili ng gamot na kailangan ng mga taong nasa evacuation center.
7. Unahin ang sariling kapakanan sa panahon ng kalamidad bago isipin ang kapakanan ng iba.
8. Ang pagsisimula ng pamumuno ay isang mahalaga at kapaki-pakinabang na gawain.
9. Maging bukas ang isipan sa pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pangunguna sa
pagbibigay ng mga babala.
10. Ang pag-iingat ay tungkulin ng bawat tao kaya’t hindi na kailangan ang tulong ng iba para sa kanilang
kaligtasan.
11. Ang lahat ng tao ay pwedeng tumulong sa kapwa.
12. Ang mga mahihirap lamang ang pwedeng manguna sa pagkakawanggawa.
13. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay dapat laging pairalin.
14. Hayaang magdusa ang mga nasalanta ng bagyo.
15. Isang magandang kaugalian ang pagmamalasakit sa kapwa.

II. Sagutin ang mga sumusunod ng TAMA o MALI.

1. Ipagbigay alam agad ang nasakihang kaguluhan sa malapit na Barangay Hall.


2. Huwag pansinin ang kaguluhan o pangyayari sa paligid.
3. Ang mabuting samahan ay isang mahalagang ehemplo sa kabataan.
4. Hindi dapat tulungan ang mga biktima ng pangyayari.
5. Ang pagsasabi ng katotohanan at pagiging totoo sa kapwa ay kinalulugdan
ng Diyos.
6. Sinabi mo sa iyong mga magulang ang ginawa ng kaklaseng pambabastos.
7. Pinagtatawanan ng mga kaklase ang bagong pasok na si Marina dahil sa
makalumang pananamit nito kaya sinumbong mo ang mga ito sa inyong guro.
8. Umiiyak sa isang tabi si Luis dahil sa ginawang pagbubully nina Carlo at Macky
kaya nilapitan mo si Luis upang tulungang iligpit ang mga sumabog na gamit.
9. Pinagbigay-alam mo sa inyong lider na ayaw kang isali ng ilang miyembro sa
paggawa ng proyekto kaya iniwan ka nila.
10. Pagbalik ng magkaibigan galing sa kantina, napag-alaman nilang nawawala ang
ilang gamit ni Norma kaya sinabi mo ito sa guro.

PREPARED BY:
ARCELLE YUAN
GURO AKO CHANNEL

ANSWER KEY:

I. II.

You might also like