A. Sa anong paraan makikita kung ang isang taong nagsasalita ay may
sapat na kalaaman sa kaniyang paksa?
Makikilala ang isang tao sa kanyang pamamaraan ng
pagsasalita. Dito mo masusukat ang personalidad, kaledad at istado ng taong kausap. Kadalasan ito’y pakikinig sa isang talumpati man, nanoood ng lektyur, nasa isang palihan at kumukuha ng impormasyon mula sa tagapagsalita, ating pinagmamasdan ang kakayahan ng mga taong inatasang magsalita sa madala halimbawa. Sa aking palagay, malalaman na ang nagsasalita ay may sapat na kaalaman kung siya ay: 1. Naiuugnay ang kanyang mga sinasabi sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan; 2. Gumagamit ng mga datos, sanggunian at resources sa kanyang talumpati o lektyur; 3. Mahusay na kinikilala ang kanyang pinagkunan na datos o sanggunian 4. May kalinawan sa pagbigkas at may kasanayan sa pagpapaliwanag ng paksa; 5. Hindi pauli-ulit at iniiwasan ang maliligoy na mga salita sa kanyang pagsasalita; 6. Nabibigyan niya ng pagkakataon ang kanyang kausap at audience na magbahagi ng sariling pananaw at opinion; 7. May tindig at tiwala sa sarili sa pagsagot ng mga katanungan.
B. Sa anong paraan mabibigyan ng importansya ng isang nagsasalita
ang kaniyang paksa?
Mahalagang nagpaghahandaan ang anumang talakayan at
paksang iniatas sa isang tagapagsalita. Subalit ang isang paksa ay hindi magiging epektibo sa kung ano man ang inaasahang kahihinatnan nito kung ang tagapagsalita ay hindi rin makikitaan ng pagpapahalaga sa kanyang paksa. Ang karanasan, mga dating kaalaman at ang kasalukuyang kalagayan ay hindi sapat para sabihin na nabibigyang importansya ang isang paksa. Kailangan ang:
1. Malawak na pagbabasa – dito nadaragdagan at nasasanay
ang pag-unawa at bokabulayong kasanayan na magagamit sa pagsasalita. Ang isang taong malimit magsalita ay madalas makikitaan ng kakulangan sa bokabularyo kung kayat, para sa kanya hindi rin magiging mahalaga ang kanyang pagsasalita. Subalit ang kasanayang pagbasa ay magdudulot ng kakayahang mag-isip at humusga upang magamit sa paraang pagsasalita.
2. Pagsasaliksik – ito ay isang paraan kung ang paksa ay may
katibayang pag-aaral, nailahad na kaugnay na literatura o kaya naman nagamit ng ibang tagapagsalita bilang paksa. Sa ganitong paraan, mas kapani-paniwala at magiging sandigan ang paksa kung ito ay mahusay na inorganisa sa ganitong pamamaraan.
3. Ibahagi – pakaisipin na ang paksa ay magbibigay ng
malaking pakinabang sa paglalanan nito. Mainam na paraan ng pagbibigay ng importansya ay ang pagbabahagi nito sa pamamaraang makakaya ng tagapagsalita. Magiging mabisa ito sa ano mang haring nais matamo ng tagapagsalita kasama ang uri ng paksa.