Mahahalagang Impormasyon mula sa Iba’t-ibang Sanggunian MGA LAYUNIN: Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda - pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. Natutukoy ang kahalagahan ng pagkakabuo ng nobelang El Filibusterismo Pagpapahalaga/ Bibliya Bersikulo: Pagpapahalaga sa pagmamahal sa bayan I Corinto 16:14 “Gawin ninyo sa pag-ibig ang lahat ninyong ginagawa.” KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay. Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit. Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,Burgos atZamora. Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang politikal. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela. LUMISAN SIYA SA PILIPINAS ISANG TAON PAGKATAPOS NG PAGPUNTA NIYA SA SARILI NIYANG BAYAN NANGYARI ITO NOONG OKTUBRE 1887 Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa: NAILIMBAG ANG EL FILIBUSTERISMO NOONG SETYEMBRE 22,1891 Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan Pamantayang Pagganap: Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na magmungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.