Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

2 kawawang paslit, hindi na halos makilala dahil

sa matinding sinapit mula sa kamay ng kanilang


madrasta!

Nag-uumapaw ang luha at galit na galit ngayon ang


libo-libong netizens sa social media dahil sa viral
Facebook post ng isang lalaking nagngangalang
Michael Pobadora Rosario ng Quezon City tungkol
sa dalawang batang binubugbog di umano ng
kanilang madrasta o “stepmother”.
Ito ay matapos niyang ibahagi sa kaniyang post ang
mga litrato at mismong video ng dalawang paslit na
kalunos-lunos ang kalagayan.
Kitang-kita sa video ang dami ng sugat pati na rin
ang mga baling buto ng magkapatid. Ayon sa
kanilang pagsasalaysay, mula pa noong nagsimula
ang lockdown, Marso noong nakaraang taon ay
nagsimula na rin ang kanilang mapait na karanasan,
mula sa kanilang madrasta.

Ayon kay Michael, mabuti na lang at nakatakas ang


batang lalaki upang makapagsumbong sa kanilang
mga kamag-anak.
Habang tinatanong ang batang lalaki, sinabi niya na
ang mga sugat sa ulo ay bunga ng pagpalo sa kanila
ng batuta, ganun din ang mga pasa sa kaniyang braso
at binti. Ayon sa kaniya, ang mga ito ay nakuha sa
pagtatangka niyang salagin at pigilan na maihampas
ang batuta sa kaniyang ulo.
Bukod sa mga sugat at pasa na ito, ang kanilang
bibig na halos hindi na normal ang hitsura ay bunga
naman ng pagpalo ng bote direkta sa kanilang
bunganga.
Kapansin-pansin din ang mga namamagang tainga
ng mga bata, dahil din sa pagkakapalo ng batuta.
Isa pang ipinakita ni Michael ang mga daliri sa
dalawang kamay na halos hindi na maitiklop ng
maayos, dahil sa pinuwersa itong baliin ng nasabing
madrasta ng dalawang kaawa-awang mga paslit.
Kinalbo ni Michael ang mga bata upang mas
madaling makita at gamutin ang mga sugat sa ulo ng
mga ito.
Ibinahagi din sa naturang post ang larawan ng mga
bata noong sila ay nasa maayos na kalagayan pa.
Kasama din ang mga larawan ng madrastang
umalipusta sa mga bata na may pangalan sa
Facebook na Norma B. Truita (Darkmaron)

Sa kanyang pinakahuling Facebook post habang


isinusulat ito, ay nasabi ni Michael na mayroon pa
siyang kasunod na video na iuupload.
Hindi naman nabanggit o nasabi sa video maging sa
Facebook post ni Michael Pobadora Rosario kung
sino o nasaan ang tunay na magulang ng mga bata,
na dapat sana ay nangangalaga sa kanila ngayon.
Narito ang kaniyang Facebook post at ilang komento
ng mga netizens:
Sa video ay mangilang ulit na nabanggit ni Michael
ang pangalan ni idol Raffy upang manghingi ng
tulong maging sa mga komento ng mga netizens, na
lubos ang pag-aalala sa mga bata.
Patuloy ang paghiling ng nakararami ng agarang
pagtulong para sa kaligtasan ng dalawang bata na
tinatayang grabe ang trauma na pinagdadaanan
ngayon dahil sa kanilang naging karanasan.
Imahe mula Michael Pobadora Rosario | Facebook
Nawa’y mabilis itong makarating sa programa o sa
kinauukulang sangay ng gobyerno upang agad na
maaksyunan ang malagim na sinapit ng mga bata.

https://trendingnewsinnet.com/2021/02/08/2-
kawawang-paslit-hindi-na-halos-makilala-dahil-sa-
matinding-sinapit-mula-sa-kamay-ng-kanilang-
madrasta/

You might also like