Professional Documents
Culture Documents
Epp 5 Module 1. Final
Epp 5 Module 1. Final
Para sa tagapagdaloy:
Para sa mag-aaral:
Subukin Natin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang hiwalay na papel.
1. Ang mga organikong sangkap na nagtataglay ng sustansiya upang
mapanatili ang maayos na kundisyon ng lupa ay
a. calcium at magnesium b. nitrogen, phosphorus at sulfur
c. bitamina B at C d. protina at carbohydrates
2. Isang organikong abono mula sa mga patapong bahagi ng isda at
tinatawag na
a. Fish Amino Acid b. Fishing rod
c. Fish meal d. Fish soup
3. Ang mga halamang organiko ay
a. ginagamitan ng kemikal na abono at pamatay peste
b. hindi ginagamitan ng kemikal
c. hindi nabibili sa pamilihan
d. mapanganib sa kalusugan
4. Ang mga dumi ng hayop ay_________.
a. ilayo sa mga taniman b. kailangang itapon kaagad
c. nakapipinsala sa pananim d. maaaring gawing abono sa pananim
1
5. Ang manure tea ay isang likido na
a. gamot sa ubo b. iniinom sa umaga
c. galing sa dumi ng hayop d. galing sa mga halamang gamot
Aralin
Ang Paggawa ng Abonong
1 Organiko
Balikan Natin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang hiwalay na papel.
1. Mahalaga ang paggulayan sapagkat
a. mainam na libangan
b. nagbibigy ng karagdagang kita sa pamilya
c. natutugunan nito ang masustansiyang pangangailangan sa
katawan
d. lahat ng nabanggit
2. Ang mag-anak na nag-uukol ng sapat na panahon sa paggugulayan
ay nagpapamalas ng __________?
a. Pagkakaisa b. pagtutulungan
c. kasipagan d. lahat ng nabanggit
3. Ang gabi, patatas, at kamote ay mga gulay na nabibilang sa
a. Bunga b. dahon
c. buto d. bungang-ugat
4. Ang mga butong-gulay tulad ng ______ ay mainan itanim dahil
mayaman ang mga ito sa protina.
a. patola at upo b. munggo at balatong
c. petsay at repolyo d. lahat ng nabanggit
5. Maari nang ilipat ang punla sa permanenteng lugar kung
a. magulang na ang puno
b. malalaki na ang dahon
c. may 2-4 na dahon na
d. wala pang dahon ang punla
2
Tuklasin Natin
Basahin ang comic strip.
3
Talakayin Natin
I. Compost pit
Bakit tayo gumagamit ng Compost?
• Kailangang maparami ang ani, ngunit hindi sana naaabuso ang lupa
• Mas kakaunti ang “methane gas” ng damo kung makokompost muna
bago ihalo sa lupa.
• Pinatataba muli ng compost ang lupa, kaya darami ang ani.
4
Pamamaraan nang paggawa ng Composting na karaniwang ginagamit.
1. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo-layo sa bahay.
Humukay ng may isang metro ang lalim.
2. Pagsama-samahin ang mga natuyong dahoon, nabulok na gulay,
prutas, pagkain, at iba pang nabubulok na bagay.
3. Ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hangang umabot ng 30
sentimetro ang taas.
4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop.
5. Patungan muli ng lupa at apog.
6. Paulit-ulit na gawain ang pagtambak hanggang sa mapuno ang hukay.
7. Tusukan ang compost pit ng ilang pirasong kawayan na inalisan ng
buko at binutasan sa gilid. Makakatulong ito upang mahanginan ang
compost at nang madaling mabulok kaagad ang basura.
8. Diligan ang ibabaw araw-araw, Kung tag-ulan, takpan ito ng yero.
9. Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago ito gamitin.
Kung walang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, maaari pa ring
magkaroon ng sariling pataba sa pamamagitan ng basket composting.
,
5
4. Ilagay sa garapon at takpan ng tela o papel bago gamitin ang mismong
pantakip sa lalagyan upang di makapasok ang hangin at makasingaw
ang gas habang nagbuburo.
5. Isulat sa ibabaw ang petsa ng paggawa at ang inaasahang petsa ng
pag-aani.
6. Itabi ang lalagyan sa isang lugar na malamig, madilim at tuyo.
Ihalo ang isang kutsaritang FAA sa isang litrong tubig. Maaaring
gamiting spray sa mga tanim ng halamang gulay at sa lupang taniman.
Pagyamanin Natin
Tandaan Natin
7
Isabuhay natin
2. Ang lolo ni Vera ay may mga alagang kambing sa kanilang bukid. Meron
din siyang taniman ng mga gulay, bukod sa compost pit na ginawa ng
lolo niya, anong suhestiyon ang maibibigay niya para sa dagdag na
abonong organiko na pwede nilang gawin?
4. Iba’t ibang uri na hayop ang inaalagaan sa farm ng mga Diaz. Ginawa
nila itong pang export. Habang sa karatig ng kanilang lupain may
malawak namang taniman ng halamang gulay. Kaibigan niya ang may
ari nito at nais niyang makatulong dito sa pagbibigay ng suhestiyon sa
mura at mabisang abono. Ano ang abonong maari niyang ipakilala sa
kanyang kaibigan?
8
Tayahin Natin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa isang hiwalay na papel.
1. Ito ay ang abono na gawa sa mga nabubulok na pagkain, gulay
halaman at mga dumi ng hayop na pinag sasama sama at pinoproseso.
a. Manure Tea b. NPK Bio-organic Fertilizer
c. Fish Amino Acid d. Compost Pit
2. Sa pamamagitan ng composting maiiwasan ang nakalalason na
___________ sa mga halaman na nagiging dahilan ng hindi agad nito
paglago.
a. methane gas b. carbon dioxide
c. sulfuric acid d. methyl alcohol
3. Ito ay isang natural na proseso sa paggawa ng abono kung saan
makakakuha tayo ng likido na pataba sa pamamagitan ng pagbuburo
ng mga bahagi ng isda.
a. Manure Tea b. NPK Bio-organic Fertilizer
b. Fish Amino Acid d. Compost Basket
4. Alin sa mga dumi ng hayop ang mas epektibong gawing organikong
abono dahil wala itong matapang at mabahong amoy at higit sa lahat
pinakaepektibo sa mga halaman.
a. dumi ng aso b. dumi ng kalabaw
c. dumi ng kambing d. dumi ng baka
5. Ang mga halamang organiko ay
a. ginagamitan ng kemikal na abono at pamatay peste
b. hindi ginagamitan ng kemikal
c. hindi nabibili sa pamilihan
d. mapanganib sa kalusugan
Gawin Natin
9
Sanggunian
Deliarte, Evelyn, et al., (2015) Makabuluhang Gawaing Pantahanan at
Pangkabuhayan 5 K to 12 Edition, Adriana Publishing Co., Inc., Manila.
Masaybing, Ryan V. et. Al., (2019) Grade 5 Agricultural Arts Learning Materials,
DepEd Division of Cabanatuan City, LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND
DEVELOPMENT SYSTEM
https://brainly.ph/question/487724
https://steemit.com/poem/@filipina/halaman-tula
Development Team of the Module
Writers: SHIRLEY I. RANOT
Editors:
Content Evaluator: JAIME M. RAFOL Jr.
Language Evaluator: MARYBETH Q. CORPUZ
Reviewers: PRINCISITA B. PIMENTEL – MT1
Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251