Professional Documents
Culture Documents
Si Malakas at Si Maganda
Si Malakas at Si Maganda
MGA TAUHAN
DIYOS
HARING IBON (Giant Bird)
MALAKAS
MAGANDA
Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay ang di-masukat na kalawakan.
Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin.
Naisip ng Diyos na siya ay lumikha pa kaya’t iniangat ng Diyos ang Kanyang kamay at ito'y
itinurong pababa.
Ang mga lunting kakahuyan ay sumibol, pati mga damo. Namukadkad at humahalimuyak ang
mga bulaklak.
Natapos ng Diyos ang paglikha sa sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso.
Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ikinampay
ang matipunong mga pakpak at nagsimulang lumipad pababa sa kakahuyan.
Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng
hangin.
Kanyang binilisan ang paglipad pababa. Siya'y dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga.
Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig!
MALAKAS: "Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!" "Tuktukin ng iyong tuka
ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga.
Maya-maya'y may butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Palibhasa'y gutom si Haring Ibon,
ito'y tinuka ngunit hindi niya nahuli.
Pinilit niyang habulin ng tuka ang butiki hanggang sa pagtuktok niya ay nabiyak ang kawayan.
MALAKAS: "Salamat sa iyo,dakilang hari ng mga ibon! Ako'y si Malakas. Tuktukin mong muli ang
kawayan. Iyong palabasin ang aking kasama!"
MALAKAS: "Ito'y si Maganda, ang aking asawa. Pinalaya mo kami, dakilang ibon. Ikaw ay
magiging kasama namin habang buhay!"
HARING IBON: "Hindi maaari." sagot ng ibon. "Ako ay ibon at ang tahanan ko ay malawak na
papawirin. Ako'y naglalayag sa hangin. Ang aking bagwis ay sinadya sa paglipad. Subalit umasa
kayong lagi ko kayong aawitan.
HARING IBON: Pag ako'y wala na, ang maliliit kong supling ang aawit sa inyo. Aawitin din nila ang
mga awit na inawit ko!"
HARING IBON: "Hali kayo! Sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo'y dadalhin ko at ipakikita sa inyo
ang Lupang Hinirang. Doon kayo maninirahan!"
Sina Malakas at Maganda ay dinala sa mga pulong luntian kung saan kumikinang ang araw.
Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat Silangan, nagsimulang namuhay ang mag-asawang
Malakas at Maganda.
Source: https://www.pinoyedition.com/mga-alamat/si-malakas-at-si-maganda/