Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 1

Ang Suliranin at Ang Kaligiran Nito

Introduksiyon

Sa anumang tungkuling isasakatuparan ng tao, gamit niya ang wika. Sa patuloy


na pag-usad ng tao sa mundong ginagalawan ng wika, nagging sanhi ito upang
mapanatiling dinamiko o buhay an gating wika. Ang Surigao del Sur ay isa sa
mayabong na probinsya hindi lamang sa taglay nitong kagandahan ng kalikasan
bagkus mayaman din ito sa mga diyalekto na umuusbong dito. Napapaloob sa pag-
aaral na ito ang mga diyalekto ng Cantilangnon, Manobo, Bol-anon, Tandaganon, at
Kamayo na siyang sentro sa isasagawang pananaliksik. Binubuo ng 17 munisipyo, 2
syudad, barangay, at may populasyon ang probinsya ng Suriga del Sur sa patuloy na
pangingibababaw ng mga diyalekto o katutubong wika, marapat lang na pag-aralan ang
mga leksikal na baryasyon ng mga diyalekto sa Srigao del Sur.

Hinggil sa pahayag nina Santos at Hutana, (2008; 10), maaaring nag baryasyon
ng wika ay nasa tunog, mga salita, o bokabularyo, struktura ng gramatika o sa lahat ng
mga ito. Isinasaad dito ang tunay na kinalalagyan o kung saan makikita ang baryasyon
ng isang wika na pokus sa isasagawang pag-aaral. Kaugnay nito, nasa baryasyong
heograpikal kung pumapasok dito ang pagkakaiba ng tono, sa bokabularyo, at sa
morpolohiya ng wika o gramatika. Samantalang, baryasyong sosyal naman ang
pagkakaiba na paggamit ng wika. Binibigyang linaw kung bakit kinakailangan tukuyin
ang baryasyon ng isang wika, ito ay upang matalos g husto ang tunay na kahulugan sa
bawat salitang binubulalas ng tao.

Sa pagkakaroon ng leksikal na baryasyon ng wika, kalakip ding nangingibababw


ang barayti ng isang wika. Ayon kay Fermin (2002; 93) ang barayti ng wika ay
nadedebelop dahil sa patuloy na pakikisalamuha sa kapwa- sa sariling pagkat ng ibang
pagkat ng lipunan. Sa paraang ito naipapakita ang tuany na kahalagahan n gating
diyalekto na siyang nagsilbing gabay tungo sa pagtuklas sat un ay na halaga at
katangian ng isang wika. Dagdag pa nito inihayag din ni Hartmann (2002), ang
leksikolohiya na sangay ng linggwistika na kaugnay ng pag-aaral sa mga salita at ang
pagkabuo ng kayarian at kahulugan nito mas lalong pinagtibay na dapat isaalang-alang
ang pag-aaral na sentro ang leksikal na baryasyon ng mga diyalekto.

Sa paglantad ng ng iba’t ibang diyalekto sa Surigao del Sur na siyang gamit ng


iba’t ibang pangkat ng mamamayan, ito ay nagreresulta sa di pagkakaunawaan.
Halimbawa nito ang salitang “nahulog” sa Tagalog, “nahug” sa Tandaganon, “nahuyog”
sa Cantilangnon, nakagtang naman sa Marihatag, at iba pa. ang mga salitang ito ay
nagkakaiba lamang sa ayos ng pagkakabaybay ngunit may iisang kahulugan ang nais
na ipahiwatig nito. Hangad ng pag-aaral na matatapng lubos ang mga diyalekto sa
Surigao del Sur upang maunawaan ang mga kahulugan ng bawat salitang ginagamit sa
pakikipagtalastasan.

Ang pag-aaral na isasagawa ay tutukoy sa mga leksikal na baryasyon ng wika sa


Surigao del Sur. Inaasahang ang lahat ng suliraning inilimbag ay matutugunan. Hindi
lamang ito, magiging basehan sa mga susunod pang mananaliksik kundi ito ay
makapagbibigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa tunay na papel na
ginagampanan n gating katutubong wika.

You might also like