Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Uploaded:

Prof. Ricaflor Avila

Ang Pagsasalita

A. Sa anong paraan makikita kung ang isang taong nagsasalita ay may


sapat na kalaaman sa kaniyang paksa?

Makikilala ang isang tao sa kanyang pamamaraan ng


pagsasalita. Dito mo masusukat ang personalidad, kaledad at istado
ng taong kausap. Kadalasan ito’y pakikinig sa isang talumpati man,
nanoood ng lektyur, nasa isang palihan at kumukuha ng
impormasyon mula sa tagapagsalita, ating pinagmamasdan ang
kakayahan ng mga taong inatasang magsalita sa madala halimbawa.
Sa aking palagay, malalaman na ang nagsasalita ay may sapat na
kaalaman kung siya ay:
1. Naiuugnay ang kanyang mga sinasabi sa kasalukuyang
kalagayan ng lipunan;
2. Gumagamit ng mga datos, sanggunian at resources sa
kanyang talumpati o lektyur;
3. Mahusay na kinikilala ang kanyang pinagkunan na datos o
sanggunian
4. May kalinawan sa pagbigkas at may kasanayan sa
pagpapaliwanag ng paksa;
5. Hindi pauli-ulit at iniiwasan ang maliligoy na mga salita sa
kanyang pagsasalita;
6. Nabibigyan niya ng pagkakataon ang kanyang kausap at
audience na magbahagi ng sariling pananaw at opinion;
7. May tindig at tiwala sa sarili sa pagsagot ng mga
katanungan.

B. Sa anong paraan mabibigyan ng importansya ng isang nagsasalita


ang kaniyang paksa?

Mahalagang nagpaghahandaan ang anumang talakayan at


paksang iniatas sa isang tagapagsalita. Subalit ang isang paksa ay
hindi magiging epektibo sa kung ano man ang inaasahang
kahihinatnan nito kung ang tagapagsalita ay hindi rin makikitaan ng
pagpapahalaga sa kanyang paksa.
Ang karanasan, mga dating kaalaman at ang kasalukuyang
kalagayan ay hindi sapat para sabihin na nabibigyang importansya
ang isang paksa. Kailangan ang:

1. Malawak na pagbabasa – dito nadaragdagan at nasasanay


ang pag-unawa at bokabulayong kasanayan na magagamit
sa pagsasalita. Ang isang taong malimit magsalita ay
madalas makikitaan ng kakulangan sa bokabularyo kung
kayat, para sa kanya hindi rin magiging mahalaga ang
kanyang pagsasalita. Subalit ang kasanayang pagbasa ay
magdudulot ng kakayahang mag-isip at humusga upang
magamit sa paraang pagsasalita.

2. Pagsasaliksik – ito ay isang paraan kung ang paksa ay may


katibayang pag-aaral, nailahad na kaugnay na literatura o
kaya naman nagamit ng ibang tagapagsalita bilang paksa.
Sa ganitong paraan, mas kapani-paniwala at magiging
sandigan ang paksa kung ito ay mahusay na inorganisa sa
ganitong pamamaraan.

3. Ibahagi – pakaisipin na ang paksa ay magbibigay ng


malaking pakinabang sa paglalanan nito. Mainam na
paraan ng pagbibigay ng importansya ay ang pagbabahagi
nito sa pamamaraang makakaya ng tagapagsalita.
Magiging mabisa ito sa ano mang haring nais matamo ng
tagapagsalita kasama ang uri ng paksa.

You might also like