Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EDUKASYON LABAN SA PANDEMYA

By: Jeevee Kyle Razo (STEMGR11 Pm SEC 1)

Pandemya wala ka bang awa? Bakit ngayon ka lang nagpakita kung keilan mag
papasukan na? May natututunan ba ang mga bata sa gitna ng pandemya? Ako’y
magiging totoo sainyo na pati ako na nasa labing-isang baytang ay may opinyon
sa kalagayan ng mga mag-aaral sa panahong ito na may pandemya.

Sabi nga ng mga nakakatanda na Edukasyon ang iyong pag-asa dahil ito ang
magsasalba sa iyong hinaharap ngunit ang mga sitwasyon ngayon ay nag kakapalit
na , pano kung ang edukasyon mismo ang dahilan ng pag kawala ng iyong
intension na mabuhay sa mundong ito. Sabi ng iba na hindi na kami natututo dahil
pasahan na lng ng mga aktibidad ang basehan para makapasa. Online class ka
man o Modular kailangan mong mabuhay dahil nauuso na ngayon ang mga
balitang pagkamatay ng mga kabataan. Hindi na pataasan ng grado ang
importante ngayon dahil kaligtasan ng buhay natin ang nakasalalay sa panahong
ito. Masasalba mo lang ang iyong hinaharap kung ikaw ay mag papakatatag.
Labanan mo ang iyong pagkalumbay sa module bago mo maisip na mag
pakamatay, wag mo sayangin ang iyong buhay dahil sa sitwasyon na iyong
hinaharap. Kung ako sayo ay mag enjoy ka lang, wag mo dibdibin lahat ng
problema at lutasin ito ng paisa-isa. Hindi mo ba naiisip ang dugo’t pawis na inalay
sayo ng mga magulang mo makapasok ka lang at iisipin mo lang na mag
pakamatay? Mali ang iyong pag iisip kapatid! Ito lang ang aking masasabi, laban
mga kabataan dahil tayo ang pag-asa ng ating munting bayan.

Isipin na lng natin na pag subok lang ito saatin at may kasabihan nga si Albert
Einstein na “If I had an hour to solve a problem I'd spend 55 minutes thinking
about the problem and five minutes thinking about solutions.” Na may ibig
sabihin na sa bawat problema ay kaya natin itong lutasin basta gamitin ang utak
natin. Isipin ang hinaharap at I enjoy na lng ang pag aaral, Hindi mo namalayan na
ikaw pala ay nabuhay sa gitna ng pandemya.

You might also like