Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mala-masusing Banghay-Aralin

sa Filipino IX

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang salita mula sa akdang napanood;
b. napahahalagahan ang mensaheng hatid ng akdang napanood; at
c. nakagagawa ng maikling dula-dulaan, awitin, islogan at nakaguguhit ng isang
bagay na sumusimbolo sa kanilang ina.

II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Kabanata 14 “Ang Kwento ng isang Ina” mula sa Noli Me Tangere ni
Dr. Jose Rizal
B. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=Kb6T--oCp2s
C. Kagamitan:kopya ng video, meta istrip, pentel pen, manila paper,sobre

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagtsek ng lumiban

B. Pagganyak
Papangkatin ang klase sa apat sa pamamagitan ng pagpapabunot ng mga
larawan ng ina, ama, anak na babae at lalake. Ang magkakapareho ng mabubunot na
larawan ay magkakasama sa iisang pangkat.
Pipili ng myembro mula sa kani-kanilang pangkat ng magsisilbing kanilang
pangulo.
Ang pangulo ay bubunot sa kahon, isasagawa kung ano ang nakalahad dito at
huhulaan ng ibang pangkat.
Kapag hindi nahulaan ito ng pangkat ng napiling sumagot ay mapaparusahan
sa pamamagitan ng pagbunot ng pangulo ng nasabing pangkat sa isang kahon ngunit
kapag nasagot nila, ang pangkat na nagpahula ang siyang mapaparusahan.
Mga salitang nasa kahon na isasagawa:
Baliw
Masaya
Malungkot
Naghahanap
Nagmamakaawa
Mga pahayag na nasa kahon ng parusa:
Lumakad ng limang beses sa pamamagitan ng duck walk.
Sumayaw ng oops kiri ni Vice Ganda.
Taga Saan kayo?
Gawin ang slowmo walk ni Miss U.

C. Paglalahad
Ano kaya ang kaugnayan ng inyong ginawa sa ating aralin ngayon?
Gaaano kahalaga ang isang anak para sa magulang?

D. Pag-alis ng sagabal
Ibibigay ang kahulugan ng mga nasalungguhitang salita at gagamitin ang mga
ito sa pangungusap.
Bawat tanong ay may katumbas na kulay ng sobre na naglalaman ng mga
letrang bubuuin.
Mga salitang nasalungguhitan:
1. Napiit ng ilang taon ang taong nagtanggang pumatay sa akin.
-nakulong
2. Hindi maganda ang kinalugmukan niyang sitwasyon ngayon.
-kinalagyan
3. Ang mga prayle ang siyang nagsesermon sa simbahan.
-pari
4. Sa kwartel na iyan siya naglagi matapos siyang hatulan ng korte.
-kulungan
5. Kinutsya siya ng mga tao dahil sa kanyang itsura.
-nilait
E. Pagtatalakay
Gabay na katanungan:
Paano maipapakita ng isang ina ang pagmamahal sa mga anak?
Ano ang kayang gawin ng isang ina para sa kanyang mga anak?

Magpapanood ng isang video tungkol sa Kabanata 21 “Ang kwento ng isang


Ina”.mula sa akdang Noli me Tangere ni Dr. Jose Rizal
Sa parehas na pangkat bibigyan sila ng mga gawain na gagawin lamang sa
loob ng pitong minuto.

Pangkat ng ina:
Bumuo ng isang imahe ng tao sa pamamagitan ng mga hugis at sagutin ang
bawat katanungan na nakapaloob dito.
Ano ang
iniisip ng
pangunahin
g tauhan sa
akdang
napanuod?

Ano ang
Paano ipinakita ng nararamdaman ng Paano ipanakita ng
pangunahing tauhan pangunahing tauhan pangunahing tauhan
ang pagmamahal sa sa akdang napanood? ang pagmamahal sa
kanyang mga anak? kanyang mga anak?

Paano hinarap ng
pangunahing tauhan
ang nangyari sa kanyang
buhay?
Ano ang
Ano ang
nangyari sa
nangyari sa
ina nang
ina nang
hindi na
hindi na niya
niya makita
makita ang
ang
kanyang
kanyang
mga anak?
anak?

Pangkat ng ama:
Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng lipunan noon at ngayon batay sa
napanood gamit ang venn diagram.
Noon Ngayon

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakiba


Pangkat ng anak na babae:
Ano ano ang mga aral na mapupulot sa akdang napanood?

Aral mula
sa akdang
napanood

Pangkat ng anak na lalake:


Ibuod ang napanood sa pamamagitan ng story frame.

Saglit na
Simula Tunggalian
Kasiglaan

Wakas Kakalasan Kasukdulan

Pagprepresenta ng mga ginawa.

F. Paglalapat:
Sa parehas na pangkat, kayo ay bubuo ng maikling dula-dulaan,awitin, islogan at
gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa inyo mga ina.
Pangkat ng ina
Bumuo ng isang maikling dula-dulaan batay sa mensahe ng akdang napanood.
Pamantayan:
Kaugnayan sa akdang napanood---------10
Presentasyon--------------------------------10
Kooperasyon--------------------------------5
Kabuuan-----------------------------25 na puntos
Pangkat ng ama:
Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa inyong mga ina at ipaliwanag ito.
Pamantayan:
Kaugnayan sa akdang napanood---------10
Presentasyon---------------------------------5
Pagkamalikhain------------------------------5
Kooperasyon----------------------------------5
Kabuuan ----------------------------25 na puntos
Pangkat ng anak na babae:
Gumawa ng isang islogan na napapatungkol sa mensahe ng akdang na nais nitong
ihatid sa mga manonood.
Pamantayan:
Kaugnayan sa akdang napanood--------------10
Presentasyon-------------------------------------5
Kaayusan-----------------------------------------5
Kooperasyon-------------------------------------5
Kabuuan--------------------------------25 na puntos

Pangkat ng anak na lalake:


Bumuo ng isang awitin na iaalay sa inyong mga ina.
Pamantayan:
Kaugnayan sa akdang napanood----------------10
Presentasyon----------------------------------------5
Kaisahan---------------------------------------------5
Kooperasyon----------------------------------------5
Kabuuan ----------------------------------25 na puntos

IV. Pagtataya
TAMA O MALI: Magpapakita ng pangungusap ang guro at susuriin ito ng
bawat pangkat. Itataas ang like sign kung ito ay tama at dislike sign kung ito ay
mali.
Mga pangungusap:
1. Ang kura ang nagpalaya kay Sisa sa kulungan.
2. Natagpuan ni Sisa si Cripin sa bahay nila pagkauwi nito.
3. Nabaliw si Sisa.
4. Kinutya ng mga tao si Sisa habang naglalakad.
5. Itinago ni Sisa ang pera na umano’y ninakaw ng mga anak.
6. Kinuha ng mga kawal ang inahing manok ni Sisa.
7. Dalawang oras na nakulong si Sisa.
8. Nagpunta si Sisa sa bahay ni Tandang Tales.
9. Mapagmahal na ina si Sisa.
10. Tinulungan ng mga tao si Sisa habang hinuhuli ng mga gwardya sibil.

V. Kasunduan
a. Ilarawan ang inyong mga ina sa pamamagitan ng isang sanaysay.
b.Basahin ang susunod na kabanata at sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang nangyari kina Basilio at Crispin?
2. Saan naglagi si Basilio?

You might also like