Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Isang Dekonstruksyong Pagsusuri sa

mga Piling Maikling Kuwento


ni Pedro S. Dandan

Edmundo V. Rubio

Abstrakt

Ang pag-aaral na ito ay pagsuri sa mga piling


maikling kuwentong Tagalog ni Pedro Dandan sa
pamamagitan ng dekonstruksyon pagdulog o pananaw.
Dalawang tiyak na layunin ang sinagot: (a) una,
dinekonstrak ang mga katangiang pampanitikang
napapaloob sa mga piling maikling kuwento at (b)
pangalawa, inilarawan ang mga implikasyon ng mga
piling kuwento sa edukasyon.

Ang pagsusuring dekonstruksyon ay


pinakalohikal na paraan ng maaaring magamit sa
pagsusuri ng maikling kuwento ni Dandan. Ayon sa
pagsusuri ang mga maikling kuwento ni Dandan ay (a)
may pagkasikolohikal; (b) sumasalamin sa mga
katotohanang naganap sa panahon ng digmaan o
kapayapaan; (c) tumutukoy sa kalikasan, tunggalian
ng tradisyon at pagbabago, at paghahangad ng taong
maabot ang mataas na uring espiritwalidad. At akmang-
akma ang mga kuwento ni Dandan sa pagtuturo ng
kahalagahan sa elementarya, highschool at maging sa
unibersidad.

______________
Edmundo V. Rubio is a faculty of the Department of
Languages, Literature and Humanities of the College of Arts and
Sciences.
*This paper was submitted in partial fulfillment of the
requirements for the degree, Master of Arts in Education, Philippine
Normal University.

211
Panimula

Halos perpekto o ganap ang kahusayan ng pagkakasulat


ng maikling kuwento sa literaturang Filipino. Katunayan,
maikukumpara ito sa mga pinakamagaling na nasulat sa buong
daigdig. Marahil ito ay maipapaliwanag ang pagkakalantad ng mga
manunulat na Filipino sa genre ng maikling kuwento, gawa ng
mga impluwensiya ng mga kanluraning sibilisasyong sumakop sa
Pilipinas (Kastila at Amerikano).

Ang maikling kuwentong Filipino, tulad din ng sa ibang


kabihasnan ay may ugat na matatagpuan sa matandang kalinangan
ng lahi. Mababakas ito sa mga panliping kuwentong bayan, sa mga
epiko, at sa mga alamat na taglay ng mga pulo at mga bayan, maging
tungkol sa isang lugar, isang punongkahoy o maging sa pinagmulan
ng lahi sa kapaniwalaang Pilipino (Landicho, 1983). Maaaring
ituring na ang maikling kuwento ay nag-ugat bago pa dumating
ang panahong may mga Pilipinong nagsimulang sumulat nito.

Kinilalang malaki ang impluwensiya ni Pedro S. Dandan sa


pagpapaunlad o pagpapayabong ng maikling kuwentong Tagalog,
ayon sa pagtataya nina Sicat (1992), Matute (1992) at Almario
(1996). Sa ngayon, napapanahong kilalanin ang natatanging galing
ni Dandan bilang modernong kuwentistang Tagalog na nakapag-
ambag sa langit-langitan ng panitikan lalung-lalo na sa larangan ng
maikling katha. Kung may isang Manuel Arguilla ang mga Ilokano,
may Dandan na maituturing ang Katagalugan. Ipinagugunita nito
sa ating panahon na si Dandan ay isang manlilikhang masinop
magmasid sa kanyang lipunan at masining maglala ng mga
detalyeng naglalatag ng kahulugan.

Ayon kay Sicat (1992), “ngayon pa lamang malilimbag ang


koleksyon ng maikling kuwento ni Dandan, isa sa mga unang
mahalagang manunulat na nabasa ko at ng aking mga kasabay na
manunulat. Malaki ang kanyang ambag sa pagpapaunlad ng
maikling kuwento.”

Bilang isang guro ng panitikan sa Filipino, ninais ng


mananaliksik na ito na pag-aralan kung papaano nilalarawan ni

212
Dandan and kulturang Pilipino at ipaliwanag ang kanyang
indibidwal na ambag sa ikauunlad ng maikling kuwento sa Pilipinas
sa pamamagitan ng pagsusuri ng kanyang mga katha na ginagamitan
ng dekonstruksyon.

Malaki ba ang iniyabong ng maikling kuwentong Tagalog?


Isa si Dandan sa mga nagpamulaklak nito, kaya karampatan
lamang na pag-aralan ang may- akda. Sa pamamagitan nito,
matatarok natin ang kanyang mga naitulong sa pamumulaklak ng
panitikang Tagalog at mga impluwensiya niya sa mga bagong sibol
na kuwentista.

Malaki ang maitutulong ng pananaliksik na ito sa pang-


akademikong gawain sa pagtuturo ng panitikan sa mababa at
mataas na paaralan, higit sa lahat, sa unibersidad o dalubhasaan
na kadalasan ay pormalistikong pagdulog ang laging ginagamit ng
mga guro sa pagtututuro ng fiction. Halos mabibilang sa mga daliri
ng isang kamay ang paggamit ng dekonstruksyon sa pagsusuri ng
pampanitikang Filipino nakasulat man sa Ingles o sa Filipino,
sapagkat gasgas na gasgas na ang pormalistiko sa pagsusuring
ginagamit sa pagtuturo ng panitikan ng mga guro.

Ang panitikan at kultura ay laging magkabuhol kung kaya’t


sa pag-aaral ng maikling kuwento ni Dandan, masasalamin natin,
matutukoy at mauunawaan ang sariling kultura ng mga
Katagalugan sa kanyang panahon.

Sa pag-aaral na ito gumawa ang manaliliksik ng isang


pagsusuring pampanitikang ginagamitan ng dekonstruksyon sa
dalawangpu’t isang mga piling maikling kuwentong naisulat ni
Pedro S. Dandan.

Sa pananaliksik na ito, isina-alang ang mga sumusunod na


tiyak na layunin:

1. Suriin ang mga katangiang pampanitikang napapaloob sa


mga piling maikling kuwento na ginagamitan ng
dekonstruksyon.
2. Ilarawan ang mga implikasyon ng mga maikling kuwento
ni Dandan sa edukasyon.

213
Batayang Konseptwal

Dayagram ng Batayang Konseptwal


TM
De k on str u ksy o n
Te k st o  Der rida
M
21 M a ik lin g Ku w ento  De M a n
ni  M iller
Pe d ro D a nd a n It

T em a

Pa g d ulog
Pa g su su ri ay o n sa P ag p ap ah alag a
 D EC S W ik a
 D elo rs

P lura lity

Makikita sa ilustrasyon o dayagram ang lagom ng teoryang


dekonstruksyon. Binubuo ng mga magkasing-halaga at
magkakaugnay ang konsepto. Ang tambalang-magkasalungat
(TM) o binary opposition (BO), sa ingles ang “opposition” ay
walang kahulugan para sa kanilang mga sarili kundi nasa relasyon
na kaiba tulad ng “itim” at “kamatayan”, na may kaugnayan sa
“puti” at “buhay”. Sa paningin ni Derrida (Murfin, 1989) isang
post-structuralist at pilosopo ng wika, ang mga kanluranin ay nag-
iisip sa termino ng TM o dikotomiya (dichotomy) na kung susuriin,
ay nangangahulugang pagtatayang herarkiya (hierarchy), sa ibang
salita ang bawat magkasalungat na konsepto- maging ito’y simula/
wakas; mayroon/kawalan; babae/lalaki; kabigatan/kagaanan; at
iba pa ay may termino na sa kulturang kanluranin ay lumalabas na
makapangyarihan/mataas at ang katambal nito ay negatibo,
mababa o mahina.

Mailalagom ang pagde-dekonstrak sa tatlong bahagi


(Selden,1989); 1) Isinisiwalat ng dekonstruksyon ang
pagkakasunod-sunod o herarkikal ng tiyak-bahagi ng isang
diskurso o pagtatalakay, kaya ang mga magkakaparehas na termino
(kaluluwa/katawan; kabutihan/kasamaan; katotohanan/
kabulaanan; nilalaman/porma; pagsasalita/pagsusulat, atb.) ang
ipapakita dito na may pribilehiyo o nakakaangat na konsepto. Kung
malakas ang kaluluwa ang katawan ay mahina; ang porma ay walang

214
saysay mas nakakahigit ang nilalaman; ang kalalakihan ay mas
malakas kaysa kababaihan. 2) Sa ikalawang paraan ng
pagdedekonstrak, patuloy ni Selden, mababaligtad rin ng
dekonstruktor ang herarkikal na huwaran, di sa bilis o tampalasang
pamamaraan kundi sa pag-aninaw o pagpansin o pagkilala sa isang
bitak sa diskurso o pagtatalakay na pumapayag sa ganitong
katumbalikan. 3) Sa katapusan, ang bagong ipinapahayag o
pinanindigang herarkiya ang mismong pinapalitan, hinahalinhinan
o itinitiwalag at di hinahayaang magluklok, lagyan o kabitan ng
bagong “katotohanan” o permanenteng istraktura. Sa ibang salita,
ang batas ng walang katiyakan, walang katakdaan o walang
kataningan ay walang mangingibabaw, maghahari, lalaganap o iiral.

Metodolohiya sa Pananaliksik

Ginamit sa pag-aaral na ito ng isang paraan ng panunuri-


ang dekonstruksyon. Upang mailarawan, mabigyang kahulugan
at maipakita ang kaugnayan ng nilalamang pampanitikan sa genre
ng maikling kuwento, ginamit ang pangangatwirang pasaklaw at
may pinanghahawakan. Siniyasat ang kabuuan ng maikling
kuwentong pinili at iniugnay ito sa panahon ng isulat ang mga
maikling kuwento. Tinalakay din ang mga akda bilang repleksyon
ng kalagayan sa akdang pampanitikan.

Sa pamamagitan ng deskriptibong paglalarawan, isang


instrumento sa pagpapalutang hindi lamang ng dekonstruksyon
na ebidensiya o pananaw, isinagawa ang apat na paraan o proseso
ng pagsusuri ng dekonstruksyon; buod ng teksto; lalabas sa
pagsusuri ang binary opposites o tambalang-magkasalungat
(TM); metapora at intertextuality, may kaugnayan sa ibang
maikling kuwento na may ganoon ding tema, gayundin ang
pagsunod ng mga akda sa tradisyong pagsulat ng maikling kuwento
at pagde-dekonstrak ng nilalaman ng wika. Maging sa metapora
ang natatagong kahulugan o simbolo sa pagsusuri ng nilalaman.

Sinuri ng mananaliksik ang bawat pangyayaring nabanggit


sa dalawampu’t isang piling maikling kuwento sa pag-aaral at
sinikap na maiugnay ang mga ito sa pananaw sa iba’t ibang paham,
mananalaysay at manunulat. Inilahad pa ang buod ng bawat

215
maikling kuwento upang magkaroon ang mambabasa ng pahapyaw
na kaalaman tungkol sa pinaksa ng maikling kuwento.

Pagkatapos mailapat ang pagsusuri ng dekonstruksyon sa


mga piling maikling kuwento ni Dandan, tinalakay ang mga tema
ng bawat kuwento, inilapat ang mga ito sa mga edukasyong
pagpapahalaga na ipinairal ng Departamento ng Edukasyon.
Mahigit pa rito iniugnay ang mga temang nahango sa bawat kuwento
sa mga ulat ni Delors (mula sa UNESCO, 1997).

Mga tiyak na pamamaraang ginamit sa deskriptibong


pananaliksik; Una, tiniyak ang may-akdang pag-aaralan sa tulong
ng a) pagtatayang ginamit ng mga kritiko sa mga kuwentistang
wala pang tesis na nasusulat sa kanilang mga obra na ginawa; b)
bukod dito, tinaya ang naiambag ng isang pangunahing may-akda
sa genre ng maikling kuwentong Tagalog; c) at isinangguni ang
kahalagahan ng may akda sa mga nagtuturo ng panitikan sa
kolehiyo. Ikalawa, tumiyak ng isang karapat-dapat ng isang
pagsusuring angkop sa mga maikling kuwento ni Dandan a) ginawa
lamang ito matapos basahin ang kuwento; b) pagkatapos mabasa
ang kuwento pinasimulan ng itala ng mananaliksik ang mga
tambalang-magkasalungat, metapora, tema ng kuwento; c) nagbasa
rin ng mga kuwento, dula, tula atb. na may kaugnayan sa kuwentong
binasa-punto ng intertextuality. Ikatlo, inilapat ang prosesong
nabuo sa pagdedekonstrak sa tulong at gabay ng konseptwal na
batayan ng pag-aaral; ikaapat, sa tulong ng publikasyong
ipinalabas ng Departamento ng Edukasyon tungkol sa
pagpapahalagang pantao na dapat ipaiiral sa programa ng
edukasyon. Iniugnay ang temang natalakay sa kuwento ni Dandan
sa mga pagpapahalagang pinairal ng Departamento ng Edukasyon.

Sa bandang huli, sinuri ang temang nakapaloob sa mga


kuwento at inilapat ang mga ito sa apat ng “haligi” ng pagkakatutong
iminungkahi ni Jacques Delors (mula sa UNESCO, 1997). Ang
apat na haligi na tinutukoy ni Delors ay ang mga sumusunod, (1)
matutong makaalam; (2) matutong gumawa; (3) matutong
makipamuhay; at (4) matutong maabot ang kaganapan ng tao.
Ginawa ito sapagkat natagpuan ng mananaliksik na may kabuluhan
ang mga kuwentong napili sa pag-aaral sa mga layuning pang-
edukasyon di lamang sa Pilipinas kundi sa pandaigdig. May
implikasyon ito na ang isinulat ni Dandan ay di lamang maituturing

216
na makabuluhan sa literatura ng Pilipinas kundi ganoon din sa
buong daigdig.

Tinipon ang mga datos mula sa dalawampu’t isang maikling


kuwento ni Pedro S. Dandan na galing sa aklat na May Buhay sa
Looban at 20 Kuwento ni Dandan (Almario, 1996).

Table 1. Mga Piling Kuwento ni Pedro S. Dandan na Sinuri


Maikling Kuwento Maikling Kuwento sa Maikling Kuwentong
nagwagi sa Palanca Antolohiya Pangdigmaan at
Kapayapaan
1. Mabangis na 1. May Buhay sa Looban 1. Mulawin
Kamay…Maamong 2. Nasa Dugo ni Tana 2. Palitan
Kamay 3. Ang Inahing Aso at 3. Kabaong
2. Sugat ng Digma Limang Tuta 4. Ang Kalmen at
3. Lakas 4. At Nupling ang Isang Batumbuhay…Sa
4. Ang Anino ng Luntiang Halaman Isang Estero
Kanyang Ama 5. Paalam na kay 5. Ang Kalabaw at
5. Ang Daong ni Noe Kalakian ang Tren
6. Nakayungyong ang 6. Ang Tandang,
Kawayan Katyaw at mga
Sisiw
7. Kalapating may
Sugat sa Dibdib
8. Isang Showdown sa
Tundo
9. Batman
10. Burlesque

Paglalahad ng Datos at Pagsusuri

Ang mga maikling kuwento ni Dandan ay (a) may


pagkasikolohikal; (b) sumasalamin sa mga katotohanang naganap
sa panahon ng digmaan o kapayapaan; o kaya’y (c) tumutukoy sa
kalikasan, tunggalian ng tradisyon at pagbabago, at paghahangad
ng taong maabot ang mataas na uring espiritwalidad. Masining,
matimpi at maayos ang pagkakasulat ng mga piling kuwentong
pinag-aralan. Hindi tahasang tinutukoy ng kuwentista ang paksa.

Akmang-akma ang dekonstruksyong pagsusuri sa mga


piling kuwento ni Dandan. Sa Dekonstruksyong pagsusuri ng
teksto, apat na proseso ang pinagdaanan ng pananaliksik: (a)
ibinigay muna ang buod; (b) hinanap at ipinaliwanag ang
tambalang-magkasalungat (binabaligtad ang hierarchy); (c)

217
sinuring kritikal ang metaporang nakapaloob sa kuwento; at (d)
inugat ang intertextuality o mga akdang may kaugnay sa
sinusuring kuwento.

Bihasa at malikhain ang may- akda sa paggamit ng mga


metaporang hinango sa: (a) kalikasan, (b) relihiyon, (c)
kabayanihan, (d) ugnayan ng tao, (e) tipunang ginagalawan, at (f)
digmaan. Isang halimbawa sa paggamit ng metaporika ay ang
maikling kuwento “Lakas”. Ang tinuran ng kuwento ay metapora
sa katuturan ng buhay, sapagkat sakripisyo at lakas ang hangad ni
Mang Simo, ang pangunahing tauhan sa kuwento. Sa “Mulawin”
ang mga alinlangan at lumbay ng protagonista ay waring katapat
lamang ng dinaranas din noong kawalang-katiyakan ang Pilipinas
mula sa guho at lagim ng digmaan.

May kabalighuan (paradox) ang karamihan sa kuwento ni


Dandan. Halimbawa sa kuwentong “At Nupling ang Isang Luntiang
Halaman” sa pagbuwis ng buhay ng isang sundalo, ang dugong
dumanak sa kanyang katawan ay nagpayabong sa isang
punungkahoy. Sa kuwentong “Palitan”, ipinagpalit ng magulang
ang pag-aaruga ng kanyang anak upang makatawid sa kahirapan,
o kagutuman sanhi ng digmaan. Sa kuwento namang “Ang kalmen
at Batumbuhay…sa Isang Estero” pinagwalang-bahala ng isang
malamig at malupit na lipunan ang beteranong nagsakripisyo sa
bayan.

Marahas, mapanglaw, may pagkapesimista ang paningin


ni Dandan sa buhay sa ilang kuwento na binalanse, sa kabilang
dako, ng isang idealistiko, obhetibo at optimistikong pananaw sa
ibang kwentong sinusuri. Ang kuwentong “Dugo ni Tana” ay
nagpapakita na ang tao ay sumusunod lamang sa mga puwersang
di naman niya kayang labanan-mga puwersa ng naturalesa at
kapaligiran na halos Darwinian ang konsepto—na tanging ang
malalakas ang iiral at magagapi ang mahihina. Subalit sa
kuwentong “Batman” ipinakita ang pagpapahalaga ng isang
manggagamot sa isang pasyente.

Nilalarawan ang kulturang Pilipino sa kanyang mga piling


kuwento-pamahiin o kasabihan, tradisyon at kaugalian
panglalawigan, at mga katutubong kulay. Tumutukoy kung gayon
sa pang-araw-araw na buhay sa panahon ng kapayapaan at digmaan

218
ang mga akdang ito. Isang halimbawa ay ang kuwentong “Kabaong”
kung saan nagpagawa si Lolo ng kabaong para sa namatay na asawa
na sobra ng dalawang dangkal ang sukat. Ito ay umiikot sa
pamahiin ukol sa kamatayan. Isa pang halimbawa ay ang
kuwentong “Nakayungyong ang Kawayan” kung saan ang kuwento
ay umiikot sa pagpigil ni Doman sa pagnanasa kay Ninay na walong
buwang buntis dahil sa pagsunod sa paniniwalang tradisyon ng
mga matatanda na bawal sa babae na makipagtalik sa kanyang
kapanahunan.

Halos lahat ng mga maikling kuwento ni Dandan na sinuri


sa pananaliksik na ito ay maiuugnay sa ibang kuwento, tula, dula,
pelikula at di lamang rehiyunal na kuwento sa Pilipinas, gayundin
sa ilang nasulat sa Ingles sa ating bayan. At may mangilan-ngilang
akda sa panitikan ng daigdig ang mga kaugnayan o
intertextuality. Sa bawat kuwento ni Dandan, ito ay maiiugnay
sa akda ng ibang mga manunulat. Ang kuwentong “Ang Kalmen at
Batambuhay sa Isang Estero” ay maiuugnay sa nobelang The
Pretenders (1975) ni Francisco Sionel Jose at sa tulang “Isang
Punungkahoy” ni Jose Corazon De Jesus. Sa nobelang The
Pretender nabalewala ang ginawa ni Antonio sapagkat nasapawan
ito ng mga makapangyarihan kaya siya ay nagpakamatay sa riles
ng tren at ang “Isang Punungkahoy” ay ukol sa pagwawalang-
bahala ng tao sa mga matatanda.

Sa pagdekonstrak ng kuwento sinuri ang tambalang


magkasalungat (TM). Sa “Anino ng Kanyang Ama” kung saan si
Merto ay nakagapos sa pangamba at takot sa ama. Ang tambalang
magkasalungat ay ang sumusunod:

Takot vs pagmamahal
Kahinaan vs lakas
Pagpapaubaya vs kahigpitan
Kalayaan vs pagkabilango
Anak vs magulang
Responsibilidad vs pansariling
sa pamilya kaligayahan

Bukod dito, tinalakay ang tema sa konteksto ng mga


saloobin (values) ng Departamento ng Edukasyon na
pinapahalagahan sa edukasyon at sa ulat in Delors (mula sa
UNESCO, 1997) na matatarok sa table 2.

219
Table2. Ugnayan ng mga Tema ng Maikling Kuwento ni Dandan
sa Buod o Pusod ng Kahalagahan Pang-edukasyon
M aikling T ema P agpa pahalaga Ulat ni
Kuwento mula sa Delors
De pa rtam ento n g
Edukasyon
1. Palitan Pagkawasak n g tahanan at Pagpapanatili sa Matutong
kah irapan na dulot n g p ag-un lad ng tao makipamuhay
digmaan

2. Lakas Paglalah o ng lakas p atun go sa


katandaan

3. Ang Gutom at kaligtasan o


In ah in g se guridad ng tao sa p an ah on
Aso at ng digmaan
Liman g
Tuta

4. Ang Pagpapahalaga sa kalikasan K apayapaan at Matutong


Daong n i Pagtulong ng tao sa kapwa katarun gan makipamuhay
Noe Maru min g paraan n g pulitika

5. Sugat ng Kakayahang kaparaanan


Digma (Cop in g me chanism)
pagkatapos ng digmaan

6. Ang Galit at pagh ih iganti


Kalabaw at Pagh in gi ng katarun gan
an g Tren Trad isyon laban sa
mode rnismo

7. Paalam Paglip as n g panahon sa isang K atotohana at Matutong


kay ama ng tahanan p agpapaubaya makaalam
Kalakian

8. Naka- Ugnayan ng mag-asawa


yun gyon g Pagpaplan on g pampamilya
an g
Kawayan

9. Kalapatin g Kah irapan ng buh ay an g Pag-ibig at Matutong


May Su gat nagtulak sa tauhan sa kabutihan gumawa
sa Dibdib prostitusyon K atotohanan at
Tun ggalian ng isp iritwalidad p agpapaubaya
at tawag ng kamun duh an

10. Maban gis Pagsingil sa isang


na pagkakautang ng tao sa
Kamay… nakalipas- karma
M aamon g
Kamay

11. Kabaong Pagtanggap n g tao sa Ispiritw alidad n a Matutong


kamatayan ng maluwag sa p an daigdig makaalam
puso

12. Isang Simpatiya/habag sa api- K apayapaan at Matutong


Showdown apihan o sa lipun an katarun gan makipamuhay
sa Tundo

220
13. Ma y Buh ay Pa mama alam n g P agpa pan atili sa Matu ton g
sa L oob kaba taa n sa pa g- unlad ng Ta o ma kaa la m
kamusmusa n Ka totoha na n a t
pa gp apa uba ya
P agibig at ka butiha n
14. Ang Ka lmen Pa gw aw ala ng- Na sy ona lismo at Matu ton g
at bah ala n g ba ya n sa g loba lism o ma kipamuh ay
Batumbuh ay mga bete ra non g Ka pa ya paa n at
…sa Isa ng na kisa ngkot sa ka tarun ga n
Estero digma an
15. Nasa D ugo n i Ang tao a y bu ng a Ka lu sug a n a t Matu ton g
Ta na ng kan ya ng P aka kaisa sa guma wa
kin ag isn an g ka likasa n
kata uha n a t
kapa ligira n
16. Ba tma n Kah inaa n ng loob Ka totoha na n a t Matu ton g
ng tao n a hin di pa gp apa uba ya guma wa
kaya ng h arap in an g Ka lu sug a n a t
katotoha na n pa gka kaisa sa
(illusion vs rea lity ) ka likasa n
17 . Bu rlesque Kata w an g- I sp iritwa lida d na Matu ton g
pag na na sa at pa nda igd ig lina ngin an g
pag ya kap ng tao sa ka gan apa n n g
mata as n a a nta s ng ta o
ispiritw a lidad
18 . An g tan dan g, Kay aba nga n, P agpa pan atili n g Matu ton g
Ka tya w a t pag kata lo ng pa g- unlad ng tao guma wa ,
mga Sisiw mah ihina sa ma kipamuh ay
malaka s, ng n aa ap i
sa uma ap i
19. M ula win Wa la ng ka tapusa ng Ka pa ya paa n at Matu ton g
pakikipagla ban ng ka tarun ga n ma lin an g a ng
tao h aba ng Ka totoha na n a t sa riling
na bubuha y pa gp apa uba ya ka gan apa n
P agpa pan atili sa
pa g- unlad ng tao
20 . Ang Anino n g Ang pa gsupil sa Ka pa ya paa n at Matu ton g
Ka nya ng pag baba go at ka tarun ga n ma kipamuh ay
Ama kaun la ran sa a na k P agpa pan atili sa
ng magula ng pa g- unlad ng tao
Agw at n g mga
hen era sy on
21. At Nup ling Ang kabutiha n P ag-ibig a t Matu ton g
an g Isa ng (kaba ya niha n ng ka bu tih an ma kipamuh ay
Lun tin g isa ng sunda lo) ay Ka lu sug a n a t
Ha la man sin uklian ng pa gka kaisa sa
kalika san (sa ka likasa n
pag ya bong ng isan g
puno)

Paglalagom

Ang pag-aaral na ito ay sumuri sa mga piling maikling


kuwentong Tagalog ni Pedro Dandan ayon sa dekonstruksiyon
pagdulog o pananaw. Dalawang tiyak na layunin ang sinagot sa

221
pag-aaral: (a) una, dinekonstrak ang mga katangiang
pampanitikang napapaloob sa mga piling maikling kuwento at (b)
pangalawa, inilarawan ang mga implikasyon ng mga piling kuwento
sa edukasyon ayon sa buod o pusod ng mga kahalagahan na
ipinatutupad ng Departamento ng Edukasyon at ulat ni Delors.

Ang mga sumusunod ay ang mga lagom ng pag-aaral na


ito:

1. Ang pagsusuring dekonstruksyon ay pinakalohikal na


paraan na maaaring magamit sa pagsusuri ng maikling
kuwento ni Dandan.
2. Mayaman sa mga metapora ang mga maikling kuwento ni
Dandan na napamalas niya sa pamamagitan ng larawaning-
diwa o imahen.
3. Akmang-akmang na ilapat ang kahalagahang itinuturo ng
DECS at ang ulat ni Delors sa pagtatalakay ng mga kuwento
ni Dandan maging sa high school o unibersidad.
4. Bukas sa anumang uri ng pag-aaral at pagsusuri ang
dekonstruksyon. Sa “paggiba” ng teksto, may lilitaw na
bagong interpretasyon o kahulugan, lalim at lawak.
4.1 Isiniwalat ng dekonstruksyon ang pagkakasunod-
sunod na tiyak-bahagi ng isang diskurso o
pagtatalakay at ang ipapakita dito na may
pribilehiyo o nakakaangat na konsepto.
4.2 Sa pagdedekonstrak, mababaligtad rin ng
dekonstruktor ang herarkiya na huwaran, di sa bilis
o tampalasang pamamaraan, kundi sa pag-aninaw,
pagpansin o pagkilala sa isang bitak sa diskurso o
pagtatalakay.
4.3 Sa bandang huli, ang pinanindigang herarkiya ang
mismong pinapalitan, hinahalinhan o itiniwalag at
di hinahayaang maluklok, kabitan ng bagong
permanenteng istraktura. Sa ibang salita, ang batas
ng walang katiyakan, walang katakdaan ay walang
mangingibabaw.
5. Maraming implikasyon sa Edukasyon na makukuha sa
pag-aaral ng kuwento ni Dandan. Halimbawa: (a)
sakripisyo ng magulang sa anak; (b) pakikipagkapwa-tao;

222
(c) pagtutulungan at pagdadamayan; (d) pagmamahal sa
bayan at pag-aalaga sa kalikasan; (e) pananampalataya sa
Diyos; (f) pananatili ng dignidad ng tao; at (g) pagharap ng
tao sa problema sa buhay na buo ang loob.
6. Malaki ang naitulong ni Dandan sa pagpapayabong ng
maikling kuwentong Tagalog sa Literaturang Filipino
sapagkat ipinagugunita nito sa ating panahon na si Dandan
ay isang malikhaing manunulat na masinop magmasid sa
kanyang lipunan at masining maglala ng mga detalyeng
naglalatag na kahulugan.
7. Palasak rin ang paggamit ng defamiliarization, lalo na sa
mga imaheng sekswal, mga eksenang nakahahambal, mga
karanasang maoobserbahan sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
8. Di nangangahulugang ang mga paliwanag o interpretasyon
sa dalawampu’t isang (21) kuwento ni Dandan ay di
mabubuwag ng sinumang mambabasa sapagkat taliwas ito
sa konseptong dekonstruksyon, dahil di natatapos ang
anuman paliwanag sa isang teksto. Samakatuwid, bukas
at matatanggap ng mambabasa ang anumang
interpretasyon (na lohikal na mapapangatwiranan) na siya
naman tinuturong layunin ng pagsusuring ito.

Rekomendasyon

Batay sa implikasyon ng pananaliksik, iminumungkahi ang


mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Maidedekonstrak ang iba pang kuwentong nasusulat sa


Filipino, lalo na ang mga kuwentong nasulat ng mga
kapanahon o ka-kontemporaryo ni Dandan, tulad nina:
Brigido Batungbakal, Hernando R. Ocampo, Macario
Pineda, Serafin C. Guinigundo, Genoveva D. Edroza-
Matute, Liwayway Arceo, Mabini Rey Centeno, B.S.
Medina Jr., Rosario de Guzman-Lingat, Narciso G. Reyes,
atb.
2. Pag-aralan ang katayuan ni Dandan na di nasama sa
kasalukuyang pag-aaral na gumagamit ng dekonstruksyon
o iba pang karampatang pagdulog sa kritisismo.

223
3. Suriin pa rin ang ibang kuwento ni Dandan na di nasama sa
kasalukuyang pag-aaral na gumamit ng dekonstruksyon o
iba pang karampatang pagdulog sa kritisismo.
4. Gamitin ng mga gurong nagtuturo ng Panitikang Filipino
ang pagsusuring dekonstruksyong iminungkahi at inilahad
sa pananaliksik na ito.

224
Talangsanggunian

Almario, V.S. (1996). May buhay sa looban at 20 kuwento ni Dandan.


Quezon City: UP Press.

Landicho, D. ( 1983). Manual sa pagsulat at pag-aaral ng maikling


kuwento (2 nd ed.). Manila: Rex Book Store.

Matute, G. E. (1992). Sa anino ng EDSA at iba pang mga kuwento.


Quezon City: University of the Philippine Press.

Murfin, R. (1989). Heart of darkness: A case study in contemporary


criticism.

Selden, R. (!989). Practicing theory and reading literature. USA: The


University Press of Kentucky.

Sicat, R. (1992). Pagsalunga: Piniling kuwento at sanaysay. Quezon


City: Anvil Publishing Inc.

UNESCO National Commission of the Philippines Education Committee.


(1997). Values education for Filipino.

225

You might also like