Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

I.

Panimula

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig.

Maliban sa pambansang wikang Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika.

Isa ang wikang Isinai sa maraming katutubong wika ng Pilipinas.

Sa panahon ng pagsakop ng mga kastila sa Pilipinas noong ika-16 na siglo, isa sa mga

naging saksi at biktima ng laban ang mga Isinai. Gayunpaman, pagkalipas ng mga taon,

nanatiling buhay ang mga Isinai kasama ang kanilang mga makukulay na yaman at kultura na

pinanatili mula sa kanilang mga ninuno. Ngunit sa kasalukuyan, mayroon silang bagong

hinaharap na laban para sa ikabubuhay ng kanilang sariling wika at kultura.

Ang “Isinai” ay nagmula sa unlaping “I” na nangangahulugan ng “katutubo, residente,

tauhan ng” at “Sinai”, isang lugar na pinaniniwalaang tinitirhan ng mga sinaunang tao ng

hilagang Luzon. Ang mga Isinai ang naninirahan sa probinsiya ng Nueva Vizcaya bago pa

dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sa kasalukuyang panahon, ang mga Isinai ay

naninirahan sa tatlong munisipalidad ng probinsiyang ito: Dupax del Sur, Aritao, at

Bambang. Bulubundukin ang mga lugar na ito na may taas mula sa lupa na umaabot sa 1,500

metro. Sinasakop rin ang silangang rehiyon ng mga lugar na ito ng mga yamang kahoy at

mga birhen na kagubatan. Sa panahon ng mga Kastila, ang mga Ilocano at iba pang mga

nagmula sa ibang lugar ay lumipat sa mga lugar na ito. Ang 1975 Census of the Philippines

ay nagpakita na pinangungunahan na ng mga Ilocano ang ilang mga lugar sa Nueva Vizcaya.

Sa Dupax del Sur, mayroong 3,959 na mga residenteng Ilocano laban sa 2,865 na Isinai; sa

Bambang, 19,903 na Ilocano laban sa 1,769 na Isinai; sa Aritao, 16,372 ang Ilocano laban sa

200 Isinai.
Ang Isinai bilang wika ay may tatlong baryante na ginagamit sa tatlong munisipalidad

ng Nueva Vizcaya (Constantino, 1982). Ang diyalekto ng Isinai na ginagamit sa Dupax del

Sur at Aritao ay magkaiba sa ginagamit na leksikon. Ang pagkakaiba naman ng dalawang

diyalekto na ito sa diyalekto sa Bambang ay leksikal at ponolodyikal. Ang wikang Isinai na

ginagamit sa mga promal na kasulatan ay nakabase sa diyalekto ng Dupax del Sur.

Ang wika ng Isinai ay naipapasa na lamang ngayon sa pamamagitan ng mga katutubo

nito na nabubuhay pa. Nang nababawasan na ang bilang ng mga nabubuhay na Isinai,

nailalagay rin sa panganib ang kanilang wika at kultura. Sa kakaunting nagsasalita ng wikang

Isinai, ang mga natitirang miyembro ng komunidad ng Isinai ay nangangailang aralin at

pahalagahan ang wika upang ito ay mapananitili. Gayunman, hindi ito madaling gawin

sapagkat kahit ang mga katutubong Isinai ay may kahirapan sa pagtatag at pagsunod sa

klarong pamantayan para sa paggamit ng kanilang wika. At sa ngayon, may nagaganap na

debate tungkol sa kung ang mga tao ay tinatawag na Isinay o Isinai.

Kailangan ng mga Isinai ng pagtingin sa kaunlaran ng kanilang mga yapak patungo sa

pagligtas sa kanilang wika. Ang pagligtas ng wika ay paraan sa pagligtas ng buong kultura at

tradisyon. Higit pa, kung patuloy na gagamitin ng mga Isinai ang kanilang wika o salita

upang magbahagi ng mga kuwento, mayroong pag-asa ang kanilang na mabuhay ang

kanilang wika sa susunod pang mga henerasyon.

Ang papel na ito ay tumutulong sa pagbuo at pagligtas sa nanganganib na wika ng

Isinai, pati na rin ang kanilang kultura sa pamamagitan ng pag-alam at pagpagtalakay sa mga

salitang nakalimutan na at ang mga salitang ginagamit ng makabagong henerasyon ng mga

Isinai.
II. Depinisyon

Layunin ng Pananaliksik

Ang layunin ng papel na ito ay ang:

1. Maglista ng mga salitang nilikha ng ilang dalubhasa noong nakaraan lamang lima o

sampung taon. Sa kasalukuyan hindi na rin ginagamit.

2. Ibigay ang mga salitang nilikha ang tinatanggap ng bayan.

3. Maglista ng mga salitang balbal at ibigay ang kahulugan ng mga ito.

4. Magbigay ng mga makabagong panghihiram ng mga salitang banyaga na nagiging

salitang Isinai na.

Delimitasyon

Ang pangangalap ng datos tungkol sa wika ng Isinai ay linilimitahan ng bilang ng

mga marunong gumamit ng wikang Isinai sa Nueva Vizcaya dahil sa maliit na populasyon

nito. Mayroon mang mga purong Isinai ngunit ang edad ng mga ito ay nasa puntong hindi na

gumagana ng mabuti ang kanilang pandinig at ang pagiging ulyanin na sanhi ng pagtanda.

Samakutuwid, mahirap ang makipag-usap at mangalap ng datos. Ang mga desendyente

naman ng mga purong Isinai ay may kaalaman sa pagsasalita ng wika ngunit ito ay hindi

eksakto ayon sa mga matatanda.

http://nlpdl.nlp.gov.ph:81/CC01/NLP00VM052mcd/v1/v22.pdf
Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng

Pilipinas. Ang ilocano ay pangatlo sa pinaka-sinasalitang lenggwahe dito sa Pilipinas. Ito ang

wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng

Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring

mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.

Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas. Maraming

bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi ang mga Ilokano, ang katatagpuan din ng

malaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Iloko katulad sa mga estado ng Hawaii at


California sa Amerika. Ang katawagang "Iloko" at "Ilokano" ay walang kaibhan kung ang

wikang Iloko ang tinutukoy. Ang tanging kaibahan nito ay ang wika o salita at ang taong

gumagamit ng wika o ang katutubong nagsasalita. Karaniwang Iloko o Iluko ang tawag sa

wika o salita, at Ilokano o Ilocano naman sa mga tao. Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa

gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage

Language ng Estado ng Hawaii. Ito ay sa kadahilanang nakararami sa mga Filipino-

Americans ay may dugong Ilocano at sa kadahilanan ding marami sa mga nauna nang

sakada(mga Pilipinong nagpunta sa Amerika noong panahon ng pananakop) ay dugong

Ilocano at hindi nakapagsasalita ng Tagalog. Samakatuwid, mas nakararaming Filipino-

Americans ang may lahing Ilocano at nakapagsasalita ng Ilocano, bagamat ang mga bagong

henerasyon ngayon ay marunong kahit papano sa Tagalog. Idagdagpa diyan na sa loob ng

libu-libong taon ay napayaman pa ang bokabularyo ng wikang ito. Sa katotohanan, tinatayang

ang Iloco ang pinakamatandang wika sa Pilipinas at isa sa mga may pinakamayamang

bokabularyo. Sa katotohanan, sinasabi ng mga eksperto na ang wikang Iloco ay may

kompletong bokabularyo bago pa dumating ang mga Kastila ngunit ito'y nawala dahil sa

gahum ng wikang banyaga. Tunay na mayaman ang wikang Iloco dahil may mga salita itong

panumbas sa ibang dayuhang salita na hindi naman natutumbasan ng Tagalog, ang

kinikilalang lingua franca raw ng Pilipinas. Isa na diyan ay ang region, na tinatawag na

rehiyon ng mga Tagalog, ngunit sa mga Ilocano ay deppaar. Sa Honululo ngayon ay may

sinimulang layunin ang mga anak at kaapuapuhan ng mga naunang sagada. Ito ay ang

pagpapalawak ng salitang Ilocano at ang paghihikayat sa mga Ilocano sa Pilipinas na ito ay

gamitin at ituro sa mga anak. Nakita nilang nasa panganib ang wika dahil na rin sa

propaganda ng mga Tagalista na naglalayong patayin ang lahat ng wika sa Pilipinas liban sa

Tagalog. Idagdag pa na ang wika ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso.

Wala silang kurso para sa Tagalog. Ang Ilocano ang tanging Wika sa Pilipinas na kinikilala
bilang Heritage Language sa Hawaii. Tinataya ring may humigit-kumulang na 20 milyon

native speakers ang Ilocano.

You might also like