Professional Documents
Culture Documents
Edited Pagbasa Week 3
Edited Pagbasa Week 3
PAGBASA, Q1W3;SALVADOR, L. 1
Teksyong Persuweysib: Paano kita mahihikayat
Halimbawang Teksto:
"POKUS SA PAG-AARAL"
BY:PAUL ANUNSAON
PAGBASA, Q1W3;SALVADOR, L. 2
Pagod ka na ba sa pag- aaral? Susuko ka nalang ba ng ganyan kadali? Isipin mo
muna ang hirap at sakripisyong ginawa ng magulang mo para matustusan ang pag -aaral mo,
ang suporta nila sa iyo. Kanilang pagganyak para ikaw ay mag-aral. Sana'y pag-isip- isipan mo
ang kanilang sakripisyo huwag ang sarili ang unahin.
Ikaw, Oo ikaw. Alam mo bang mahirap na nga kayo, pinapahirapan mo pa ng sobra ang
magulang mo. Sana man lang mag-ayos ka sa pag- aaral mo. Iyan na nga lang ang maibibigay
mo sa iyong mga magulang sa ngayon, ang mapasaya sila. Marami ka namang mga
pagganyak gaya nang parating sinasabi ng magulang natin na, ayusin mo pag-aaral mo ha?
Para sa hinaharap hindi ka na mahihirapan sa buhay mo. Para sa hinaharap may pirmi ka na
trabaho at hindi ka na mahirapan pagdating ng panahon. Kaya simula ngayon huwag ninyong
aksayahin ang panahon na ikaw ay nakakapag-aral pa. Ikaw lang din naman makikinabang
kung ano matatapos mo sa pag-aaral."Keep that in mind".
Hinding hindi mo pagsisihan kung ikaw ay makapagtapos at magkaroon ng magandang
trabaho para sa pamilya mo at sa susunod na pamilya mo, ‘yung sa iyo na talaga.
PAGBASA, Q1W3;SALVADOR, L. 3
Paksa: Pagpapatupad ng Programang K-12 bilang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Pabor sa K-12
Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tanging
bansa sa Asya na 10 taon lamang ang taon ng pag-aaral ng Basic Education. Magkakaroon ng
pagkakataon ang mahihirap na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang
magtrabaho matapos sumailalim sa K-12 kung sakaling wala na silang pera upang tumuloy sa
pag-aaral. At kahit pa hindi sila nakapag-aral ng kolehiyo, magagawaran pa rin sila ng sertipiko
ng kuwalipikasyon upang makahanap ng trabaho na kikilalanin maging sa ibang bansa.
Sa mga bagay na naoobserbahan natin sa ating paligid, sa mga napapanuod natin sa iba’t
ibang uri ng media, maging sa mga taong nakasasalamuha natin, palagian tayong may
reaksiyon. Hindi ba? Kaugalian na siguro natin na punain o pansinin ang mga bagay bagay sa
ating paligid kung kaya’t minsan ay nagiging paksa pa ito ng ating status sa mga social
networking site, o kaya naman ay naibabahagi natin sa ating mga kapamilya, kaibigan at
kakilala. Mahalagang magkaroon ng kabatiran kung paano nga ba isusulat ang mga reaksiyong
ito bilang pamamaraan ng ating maayos na pagpapahayag.
Iba’t iba ang kadahilanan kung bakit tayo nagsusulat. Maaring bilang personal na reaksiyon
o ekspresyon at pagbibigay na rin ng kahulugan ukol sa isang paksa. Sa ganitong aspeto,
nagsisimula tayo sa pamamagitan ng isang personal na pagsasalaysay at ang tono ng salaysay
ay nasa unang panauhan. Ang pangunahing bida rito ay ang salitang “Ako” o ang mismong
nagsasalaysay. Ang mga sariling karanasan na inilalahad ng mga mag-aaral ay nakatutulong
upang mas madaling maibigay ang kahulugan ng paksang nais ipabatid.
Maaari din namang magsulat bilang reaksiyon bunga ng mga kaalaman natin sa iba’t ibang
kaalaman, gawi at tradisyon. Sa puntong ito, mainam na makilala ang salik na pinagmumulan
ng manunulat kung saang institusyon siya nabibilang halimbawa, upang maunawaan natin ang
kaniyang mga nabuong pakikilahok o pagsang-ayon.
Upang mas maunawaan ang pagsulat ng reaksiyong papel narito ang ilang bahagi nito.
PAGBASA, Q1W3;SALVADOR, L. 4
1. Panimula- isinasagawa rito ang pagpapakilala ng paksa. Introduksiyon ito at pinupukaw
ang interes ng mga mambabasa. Marapat na pagbutihin ang pagkakasulat nito upang
mahikayat ang mga mambabasa na magpatuloy sa pagbabasa hanggang wakas.
Karaniwan nang nagsisimula ito sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa.
Ang huling pangungusap sa panimula ay ang tesis na pahayag ng pangunahing ideya.
Inilalahad din dito ang pananaw ng may akda.
2. Katawan- isinasaad dito ang nilalaman ng teksto kung saan pinagsasama-sama ang
mga kaisipang magkakasing-uri at isinasaayos ang mga kaisipan sa isang
makatuwirang pagkakasunod-sunod. Ang bawat talata ay may sariling simula, gitna at
wakas upang makabuo ng mas malawak na kabuuan.
3. Wakas- ito ang pinakabuod o konklusyon ng teksto. Depende ang haba nito sa haba ng
buong teksto. Maituturing na konklusyon ang wakas kung nakapaghain ka ng mga
katibayan at pangangatuwiran sa iyong sulatin.
Narito din ang ilang gabay sa pagsulat ng reaksiyong papel na makatutulong sa iyo para sa
nakahandang gawain.
Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng tekstong Persuweysib at sagutin ang mga
kaugnay na tanong. (3 puntos bawat bilang)
Pamantayan ng pagmamarka:
Kaayusan at kalinawan ng paglalahad- 2
Katumpakan ng mga sagot- 1
PAGBASA, Q1W3;SALVADOR, L. 5
pagkaguilty sa iba't ibang bagay; (6) Nagkakaroon ng kahirapan sa pagdedesisyon; (7) palaging
nag-iisip ng kamatayan o pagpapatiwakal.
Nararapat tingnan ang mga nabanggit na palatandaan upang makaiwas na magkasakit ang
taong nasa yugto ng depresyon. May tinatawag na elemento ng biochemistry kung saan ang
isang tao ay kinukulang ng serotonin at norepinephrine na nagtutulak sa isang tao na
makaramdam ng takot, pagiging magagalitn at fatigue. Kasama rin sa konsiderasyon ang mga
elementong nakukuha natn sa ating paligid. Ito ay tumutukoy sa mga taong laging nagkakaroon
ng engkwentro, nakararanas ng pang-aabuso gayundin ang kahirapan. Ang huli ay ang mga
taong may mababang pagtingin sa sarili at kulang sa pagtitiwala sa kanilang kakayahan. Lahat
ng ito ay makapagdudulot ng depresyon.
Dahil sa lumalaganap na pagdami ng kaso ng mga indibidwal na nakararanas ng depresyon
partikular sa mga kabataan, patuloy ang panghihikayat ng mga espesyalista na tulungan ng
mga magulang, guro at iba pa na may kakilalang sumasailalim sa matinding depresyon ang
mga kabataan na malunasan ang ganitong klase ng mental disorder. Narito ang ilan sa mga
dapat gawin kung ang iyong anak, kaibigan o kakilala ay nakararanas ng depresyon; (1)
Ipaalam mo sa kanya na handa kang tumulong sa kanyang sitwasyon, ikaw mismo ang mag-
alok ng tulong kung sakali man na nahihiya siyang maglabas ng kanyang saloobin; (2) Kung
hindi pa siya handang makipag-usap sayo at magbahagi ng kanyang nararamdaman hayaan
mo muna siya, ngunit ipaunawa mo pa rin sa kanya na kapag handa na siya ay bukas ka sa
pakikinig at pagtulong sa kanya; (3) Kung siya ay handa at panatag na sa iyo, maglaan ka ng
atensyon na para lamang sa kanya at makinig ka sa kahit na anomang sasabihin niya. Huwag
na huwag mo rin siyang pagagalitan, pagtataasan ng boses at sesermonan sapagkat maaari
itong makasira sa usapan ninyong dalawa, maaari itong makasagabal sa layunin mong
tulungan siya; (4) Intindihin mo ang mga saloobin at emosyon na ipinapahayag niya sa iyo,
gaano man ito kababaw, sapagkat kung ipagsasawalang-bahala mo lamang ang mga iyon ay
iisipin niyang hindi lubos ang iyong pagtulong.
Ang mga inilahad na mga pamamaraan ay makatutulong ng malaki para sa mga kabataan o
sinomang nakararanas ng depresyon upang hindi na nila isipin pa na magpakamatay. Kung
susuriin natin ang mga pag-aaral kaugnay ng depresyon, mayroon namang mga naging
matagumpay na nagamot ito. Nararapat nga lamang na lapatan ito agad ng wastong mga
kaparaanan at tamang proseso. Ang mga mahal sa buhay at kaibigan ng taong nakararanas
nito ay nararapat na agarang tumugon sa pamamagitan ng pagpapayo na konsulthin agad ang
isang psychiatrist sa lalong madaling panahon upang hindi na dumami pa ang bilang ng mga
nagpapatiwakal na mga indibidwal. Kailangan lamang nating makinig, magpahalaga at
tumulong sa mga taong nakararanas ng depresyon.
A.Pumili ng papanigang pangkat at sagutin ang tanong na nasa loob ng kahon gamit ang
discussion web. Talakayin ang sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangangatwiran o
ebidensiya tungkol sa isyung pinag-uusapan sa pamamagitan ng pagsaliksik sa iba’t ibang
teksto ukol sa hinihinging paksa. Huwag kalimutang ilagay ang mga sangguniang pinagkuhanan
ng impormasyon.
Pamantayan ng Pagmamarka:
Maayos at malinaw na pangangatwiran - 5
Matalas ang paraan ng argumentasyon
At gumamit ng mahahalagang ebidensya - 3
Sumunod sa mga panuntunan ng maayos
Na pagbibigay ng argumentasyon - 2
Opo Hindi po
Nakaaapekto ba ang
paggamit ng social media
sa mga kabataang
nakararanas ng depresyon
na nagiging sanhi ng
kanilang pagpapatiwakal
upang takasan ang mga
surilaraning kanilang
kinahaharap?
PAGBASA, Q1W3;SALVADOR, L. 7
B. Sa gawaing ito, tatayahin ang iyong kakayahan sa pagbasa sa pamamagitan ng pagbibigay
ng reaksyong papel mula sa tekstong ISYUNG PANLIPUNAN: "Kahirapan sa Pilipinas,
Kailangan nang wakasan". Sumulat ng reaksyong papel baatay sa binasang teksto ayon sa
katangian at kabuluhan nito sa pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Pamantayan ng pagmamarka:
Malinaw na paglalahad -10
Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya -5
Sumunod sa mga panuntunan ng maayos na pagsulat - 5
ng reaksyong papel
____________________________________________________________________________

PAGBASA, Q1W3;SALVADOR, L. 8
Pamantayan ng Pagmamarka:
Malinaw na paglalahad -5
Organisasyon -5
Paksa ng usapin:______________________________________________________________

__________________________________________________________________________
Paano nabago ng SLP na ito ang iyong isipan sa mga kasalukuyang issue sa ating
bansa?
_____________________________________________________________________

_______________________________________________________________
PAGBASA, Q1W3;SALVADOR, L. 9
Maria, Ina ng Mabuting Pastol, ipanalangin Mo kami.
Hesus, Ikaw ang aking Panginoon, ang kasiyahan ko ay nasa sa Iyo lamang.
Bandril. L. T., et.al, 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
Vibal Group, Inc., Quezon City.
De Laza, C. S., et.al, 2016.Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
Rex Book Store, Inc., Quezon City.
Marquez, S. T., et.al, 2002. Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik.
Sibs Publishing House, INC. Quezon City.
Millls, S. & Mullany, Ll. (2011). Language and Gender Feminism: Theory, Methodology and
Practice. London: Routledge.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________ ___________________
Signature of Student Signature of Parents
1
PAGBASA, Q1W3;SALVADOR, L.
0