Alamin Natin

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Alamin Natin

Mga Inaasahang Matutuhan


Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. maipaliwanag ang teoryang realismo sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan;
2. matukoy ang mga karaniwang pokus o pinap[aksa ng teoryang realism;
3. mapaghambing ang mga iba’t ibang pangkat ng pagsusuring realism sa panitikan;
4. masuri ang pelikulang Dekada ’70.

Alamin 2- Realismo

Realismo
• Ang teorang ito ay nagpapahayag ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng
buhay na karaniwang tumatalakay sa katotohanan sa lipunan.
• Ito ay isang paglalarawan sa doktrinang nakabatay sa makatotohanan at wastong
paglalarawan ng lipunan at buhay. (Mercure Francais Du XIX siecle,1826)
• Sinisikap na ipakita ng teoryang ito ang buhay ng mga panggitna at mababang uri ng
tao,ng mga pangkaraniwan,ng mga di- kagila-gilalas ng mga mapagkumbaba at mga
hindi nakikita.
• Madalas din itong nakapokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng
mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o
teksto sa lipunan.
• Ipinaglalaban ng teoryang realism ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang
tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa
paksangsosyo-pulitikal,Kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
• Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng
kurapsyon, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kahirapan,
prostitusyon, kawalan ng katarungan at diskriminasyon.

• Mga Pangkat ng Pagsusuring Realismo sa Panitikan


➢ Pinong(Gentle)Realismo. to ay may pagtimping inilalahad ang kadalisayan ng
bagay-bagay at iwinawaksi nito ang anumang pagmamalabis at
kahindikhindik.
➢ Sentimental na Realismo. Ito ay mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa
damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw na suliranin.
➢ Sikolohikal na Realismo. Ito ay naglalarawan ng internal na buhay ng tao sa
pagkilos.

5
➢ Kritikal na Realismo. Ito ay naglalarawan ng mga gawain ng isang lipunang
burgis upang maipamalas ang mga aspetong may kapangitan at panlulupig
nito.
➢ Sosyalistang Realismo. Ito ay gumagabay sa teoryang Marxismo sa
paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaring magbago tungo sa pagtatayo
ng lipunang pinamumunuan ng mga anak-pawis.
➢ Mahiwaganag(Magic) Realismo. Ito ay nagsasanib ng panatasya at
katotohanan nang may kamatayan.
• Auguste Comte. Ama ng Sosyolohiya
• Sa pagsusuri ng isang akda o pelikula gamit ang realismo, maaaring gamiting
patnubay ang mga sumusunod na katanungan:
✓ Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay?
✓ Matapat bai to o subersibo sa realidad?
✓ Paano nito “hinubog” o “minolde” o “iprinisenta” ang realidad?
✓ Kapani-paniwala ba ang mga karakter at pangyayari ?
✓ Gaano katotoo ang nirereprodyus na imahe sa kamera? Realistiko o
makatotohanan ba ang pagsalamin o inilalarawan sa realidad?

You might also like