AP7Q2 Summative Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ihan National High School

Ihan, Kiblawan, Davao del Sur


Ikalawang Markahan-Summative
ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: __________________________________________Pangkat:____________________Iskor: ________


I. Pagpipilian: Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.
___1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
a. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
b. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
c. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lambak
d. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
___2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
a. Sa pagkakaroon ng organisado at sentralisadon pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at
sistema ng pagsulat
b. Kapag may relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
c. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
d. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
___3. Ikaw ay pangulo ng History Club sa inyong paaralan, naatasan ka na gumawa ng mga proyekto sa kahalagahan
ng mga kontribusyon Asyano. Ano ang gagawin mo para makilala at Makita ng lahat ang mga nasabing kontribusyon?
a. Magtakda ng paligsahan sa pagsulat ng sanaysay c. Open house exhibit uy
b. Collage making contest d. Quiz contest
___4. Sa paanong paraan mo ipepresenta ang kultura, tradisyon at kagandahan ng Pilipinas sa isang pagpupulong?
a. Powerpoint presentation ng mga magaganda at itinatanging kultura ng bansa
b. Paghahanda at pagbasa ng ng progress report tungkol dito
c. Video presentation ng mga ipinagmamalaking kultura, tradisyon at mga taong nagpapahalaga dito
d. Pagbibigay ng pamphlet ng mga larawan ng katangi tanging tanawin at kultura ng bansa.
___5. Si Trisha ay napili ng dibisyon para kumatawan sa gagawing Youth Meeting sa Singapore na dadaluhan ng
piling mag-aaral ng iba’t ibang bansa sa Asya. Maglalahad siya ng mga kalutasan sa problemang kinakaharap ng mga
kabataan sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang ihanda at isalang-alang?
a. Datos na naglalaman ng mga suliranin ng kabataang Pilipino
b. Mga sanaysay na naglalaman ng maraming kalutasan sa problema kabataang Pilipino
c. Progress Report Chart ng bansa
d. Datos na naglalaman ng suliranin at datos na naglalaman kung paano nalutas ng bansa.
___6. Alin sa mga iba’t ibang panahon ang nagkaroon ng kakayahan ang mga tao sa iba’t ibang kasanayan, iba’t
ibang hanapbuhay.
a. Panahon ng Metal c. Panahon ng Mesolitiko
b. Panahon ng Neolitiko d. Panahon ng Paleoltiko
___7. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila
magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
a. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng
tag–ulan
b. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog
c. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan
d. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang
hindi pumasok sa kanilang pamayanan.
___8. Alin sa iba’t ibang uri ng panahon na kung sa natutong magpaamo ng hayop at gumawa ng mga damit na galing
sa mga balat ng hayop bilang proteksiyon sa kanilang katawan.
a. Panahon ng Neolitiko c. Panahon ng Paleolitiko
b. Panahon ng Mesolitiko d.Panahon ng Metal
___9. Alin sa iba’t ibang uri ng panahon na masasabing nakadepende lamang sa paligiran ang mga sinaunang tao.
a. Panahon ng Mesolitiko c. Panahon ng Metal
b. Panahon ng Paleoltiko d. Panahon ng Neolitiko
___10. Sa pag usbong ng kabihasnan nagkaroon ng paniniwala sa maraming ------- diyos na tinawag na?
a. Politeismo b. kristianismo c. Islam d. Wala sa nabanggit
___11. Mahalaga ito sa pamumuhay ng mga sinaunang tao:
a. Ilog b. Damit c. Bag d. Sapatos
___12. Ang lunduyan ng sibilisasyon na hugis arko o kalahating buwan:
a. Tsina b. Fertile Crescent c. Ilog Nile d. India
___13. Ang putik na dala ng baha na nagsisilbing pataba sa mga pananim:
a. Dumi ng hayop b. Lupa c. Banlik d. Puno
___14. Ang sistema ng panulat ng mga Sumerian:
a. Hammurabi b. Calligraphy c. Minos d. Cuneiform
___15. Ang pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Asya:
a. Caste b. Barter c. Veda d. Luwad
___16. Ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram:
a. Cuneiform b. Hammurabi c. Argon d. Calligraphy
___17. Karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon ay isinilang sa mga:
a. Lambak-ilog b. Kabundukan c. Tabing-dagat d. Tabing-ilog
___18. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pangkat?
a. Ehipto-Nile c. Tsina-Yangtze-Huang Ho
b. India-Indus d. Ganges-Aztec Indies
___19. Nakatuklas ang mga Hittite ng bakal dahil sa paghahanap ng matigas na metal
upang gawing ______.
a. Armor b. Araro c. Kagamitan d. Kasangkapan
___20. Ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa India at nagtatag ng Mohenjo-Daro at Harappa:
a. Dravidian b. Aryan c. Shiite d. Hittite
___21. Ang nagsilbing pook-dalanginan ng mga Sumerian noong sinaunang panahon:
a. Pyramid b. Ziggurat c. Kapilya d. Mosque
___22. Ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang Sumerian ay naitala sa ________.
a. Papel b. Kwaderno c. Clay Tablet d. Dahon
___23. Ang disenyo ng kabahayan sa kabihasnang Indus ay planado at organisado sapagkat nakitaan ito ng ______.
a. Grid Pattern b. Kusina c. Disenyo d. Poste
___24. Isa sa mga pangunahing gawain ng Yangshao ay ang paggawa ng tapayan na mas nahigitan at napaunlad
naman ng Lungshan sa pamamagitan ng pagtuklas ng ___________.
a. Grid Pattern b. Potter’s Wheel c. Clay Tablet d. Oracle Bone
___25. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na pinahahalagahan natin sa kasalukuyan ang mga ambag
ng sinaunang kabihasnang Asyano?
a. Sa paglipas ng panahon, ang sinaunang kabihasnan ay unti-unting nawaglit sa alaala at nawala sa
kasaysayan.
b. Sa paglipas ng panahon, nakakagawa sa kasalukuyan ng mga pabahay na may pare-parehong disenyo o
plano.
c. Sa paglipas ng panahon, naglaho ang mga kaalaman kasabay ng paglaho ng mga unang kabihasnan.
d. D.Sa paglipas ng panahon, walang bakas na naiwan ang mga sinaunang Kabihasnan.
___26. Ang Budismo ay itinatag ni Sidharta Gautama at ang Jainismo ay itinatag ni Rishabhanatha. Bagama’t
nagkakaiba-iba ang kanilang mga paniniwala, aral at gawain ay mayroon din silang pagkakatulad. Alin sa sumusunod
ang nagpapatunay nito?
a. Sa paniniwala nila na magiging makapangyarihan sa buong daigdig
b. Dahil sa relihiyon ay makakaahon sa kahirapan at uunlad ang buhay sa lupa
c. Magiging matagumpay ang sarili sa lahat ng pagkakataon kapag naisagawa nila ang turo ng kanilang relihiyon
d. Nang tinalikuran/isuko ng mga tagapagtatag ng relihiyon ang kanilang kayamanan, kapangyarihan at masarap
na buhay
___27. Isa sa mga dahilan ng paglaganap ng maraming relihiyon sa Asya ay ang impluwensiya ng pananakop. Sa
Asya rin matatagpuan ang relihiyong may pinakamalaking bilang ng tagasunod at kasapi nito. Ito ay ang relihiyong:
a. Budismo b. Kristiyanismo c. Hinduismo d. Islam
___28. Paano nakaimpluwensiya ang relihiyon sa buhay at pamumuhay ng mga Asyano?
a. Batayan ng kagandahang asal
b. Sandigan ng mga may kabiguan sa buhay
c. Nagiging idolo ng ilan ang mga nagawa ng kanilang Diyos
d. Sa pamamagitan ng mga turo, aral at gawain nito, naisasabuhay at nagiging inspirasyon sa buhay ng bawat
isa.
___29. Ayon sa kasaysayan, halos lahat ng relihiyon ay umusbong sa Asya. Alin sa kanila ang kabilang sa mga
relihiyon na itinatag sa Asya?
1. Budismo
2. Confucianismo
3. Hinduismo
4. Judaismo
5. Sikhismo
a. 1,2,3,4 b. 2,3,4,5 c. 1,2,4,5 d. 1,3,4,5
___30. Ang Confucianismo ay naniniwala na ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng
kapayapaan. Saan nakapokus ang mga aral na ito?
a. Pagiging iisa sa kalikasan c. Paraan ng pamumuhay at ethical teachings
b. Paniniwala sa mga hari at Diyos d. Nakapokus sa paniniwalang may iisang Diyos
___31. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng paniniwala ng mga Hindu?
1. Pagsamba sa iisang Diyos
2. Paniniwala sa reinkarnasyon
3. Pagbubuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran
4. Pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na maybuhay
a. 1,3,4 b. 1,2,4 c. 1,2,3 d. 2,3,4
___32. Ang mga Hindu ay naniniwala sa “Karma”. Alin ang totoo sa karma?
a. Patuloy na makakaranas ng muling pagsilang.
b. Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihwalay.
c. Paniniwala na dapat magsikap ang tao sa buhay at dapat ialay sa Diyos.
d. Pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang nagawa sa kapwa at pagdurusa naman kapag di-mabuti ang
nagawa sa kapwa.
___33. Ang mga sumusunod ay pundasyon ng relihiyong Islam kung saan na inaasahan na bawat Muslim ay
makakasunod dito. Alin ang hindi kabilang?
a. Pagdarasal b. Paglalakbay c. Pagmamahal d. Pananampalataya
___34. Ang sumusunod ay pilosopiya sa Asya maliban sa isa.
a. Confucianismo b. Legalismo c. Shintoismo d. Taoismo
___35. Halos lahat ng mga relihiyon ay binibigyang-diin ang konsepto ng mabuti at masama. Ano ang pangunahing
tuon ng Zoroastrianismo?
a. Iwanan ang karangyaan at mariwasang pamumuhay
b. Pagkakaroon ng relihiyon na nagsusulong ng pagkakapatiran
c. Ang labanan ang masama at mabuti at laya ng tao na pumili nang dapat niyang sundin.
d. Ang pag-iwas sa masama at paggawa ng mabuti upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
___36. Paano mo ilalarawan ang pagkakakilala ng Judaismo at Kristyanismo sa kanilang Diyos? Piliin sa sumusunod
ang paglalarawan.
1. Nagpaparusa sa mga makasalanan
2. Walang pinagmulan at walang katapusan
3. Matulungin at maunawain sa mabuting tao
4. Walang hanggan nag karunungan at kaluwalhatian
a. 1,2,3 b. 2,3,4 c. 1,3,4 d. 1, 2, 3, 4
___37. Kung ang Confucianismo ay pagpapahalaga sa ugali ng tao at ang Taoismo ay ang pakikiisa ng tao sa daloy
ng kalikasan, ano naman ang pinahahalagahan ng Legalismo?
a. Relihiyon at kaligtasan ng mga nasasakupan
b. Pagkamit ng balanse sa kalikasan at daigdig
c. Estado na dapat patatatagin at palawigin ang kapangyarihan
d. Pagpapabuti sa sarili at pahalagahan ang ugnayan ng bawat isa sa lipunan
___38. Maraming relihiyon na ang umusbong sa daigdig. Mayroon ding iba’t ibang doktrina na may malaking
impluwensiya sa kalagayang panlipunan, sining, at kultura ng mga Asyano. Minsan, ito ang nagiging dahilan nang
hindi pagkakaunawaan. Bilang isang indibidwal, paano mo maiiwasan ang di-pagkakaunawaan sa usaping pang
relihiyon?
a. Igalang ang relihiyon/paniniwala ng bawat isa
b. Ipangaral sa kapwa ang mga turo ng iyong relihiyon
c. Ipaglaban ang doktrina na pinaniniwalaan ng iyong relihiyon
d. Ipagpatuloy kung ano ang iyong pinaniniwalaan at iwasang makisalamuha sa taong may ibang relihiyon
___39. Si Hesukristo at si Muhammad ay may napakahalagang bahagi na ginampanan sa relihiyong Kristiyanismo at
Islam. Saan sila nagkakatulad?
a. Parehong kinikilalang Diyos ng kanilang mga tagasunod
b. Sa pinaniniwalang Diyos at aral ng kanilang relihiyon na parehong lumaganap sa buong daigdig
c. Nagmula sa mahirap na pamilya, tumulong sila sa pagtatrabaho, nangaral, nagpakahirap at nagpakasakit
tungo sa kaligtasan ng mga tao
d. Sa doktrina ng kanilang relihiyon; limang haligi ng Islam at pagsunod sa pitong sakramento at pagsasabuhay
sa sampung utos ng Diyos naman sa Kristiyano
___40. Sa panahon ng sigalot panrelihiyon ng Hinduismo at Islam umusbong ang relihiyong Sikhismo. Ano ang
hangad ng relihiyong ito na itinatag ni Guru Nanak?
a. Relihiyon para sa Hindu at Muslim
b. Upang mawala ang mga turo ng Hinduism at Islam
c. Magtatag ng relihiyon na magliligtas sa buong daigdig
d. Magkaroon ng relihiyon na magsusulong ng pagkakapatiran ng lahat
___41. Sa paanong paraan naging maunlad ang mga estado at imperyo hanggang sa kasalukuyan?
a. Dahilan sa kasipagan at katalinuhan ng mga tao
b. Nakabatay sa mga prinsipyo ng mga pinuno o hari
c. Dahilan sa mga impluwensiya ng mga kaisipang Asyano
d. Magagaling ang mga pinuno noon kaysa sa kasalukuyan
___42. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan ukol sa mga kaisipang Asyano?
a. Ang mga Caliph at Sultan ay may banal na pinagmulan.
b. Ang mga hari at pinuno sa Timog Silangang Asya ay pinaniniwalaang anak ng langit.
c. Isa sa mga batayang prinsipyo ng mga Tsino ay ang ipinagkaloob ng langit ang karapatang mamuno.
d. Para sa mga Hapones, ang mga hari ang kinikilala bilang devaraja o haring Diyos at cakravartin o hari ng
buong daigdig.
___43. Noong sinaunang panahon, tinawag ng mga Tsino ang kanilang imperyo na Zhongguo na nangangahuluganng
Middle Kingdom o Gitnang Kaharian, naniniwala sila na ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at superyor sila
sa lahat. Ang paniniwalang ito ay tinatawag na __________.
a. Confucianismo b. Banal na Pinagmulan c. Anak ng Langit d. Sinocentrismo
___44. Si Jimmu Tenno ay kinikilala ng mga Hapones na kanilang unang emperador. Alin sa mga sumusunod ang
kinikilalang banal na sagisag ng emperador hanggang sa ngayon?
1. Alahas
2. Templo
3. Salamin
4. Espada
a. 1,2,3 b. 1,2,4 c.1,3,4 d. 1,2,3,4
___45. Alin sa sumusunod ang nagpapahiwatig ng tamang kaisipan ukol sa mga Hapones?
b. Ang pamumuno ay ipinagkaloob ng langit
c. Kinilala bilang hari ng Diyos o hari ng buong daigdig
d. Mga lalaking may kakaibang talino, tapang o kaugalian
e. Sagrado ang kanilang emperador dahil nagmula kay Amaterasu
___46. Kung ang mga hari at pinuno sa Timog Silangang Asya ay pinaniniwalaang mga lalaking may angking talino,
tapang, kagalingan, ano naman sa India?
a. May banal na pinagmulan
b. Caliph at Sultan na pinunong pulitikal at panrelihiyon
c. Anak ng langit at may basbas ng langit ang pamumuno
d. Kinilala bilang Devaraja at Cakravartin o hari ng mga Diyos
___47. Ang sumusunod ay mga kaisipang Asyano maliban sa isa. Alin ang hindi kabilang
a. Banal na pinagmulan
b. Devaraja at Cakravartin
c. Tungkuling turuan ang mga Asyano
d. Lalaking may angking talino, galing at katapangan
___48. Madalas nating napapanood sa telebisyon at naririnig sa radyo ang tungkol sa mga karahasan at iba pang
krimen na nagaganap sa ating bansa. Bilang mamamayan, ano ang mga katangiang dapat taglayin ng ating mga
pinuno sa kasalukuyan?
1. Matalino
2. Makadiyos
3. May paninindigan
4. Makabansa
5. Matapang
a. 1,2,3,4 b. 1,3,4,5 c. 1,2,3,4,5 d. 2,3,4,5
___49. Alin sa sumusunod na bansa sa Asya ang naniniwala sa banal na pinagmulan?
1. Japan
2. Indonesia
3. Korea
4. Myanmar
a. 1,2 b. 1,3 c. 1,4 d. 2,3
___50. Alin ang nagpapatunay na mahalaga ang papel ng paniniwalang panrelihiyon sa uri ng imperyo at
pamahalaang itinatag ng mga Asyano?
1. Banal ang posisyon ng pamumuno
2. Ang pamamahala ay para sa ikabubuti ng mamamayang nasasakupan
3. Matatag ang batayan ng pamumuno sapagkat nakaugat sa mataas na pagpapahalaga sa kanilang Diyos
4. Sapagakat ang pamumuno ay batay sa angking talino, tapang at kagalingan
a. 1,2,4 b. 1,2,3 c. 1,3,4 d. 2,3,4
___51. Bakit mahalaga ang mga bundok at monumentong istraktura para sa mga taga Timog Silangang Asya?
a. Nagiging gabay sa pagkakaroon ng masaganang ani na tumutustos sa kaharian
b. Upang mabigyan ng paliwanag ang pinagmulan ng kanilang kaharian at kaayusan ng daigdig.
c. Tahanan ng mga Diyos, mahalagang lugar at paraan sa pagkamit ng mga mamamayan ng kabutihan
d. Dahil naniniwala silang kapag pumanaw ang kanilang hari ay tutungo sa bundok at magiging Diyos
___52. Bundok Popa: Myanmar; Bundok Ba Phom:_______________.
a. PIlipinas b. Cambodia c. Thailand d. Indonesia
___53. Sa pamumuno sa Kanlurang Asya ang mga pinunong sumunod kay Muhammad ay ginawaran ng titulong
Caliph na nangangahulugan sila ay kinatawan o kahalili ni Muhammad sa kalupaan. Alin sa sumusunod ang tungkulin
ng isang Caliph?
1. Pinunong pulitikal ng lahat ng mga pamayanang muslim
2. Pinunong panrelihiyon
3. Pangunahing hukom
4. Pinuno ng hukbong sandatahan
a. 1,2,3 b. 1,2,3,4 c. 1,2,4 d. 2,3,4
___54. Bakit ipinagmamalaki ng mga Tsino ang kanilang nasyon? Alin sa mga sumusunod ang mga dahilan?
1. Ang kanilang kabihasnan na umusbong sa Huang Ho ay isa sa sinaunang kabihasnan sa daigdig.
2. Ang kanilang kabihasnan ang pinakamatandang nabubuhay sa kabihasnan sa daigdig.
3. Ang kabihasnang Tsino ay hango sa mga turo ni Confucius.
4. Sa hindi matatawarang ambag sa daigdig sa larangan ng pilosopiya, kaisipan at imbensyon
a. 1,2,4 b. 1,2,3 c. 2,3,4 d. 1,2,3,4
___55. Paano nabuo ang pundasyon ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya?
a. Dahil sa mataas na pagkakilala sa kanilang mga sarili at kabihasnan.
b. Sa pamumuno ng mga kalalakihang may angking talino, tapang at kagalingan
c. Sa pamamagitan ng mga Asyanong kaisipan na uminog sa relihiyon at uri ng pamumuno
d. Dahil sa mabuting pamumuno ng mga emperador, hari na may basbas ng kanilang Diyos
___56. Sa China ang footbinding ay ginagawa sa mga batang babae na kung saan ay tinatanggal ang kuko,
binabalian ng buto ang mga daliri, at binabalutan ng bondage at metal ang paa. Ano ang implikasyon nito sa kanilang
kultura?
a. Naging batas na ng lipunan ang ganitong gawain.
b. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.
c. Nakabubuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon.
d. Naging pamantayan na ng kagandahan sa lipunan ang ganitong kultura.
___57. Ano ang bahaging ginampanan ng mga pinunong kababaihan sa Asya?
a. Pinataas nila ang kita ng bansa sa kanilang pamumuno.
b. Binigyan nila ng mataas na kapangyarihan ang mga kababaihan na kanilang ka-partido.
c. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang panunungkulan.
d. Itinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa kanilang pamumuno sa iba’t ibang pamamaraan.
___58. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa Tsina bilang bahagi ng kanilang kultura?
a. Ang mga batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa.
b. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal sa paa.
c. Sa murang edad ay binalot na ng bakal ang paa at hindi pinalalabas ng bahay.
d. Tinatanggalan ng kuko at binabali ang buto ng daliri at lalagyan ng bendahe at ibabalot sa bakal o metal ang
paa upang hindi humaba pa.
___59. Paano isinasagawa ng mga kababaihan ang satti bilang kultura ng India noong sinaunang panahon?
a. Naliligo ng gas at sinisindihan ang katawan upang masunog.
b. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang labi ng asawang lalaki.
c. Sinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng pagmamahal.
d. Nagpapakamatay para kasama o kasabay sa paglilibing sa labi ng asawang namatay.
___60. Hindi malawak ang mga karapatan at kapangyarihan ng sinaunang kababaihan sa Asya. Ito ay batay sa
kasaysayan na naitala sa mga bansang Asyano. Katulad sa India, may paniniwala silang suttee o sati, ito ay ang
pagtalon ng isang asawang babae sa apoy nang sinusunog na bangkay ng asawa. Bahagi rin ng kulturang India, ay
ang pagkain ng babae pagkatapos pa lamang kumain ng kaniyang asawa. Ano ang ugat ng mababang pagtinging ito
sa mga kababaihang Asyano?
a. Mahina ang loob at wala silang kakayahang mamuno sa imperyo.
b. Hindi pinagkalooban ng langit ang kababaihan na mammuno sa lipunan.
c. Hindi pinagkalooban ang kababaihan nang mataas na edukasyon at kasanayan sa buhay.
d. Bahagi na ng kasaysayan ang ituring na mababang miyembro ang kababaihan at limitado ang mga karapatan
sa lipunan.
___61. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan. Sa sinaunang
China isinasagawa ang footbinding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong pulgada
gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Samantalang sa India, isinasagawa ng mga
Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging ang
hubog ng kanilang katawan na tinatawag na _____.
a. Babaylan b. Dowry c. Lotus Feet d. Purdah
___62. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng
ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
b. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
c. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa.
d. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
___63. Ang tawag sa pera o pag-aaring ipinagkaloob sa mapapangasawa na ginagawa sa sinaunang India ay _____.
a. Alay b. Dote c. Mana d. Pabuya
___64. Ang mga sumusunod ay ang mga tradisyonal na tungkulin ng babae sa Asya maliban sa:
a. Pagiging mabuting asawa at ina.
b. Pagiging magalang at maalagain sa asawa.
c. Pagiging huwarang lider ng isang pamayanan.
d. Pagiging tapat na kabiyak at tagasilbi sa kanyang asawa.
___65. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama ayon sa Batas of Hammurabi?
a. Ang mga babae ay maaaring makilahok sa kalakalan.
b. Ang mga babae ay itinuring na bagay na maaaring ikalakal.
c. Ipinagkakasundong ipakasal ang babae sa lalaki ayon sa kanyang kalooban.
d. Ang huwarang agwat ng edad ng mag-asawa ay tatlong beses ang tanda ng lalaki sa kanyang asawang
babae.
___66. Sa panahong ito umaasa lamang ang mga sinaunang tao sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno at
halaman sa kapaligiran.
a. Panahong Neolitiko c. Panahong Mesolitiko
b. Panahong Paleolitiko d. Panahon ng Metal
___67. Kilala ito bilang cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.
a. Mesopotamia b. Uruk c. Gilgamesh d. Wala sa nabanggit
___68. Ang mga Sumerian ang kauna-unahang taong nakaimbento ng isang sistematikong paraan ng pagsulat sa
buong daigdig na tinatawag na;
a. Calligraphy b. Cuneiform c. Alibata d. Baybayin
___69. Pinakamalaking ambag sa Panahon ng Paleolitiko ay ang ________.
a. Kutsilyo b. Apoy c. Pagsulat d. Tubig
___70. Ito ay isang uri ng wika na nagmula sa India.
a. Veda b. Calligraphy c. Cuneiform d. Sanskrit
___71. Ang kabihasnang Shang ay umusbong sa lambak ilog_______
a. Ilog Huang ho b. Ilog Tigris c. Ilog Indus d. Ilog Euphrates
___72. Ang templo na ang pinakamalaking gusali sa Sumer ay tinawag na _________.
a. Ur b. Uruk c. Ziggur d. Ziggurat
___73. Ang Cuneiform ay pinag-aaralan sa mga paaralang tinatawag na _______.
a. Madrasa b. Edubba c. Sanskrit d. Vedas
___74. Ito ay isang mahalagang produktong nagmula sa Asya patungo sa Mediterranean.
a. Silk b. Spices c. Barley d. Trigo
___75. Pinakauna sa mga sibilisasyon ay ang ________.
a. Shang b. Indus c. Sumer d. Aztec
___76. Ang kabihasang Shang ay pinamumunuan ng mga _________.
a. Paring-Hari b. Pari c. Hari d. Prinsipe
___77. Ang Sistema ng pagsulat na ito ay nagsisilbing tagapag-isa ng mga Tsino
a. Cuneiform b. Calligraphy c. Alibata d. Baybayin
___78. Ito ay ang tawag sa mga sinaunang tao na lagalag o pagala-gala.
a. Nomadiko b. Cave Man c. Java Man d. Wala sa nabanggit
___79. Ito ay ay ang paraan na gumagamit ng karayom sa panggagamot.
a. Chiropractic b. Acupuncture c. Homeopathy d. Ventosa
___80. Ito ay itinuturing na pinakadakilang tulang pilosopikal sa daigdig.
a. Mahabharata b. Still I Rise c. Dreams d. Ozymandias

II. Punan ang patlang: Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa patlang.

Hanging Gardens Assyrian Hammurabi Etemenanki Barter

Code of Hammurabi Sargon Nebuchadnezzar Cuneiform Bibliya

1. Sa imperyo ng Akkadian si Haring ________________ isang mananalakay buhat sa Akkad ang nagtatag ng
lungsod -estado para magkaisa ang mga mamamayan.
2. Si ___________________ ang ika - anim na haring Amorite na pinalawak ang kaharian na umabot sa Gulpo
ng Persia.
3. Ang __________________ ay binubuo ng 282 na batas na nagsilbing pamantayan sa kabihasnan ng
Babylonian.
4. Ang mga __________________ ay nakagawa ng epektibong serbisyo postal
5. Ang _____________________ of Babylon ay isang kahanga – hangang tanawin na umabot ng 75 talampakan
ang taas.
6. Pinagawa ni _____________________ ang Hanging Gardens para sa kanyang asawa na si Amytis.
7. Ang zigurrat sa Chaldean na umaabot sa 300 talampakan ay pinangalanang _________________ at
itinuturing na Tore ni Babel sa Bibliya.
8. _____________ang tawag sa sistema ng kalakalan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng produkto.
9. _____________ ang naging pundasyon ng pananampalataya ng Judaismo at Kristyanismo.
10. Ang _______________ ang unang sistema ng pagsulat na ginagamitan ng 600 pananda.

III. Tama o Mali: Isulat ang T kung Tama at M kung Mali.

____ 1. Ang Unang natutuhang gamitin na metal ng mga sinaunang tao ay copper o tanso
____ 2. Pinagawa ni Haring Sargon ang Hanging Gardens para sa kanyang asawa na si Amytis.
____ 3. Si Haring Hammurabi ay isang mananalakay buhat sa Akkad ang nagtatag ng lungsod -estado para magkaisa
ang mga mamamayan.
____ 4. Ang calligraphy ang unang sistema ng pagsulat na ginagamitan ng 600 pananda.
____ 5. Ang Yangtze ay kilala sa tawag na Yellow River.
____ 6. Ang Mesopotamia ang kinilala bilang "cradle of civilization' dahil dito umusbong ang unang sibilisadong
lipunan ng tao
____ 7. Ang Kabihasnan ng Indus ay matatagpuan sa lambak – ilog ng Indus at Ganges.
____ 8. Ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.
____ 9. Ang oracle bones ay ginagamit ng kabihasnang Shang sa panghuhula.
____ 10. Ang mga scribe o tagasulat ay umuukit sa isang basang clay tablet.

IV. Poster Making: Likas na Ganda ng Asya Palaganapin


Sa isang ¼ Kartolina/ 1 Bond Paper,gumawa ka ng isang poster na magpapakita ng mga Ambag ng paglipas ng
panahon at paano ito nagagamit sa panahon ngayon. Malaya ka sa pagpili ng paraan sa paggawa nito maging sa uri
ng pangkulay na iyong gagamitin. Tingnan ang halimbawa sa ibaba:

You might also like