AP 7 Summative Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Cebu Province
District of Catmon

DISTRICT UNIFIED SUMMATIVE TEST IN ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _____________________________ Paaralan: ___________________________________


Taon at Pangkat: _______________ Petsa: _______________ Iskor:_________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Aling rehiyon sa Asya napapabilang ang bansang Pilipinas?


A. Timog asya B. Silangang Asya
C. Timog Silangang Asya D. Hilagang Asya
2. Ilang kontinente ang bumubuo sa daigdig?
A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
3. Ano ang itinuturing na pinakamalaking kontinente sa Daigdig?
A. Africa B. Asya C. Europa D. Australia
4. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya?
A. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
B. Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan.
C. Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman.
D. Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao.
5. Alin sa sumusunod ang mga bansang magkakasama sa iisang rehiyon?
A. Japan, China at South Korea B. Syria, Madives at Thailand
C. Afghanistan, Taiwan at Brunei D. North Korea, India at Indonesia
6. Ito ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro.
A. Mt Everest B. Mt Fuji
C. Mt Pinatubo D. Mt Kanchenjunga
7. Ano ang tawag sa isang uri ng anyong lupa na nakausli sa karagatan ng Asya?
A. Kapatagan B. Tangway
C. Talampas D. Disyerto
8. Ito ay uri ng behetasyon na inilararawan bilang damuhan at kagubatan at karaniwang makikita sa
bansang Myanmar at Thailand na nasa Timog-Silangang Asya. Anong behetasyon ang inilalarawan dito?
A. Prairie B. Savanna
C. Taiga D. Rainforest
9. Ano ang Pagkakapareho ng ng mga katangiang pisikal na matatagpuan sa Pilipinas ayon sa nabasang
teksto?
A. Anyo B. Lawak
C. Lugar D. Sukat
10. Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran?
A. Gumamit ng Dinamita B. Pagputol ng Kahoy
C. Pagtapon ng plastic sa dagat D. Huwag magtapon ng basura sa dagat
11. Anong bansa sa Hilagang Asya ang may pinakamaraming deposito ng ginto sa buong mundo?
A. Tajikistan B. Kyrgyztan
C. Turkmenistan D. Uzbekistan
12. Sa rehiyong ito matatagpuan ang may pinakamaraming deposito ng gas at petrolyo?
A. Kanlurang Asya B. Timog Asya
C. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
13. Anong bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya matatagpuan ang pinakamaraming puno ng Teak?
A. Brunei B. Myanmar
C. Cambodia D. Vietnam

14. Dahil sa lawak ng kalupaang sakop ng Timog Asya, alin sa sumusunod ang itinuturing na mahalagang
yaman nito?
A. Bakal at karbon B. Palay
C. Lupa D. Mahogany at palmera
15. Kung ang Pilipinas ay nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra, alin sa
sumusunod ang pangunahing produkto ng Malaysia?
A. Tanso B. Liquefied petroleum gas
C. Telang silk o sutla D. Sibuyas, ubas at mansanas
16. Ang mga bansa sa kontinente ng Asya ay nakararanas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran.
Ano ang tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?
A. Siltation B. Deforestation
C. Salinization D. Desertification
17. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na suliraning pangkapaligiran?
A. Pag-unlad ng mga industriya
B. Pagkawala ng biodiversity
C. Pagkasira ng kagubatan
D. Pagkakaroon ng mga polusyon
18. Ito ay ang pagbabago ng klima dulot ng likas na pagbabago ng mundo dahil sa gawa ng mga tao.
Anong konsepto ang tinutukoy dito?
A. Climate Change B. Polusyon
C. Red Tide D. Acid Rain
19. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?
A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar
B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsyento ng kriminalidad
C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman
D. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan
20. Anong konsepto ang nangahulugang pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng
buhay na bumubuo sa natural na kalikasan. Anong konsepto ito?
A. Ecological Balance B. Biodiversity
C. Kapaligiran D. Likas Yaman
21. Alin sa sumusunod na bansa sa asya ang nangunguna pagdating sa
deforestation?
A. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan
B. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas
C. Pilipinas, Japan, Bangladesg at Pakistan
D. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia
22. Ano bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?
A. Pilipinas B. Japan
C. Bangladesh D. Malaysia
23. Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang
biodiversity sa buong mundo?
A. Europe B. Asya
C. Africa D. Antarctica
24. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
C. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
D. Lahat ng nabanggit
25. Ang Asya ay hinati sa limang rehiyon. Alin sa mga sumusunod ang isinaalang-alang na aspekto sa
paghati nito?
A. Pisikal at kultural B. Kultural at historical
C. Pisikal at historical D. Pisikal, kultural at historical
26. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangian pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ang Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong
tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa, tangway, kapuluan, bundok, kapatagan,
talampas, disyerto, at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
D. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon
sa pamumuhay ng mga Asyano.
27. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya matatagpuan ang hangganan ng kontineneng Europe,
Africa at Asya?
A. Silangang Asya B. Kanlurang Asya
C. Hilagang Asya d. Timog Asya
28. Ang Asya ay halos napapaligiran ng karagatan at dagat. Ang mga ito ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin dito ang hindi kabilang sa mga mahalagang papel ng
karagatan at dagat?
A. Ito ay nagsisilbing likas na depensa laban sa mga kalamidad.
B. Ito ang naging lundayan ng mga sinaunag kabihasnan kabihasnan.
C. Ito ang pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at mineral.
D. Ito ang nagsisilbing rutang pangkalakalan at sa paggalugad.
29. Alin sa sumusunod na pangungusap ang tamang nagpapaliwanag ukol sa klimang tropikal?
A. Mayroong labis o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
B. Nakararanas ang mga bansa dito ng iba-ibang panahon.
C. Nakararanas ang mga bansa dito ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan
D. Nakararanas ang mga bansa dito ng mahabang taglamig.
30. Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa
buong daigdig?
A. Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho B. Ilog ng Lena
C. Ilog ng Amu Darya D. Yangtze
31. Ang Hilagang Asya ay sagana sa likas na yaman at kinikilala ang rehiyon na nangunguna sa
produksiyon at pinakamalaking deposito ng ginto. Kung ating tutukuyin, saan yamang likas napapabilang
ang ginto?
A. Yamang Lupa B. Yamang Gubat C. Yamang Tubig D. Yamang Mineral
32. Anong rehiyon sa Asya ang may anyong hugis tatsulok?
A. Timog Asya B. Kanlurang Asya C. Silangang Asya D. Hilagang Asya
33. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang
pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.
34. Ang pagkakaroon ng malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto at
nakapagpapalaki ng produksiyon na nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang
bansa. Anong larangan ang pinagtutuunan ng pansin dito?
A. Agrikultura B. Ekonomiya C. Panahanan D. Turismo
35. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan
ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang
papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, Ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na
yaman ng Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
36. Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat bansa sa Asya?
A. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lunsod
B. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamaya upang mabigyan ng kabuhayan
upang malutas ang kahirap.
C. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa mga lunsod.
D. Pagtuloy na pagtaas ng populasyon.
37. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating
pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong
konklusyon ukol sa pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.
C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang
Agrikultura.
D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang- aabuso ng tao.

38. Ang Pilipinas kasama ng ilang bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag sa isang malawak na
sona na tinatawag na Ring of Fire o Circum-Pacific- Seismic Belt. Bakit kaya tinawag ang rehiyong ito na
Ring of Fire?
A. Dahil sa ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan.
B. Dahil sa nakaharap ito sa karagatang Pasipiko.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga hanay ng kabundukan.
D. Dahil sa napakaraming anyong tubig na nakapalibot dito.

39. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating
kapaligiran?
A. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastic
B. Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan
C. Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng
maliliit na mga punong kahoy.
D. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan
40. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
A. Dahil ang mga produktong galing sa lupa ang bumubuhay sa tao upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.
B. Dahil kailangan ng tao ng lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling hangarin.
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay

AP 7 ANSWER KEY
1. C 21. B
2. A 22. C
3. B 23. B
4. A 24. D
5. A 25. D
6. A 26. D
7. B 27. C
8. C 28. A
9. A 29. C
10. D 30. A
11. B 31. D
12. A 32. A
13. B 33. B
14. B 34. A
15. B 35. A
16. B 36. B
17. A 37. A
18. A 38. A
19. D 39. C
20. B 40. A

You might also like