Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan: Rhea Mae L.

Pableo

Petsa ng Pagpasa: ika-28 ng Pebrero, 2020

Maglista ng limang (5) pangungusap na nagpapakita ng iyong pangkalahatang


nauunawaan ng Kabanata 5: Saan Ako Magsisimula?

1. Ang mahusay na pagtuturo ay nakasalig sa mga teorya at simulain sa pagtuturo at


pagkatuto.
2. Ang klasrum ay ang daigdig na ginagalawan ng guro.
3. Ang pagbuo ng desisyon ay mahalaga sa pagtuturo.
4. Ang epektibong pagtuturo ay nagaganap kung may nabuong epektibong desisyon ang
guro.
5. Ang huling pagpapasya sa pagtuturo ay nasa kamay ng guro.

1. Pag-isipan ang isnag ordinaryong araw sa iyong buhay. Magtala ng mga desisyon binuo
mo sa araw na ito mula sa mga alternatibong iyong isinaalang-alang halinbawa: anong
oras ng paggising, anong isusuot, anong agahan, anong oras ng pagpasok, sino ang
kakausapin, ano ang sasabihin, atb. Pagkatapos, alamin kung paano mo nabuo ang iyong
desisyon at ano ang iyong mga pinagbatayan sa mga binuong desisyon.

Desisyong Nabuo Paano mo nabuo ang iyong desisyon at ano ang


iyong mga pinagbatayan sa mga binuong
desisyon.
(Anong oras ng paggising?) Tiningnan ko ang orasan at saktong alas-5 na
Gumising ng alas-singko ng umaga ng umaga. Gumising ako ng alas-5 upang
maaga akong makatapos sa aking mga gawain
sa bahay at makapunta agad sa bukid. Sinabi
ng aking ama na dapat bago mag alas 7 ay
handa na ang lahat upang makaalis na kami
habang hindi pa lumabas ang araw. Nakarating
kami ng maaga sa bukid at marami kaming
natapos na gawain kaya nasabi kong
napakaproduktibo ng araw na iyon.
(Ano ang aking kakainin para sa agahan?) Ang mga gawain sa bukid ay nanganagilangan
Bukod sa almusal, kumain din ako ng itlog at ng lakas kaya kumain ako ng gulay at itlog.
uminom ng dalawang basong tubig May protina ang itlog at marami akong
nabasang artikulo tungkol nito na nagpapalakas
daw ng ating katawan. Uminom ako ng
dalawang basong tubig dahil malayo ang
aming lalakarin. Ang tubig ay napakahalaga
upang hindi mauhaw. Hindi ako nauhaw sa
aming paglalakbay at marami pa akong
enerhiya pagdating namin sa bukid.
(Ano ang isusuot?) Itim na damit ang karaniwan kong sinusuot
Nagsuot ng maitim na damit. kapag pumupunta sa bukid dahil alam kong
madudumihan ako. Nagsuot ako ng itim upang
madali lang labhan o matanggal ang mantsya at
putik na nakadikit. Ang itim na damit ay mas
madaling labhan kasi kaysa puti. Pag-uwi
namin ay nakapadumi ng damit ko pero hindi
ako nag-aalala dahil natanggal agad ang putik.
(Ano ang dadalhin?) Alam kong papawisan ako dahil marami
Nagdala ng sombrero, dyaket, panyo, damit, at kaming gagawin sa bukid tulad ng magdilig sa
tubig mga halaman, maglinis gamit ang bolo, mag-
igib ng tubig para pangdilig, at iba pa kaya
nagdala ako ng isa pang damit at panyo
pampunas. Inaasahan ko na mabibilad kami sa
araw kaya nagdala rin ako ng sombrero at
dyaket upang hindi masyadong maiinitan.
Naging tuloy-tuloy ang trabaho ko sapagkat
hindi ko masyadong naramdaman ang init at
hindi ako nag-alala na mapiwasan dahil may
dala akong damit.
(Ano ang unang gagawin pagdating sa Para sa akin, ang pinakamahirap ay ang
bukid?) pagpasya kung ano ang unang
Nag-igib ng tubig gagawin.Maraming dapat gawin sa bukid
ngunit ang inuna ko ay ang pag-igib ng tubig
dahil ito ang pinakamahalaga. Ang tubig ay
ginamit sa pagdilig ng halaman at paghugas ng
mga nakuhang gulay.
2. Balik-isipan ang isang klase sa Filipino ng kayo ay nasa elementarya. Bigyang diin ang
teknik/gawain na ipinagawa ng iyong guro s ainyo. Sa inyong palagay, bakit kaya ginawa
ng guro ang teknik o gawaing iyon.

Teknik/gawain na ipinagwa ng guro Rason ng paggamit ng guro nito


Ang aming guro ay pumili ng isang mag-aaral Sa palagay ko ay gusto ng aming guro na
na mangunguna para sa panalangin. Ang mag- matuto kaming manalangin gamit ang wikang
aaral ay dapat magsalita ng wikang Filipino. Filipino. Noong unang araw sa klase kasi ay
naobserbahan niya na marunong manalangin
ang mga bata ngunit sa wikang Ingles (Our
Father in heaven). Araw-araw ay pumipili siya
at nakita ko na unti-unti kaming gumaling sa
pagsasalita ng Filipino. Ang teknik na ito ay
ginawa ng aming guro upang masanay kami sa
pagsasalita ng wikang Filipino.
Bago nagsimula ang talakayan ay nagbasa Ang aming guro ay may nakahandang
kami ng mga pangungusap. pangungusap na nakasulat sa isang makapal na
papel. Araw-araw kaming nagbasa ng mga
simpleng pangungusap. Halimbawa: 1)Ang
bata ay sumasayaw, at 2) Si Ana at Ema ay
naglalaro. Sa palagay ko ay ginawa niya ang
gawaing ito upang matuto at masanay kami sa
mga simpleng salita. Higit sa lahat, ang gawain
ay naglalayon na makabuo kami ng sariling
pangungusap gamit ang mga salitang
natutuhan.
Ang gawain namin ay magbasa ng isang Bawat isa sa amin ay may aklat at binasa
maikling kwento. Binigyan kami ng aming namin nang tahimik ang maikling kwento. Sa
guro ng sapat na oras upang maunawaan ang palagay ko, ang gawaing ito ay naglalayon na
binasa. mapalawak ang aming bokabularyo o may
matutuhan kaming bagong salita. Ang
pagbabasa kasi ay isang mmagandang paraan
upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-
aaral sa wikang Filipino.
Hinati ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo Sa palagay ko, ang gawaing ito ay naglalayon
ay binigyan ng tatlong minuto para sa na maipahayag namin ang aming natutuhan sa
pagsasadula. Dapat ay naipakita naming ang binasang kwento gamit ang wikang Filipino at
aming natutuhan sa kwentong binasa. masanay sa pagsasalita. Gusto ng aming guro
na matuto kami at mahubog ang aming
kakayahan sa pagsasalita ng wikang Filipino
kaya naman sinabi niya na dapat bawat
miyembro ay may linya sa pagsasadula. Ang
ginamit namin ay mga simpleng salita lamang.
Ang gawain na binigay sa amin ay pagbubuod. Sa palagay ko, binigay ng aming guro ang
gawaing ito upang matuto at masanay sa
pagsusulat gamit ang wikang Filipino.
Naniniwala siguro siya na ang pagkatuto ay
isang aktibo na prosesong pangkaisipan kaya
naman tungkulin ng mga mag-aaral na mag-
isip at magsulat upang malinang din ang
kakayahan sa wika. Sa pagbubuod ay
nagagamit ang mga salitang natutuhan.

You might also like