Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

KABANATA 2: PANGHIHIRAM NG MGA SALITA

LAYUNIN
1. Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram
2. Natutukoy ang mahahalagang tutuntunin sa panghihiram ng mga salita
3. Nagagamit ang mga tutunin sa panghihiram ng mga salita sa pagsulat

PAGHIHIRAM NG MGA SALITA


Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro. dahil sa pagkakaiba-iba sa
kultura ng mga bansa, may mga salitang banyaga na na hindi matatagpuan sqa
salitang Filipino kapag isinasalin.sa pangyayaring ito, ang tanging magagawa ay
manghiram o dili kaya ay lumikha ng bagong salita.
Walang masama sa panghihiram ng salita. hindi naman kailangan pang humingi
ng pahintulot sa bansang hihiraman na mga salita; hindi rin kailangan pang isauli ang
salita pagktapos na hiramin hindi rin ito nakakahiya

Ayon sa pag-aaral:

Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.


Tatlong libong salitang malay.
Isang libo sa ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Instik, Arabe,
Sanskrito, Latin, Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa.
Salitang teknikal at pang- agham ang una nating hinihiram.
Sa halip na lumikha tayo ng salita, hinihiram na lamang natin ang nga salitang ito.
May mga salitang panteknikal at pang-agham ang Maugnayang Pilipino na
ginagamit sa pinatatanyag ng araneta university, subalit ang mga ito ay hindi
itinatagubilin ng Komisyon ng Wikang Filipino kaya hindi palasak na ginagamit sa mga
paaralan.
HALIMBAWA NG MAUGNAYANG PILIPINO
Daktinig (mikropono)
Agsikap (inhinyero)
Miksipat (mikroskopyo)

│1
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

Batidwad (telegrama)
Sipnayan (matematika)
Liknayan (pisika)

Dr. Alfonso Santiago- ang nagtakda ng mga tuntunin o paran ng panghihiram sa


Ingles sa aklat niyang “Sining ng Pananaliksik”.
Paraan I. Pagkuha ng katumbas sa Kasti8la ng hihiraming salitang Ingles at pagbaybay
ditto ayon sap alabaybayamg Filipino.
Halimbawa:
Liquid=liquido=likido
Cemetery=cementerio=sementeryo
Paraan II. Kung hindi maaari ang paraan I (walang katumbas sa Kastila, hiramin ang
salitang Ingles at baybayin sa paalbaybayang Filipino.
Halimbawa:
Tricycle=trisikel
Truck=trak
Trai=tren
Paraan III. Kapag hindi maaari ang Paraan I at Paraan II, hiramin ang salitang Ingles at
walang pagbabagong gawin sa pagbaybay.
Halimbawa:
Manila Zoo = Manila Zoo
Visa = Visa
Xylem = Xylem
Zygote = Zygote
Xerox = Xerox
Sandwich = Sandwich
Zamboanga = Zamboanga
Francisco = Francisco
Roxas = Roxas
Villiviza = nilliviza
│2
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

Revyu, Valyus, Familya...Tama ba ang Filipino Ispeling?


Nagdulot ng malaking suliranin ang nadagdag na walong (8) letra sa alpabetong
Filipino. Iba-iba ang interpretasyon sa ano ba ang tamang baybay ng mga salitang
dayuhan. Ang panuntunan dati ay kung ano ang bigkas ay siyang sulat. Dahil din sa
intelektwalisasyon ng wikang Filipino ay nagkaroon ng varayti sa ispeling ng mga salita.
May mga aklat sa elementarya na ginamit ang ispeling na familya, valyus,
glovalisasyon at iba pa na nakatanggap ng feedback ang ilang publishing company sa
mga magulang na nagreklamo.
Naging malaya sa paraan ng pagbaybay o ispeling ng mga salita dahil sa walang
estandardisasyon ng wikang Filipino. Dahil dito, nagkaroon ng tatlong serye ng forum
noong Agosto 13, 2005, Marso 2, 2006 at Abril 21, 2006 ang NCAA upang talakayin
ang mga suliraning dulot ng mga bagong titik sa alpabetong Filipino at ng
modernisasyon sa buhay at wika ng mga Filipino. Napagpasyahan at napagkasunduan
ang tuntunin sa pagbaybay. Nasa ibaba ang mga napagkasunduan na wastong baybay
na gagamitin.

1. Hinggil sa mga Bagong Hiram na Salita


2. Hinggil sa mga Bagong Titik
3. Hinggil sa Pagpapalit ng U sa O at I sa E
4. Hinggil sa mga Katinig na Inuulit
5. Hinggil sa mga Digrapong CH, SH, CT
6. Hinggil sa mga kambal-patinig sa mga hiram na salita mulang Espanyol
7. Hinggil sa wastong paghihiram sa Espanyol at sa Ingles
8. Hinggil sa paggamit ng- NG kapalit ng –N sa loob ng mga salitang hiram na
sinusundan ng K
9. Hinggil sa paggamit ng ala / alas para magpahayag ng oras
10. Hinggil sa wastong baybay ng pangalan ng ating bansa
Ang inilathala sa blog na ito ay galing sa papel na tinalakay ni Dr. Galileo Zafra,
Direktor ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP Diriman na may pamagat na Ang Mga
Proyekto sa Estandardisasyon ng Wikang Filipino: Tuon sa Ispeling.

│3
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

Medyo mahaba-haba ang pagtalakay sa nasabing forum sa ispeling kaya unahin


ko munang ilathala ang hinggil sa mga bagong hiram na salita.

1. Hinggil sa mga Bagong Hiram na Salita

1.1 Baybayin alinsunod sa paraan ng wikang Filipino ang mga bagong


Hiram na salita, maliban sa sumusunod na kaso:

1.1.1 Pangngalang pantangi. Halimbawa, Victoria, Galicia,


Washington Circle, Shinjuko, Czech, National Basketball
Association, Halili Beer, Ma Mon Luk.

1.1.2 Teknikal o siyentipikong salita. Halimbawa, carbon dioxide,


Chemotherapy, green house effect, pizzicato, sodium glumate,
varicose, x-ray.

1.1.3. Salitang may natatanging kahulugang pangkultura. Halimbawa,


bolshoi, feng shui, geisha, gourmet, jazz, joie de vivre, kibbutz,
mardi gras, pizza.

1.1.4. Malayo na ang anyo sa orihinal kaya mahirap makilala o nagiging


kakatwa ang anyo kapag binaybay sa Filipino. Halimbawa,
“jeywoking” (jaywalking), “rendevu” (rendevous), “ispid” (speed),
“ordev” (hors d’euvre), “feris wil” (ferris wheel), “pastits”
(pastiche), “montadz” (montage), “tsokoleyt keyk” (chocolate
cake).

1.1.5. Kilala na sa orihinal at banyagang anyo ng mga hiram na salita.


Halimbawa, box, cat, coke, duty-free, exit, faux pas, fax, fike, jai
alai, jogging, mall, save, shabu, shop, stop, store, taxi, whisky,
x-rated.

│4
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

1.2 Sa pagbaybay ng mga salitang hiram na naglalaman ng alinman sa


11 tunog patinig sa Ingles, piliin ang pinakamalapit sa tunog at anyo ng
palabaybayang Filipino. Halimbawa, drayb (drive), geyt (gate),
istandardiseysiyon (standardization), layt (light).

1.3 Iwasan ang gitlapi kapag ginagamit na pandiwa ang mga hiram na
salita at hindi binago ang baybay. Inihihiwalay ng gitling ang panlapi sa
hiram na salita. Halimbawa, mag-delete, i-delete, nag-hot-oil, i-
salvage, mag-email-han. Ngunit kung hindi maiwasan ang gitlapi,
baybayin sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, dumelit, hinat-oyl,
sinalveyds, inimeyl.

Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita


• 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling
• 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino
• 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino
1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling
Ang paggamit ng walong (8) dagdag na letra sa mga salita at ekspresyong hinihiram
ay nababatay lamang sa mga sumusunod na kondisyon:
Pantanging ngalan
• Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
• Salitang hindi konsistent ang ispeling o malayo ang ispeling sa bigkas na kapag
binaybay ayon sa alfabetong Filipino ay hindi mabakas ang orihinal na
ispeling nito
• Salitang pang-agham at teknikal
• Simbolong pang-agham

│5
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

2001 Revisyon ng Alfabeto


• Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang
banyaga.
Halimbawa:
Hiram na Salita Filipino
attitude saloobin
rule tuntunin
ability kakayahan
wholesale pakyawan
west kanluran

• Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.


Halimbawa:
Hiram na Salita Filipino
hegemony gahum (Cebuano)
imagery haraya (Tagalog)
Muslim priest imam (Tausug)
Husband bana (Hiligaynon)
Stepson/stepdaughter manak ( “ )
Stepmother manding ( “ )
High tide taub ( “ )
Low tide hunas ( “ )
Horizon gintaipan ( “ )
Outer space dalauda ( “ )

│6
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

Iba pang salitang mula sa mga Wikang Ibanag, Ifugao, Kankanay, Ilokano at Ivatan:
Vugi itlog ng isda
Manaba unang pagpatak ng ulan
Bulding iisang mata ang nakakakita
Pukol iisang kamay ang nagagamit
Wawa-o panahon ng tutubi

Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at iba pang
wikang banyaga, at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Kastila Filipino
cheque tseke
liquido likido
quilates kilatis

Ingles Filipino
centripetal sentripetal
commercial komersyal
advertising advertayzing

Iba pang Wika Filipino


coup d’etat (French) kudeta
kimono (Japanese) kimono
blitzkrieg (German) blitskrig
• Gamitin ang mga letrang C, F, Ñ, J, Q, V, X, Z kapag ang salita ay hiniram nang
buo ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
Pantanging Ngalan
Tao: Quirino John
Lugar: Canada Valenzuela City

│7
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

Gusali: Ceñeza Bldg. State Condominium


Sasakyan: Qantas Airlines Doña Monserat
Pangyayari: First Quarter El Niño Storm
 Salitang Teknikal o Siyentifiko
Halimbawa:
cortex
enzyme
quartz
filament
Marxism
x-ray
zoom
joules
vertigo
infrared

• Salitang may natatanging kahulugang kultura.


Halimbawa:
cañao (Ifugao) →pagdiriwang
señora (Kastila) →ale
hadji (Maranao) →lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca
masjid (Maguindanao) →pook dalanginan, moske
vakul (Ivatan) →panakip sa ulo bilang pananggalang sa ulan
at init, yari sa palmera o dahon ng saging
ifun (Ibanag) →pinakamaliit na banak
azan (Tausog) →unang panawagan sa pagdarasal ng mga Muslim

│8
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

• Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na


hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Halimbawa:
bouquet
rendezvous
laissez-faire
champagne
plateau
monsieur
• Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit.
Halimbawa:
taxi; exit; fax
Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/
kapag binaybay sa Filipino ang mga salitang hiram.
Halimbawa:
fixer → fikser
subject → sabjek
vertical → vertikal
zipper → ziper
• Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.
Halimbawa:
cornice
cell
reflex
requiem
xenophobia
cataluña

│9
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

2009 GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO


A. Huwag manghiram. Hanapan ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto.
“rule” = “tuntúnin” hindi “rúl”
“narrative” = “salaysáy” hindi “náratív”
B. Huwag pa ring manghiram. Gamitin ang lokal na termino o ihanap ng katumbas
sa mga lokal na wika ang konsepto.
“tarsier” = “máomag”, “málmag” (Bol-anon)
“whale shark” = “butandíng” (Bikol)
C. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na
kalakaran:
1. Kung wikang Espanyol ang pinanghiraman, baybayin ang salita ayon sa
ABAKADA.
“cebollas” -> “sibúyas”
“socorro” -> “saklólo”
“psicología” -> “sikolohíya”

2. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghiraman,


panatilihin ang orihinal na anyo.
“mommy”
“sir”
“psychology” -> “psychology” hindi “saykólojí”

3. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi, panteknikal at


pang-agham.
Manuel Luis Quezon
Ilocos Norte
chlorophyll
sodium chloride

4. Baybayin alinsunod sa ABAKADA ang mga hiram na salita na na iba na ang


bigkas at/o kahulugan sa orihinal.
stand by -> “istámbay”
up here -> “apír”
hole in -> “hólen”

│10
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

D. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit.


“teléponó” hindi “teléfonó”
“pamílya” hindi “família” o “famílya”
“epektíbo” hindi “efektíbo” o “efektívo”
“kongréso” hindi “konggréso” pero ang bigkas ay [koŋ.' gre
.so]
E. Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa ABAKADA sa pagbaybay ng
mga hiram na salita. Ang istriktong ponetikong baybay ngmga hiram na salita,
laluna sa wikang Ingles, ay nakikipagkumpetensiya saorihinal na baybay.
Maaaring pagkamalan itong maling ispeling.
Halimbawa:
“palatunúgan” o “ponolohíya” hindi “fonólojí”
“úri ng wíkà” o “baráyti ng wíkà” hindi “varáyti ng wíkà”
“pasalaysáy” o “naratìbo” hindi “náratív”
F. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas.
“Repúbliká ng Pilipínas” hindi “Repúbliká ng Filipínas”
“aghám panlipúnan” hindi “sósyal-sáyans”

VIDEOLINKS

PAGBAYBAY | PASULAT AT PASALITA


https://www.youtube.com/watch?v=pTN9EjX8ius
TUNTUNIN SA PANGHIHIRAM AT BARAYTI NG WIKA
https://www.youtube.com/watch?v=17lPIfrtLlg
MGA SALITANG HIRAM
https://www.youtube.com/watch?v=5b-PS43O-xg

│11
MODULE PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

SANGGUNIAN
ONLINE
https://www.scribd.com/doc/69246639/Panghihiram-Ng-Salita
https://www.scribd.com/doc/2178983/PAGHIHIRAM-NG-MGA-SALITA
https://vdocuments.mx/panghihiram-ng-salita-55846115b100b.html

AKLAT
Garcia F. at Servillano M. Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Quezon City: Sibs
Publishing House, Inc.
Bernales R. et.al. Filipino sa Larangang Akademiko. Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc.
Constatino P. et.al. Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Manila: REX Book Store.

│12

You might also like